LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council

LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council

Share

The Official page of LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council (College Department)

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 19/02/2026

๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฐ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† | ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ ๐—•๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ

๐˜ฝ๐™ž๐™™๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ, ๐™—๐™ž๐™™๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™๐™–๐™ฃ!

Mas naging espesyal ang ikaapat at huling araw ng School Fair Bazaar bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Leon G. Memorial College Inc.. Lalong nag-level up ang good vibes sa pagdating ng crowd favorite na si Jollibee, na naghatid ng saya, kilig, at unforgettable moments sa buong kampus.

Makikita sa bawat kuha ang all-out na energy ng mga LGMCians โ€” mula sa masiglang palaro hanggang sa meet-and-greet na talaga namang kinagiliwan ng lahat. Isang very happy at very memorable na pagtatapos para sa ating School Fair Bazaar!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa apat na araw na selebrasyon.

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 18/02/2026

DAY 3 | School Fair Bazaar

Mas lalo pang naging masigla ang ikatlong araw ng School Fair Bazaar bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Leon G. Memorial College Inc.

Muling napuno ng enerhiya ang buong kampus sa pakikiisa ng mga mag-aaral, g**o, at mga bisita na masayang sumubok sa ibaโ€™t ibang laro at gawain na inihanda para sa lahat.

Makikita sa bawat kuha ang tawanan, samahan, at masasayang alaala na nabuo sa buong araw โ€” patunay ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad ng LGMCi. Tunay na naging makabuluhan ang bawat sandali ng selebrasyon.

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 17/02/2026

"DAY 2 | School Fair Bazaar"

Puno ng saya at sigawan ang ikalawang araw ng School Fair Bazaar na bahagi ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Leon G. Memorial College Inc.. Naging tampok ang ibaโ€™t ibang palaro at aktibidad na nagbigay pagkakataon sa mga mag-aaral at bisita na mag-enjoy, makihalubilo, at lumikha ng masasayang alaala kasama ang kanilang mga kaibigan at kaklase.

Sa bawat larawan ay makikita ang aktibong pakikilahok at pagkakaisa ng komunidad โ€” mula sa tawanan hanggang sa masiglang pagsubok sa bawat hamon ng mga laro. Ang ikalawang araw ay tunay na naging makulay na bahagi ng selebrasyon.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Patuloy nating ipagdiwang ang samahan at saya sa mga susunod pang araw ng School Fair Bazaar!

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 16/02/2026

"DAY 1 | School Fair Bazaar"

Matagumpay nang nasimulan ang unang araw ng School Fair Bazaar โ€” bilang bahagi ng ika-limangput limang taong Anibersaryo ng Leon Guinto Memorial College Inc.

Narito ang ilang kuhang larawan sa mga istudyante at bisitang masigasig na sumubok sa bawat larong aming inihanda โ€” na nagbigay ng tawanan, sigawan at kasiyahan.

Kaya maraming salamat sa lahat ng nakiisa't nakisaya sa unang araw ng School Fair Bazaar, magkita-kita tayong muli bukas at sa mga susunod pang araw โ€” mas marami pang saya, sorpresa, at alaala ang naghihintay sa bawat isa!

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 15/02/2026

"Step Right Up to the SDRRMC CARNIVAL BOOTH"โœจ๐ŸŽช

Hali na't makiisa sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—œ๐—ป๐—ฐ. โ€” ang ika-limampu't limang taong pagkatatag.

Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, naghanda ang organisasyong School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) ng limang masasayang Carnival games na maaaring makapag uwi ng samu''t saring premyo.

Maaaring matagpuan ang aming lokasyon sa Main Building, 3rd floor Room 301. ๐Ÿ“

Isama na ang inyong mga kaibigan at kaklase at damhin ang makulay at masiglang selebrasyon. Subukan ang inyong galing at swerte habang nakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng ating paaralan.

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 05/02/2026

Nakibahagi ang LGMCi School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) sa pagdiriwang ng ika-418 pagkakatatag ng bayan ng Atimonan na ginanap noong Pebrero 4,
2026. Kasama ang mga piling mag-aaral mula sa Basic Education School at Higher Education Department, ipinakita ng LGMCians ang sigla, pakikiisa, at malasakit sa komunidad sa ibaโ€™t ibang gawain ng selebrasyon.

Itinampok ng LGMCi SDRRMC Medic Team sa kanilang partisipasyon ang kahalagahan ng kahandaan, kaligtasan, at pakikipagtulunganโ€”mga halagang isinusulong ng LGMCi SDRRMC sa bawat aktibidad ng paaralan at komunidad. Ang Atimonan Day ay hindi lamang pagdiriwang ng kultura at kasaysayan, kundi paalala na ang kaligtasan at malasakit ay sama-samang responsibilidad.

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 13/01/2026

Sa nagdaang Palarong Pambayan ng Atimonan, hindi lamang paligsahan ang naging pangunahing bahagi ng selebrasyon kundi pati ang pagkakaisa, malasakit, at kahandaan ng komunidad. Ipinakita ang pagtutulungan ng ibaโ€™t ibang grupo upang masig**ong ligtas ang bawat kalahok at manonood sa buong aktibidad, sa pangunguna ng LGMCi School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) kaagapay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa oras ng emerhensiya at kalamidad.

Sa tulong ng Medical Team, Volunteers, at Response Team, higit pang napagtibay ang kahalagahan ng maagap na pagtugon at tamang kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas. Sa bawat laro at bawat pagtulong, malinaw na naipamalas ang disiplina, malasakit, at pagkakaisa ng mga LGMCians, na patunay ng aktibong pakikilahok ng paaralan sa mga gawaing nagtataguyod ng kaligtasan at bayanihan.

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 13/01/2026

Isinagawa ang Basic Life Support at Standard First Aid Training na pinangunahan ng LGMCi School Disaster Risk Reduction and Management Council noong nakaraang Ika-29, 30 at 31 ng Oktubre 2025. Ipinakita nila ang aktibong pakikilahok at interes sa pagkatuto ng tamang first aid at iba pang mahahalagang kaalaman sa pagtugon sa emerhensiya.

Ito ay aktibong dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Junior High School, Senior High School at College Department na nagnais maging parte ng Medical Team para sa nagdaang Culture, Arts and Sports Festival 2025 ng Leon Guinto Memorial College Inc.

Itinampok sa pagsasanay ang kahalagahan ng pagiging handa at maalam sa tamang proseso ng pagtugon. Ang mga kaalamang ito ay magagamit hindi lamang sa paaralan kundi pati sa komunidad.

Sa aktwal na mga gawain, natutunan ng mga kalahok ang tiwala sa sarili at pakikipagtulungan.

09/01/2026

๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ | Behind the Scenes of Safety: The Silent Guardians of LGMCI

The School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) stands as one of the schoolโ€™s most reliable partners in ensuring the safety and well-being of everyone within the campus. During CAS 2025, the council played a significant and commendable role by providing unwavering support throughout the event. Their presence was not only reassuring but also essential in maintaining order, preparedness, and immediate response during critical situations.

Under the leadership of their Officer-in-Charge and dedicated members, the SDRRMC actively assisted student participants by closely monitoring their condition to ensure their safety at all times. They remained vigilant and responsive, ready to address any concerns or unforeseen incidents that required immediate attention. Through their proactive efforts, potential risks were promptly managed and prevented from escalating into serious problems.

Moreover, the council served as the designated medical response team during the event. They stood by as medics, prepared to administer first aid and provide emergency assistance to performers, athletes, and other participants whenever necessary. Their dedication, professionalism, and readiness to act exemplified their strong commitment to protecting lives and promoting a secure environment.

Through their invaluable contribution during CAS 2025, the SDRRMC demonstrated that safety is a shared responsibility and a top priority. Their efforts not only ensured the smooth and successful conduct of the event but also reinforced the importance of preparedness, teamwork, and compassion in fostering a safe and resilient school community.

โœ๐Ÿป | Erica Pernia
๐ŸŽจ | Daniel Ursal

Photos from LGMCi - School Disaster Risk Reduction and Management Council's post 09/01/2026

Nakilahok ang LGMCi School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) sa 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill and bilang bahagi ng paghahanda ng paaralan sa posibleng sakuna.

Layunin ng aktibidad na sanayin ang mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sakaling may nagaganap na lindol, mula sa duck, cover, and hold hanggang sa maayos na paglikas patungo sa mga itinalagang ligtas na lugar. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, napapaalalahanan ang lahat na ang kaligtasan ay nagsisimula sa pagiging handa.

09/11/2025

STORM SURGE WARNING #09
Tropical Cyclone
Issued at 8:00PM, Sunday, 09 November 2025

MAY MATAAS NA PANGANIB SA BUHAY NA STORM SURGE ang posibleng maranasan sa loob ng susunod na 48 oras. Maaaring magkaroon ng pagtaas ng tubig-dagat kasabay ng malalakas na alon na maaaring magdulot ng pagbaha o pag-apaw ng tubig-dagat sa mabababang baybaying lugar sa mga sumusunod na lalawigan/munisipalidad:

TINATAYANG TAAS NG STORM SURGE: LAGPAS TATLONG (3) METRO

โ€ขQUEZON
AGDANGAN, ALABAT, ATIMONAN, BUENAVISTA, BURDEOS, CALAUAG, CATANAUAN, GENERAL LUNA, GENERAL NAKAR, GUINAYANGAN, GUMACA, INFANTA, JOMALIG, LOPEZ, LUCENA CITY, MACALELON, MAUBAN, MULANAY, PADRE BURGOS, PAGBILAO, PANUKULAN, PATNANUNGAN, PEREZ, PITOGO, PLARIDEL, POLILLO, QUEZON, REAL, SAN ANDRES, SAN FRANCISCO(AURORA),SAN NARCISO, SARIAYA, TAGKAWAYAN, UNISAN

MGA INIREREKOMENDANG GAWAIN:

โ€ขLumayo sa baybayin o dalampasigan
โ€ขKanselahin ang lahat ng gawaing pandagat
โ€ขLumipat sa mas mataas na lugar na malayo sa baybayin at sa mga lugar na maaaring bahain ng storm surge
โ€ขMaging alerto at sundin ang mga pinakabagong update mula sa DOST-PAGASA

Pinapayuhan ang publiko at ang mga kinauukulang tanggapan ng disaster risk reduction and management na magsagawa ng mga angkop na hakbang at pag-iingat, at magbantay para sa susunod na impormasyon ukol sa storm surge na ilalabas sa ganap na alas-2:00 ng madaling araw bukas.

Source: DOST-PAGASA https://www.pagasa.dost.gov.ph/tropical-cyclone/forecast-storm-surge

Want your school to be the top-listed School/college in Atimonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


M. Manila Street Zone II Poblacion
Atimonan
4331