Notes.pad
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Notes.pad, Digital creator, patnongon, Antique.
15/04/2026
SIKAT NA PERSONALIDAD NA UMIYAK SA HARAP NG CAMERA
Hindi lamang mga artista ang umiiyak sa mga eksena sa pelikula kundi pati na rin ang mga politiko at kilalang personalidad.
Kahit madalas sabihin na "bawal" o tanda ng kahinaan, ang pag-iyak ng lalaki ay manipestasyon ng kanilang emosyon, lakas, at pagiging tao.
Kilala mo ba sila?
Signs na pangit ugali ng relatives mo?
14/04/2026
NASA ₱429 BILYON NA PONDO, KAKAILANGANIN NG PAMAHALAAN SAKALING UMABOT HANGGANG DISYEMBRE ANG TENSYON SA MIDDLE EAST
Tinatayang ₱429 bilyon ang kakailanganin ng pamahalaan para sa mga hakbangin sakaling tumagal hanggang Disyembre ang tensyon sa Middle East.
Ayon sa pagdinig ng Senate PROTECT Committee, kasalukuyang tinutukoy ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang paghuhugutan ng pondo para sa pagtugon sa epekto ng gulo sa rehiyon.
14/04/2026
NAUNA PANG ILABAS ANG WARRANT NI KIKO BARZAGA KAYSA SA KAWATAN NA MGA CONGRESSMAN
Kinuwestyon ni dating PACC Chairman Greco Belgica si Pangulong B**gbong Marcos Jr. kung bakit nauna pang ilabas ang warrant ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga kaysa sa mga kawatan daw na Congressman na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
"Mr. President, bakit nauna pang ilabas ang warrant ni Kiko Barzaga kesa sa makasuhan man lang at mahuli ang mga kawatan na Congressman na nag nakaw sa flood control scam."
Dagdag pa ni Belgica, "Ang kasalanan lang nito ay nang asar sa facebook at inexpose ang kalokohan ng Kongreso. Hindi ito nagnakaw. Mali ang pinahuhuli ninyo. Ang kasuhan at hulihin nyo, yung mga kawatan, hindi yung nagpoprotesta dahil sa nakawan."
Una nang napabalita na sumuko si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa Dasmariñas Component City Police Station noong, April 13, 2026, kaugnay ng kinakaharap niyang walong bilang (8 counts) ng cyber libel.
14/04/2026
MAYOR BASTE DUTERTE WILL RUN FOR PRESIDENT IN 2028?
Kinumpirma ni dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor na tatakbo si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa pagkapangulo sa 2028 kung mahahatulan ng impeachment court ng Senado si Bise Presidente Sara Duterte at madidiskwalipika sa pagtakbo sa anumang posisyon sa eleksyon.
Sa isang panayam sa "Politiko Nightly" ng Bilyonaryo News Channel noong Lunes ng gabi, tinanong si Defensor tungkol sa potensyal na pagtakbo ng alkalde sa pagkapangulo matapos sabihin ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na si Sebastian ang "Plan B" ng kampo ni Duterte para sa kanyang kapatid.
“Hindi na kailangang hulaan yun. Talagang si Mayor Baste ay nandyan, kasama namin. Kung kanilang aalisin si VP Inday Sara ay kakandidato ‘to. Ikakandidato namin ‘to,” sabi ni Defensor.
“Kung titignan nyo naman, malinaw may tindig ‘to, may pananalita at may paninindigan,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Defensor na patuloy na tututulan ng kanilang grupo ang kasong impeachment laban sa Bise Presidente, at muling iginiit na walang konkretong ebidensya laban sa kanya.
“Kung… ang paniwala nila matatanggal nila ang isang Duterte sa laban, nagkakamali sila,” sabi ni Defensor.
“Dahil mayroong Baste Duterte na maaaring tumindig para sa pamilya at para sa sambayanan,” saad niya.
14/04/2026
BBM FAMOUS ROUTINE EXERCISE?
Ipinakita ni Pangulong Ferdinand "B**gbong" Marcos Jr. ang kanyang mga routine exercises upang mapanatili ang malakas na pangangatawan.
Ayon sa kanya, nagbubuhat siya ng barbel, nag-jogging sa loob ng Malacañang at nag-jumping jack sa harap ng press.
14/04/2026
BABALIK SA NORMAL ANG PAMUMUHAY KUNG SI VP SARA ANG MAGIGING PRESIDENTE
Ito ang panawagan ni Senator B**g Go sa Grand Launching of the Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition na ginanap sa Club Filipino, San Juan City.
Binigyang-diin ni Senator B**g Go ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pamumuno ng PDP. Nanawagan siya sa mga miyembro na magkaisa at magtulungan upang paghandaan ang 2028 elections, na naglalayong ibalik ang lakas ng partido tulad noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Importante yun dahil hirap kami sa Senado. Kami nga ni Senator Robin, kumbaga dalawang number one na senador, tinatawag namin ang mga sarili namin na mga basang sisiw, nandoon lang kami sa likod,” saad ni Go sa founding event ng RAGE Coalition nitong Linggo, April 12, 2026.
13/04/2026
Kita mo rin ba? Kaya pala ganon nalang yung comment… See more
13/04/2026
Trillanes sinabing maghahain ng bagong impeachment complaint kay VP Sara sa 2026. Ipapakita umano ni … See more
13/04/2026
TITO SOTTO, HINDI KINUKUHA ANG SAHOD NIYA BILANG SENADOR
Kinumpirma ni dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III na boluntaryo niyang hindi kinukuha ang kanyang sahod bilang senador mula Hulyo 1 bilang bahagi ng kanyang paninindigan sa serbisyo publiko.
Nakapokus ito sa layuning ilaan ang benepisyo sa mga programang makakatulong sa mamamayan, at nilinaw na personal na desisyon ito na hindi lumalabag sa mga patakaran ng Senado
13/04/2026
PILIPINAS MAS UMUUNLAD NA NGAYON KUMPARA NOONG DUTERTE ADMINISTRATION - USEC. CASTRO
Ipinahayag ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na mas maunlad ang Pilipinas sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa ulat, binigyang-diin niya ang pag-unlad sa ekonomiya at pamahalaan, bagama't walang detalyadong batayan na ibinigay, bilang bahagi ng patuloy na paghahambing sa nakalipas na pamamahala.
12/04/2026
Inihayag ng beteranong kolumnista at broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo ang kanyang suporta sa ideya na italaga si Senate President Tito Sotto bilang pansamantalang pi… See more
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Patnongon
Antique
5702