SVES SPTA

SVES SPTA

Share

The formation and operation of the SPTA are guided by DepEd's "Omnibus Guidelines on the Regulation of Operations for Parent-Teacher Associations".

DepEd ORDER 013,s. 2022

A primary goal of the SPTA is to promote the well-being and success of students.

10/03/2026
Photos from DepEd Tayo Blue Rizal -San Vicente Elementary School's post 09/03/2026

💜 SVES SPTA Supports National Women’s Month 2026 💜

Kaisa ang SVES SPTA sa pagdiriwang ng National Women’s Month bilang pagpupugay sa lakas, sipag, at dedikasyon ng bawat kababaihan—lalo na sa mga ina, g**o, at kababaihan sa ating komunidad na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating mga mag-aaral.

Patuloy nating ipagdiwang ang kakayahan at mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng mas magandang kinabukasan. 💜

Happy Women’s Month!

Photos from DepEd Tayo Blue Rizal -San Vicente Elementary School's post 08/03/2026
07/03/2026

Ngayong Fire Prevention Month, kaisa tayo ng Bureau of Fire Protection in ensuring that every household and establishment around Rizal are fire-safe. 🔥🧯

Paalala na ang sunog ay walang pinipiling oras o lugar. Kaya mas mabuting laging handa, laging alerto, at may sapat na kaalaman. Dahil sa pag-iingat, buhay at ari-arian ang maliligtas.

Photos from Angono Public Information Office's post 06/03/2026
Photos from SVES SPTA's post 05/03/2026

📢 Acknowledgment of Support – SVES SPTA 💙

Buong pasasalamat na kinikilala ng SVES SPTA ang Barangay San Vicente, sa pangunguna ni Hon. Erugenio D. Mira (Punong Barangay) at kay Hon. Maribel M. Perez (Chairperson – Committee on Education), sa pagbibigay ng tseke bilang kontribusyon para sa PTA Membership Fee ng mga Barangay Scholars ng San Vicente Elementary School.

Ang halagang ito ay idaragdag sa pondo para sa pagbili ng karagdagang industrial fan na gagamitin sa Graduation at Recognition Event ng paaralan ngayong Marso, upang maging mas maayos at komportable ang pagdaraos ng ating mga programa.

Noong nakaraang taon (S.Y. 2024–2025), nakabili na ang SVES SPTA ng apat (4) na industrial fan, at ngayong taon ay magdadagdag pa muli upang magkaroon ng sariling kagamitan ang paaralan at hindi na manghiram o magrenta sa mga susunod na gawain.

Ang ganitong pakikiisa at bayanihan mula sa ating barangay at komunidad ay malaking tulong sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

💙 Maraming salamat po, Hon. Erugenio D. Mira at Hon. Maribel M. Perez, at sa buong Barangay San Vicente, sa inyong patuloy na suporta sa ating paaralan at sa kinabukasan ng kabataan. 📚

Photos from SVES SPTA's post 04/03/2026

📢 UPDATE | SVES SPTA 📢

Kaninang madaling araw ay tuluyan nang tinanggal ang nakatagilid na poste ng Meralco na maaaring maging sanhi ng aksidente sa area malapit sa ating paaralan.

Kamakailan ay nakipag-ugnayan ang pamunuan ng SVES SPTA sa Brgy. San Vicente at sa Tanggapan ng MERALCO upang idulog ang problemang ito. Agad tayong gumawa at nagsumite ng liham sa kanilang tanggapan, at ito naman ay mabilis na inaksyunan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na naging katuwang sa agarang aksyon:

• Hon. Erugenio D. Mira – Punong Barangay
• Sec. Freddie Cañeva
• Mr. Ferdinand A. Maldia – Head, Angono Business Center, MERALCO
• Engr. Jer King Bondoc – MERALCO
• Pres. Rey Castillo – Pangulo ng AMFPTA

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa para sa kaligtasan ng ating komunidad.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, magulang, at buong komunidad ang aming pangunahing prayoridad. 💙

03/03/2026

MOTIVATIONAL QUOTE OF THE DAY:

🚀✨ Don’t be afraid to fail. Be afraid not to try. ✨📚

Ngayong huling buwan na ng ating pag-aaral, patuloy nating ibigay ang ating best hanggang sa huling araw ng klase. 💪 Ang bawat pagsubok, proyekto, at pagsusulit ay pagkakataon para mas lalo pa tayong tumibay at matuto.

Ang SVES SPTA ay buong pusong sumusuporta at humihikayat sa bawat mag-aaral ng SVES na magpatuloy, magsikap, at huwag sumuko. 💙 Naniniwala kami sa inyong kakayahan at determinasyon na maabot ang inyong mga pangarap.

Konting tiyaga at lakas ng loob pa — tagumpay ay abot-kamay na! 🎓🌟

02/03/2026

Take a deep breath: It’s okay to rest, to grow and to choose yourself… without guilt. 💫

Here’s to a peaceful week, Rizaleños! 🌻

28/02/2026

💜 2026 National Women’s Month Celebration 💜

Nakikiisa ang San Vicente Elementary School sa pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month ngayong Marso 1–31, 2026 na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society.”

Sa pangunguna ng Philippine Commission on Women, kinikilala sa pagdiriwang na ito ang mahalagang ambag ng kababaihan sa paghubog ng mas makatarungan at inklusibong lipunan.

Kaisa ng paaralan ang SVES SPTA sa pagsuporta sa mga adhikain para sa pagkakapantay-pantay, respeto, at pagbibigay-lakas sa lahat, anuman ang kasarian. Sama-sama nating itaguyod ang komunidad na may dignidad at pagkakapantay-pantay.

💜 Happy National Women’s Month!

2026 National Women’s Month Celebration

San Vicente Elementary School formally joins the nationwide observance of the 2026 National Women’s Month Celebration this March 1–31, 2026 with the theme "WE for Gender Equality and Inclusive Society"

This annual celebration, led by the Philippine Commission on Women, recognizes the invaluable contributions of women in nation-building and promotes gender equality and inclusive development in all sectors of society.

With this year’s theme, “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” our school reaffirms its commitment to fostering a learning environment that upholds respect, equal opportunities, empowerment, and inclusivity for all learners and personnel regardless of gender.

Throughout the month of March, various school-based activities will be conducted to raise awareness, encourage student participation, and strengthen advocacy efforts aligned with gender equality and women’s empowerment.

San Vicente Elementary School calls on all learners, teachers, parents, and stakeholders to actively participate and support this meaningful celebration.

Together, let us continue to build a community where equality, dignity, and respect prevail.

💜 Happy National Women’s Month!

28/02/2026

Great success is built on small wins. ✨

Kaya ngayong huling araw ng February, pause muna tayo and look back. I-celebrate natin ang bawat achievement, gaano man kaliit.

Maging school project man ‘yan, task sa work na natapos, o nakaraos lang sa isang mahirap na araw, tandaan na bawat galaw forward ay progress.

As we say goodbye to February, let’s carry our small wins with pride and gratitude. Para sa susunod na buwan, we MARCH on stronger, braver, and more confident than ever. 💛

27/02/2026

📚✨ Throwback Book Talk Fridays! ✨📚

Balikan natin ang isang makabuluhang yugto ng ating Book Talk Fridays tampok ang mahusay na mambabasa na si Sebastian Patrick L. Blanco ng Grade 3 – Acacia! 👏🌟

Sa kanyang masiglang pagbabahagi ng kwento, ipinakita niya na ang pagbabasa ay hindi lang tungkol sa mga salita sa pahina — ito ay tungkol sa pagkatuto, pag-unawa, at pagbabahagi ng aral sa iba. 📖💬

Tunay na nakaka-inspire ang kanyang kumpiyansa at dedikasyon na maging bahagi ng Buklat Aklat Project ng SVES SPTA. 💖

Patuloy tayong magbalik-tanaw at magbigay-pugay sa ating mga batang mambabasa — dahil sa bawat kwento, may batang nagiging bida! 🌟

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Gragera St. Barangay San Vicente Angono, Rizal
Angono
1930

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm