Barangay San Roque - Angono Rizal
about activities
๐ข PAALALA PO SA MGA RESIDENTE
Ipinapaalam po na kasalukuyang sira ang truck ni Mang Pat na ginagamit sa pangongolekta ng basura.
Kaya naman, sa lahat ng rutang sakop ni Mang Pat, mangyaring huwag muna ilabas ang inyong mga basura hanggang sa maayos ang truck at maipagpatuloy ang regular na pangongolekta.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Magbibigay po kami ng abiso kapag maaari nang ilabas muli ang mga basura. ๐
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! โป๏ธ
19/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉบโค๏ธ
Hatid ng Pamahalaang Bayan ng Angono ang serbisyong may puso para sa ating mga kababayang miyembro ng PhilHealth sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP sa Barangay.
Layunin ng programang ito na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa komunidad upang mas marami ang mabigyan ng pagkakataong makatanggap ng atensyong medikal.
๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป:
โ
๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ
โ
๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐
โ
๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐๐ฎ๐น๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ:
๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ผ๐พ๐๐ฒ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฟ๐
๐
๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐๐, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ)
๐ ๐ด:๐ฌ๐ฌ ๐๐ โ ๐ญ๐ฎ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Paalala: Magdala ng photocopy ng birth certificate at photocopy ng valid ID.
Inaanyayahan ang lahat ng PhilHealth members na samantalahin ang programang ito at makiisa sa patuloy na pagsusulong ng mas malusog na pamayanan.
๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐๐ฒ ๐๐ข๐ ๐ฎ๐ซ๐๐๐จ! โค๏ธ
19/08/2026
๐คฃ๐จ BREAKING NEWS: LAST DAY NA NG SAN ROQUE FESTIVAL BAZAAR! ๐จ๐คฃ
Mga mhie, huling gabi na talaga! Kapag hindi ka pa pumunta tonight, wala ka nang ibang choice kundi manood ng stories ng mga pumunta at sabihing:
โAY SAYANG, DI AKO NAKAPUNTA.โ ๐ญ๐
Kaya bumangon ka na diyan! ๐ซต๐คฃ
Wag mong hintayin na pati crush mo ang makitang nagba-bazaar tonight bago ka kumilos! ๐ HAHAHA!
๐ Gutom? Punta na!
๐๏ธ Mahilig mag-shopping? G!
๐ธ Walang pera? Window shopping muna, bes! ๐
๐ฏโโ๏ธ Bored? Punta dai
๐ฉ May problema? Punta na kase!
๐คก Wala ka lang magawa? PERFECT! PUNTA!
LAST DAY NA, MGA BESHY! ๐ญ๐ช
Kain, ikot, bili, tawanan,sulitin na habang nandito pa! โค๏ธ
๐ SAN ROQUE FESTIVAL BAZAAR
๐ TONIGHT, LAST DAY!
TARA NA! BAKA PAGDATING MO, ANG MAABUTAN MO NA LANG AY ANG REGRET! ๐คฃ๐คฃ
19/08/2026
MGA PARENTS MGA PEDIATRICIAN NA DOCTOR PO ANG KATUWANG NILA SA PAGBABAKUNA NG INYONG MGA ANAK SA DARATING NA LINGGO AUGUST 23, 2026 SA BLOOMINGDALE COURT PO. SANA PO AY MADALA NINYO ANG INYONG MGA ANAK SA PETSANG ITO. SALAMAT PO
๐ฃ MGA MOMMY, DADDY AT CAREGIVERS:
BAKUNA DAY PARA SA MGA BATA! ๐
Ngayong Linggo, August 23, magkakaroon ng MeaslesโRubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa:
๐ Bloomingdale Covered Court, Bloomingdale Subd., Angono, Rizal
๐ 8:00 AM โ 12:00 NN
Para sa mga batang edad 6โ59 months old na eligible na mabakunahan sa MR-SIA.
May mga pediatricians mula sa CPSP Rizal na makakasama at nakaalalay sa ating mga anak sa bakunahan.
Ang tigdas (measles) at rubella (German measles) ay magkaibang sakit, ngunit parehong maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon. Kaya huwag nating palampasin ang pagkakataong mabigyan ng dagdag na proteksyon ang ating mga anak.
Tara! Dalhin si baby o si bagets at pabakuna tayo!
Sama-sama nating protektahan ang bawat bata at ang buong komunidad.
In partnership with DOH, Angono LGU, PPS Cluster 5, and CPSP Rizal Chapter.
Bakuna para sa proteksyon. Kalinga para sa bawat bata. ๐
๐ TAOS-PUSONG PASASALAMAT | KAPISTAHAN NI SAN ROQUE 2026 ๐๐
Lubos at taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga minamahal naming sponsors na naging malaking bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque 2026. โค๏ธ
Ang aming buong pasasalamat ay ipinapaabot kina:
โจHon. Nina Ricci Ynares
โจHon. Mia Ynares
โจHon. Gerardo V. Calderon
โจHon. Jeri Mae E. Calderon
โจ Kon. Carina Watanabe
โจ Kon. Edsel Reyes
โจ Kon. Bryan Cruz
โจ Mr. Angelito Chua
โจ Mr. Omar Lacanilao
โจACDECO
โจR. FUENTES TRADING and Family
โจJosie Rivera
โจ JCS
โจ CHEMAG
โจ Helix Mining and Development Corporation
Maraming-maraming salamat po sa inyong bukas-palad na suporta, pagmamalasakit, at pagtulong upang maging mas masaya, makulay, at makabuluhan ang ating kapistahan. Ang inyong kabutihang-loob ay tunay na malaking ambag sa tagumpay ng bawat programa at aktibidad. ๐๐
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong, nakiisa, naglaan ng oras, nag-volunteer, at naging bahagi ng pagdiriwang. Sa bawat kamay na tumulong at pusong nakiisa, nabuo ang isang kapistahang puno ng saya, pagkakaisa, at bayanihan. ๐ค๐
Ang taos-pusong pasasalamat na ito ay mula kay Kapitana Maila Ato Piรฑon at sa buong Sangguniang Barangay ng San Roque. ๐
Magkita-kita po tayong muli next year para sa mas masaya, mas makulay, at mas pasasayahing Kapistahan ni San Roque! ๐๐
VIVA SAN ROQUE! ๐โค๏ธ
Pagpalain nawa tayong lahat ni San Roque at patuloy na pag-ibayuhin ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahal sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Mabuhay ang Barangay San Roque! ๐๐
16/08/2026
HATAW SAN ROQUE: THE ULTIMATE DANCE SHOWDOWN 2026! ๐๐ฅ๐บ
Isang gabi ng talento, saya, energy, at pagkakaisa ang matagumpay na idinaos sa ating HATAW SAN ROQUE: The Ultimate Dance Showdown 2026! ๐ถโจ
Sa pangunguna ni Kapitana Maila Ato Piรฑon, katuwang si SK Chairman Althea Leatriz Arcilla, kasama ang buong Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng San Roque, naging makulay at makabuluhang bahagi ng ating pagdiriwang ang pagtatanghal ng ating mga mahuhusay na dancers.
Hindi lamang ito isang paligsahanโito ay isang pagkakataon upang maipakita ng ating mga kabataan ang kanilang galing, creativity, passion, at teamwork. Bawat grupo ay nagbigay ng kanilang buong husay at energy, kaya naman tunay na naging isang gabing puno ng saya, excitement, at unforgettable performances! ๐ฅ๐
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumali, nag-perform, sumuporta, nanood, nag-organisa, at naging bahagi ng matagumpay na kaganapang ito. Saludo kami sa bawat dancer na buong tapang na ipinakita ang kanilang talento sa entablado! ๐ซถ
Congratulations sa lahat ng winners at participants! ๐๐ Tandaan natin na sa HATAW SAN ROQUE, lahat ay panalo dahil bawat talento ay may kuwentong karapat-dapat ipagmalaki.
MULI, VIVA SAN ROQUE! ๐๐๐
15/08/2026
๐ MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN ROQUE! ๐
Sa araw na ito ng ating masayang pagdiriwang, buong pusong bumabati si Kapitana Maila Ato Piรฑon, kasama ang buong Sangguniang Barangay, sa bawat pamilyang San Roqueรฑo! ๐โจ
Nawaโy maging makulay, masaya, at puno ng biyaya ang ating kapistahan. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalataya, tradisyon, pagkakaisa, at pagmamahalan bilang isang komunidad. ๐๐
Sa kabila ng mga hamon, patuloy tayong nagkakaisa, nagtutulungan, at nagsasaya bilang isang pamilyang San Roqueรฑo. ๐
๐ Viva San Roque!
๐ Mabuhay ang Barangay San Roque!
๐ Maligayang Kapistahan sa ating lahat!
โ Kapitana Maila Ato Piรฑon at Sangguniang Barangay ๐
15/08/2026
๐ BINGO BONANZA 2026: Saya, Swerte at Tawanan! ๐
Isa na namang masayang programa ang matagumpay na naisagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Roque, sa pangunguna ni Kapitana Maila Ato Piรฑon, kasama ang buong Sangguniang Barangay, SK Chairperson Althea Leatriz Arcilla at ang buong Sangguniang Kabataan. ๐
Tunay ngang naging puno ng saya, excitement at tawanan ang ating Bingo Bonanza! Marami sa ating mga kabarangay ang umuwi na may dalang masasayang alaala, at siyempre, may mga umuwi rin na may dalang premyo! ๐๐ฐ๐คฃ
Sa mga nanalo, congratulations! ๐ At sa mga hindi pinalad ngayong taon, huwag malungkot! Better luck next year! Malay mo, sa susunod na Bingo Bonanza, ikaw naman ang mapasigaw ng โBINGO!โ at umuwi na may malaking ngiti at premyo! ๐คฃ๐
Higit sa mga premyo, ang tunay na panalo ay ang pagkakaisa, pakikilahok at sama-samang kasiyahan ng ating komunidad. โค๏ธ
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng sponsors, donors, volunteers, barangay workers, SK, at sa bawat taong nagbigay ng oras, suporta at tulong upang maisakatuparan ang ating BINGO BONANZA. Hindi magiging matagumpay ang programang ito kung wala ang inyong malasakit at pakikiisa. ๐โค๏ธ
Mabuhay ang Barangay San Roque!
Mabuhay ang ating mga kabarangay!
At higit sa lahat, Mabuhay si San Roque! ๐๐
๐ BINGO BONANZA 2026 โ Sama-sama sa Saya, Sama-sama sa Kapistahan! ๐
15/08/2026
๐โโ๏ธ PALARONG LAHI 2026: Saya, Laro, at Pagkakaisa! ๐
Matagumpay na naisagawa ang PALARONG LAHI na pinangunahan ni Kapitana Maila Piรฑon, kasama ang Sangguniang Barangay, katuwang ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairman Althea Leatriz Arcilla, at ang ating masisipag na Barangay Scholars na tumulong at nag-assist sa buong programa. โค๏ธ
Tunay na naging makulay at masaya ang araw dahil sa aktibong pakikiisa ng ating mga kabataan na buong siglang sumali sa ibaโt ibang tradisyunal at nakakaaliw na palaro. Mula sa tawanan at sigawan hanggang sa masiglang kompetisyon, kitang-kita ang kanilang sportsmanship, camaraderie, at pagkakaisa. ๐ฅณ๐
Hindi lamang ito tungkol sa pagkapanalo, kundi higit sa lahat ay tungkol sa pagbuo ng pagkakaibigan, pagpapahalaga sa ating kulturang Pilipino, at pagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na magsaya, makilahok, at magkaroon ng masasayang alaala kasama ang kanilang kapwa kabataan.๐
Malaking pasasalamat din sa ating Barangay Scholars na buong puso at sipag na naglaan ng oras upang tumulong sa paghahanda, pag-aasikaso at pagmomonitor sa mga palaro. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng tagumpay ng programa. ๐โค๏ธ
Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa, sa mga magulang at tagasuporta, sa mga volunteers, at sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang ating Palarong Lahi 2026!
Sa San Roque, bawat laro ay nagiging daan para sa pagkakaibigan, pagkakaisa, at mas masayang komunidad! ๐ต๐ญ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay SanRoque
Angono
1930
Opening Hours
| Monday | 8am - 12pm |
| 1pm - 5pm | |
| Wednesday | 8am - 12pm |