Backmask
Kulayan natin ang mundo, Sa musika ng buhay mo
08/06/2026
We are The Backmask 🤘
📸 Jd438
08/06/2026
Salamat PlayerWays sa napaka solid ng event🤘
📸 Jd438
05/06/2026
Kalamidad
Nagtataka ,nagbabago
Nag-iiba ating mundo
Ang panahon ay kay gulo
Init, lamig na nagtatagpo
Isang bagyong bumubugso
May tagtuyot na iisang salot
Parang mundo ay hihinto
Dahil sating pang-aabuso
Maging handa sa
Kalamidad
Mapagmatyag sa
Kalamidad
Umiwas ka sa
Kalamidad
Lumaban ka sa
Kalamidad
Tumataas na ang dagat
Kaya dapat na mag-ingat
At magdasal kapag dako
Sa pagdating ng delubyo
Maging handa sa
Kalamidad
Mapagmatyag sa
Kalamidad
Umiwas ka sa
Kalamidad
Lumaban ka sa
Kalamidad
Bridge
Di na mahihinto
Klima nagbabago
Di na mahihinto
Klima nagbabago
ulitin ang koro
kalamidad 4x
pause
Abangan
03/06/2026
We are now celebrating our 24th Year Anniversary
Salamat sa lahat ng naging bahagi ng musika, sa dalawang dekada ng ingay, tawanan, inuman kwentuhan, tagumpay, paglisan at di pagkakaunawaan.. mahal namin kayong lahat mga kaband...
Nagpalit palit man ng myembro.. nakatuon parin sa iisang mithiin..hindi namin alam hanggang kailan namin itataas ang maskara, pero may basbas kami ng unang maskara ..kaya hanggang sa huling sandali hanggang sa maputol ang strings, mabali ang stick at mapaos ang kanta o mahirapan na gumitara , maging bisi sa pamilya, bumagal na ang sipra.. patuloy namin ito gagawin.. dahil sa inyong lahat.. dahil hindi nyo kami iniwan, sa kabila ng lahat , para sa lahat ng aming nakasama na banda na tuluyan nang namayapa sa mga tropa na kinalimutan ang eksena sa mga taong hindi naniwala at sa lahat ng production na kamiy iniimbita ..maraming maraming salamat sa inyong lahat...
Backmask 24 yrs of Pinoy Metal
HALA BIRA LIVE
11/05/2026
"Inay"
Minulat ko ang mata
busog sayong aruga
Tiniruan magsalita
letrang abakada
Natuto na humakbang
hawak ang yong kamay
Unang-unang sinambit
nanay ang yung ngalan
Inay nasan ka
Inay nasan ka
Lumaki sa yung pilin
sarap ng yung hain
Nasaktan sa pag ibig
ikaw ang nagdimdim
Sa trobol ay nasali
payo ka palagi
Ngunit nang nagkasakit
bakit di sinabi
Inay nasan ka
Inay nasan ka
unti unting bumabalik
ala-ala nung akoy maiit
mulit muli sasabihin
mahal kita Mamimis kita x2
Repeat chorus
Naririnig mo ba x4
16/04/2026
Just a Poem
ANAK
Pinalaki kita sa aking mga braso
Pinag aral kita tinuruan ng tamang asal
Lumipas ang taon lumayo ka at nagtagumpay
masaya ako para sayo Masaya sa naabot mo
Hindi kana bumibisita sakin
Nakalimutan mo naba ang iyung favorit na daddy
Pagpasensyahan mo na kung hindi na magawa
Pagpasensyahan mona kung uugud ugud na
Pagpasensyahan mona kung sinusubuan mopa
Pagpasensyahan mona kung tumae ng mag isa..
Akoy nakatingin sa binta sa kwartong hindi kilala
Mga nagaalaga sakin sa sahod lang nakatingin
Ganun nalamang ba ang halaga ko sayo
Kaya pinaampon sa malayu malayo sa iyo
Bisi ka lang siguro o pagod sayong trabaho
Iuwi mona ako kasi mis kona kayo
Pagpasensyahan mo na kung hindi na magawa
Pagpasensyahan mona kung uugud ugud na
Pagpasensyahan mona kung sinusubuan mopa
Pagpasensyahan mona kung tumae ng mag isa..
Pasensya na kung bumagal na
Pasensya kana kung bingi na
Pasensya kana kung malabo na ang mata
Pasensya kana kung akoy ulyanin na
ANAK
ANAK
ANAK
ANAK
07/04/2026
eto na!!!!
17/09/2025
Kandila by Backmask
Nagdidilim ang paningin
Sa dami ng iniisip
Naghahanap ng solusyon
Kung bakit nangyayari
Walang ibang matakbuhan
Upang itoy malunasan
Bawat hapdi bawat sakit
Ikaw ang may panglupig
Dinggin mo ang bulong ang aking puso x4
Sayo lumalapit
Hindi bumibitaw
Sayo kumakapit
Hindi umayaw..
Nagiilaw sa kawalan
Nakapikit sa hangin
Hinihintay kasagutan
Sa aking panalangin
Ituro mo kung papano
Mawawala ang galit
Sabihin mo ang paraang
Magaalis ng hapis
Paulit ulit na ako ay magsasabi.. x4
Ulitin ang koro
Dinggin mo ang bulong ang aking puso 4x
Adlib
Ulitin a ng koro
Hindi magsasawa
Hindi humuhupa
Hindi magsasawa
Hindi humuhupa
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rizal
Angono