Immaculate Conception Quasi-Parish
The official page of Immaculate Conception Quasi-Parish
Marungko, Angat, Bulacan, 3012
email: [email protected]
Parish Priest : Rev. Fr.
Herbert Agustine Bacani
ππππ: 5TH SUNDAY OF EASTER
MAY 03, 2026 | HOLY MASS | 8:00 A.M.
"I AM THE WAY, THE TRUTH,
AND THE LIFE." - JOHN 14:6."
Presider: Rev. Fr. Herbert Agustine Bacani
++++++++++++++++++++++++++++++
(REMINDER: The ONLINE MASS should not be a reason to replace the importance of attending the Holy Mass in person. Participating physically in the celebration of the Mass remains more meaningful. Parishioners and the faithful are therefore encouraged to attend Mass in their respective churches.
The live streaming is intended for those who are sick, unable to attend in person, or those who, because of location or other circumstancesβsuch as Overseas Filipino Workers (OFWs)βcannot go to Mass.)
Disclaimer: All music used is for inspirational and reflection purposes only. All credits go to their respective owners. No copyright infringement intended.
02/05/2026
KAPISTAHAN NINA SAN FELIPE AT SANTIAGO MENOR, Mga Apostol at Martir | Mayo 03
Si San Felipe na taga Betsaida, Galilea ay naging disipulo ni San Juan Bautista at pagkaraaβy naging Apostol ng Panginoon bago naganap ang kasalan sa Cana ng Galilea. Ito ang mababasa sa Ebanghelyo ni San Juan: βKinabukasan ay nais niyang tumungo sa Galilea, at natagpuan niya si Felipe. At sinabi sa kanya ni Jesus: "Sumunod ka sa akin". Nasumpungan ni Felipe si Nathaniel at winika niya sa kanya: "Natagpuan namin yaong isinulat ni Moises at kautusan ng mga propeta: si Jesus na taga-Nazaret". Sumagot si Nathaniel, "May magaling na bagay ba na manggagaling sa Nazaret?" Sinabi sa kanya ni Felipe, "Halika at tingnan mo".
Dalawa ang Apostol Santiago, ang matanda at ang bata. Ang matanda ay anak ni Zebedeo at kapatid ni San Juan Ebanghelista; ang bata ay anak ni Alfeo at kapatid ni San Judas. Si Santiago, ang nakababata ay naging unang Obispo ng Jerusalem. Taong 62, hinuli siya ng mga Hudyong kababayan niya at inihulog mula sa itaas ng Templo, at nang di siya namatay ay binato at pinalo. Sumulat siya ng isang Epistola sa Bagong Tipan.
San Felipe at Santiago Menor, Ipanalangin ninyo kami.
ππππ: Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ikaβ03 ng Mayo , 2026 | BANAL NA MISA | 6:00 N.U.
"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makpupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." - Juan 14:6
Punong Tagapagdiwang:
RDO. P. Herbert Agustine Bacani
++++++++++++++++++++++++++++++
(PAALALA: Ang ONLINE MASS ay hindi dapat maging sanhi upang mapalitan ang kahalagahan ng Banal na Misa. Mas mahalaga pa rin po ang pagdalo sa Misa. Kaya ang mga parokyano at mananampalataya ay dapat pa ring magsimba sa kani-kanilang simbahan. Ang Live streaming ay para sa mga tao na dahil sa sakit, hindi makadalo sa Misa; o sa mga taong dahil sa kanilang lokasyon, ay hindi magkaroon ng pagkakataong makapagsimba at para sa mga OFW's.)
π·ππ πππππππ: π΄ππ ππ’π ππ πππ πππ πππ πππππ‘πππππ πππ πππππππ‘πππ ππ’ππππ ππ ππππ¦. π΄ππ ππππππ‘ ππππ π‘π π‘βπππ πππ ππππ‘ππ£π ππ€ππππ . πΆπππ¦πππβπ‘ πΌπππππππππππ‘ πππ‘ πππ‘πππππ.
ππππ: Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ikaβ02 ng Mayo , 2026 | BANAL NA MISA | 6:00 N.G.
"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makpupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." - Juan 14:6
Punong Tagapagdiwang:
RDO. P. Herbert Agustine Bacani
++++++++++++++++++++++++++++++
(PAALALA: Ang ONLINE MASS ay hindi dapat maging sanhi upang mapalitan ang kahalagahan ng Banal na Misa. Mas mahalaga pa rin po ang pagdalo sa Misa. Kaya ang mga parokyano at mananampalataya ay dapat pa ring magsimba sa kani-kanilang simbahan. Ang Live streaming ay para sa mga tao na dahil sa sakit, hindi makadalo sa Misa; o sa mga taong dahil sa kanilang lokasyon, ay hindi magkaroon ng pagkakataong makapagsimba at para sa mga OFW's.)
π·ππ πππππππ: π΄ππ ππ’π ππ πππ πππ πππ πππππ‘πππππ πππ πππππππ‘πππ ππ’ππππ ππ ππππ¦. π΄ππ ππππππ‘ ππππ π‘π π‘βπππ πππ ππππ‘ππ£π ππ€ππππ . πΆπππ¦πππβπ‘ πΌπππππππππππ‘ πππ‘ πππ‘πππππ.
02/05/2026
Halina at ating samahan ang La Inmaculada Concepcion de Marungco
Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at deboto ng na makiisa sa La Inmaculada Concepcion de Marungco bilang pakikiisa sa ika-343 na taong Pistang Bayan ng Parokya ng Sta. Monica. Narito ang mga talatakdaan ng mga gawain.
IKA-3 NG MAYO, 2026
5:00 N.G. | Banal na Misa
6:00 N.G. | Prusisyon
Hinihikayat po ang lahat na magsuot ng puting kasuotan bilang tanda ng kadalisayan, pagkakaisa, at paggalang sa ating Mahal na Ina.
01/05/2026
MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW | Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ika-2 ng Mayo, 2026
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 44-52
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol
Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lungsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos. Inggit na inggit ang mga Judio nang makita nila ang makapal na tao, kayaβt nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, βSa inyo muna dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Yamang itinakwil ninyo ito, hinatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kayaβt pupunta kami sa mga Hentil. Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon:
βInilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil
upang maibalita mo ang kaligtasan
hanggang sa dulo ng daigdig.ββ
Nagalak ang mga Hentil nang marinig ito, at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya; at sumampalataya ang mga hinirang para sa buhay na walang hanggan.
Kayaβt lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga babaing sumasamba sa Diyos at kilala sa lipunan, gayun din ang mga lalaking pinuno ng lungsod: ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kayaβt ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at silaβy nagtungo sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay natigib ng galak at napuspos ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
o kaya: Aleluya
Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
pagkat yaong ginawa nβya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Ang tagumpay niyang itoβy siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansaβy nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
ALELUYA
Juan 8, 31b-32
Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyoβy naidambana,
taglay nβyo ang aking diwa.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 14, 7-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: βKung akoβy kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.β
Sinabi sa kanya ni Felipe, βPanginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.β Sumagot si Hesus, βMatagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyataβt hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: βIpakita mo sa amin ang Amaβ? Hindi ka ba naniniwalang akoβy sumasa-Ama at ang Amaβy sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: akoβy sumasa-Ama at ang Amaβy sumasa-akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
01/05/2026
ABRIL 26, 2026 | Pormal na inilunsad sa Inihahandang Parokya ng Inmaculada Conception ang Simba-Aralan: Summer Youth Catechism.
Layunin ng programang ito na palalimin ang pananampalataya at kaalaman ng mga kabataan sa mga aral ng Simbahan, habang pinagtitibay ang kanilang pakikibahagi sa buhay-panampalataya ng pamayanan.
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa makabuluhang pagbubukas ng nasabing programa.
01/05/2026
ππππ½πΌ-πΌππΌππΌπ ππΌππππ ππΌπππΎππππ
sa Bikarya ng Baliuag
Immaculate Conception Quasi-Parish (Marungko, Angat, Bulacan)
01/05/2026
PAGGUNITA KAY SAN JOSE, Ang Manggagawa
Mayo 01
Sa kalendaryo ng liturhiya ng Simbahan, ang unang araw ng buwan ng Mayo ay ang Pag-alaala kay San Jose, Ang Manggagawa. Inilalarawan sa pagdiriwang na ito ang isang mabuti, masipag at matapat na naghahanap-buhay na si San Jose, ang ama-amahan ng Panginoong Jesukristo at esposo ng Mahal na Birheng Maria.
Itinatag ni Papa Pio XII ang pagdiriwang na ito noong taong 1955 upang bigyan ng kahulugang Kristiyano ang konsepto ng paggawa at paghahanap-buhay ng tao at ibigay sa lahat ng manggagawa ang isang dakilang huwaran at tagapangalaga. Iniaalay ng dakilang Patron na si San Jose ang kanyang pagsisikap, sakripisyo at kasiyahan sa Panginoong Diyos sa bawat sandali ng kanyang paghahanap-buhay.
Batay sa Bibliya, nagmula si San Jose sa hinirang na angkan ng Diyos, ang lipi ni Haring David at pinili siya upang maging Kabiyak ng Puso ni Maria, ang Ina ng Diyos at maging Ama-sa-Turing (Foster Father) ng Panginoong Jesukristo, ang Diyos na Nagkatawang-tao. Bilang isang ama, ginampanan ni San Jose ang kanyang napakahalagang tungkulin - ang maging isang masunurin, mapagkumbaba at masikap na tagapangasiwa ng sambayanan ng Diyos, na kinakatawan ng Banal na Pamilya sa bayan ng Nazareth. Bagamat maikli lamang ang naging bahagi ni San Jose sa buhay ng Panginoong Jesukristo at sa Mahal na Birheng Maria, ang buong buhay niya ay ginugol naman niya upang proteksyunan at pangalagaan ang Banal na Pamilya hanggang sa kanyang kamatayan.
San Jose, ang Manggagawa, Ipanalangin mo kami.
30/04/2026
MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW | Paggunita kay San Jose, manggagawa
Ika-1 ng Mayo, 2026
UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26 β 2, 3
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Sinabi ng Diyos: βNgayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.β Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at silaβy pinagpala. Wika niya, βMagpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.β At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga β ito ang ika-anim na araw.
Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siyaβy nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.
Ang Salita ng Diyos.
o kaya:
Colosas 3, 14-15. 17. 23-24
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Mga kapatid, higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niyaβy magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Kristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16
P**n kamiβy pagpalain
at iyong pagtagumpayin.
o kaya: Aleluya.
Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ikaβy walang hanggan.
P**n kamiβy pagpalain
at iyong pagtagumpayin.
Yaong taong nilikha moβy bumabalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
P**n kamiβy pagpalain
at iyong pagtagumpayin.
Yamang itong buhay namiβy maikli lang na panahon.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, P**n, titiisin yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan?
P**n kamiβy pagpalain
at iyong pagtagumpayin.
Kung umagaβy ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay namiβy may galak ang aming awit,
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.
P**n kamiβy pagpalain
at iyong pagtagumpayin.
ALELUYA
Salmo 67, 20
Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming mahal,
salamat sa βyong patnubay
at paglingap araw-araw.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, βSaan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria
29/04/2026
Mga Pagbasa sa Araw-araw | Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ika-30 ng Abril 2026
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 13-25
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Mula sa Pafos, si Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag, at dumating sa Perga ng Panfilia; ngunit humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem. Mula sa Perga, nagpatuloy sila at dumating sa Antioquia ng Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo. Matapos ang pagbasa sa ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga propeta, napasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, βMga kapatid, kung mayroon kayong iaaral sa mga tao, magsalita na kayo!β Kayaβt tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik.
βMga Israelita at mga taong may takot sa Diyos β makinig kayo! Ang Diyos ng ating bansang Israel ang humirang sa ating mga ninuno. Silaβy ginawa niyang isang malaking bansa samantalang naninirahan sa lupain ng Egipto, inilabas doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, at pinagtiisan sa ilang sa loob ng halos apatnapung taon. Pagkatapos niyang lipulin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob sa kanila ang lupain ng mga iyon sa loob ng halos apatnaraaβt limampung taon.
βPagkatapos, silaβy binigyan niya ng mga hukom hanggang kay Propeta Samuel. Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saulo na anak ni Cis. Naghari si Saulo sa loob ng apatnapung taon. At nang siyaβy alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa kanila. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya. βNatagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.β Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisihaβt talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, βSino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siyaβy darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit taga-alis ng panyapak.ββ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 21-22. 25 at 27
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
o kaya: Aleluya.
Pag-ibig mo, P**n, na di magmamaliw
ang sa tuwi-tβwinaβy aking aawitin;
ang katapatan moβy laging sasambitin.
Yaong pag-ibig moβy walang katapusan,
sintatag ng langit ang βyong katapatan.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Ang piniling lingkod na itoβy si David,
aking pinahiran ng banal na langis.
Kayaβt palagi ko siyang aakbayan
at siyaβy lalakas sa aking patnubay.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Ang pagtatapat koβt pag-ibig na wagas,
ay iuukol koβt aking igagawad,
at magtatagumpay siya oras-oras.
Akoβy tatawaging ama niyaβt Diyos,
Tagapagsanggalang niyaβt Manunubos.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
ALELUYA
Pahayag 1, 5ab
Aleluya! Aleluya!
Si Hesukristo ay tapat,
saksi at buhay ng lahat;
tayoβy kanyang iniligtas.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 13, 16-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa ng kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila: βSinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa nagsugo sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin, mapapalad kayo.
βHindi para sa inyong lahat ang sinasabi ko; nakikilala ko ang aking mga hinirang. Ngunit dapat matupad ang nasasabi sa Kasulatan, βAkoβy pinagtataksilan ng taong pinakakain ko.β Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung itoβy mangyari na, ay manalig kayo na βAkoβy si Ako Nga.β Tandaan ninyo: ang tumatanggap sa sinugo koβy tumatanggap sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
28/04/2026
Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan
Ika-29 ng Abril 2026
Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 12, 24 β 13, 5a
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, lumalago at lumalaganap ang salita ng Diyos.
Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.
May mga propeta at mga g**o sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang silaβy nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, βIbukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Silaβy hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.β Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at silaβy pinayaon.
Kayaβt bumaba sa Seleucia sina Bernabe at Saulo, na sinugo ng Espiritu Santo, at buhat dooβy naglayag patungong Chipre. Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Kasama nila si Juan Marcos bilang katulong.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Nawaβy magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
o kaya: Aleluya!
O Diyos, pagpalain kamiβt kahabagan,
kami Panginooβy iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Nawaβy magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Nawaβy purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Nawaβy magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa amiβy iyong pinagpala,
nawaβy igalang ka ng lahat ng bansa.
Nawaβy magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
ALELUYA
Juan 8, 12
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
βAko ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, βAng nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Akoβy naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kayaβt ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Villarama Street Marungko
Angat
3012
Opening Hours
| Tuesday | 8:30am - 5pm |
| Wednesday | 8:30am - 5pm |
| Thursday | 8:30am - 5pm |
| Friday | 8:30am - 5pm |
| Saturday | 8:30am - 5pm |
| Sunday | 8:30am - 12pm |