Naggwapomit
INFINITY♾️
27/05/2026
27/05/2026
Dalawang Suspek na Sangkot sa ilegal na Droga at paglabag sa RA 10591, Timbog sa Busy-Bust Operation sa Cauayan City
Camp Lt. Rosauro D Toda Jr., City of Ilagan, Isabela- Muling nagtagumpay ang pinagsanib na pwersa ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga matapos maaresto ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Cauayan City, Isabela nitong madaling-araw ng Mayo 26, 2026.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas na “Mark,” 37 taong gulang, helper at residente ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela, at alyas na “Kevin,” 31 taong gulang, may asawa, helper, at residente ng Brgy. Pangal, Echague, Isabela. Kapwa sila itinuturing na Street Level Individuals (SLI) na sangkot umano sa ilegal na kalakalan ng droga.
Dakong 2:31 ng madaling-araw nang magsagawa ng joint anti-illegal drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Cauayan CCPS City Drug Enforcement Unit katuwang ang PIU/PDEU-IPPO, PDEA Isabela, PDEU, RID2, at RMU2 sa Purok 3, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela sa koordinasyon sa PDEA RO2.
Sa pagkakaaresto kay alias “Kevin,” nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na sampung (10) gramo at tinatayang Standard Drug Price na Php68,000.00 kabilang ang buy-bust item. Narekober din mula sa kanya ang isang (1) 500 peso bill at labing-apat (14) 1000 peso bill bilang buy-bust/boodle money; isang (1) camouflage pouch bag, driver’s license, isang (1) RealMe C2 android phone, at motorcycle ignition key.
Samantala, mula naman kay alias “Mark” ay nakumpiska ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na sampung (10) gramo at tinatayang halagang Php68,000.00, isang (1) color green pouch, isang (1) live ammunition para sa Caliber .45, isang (1) Infinix android phone, bunch of keys, at isang (1) Yamaha Mio Sporty motorcycle na walang plaka.
Ayon sa mga operatiba, maayos na minarkahan, kinuhanan ng larawan, at inimbentaryo ang lahat ng nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga suspek at mga kinakailangang saksi mula sa National Prosecution Service at Brgy. Kagawad ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Matapos ang operasyon, dinala ang mga suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Cauayan CCPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 at RA 10591.
Samantala, pinuri ni Isabela PPO Provincial Director PCOL MANUEL B BRINGAS ang matagumpay na operasyon ng mga operatiba at tiniyak ang patuloy na walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan. Ayon sa ka kanya, "Hindi tayo titigil sa ating kampanya laban sa ilegal na droga dahil ito ay isa sa mga pangunahing banta sa kapayapaan at kinabukasan ng ating mamamayan. Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon upang mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na gawain at mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad."
Patuloy namang hinihikayat ng Isabela PPO ang publiko na makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng agarang pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad upang tuluyang masugpo ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa lalawigan. Patunay ang operasyong ito sa Focused Agenda ng C, PNP na paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga.
27/05/2026
MOST WANTED PERSON SA KASONG STATUTORY R**E, NAARESTO SA TUMAUINI, ISABELA
Camp Rosauro D Toda, Jr., City of Ilagan, Isabela - Sa pagpapaigting ng law enforcement operations, isa sa mga pangunahing Focused Agenda ng C, PNP, isang matagumpay na operasyon ang naisagawa matapos mapasakamay ang isang Wanted sa batas mula sa pinagsanib na pwersa ng Tumauini Municipal Police Station katuwang ang 201st Maneuver Company RMFB2, RIU 2, PIDMU-IPPO, at PIU-IPPO, na nahaharap sa kasong Statutory R**e sa bisa ng warrant of arrest noong gabi ng Mayo 26, 2026 sa Brgy. Sto. Niño, Tumauini, Isabela.
Kinilala ang akusado na si alyas "Jay", 40 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 1, Brgy. Sto. Niño, Tumauini, Isabela.
Ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code o Statutory R**e na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine, kasunod nito dinala sa himpilan ng Tumauini MPS para sa kaukulang dokyumentasyon bago iharap sa korte na naglabas ng warrant.
Samantala, pinuri ni PCOL MANUEL B. BRINGAS, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at muling iginiit ang matatag na kampanya ng kapulisan laban sa mga nagtatago sa batas.
Ayon kay PCOL BRINGAS, “Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Isabela PPO laban sa mga wanted person bilang bahagi ng ating peace and order efforts ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
# # #
King Kills Shaver
Ctto
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Alicia
3306