Jcssmi

Jcssmi

Share

JCSSMI Church is Christ-centered, Bible-based,Full Gospel , non-sectarian church and that it aims to lift up only the Name of our Lord Jesus Christ.

23/06/2026

Panalangin Para sa mga Pamilyang Nawalan at sa mga Nasa Hospital*

Para sa 3 batang pumanaw at sa mga pamilyang naiwan:

Ama, inihahabilin namin sa Iyo ang tatlong munting anghel na nasa piling Mo na.

Yakapin Mo po nang mahigpit ang mga magulang, kapatid, at kaklase nila. Ang sakit ng mawalan ng anak ay hindi kayang sukatin.
Awit 34:18 "Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso."
Lord, maging malapit Ka sa kanila ngayon. Pahupain Mo ang iyak nila. Palitan Mo ng presensya Mo ang bawat bakanteng silid at bakanteng upuan sa hapag-kainan.

Para sa mga batang nasa hospital Jeremias 30:17
"Pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon."_ Hipuin Mo ang bawat operasyon, bawat gamot, bawat monitoring. Bigyan Mo ng lakas ang mga katawan nila. Walang komplikasyon, walang infection, full recovery sa pangalan ni Jesus.

Bigyan Mo rin ng tibay ang mga magulang na nagbabantay. Sa bawat puyat, sa bawat takot,

Isaias 40:31"Sila na naghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas.

Gamitin Mo ang church at community para maging kalakasan nila.

In Jesus' name, *AMEN.*

🙏🙏🙏

Photos from Jcssmi's post 21/06/2026

Message to Our Kids & Teens: Young Millionaires for Jesus!

Hi Children's Ministry fam! 👋

Alam niyo ba na pwede kayong maging "Young Millionaire" kahit bata pa kayo?

1. Millionaire sa Puso❤️
Mateo 6:21_"Kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong puso."_
Pag mahal ninyo si Jesus, nagpi-pray, nagbabasa ng Bible, at tumutulong sa iba — ang yaman-yaman niyo na kay Lord!

2. Millionaire sa Utak 🧠
Hindi pa man kayo may 1 million pesos, pero pwede na kayong maging wise ngayon. Paano?
- Mag-ipon ng baon — kahit ₱5 a day, milyon din yan balang araw
-Mag-budget— unahin si Lord, ipon, tapos gastos
Matutong magbigay— kasi blessing kayo sa iba

Lucas 16:10"
Kung mapagkakatiwalaan ka sa maliit na bagay, mapagkakatiwalaan ka rin sa malaking bagay."_
Kung marunong kayo mag-alaga ng ₱20 ninyo ngayon, ibibigay ni Lord yung ₱20,000 o higit pa later para gamitin sa ministry!

Challenge para sa inyo:
This week, try ninyo yung 3 Jars Method:
1. Give Jar - para kay Lord
2.Save Jar- para sa pangarap mo
3.Spend Jar- para sa gusto mo
Kahit sa baon lang, start na!

Kids & Teens, hindi kayo "maliit" kay Lord. Kayo ang next gen millionaires— mayaman sa faith, mayaman sa wisdom, at mayaman para mag-bless ng iba.

We’re proud of you! Kaya ninyo yan with Jesus 💪

3 Juan 1:2 "Dalangin ko na maging maayos ka sa lahat ng bagay, at malusog ang katawan mo, tulad ng maayos mong kaluluwa."
🥰🥰🥰
"Pastor Hermie, Happy Father's Day po! Thank you for raising up kids and teens na hindi lang prayerful kundi wise din sa pera. Kayo po ang spiritual dad na nagtuturo sa kanila maging Young Millionaires for Jesus — rich sa Word at rich sa wisdom. We love you, Pastor Hermie Baldo 😊

21/06/2026

To our Dear Senior Pastor Hermie Baldo,

On this Father's Day, we honor you not just as a father to your family, but as a father to this spiritual family. Thank you for leading us with love, correcting us with grace, and covering us in prayer like a true father does.

We love you, Pastor Hermie Baldo

From your Jcssmi Family
🙏🙏🙏

21/06/2026

Abraham the Father of Faith

Photos from Jcssmi's post 14/06/2026

Blessing Day
At the Farm
Res.
SL2-SPC
🥰❤🙏🙏🙏❤🥰

Title:“Your Provision Has an Address”

Text:1 Kings 17:3-9 + Mateo 21:1-3

God’s provision is not random. It’s reserved — at the right time, in the right place, for the obedient.
You don’t find provision by looking harder. You find it by being where God told you to be.

Pero eto nakalimutan natin: Hindi basta “hulog ng langit” ang provision ni Lord.
God’s provision flows to a time and a place.
Wala sa “malapit na”. Wala sa “pwede na”. Nasa "exact obedience".

Elijah would have gone hungry kung hindi siya pumunta sa exact na lugar.
Ikaw din.Your “donkey” is tied, ready, on time.In Mateo 21:2
Pero ang tanong: Nandun ka ba?

POINT1: PROVISION HAS A ZIP CODE – KERITH BROOK
1 Kings 17:3-6 NLT
“Umalis ka rito at magtago ka sa silangan, sa tabi ng batis ng Kerit... Iinom ka sa batis, at iniutos ko na sa mga uwak na pakainin ka roon.” v.3-4

A. God didn’t say “Just pray and food will appear.”
Sabi Niya: “Go… to Kerith Brook.”_ Specific na lugar. Bakit? Kasi dun Niya inutusan ang mga uwak.

B. Close would not have counted.
Kung sa Jordan River siya nagpunta kasi “mas malapit sa tubig”, magugutom siya.
Kung sa Jerusalem siya nag-stay kasi “mas safe”, magugutom siya.
Ang provision wala sa convenience. Nasa "obedience."

Application: Nasaan ang “Kerith” mo ngayon?
1. Yung ministry na iniiwasan mo kasi mahirap? Baka andun ang uwak.
2. Yung church na pinapa-stay sayo ni Lord ,kahit maliit , Baka andun ang batis.
In Genesis 26:12, “Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani ng tig-iisang daan” kasi dun siya tinanim ni Lord sa taggutom.
Hindi ka pagagandahin ni Lord sa maling lupa.

POINT #2: PROVISION HAS A MOVING DATE – ZAREPHATH
1 Kings 17:7-9 NLT
“Pagkaraan ng ilang panahon, natuyo ang batis... Sinabi ni Yahweh kay Elias, ‘Pumunta ka sa Zarefat... may inutusan akong isang biyuda roon na magpapakain sa iyo.’”

A. The brook dried up on purpose.
Bakit? Kasi tapus na ang season ng Kerith. Ang provision hindi forever sa isang lugar. God moves it to move you.

B. Sidon would not have counted.
Sidon yung malaking city. Zarephath = maliit na village near Sidon. v.9
Kung pumunta si Elijah sa Sidon kasi mas maraming opportunity”, magugutom siya.
Bakit? Kasi ang biyuda wala sa Sidon. Nasa Zarephath.Exact village.

Application: Timing + Location = Provision
1.Israel was provided for because they obeyed and went to Goshen.
Genesis 47:27 Wala ang provision sa Canaan nung taggutom.
Nasa Egypt pero sa Goshen lang
2. Abraham’s offering was provided because he went to the exact mountain.
Genesis 22:2, 13-14 Sa Mount Moriah may ram. Hindi sa Mount Sinai. Hindi sa bundok na mas malapit. “Sa bundok ni Yahweh ay may inilalaan.” v.14
Kung late ka ng 1 day, or off ng 1 barangay, pwedeng ma-miss mo ang biyuda mo.

POINT #3: YOUR “DONKEY” IS ALREADY WAITING – BUT ARE YOU THERE?
Mateo 21:1-3 NLT
Paglapit nila sa Jerusalem... Sinabi ni Jesus sa dalawa sa kanyang mga alagad, ‘Pumunta kayo sa nayon sa tapat ninyo, at pagpasok ninyo roon ay makikita ninyo ang isang asnong nakatali... Kalagan ninyo at dalhin dito sa akin.’”

A. The donkey was ready because Jesus was where He was supposed to be.
500 years before, Zacarias 9:9 prophesied: King will come riding on a donkey.
Sa exact na araw, exact na oras, exact na village may nakataling donkey.

Hindi nagka-emergency sa langit.Prepared na. Pero kailangan pumunta yung disciples. Kung hindi sila sumunod, walang donkey. Hindi matutupad ang prophecy.

B. Your “donkey” is on time as Bro John says — but will you be there?
1. Donkey = provision mo para sa assignment mo. Pera para sa pangangailangan mo, Bahay para sa church plant. Tao na tutulong sa ministry. Nakatali na yan.
2. Pero kung wala ka sa Bethphage”, kung nasa “Bethany” ka kasi mas komportable, hindi mo makikita.

Lukas 22:10, “Pagpasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may pasan na banga ng tubig. Sundan ninyo siya” Yan yung exact instruction para sa exact upper room para sa Last Supper.
Provision was in the details.

3 QUESTIONS FOR YOUR PROVISION

Haggai 1:6 NLT–“Kumakain kayo ngunit hindi nabubusog; umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan... at ang kumikita ay naglalagay ng kanyang kinikita sa supot na may butas.”_
Bakit? v.9 “Sapagkat ang aking bahay ay wasak, habang ang bawat isa sa inyo ay abala sa sarili niyang bahay.”
Wrong place = leaking provision.

Kaya tanungin mo sarili mo:

1.“Nasaan ang Kerith ko ngayon? Anong lugar, ministry, church, job ang malinaw na sinabi ni Lord na puntahan mo?
Awit 32:8, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.”
Kung wala ka dun, wag ka magtaka kung nauuhaw ka.

2. “Natuyo na ba ang batis ko?” Baka tapos na season mo sa Kerith. Pero ayaw mo umalis kasi “sanay na ako”.
God dries up brooks to move you to Zarephath.
Ang miracle mo wala na sa luma. Nasa susunod na utos.

3.“Handa ba akong pumunta sa ‘village’ kahit gusto ko ‘city’?” Si Sidon mas sikat. Pero si Zarephath ang may biyuda.
Si Lord hindi mo supplier sa Amazon. Siya yung Mapa.
Obedience bago abundance.

Yung provision mo, nakatali na. Nasa Zarephath na. Nasa Bethphage na.
Pero kung wala ka dun, magugutom ka.

Deuteronomio 28:2, “Lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung susunod ka sa tinig ni Yahweh na iyong Diyos.”
“Darating sa iyo”means it’s traveling to an address. Make sure you’re home.

Prayer:
“Ama, patawad kung hinahanap ko provision Mo sa maling lugar. Patawad kung nag-stay ako sa Kerith nung pinapa-Zarephath Mo na ako. Ngayon, itinuturo ko sa Iyo ang buhay ko. Ituro Mo sa akin ang exact na lugar, exact na oras. Tutupad ako, para hindi ako magkamali. Salamat kasi yung ‘donkey’ng pagpapala ko, ready na. In Jesus’ Name, Amen.”

Memory Verse:1 Kings 17:4 _“...at iniutos ko na... pakainin ka roon.”_ “ROON.” Not anywhere. There.

“Your Provision Has an Address. Are You There?”

God Bless Everyone
🙏🙏🙏

Photos from Jcssmi's post 14/06/2026

Late upload
JUNE 12,2026
OCC THANKS GIVING CELEBRATION
@ Lord Jesus Bible Church Global Ministry Inc
Sto.Angel San Pablo City
❤❤❤❤
Jcssmi Children's Ministry
Elise Alimon Birthday Celebration
Jollibee plaza san pablo City
And kulitan time park SPC

Elise Alimon
Lizeth Antolin
Shania Lavinge Petil

13/06/2026

Praise and Worship the Lord wherever you are 🙏🙏🙏

11/06/2026

"BAGONG HABAG EVERY MORNING"
Verse:Panaghoy 3:22-23
"Ang pag-ibig ni Yahweh ay hindi nagmamaliw. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang Kanyang katapatan!"

Bakit ngayon:
After ng takot kailangan ng tao ng pag-asa ngayong umaga.May bagong supply ng awa si Lord today.

Application:
1.Yesterday was shaken, but today is new. Hindi ka stuck sa trauma ng lindol.

2. Habag ni Lord = sapat para sa aftershock ng buhay mo. Problema sa pamilya? Bayarin? Sakit? Meron Siyang bagong habag ngayon.

3. Challenge:
Bago mag-Facebook, mag-"habag check" muna. Anong bagong kabutihan ni Lord ang nakita mo ?

Sapat ang biyaya ng Diyos
Read the Bible
Pray
And Apply sa Buhay
😊👍❤🙏

10/06/2026

PANALANGIN PARA SA ARAW NA ITO – JUNE 9, 2026

“Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y magalak at magsaya sa kanya.”
Awit 118:24

Ama naming nasa langit,

Salamat po sa bagong umaga. Salamat sa hiningang ipinahiram Mo ulit ngayon. Kahit may mga bagay na hindi namin maintindihan — lindol kahapon, problema ngayon, takot para bukas — pinipili naming magtiwala na _Ikaw pa rin ang Diyos na may hawak ng lahat._

Para sa araw na ito, dalangin namin

1.Lakas na sapat ngayon
Hindi para sa buong linggo, kundi para sa araw na ito,

Mateo 6:34“Sapat na sa bawat araw ang kabalisahan nito.”
Ibigay Mo po ang tibay ng loob, pasensya, at karunungan na kailangan namin sa mga tatahakin namin ngayon.

2.Pusong mapagpasalamat
Sa gitna ng gulo sa Mindanao, sa mga balita, sa mga bayarin, turuan Mo kaming makita pa rin ang kabutihan Mo.

3.Mata para sa ibang tao
Baka may makasalubong kami ngayon na kailangan ng ngiti, ng tulong, ng kwento Mo. Gamitin Mo kami.

4.Kapayapaan sa mga nayanig Lalo na para sa mga kapatid namin sa Gensan, Sarangani, at buong Mindanao. Aliwin Mo ang mga natatakot pa sa aftershocks. Yakapin Mo ang mga lumikas. Ibalik Mo ang katahimikan sa lupa at sa puso nila.

5.Direksyon sa mga desisyon – Kung may dapat kaming piliin ngayon, maliit man o malaki,

Santiago 1:5“Kung nagkukulang ng karunungan, humingi sa Diyos.”
Hinihingi po namin ngayon. Gabayan Mo kami.

Lord, hindi namin alam ang buong mangyayari ngayong araw. Pero alam ko kung Sino ang kasama namin. At sapat na ‘yun.

Ngayong araw, pinipili naming
magtiwala kahit hindi makita.
Sumunod kahit mahirap.
Magmahal kahit masakit.
Magliwanag kahit mag-isa.

Sa pangalan ni Jesus,
Amen.

---🙏🙏🙏

VERSE for TODAY:
Panaghoy 3:22-23
_“Ang pag-ibig ni Yahweh ay hindi nagmamaliw. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang Kanyang katapatan!”

Bagong araw, bagong pag-asa

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Alaminos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Purok 7 , San Juan Alaminos, Laguna
Alaminos
4001

Opening Hours

Wednesday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm