KMC Service

KMC Service

共有する

KMC is a diversified well-being and service company, focused on assisting people’s lives in Japan that are intertwined with the Philippines.

KMC leads across its portfolio:
KMC Magazine is Japan’s most-widely distributed publication, with approximately 10,000 circulations allotted FREE to 350 institutions all over Japan. KMC has the largest network to Filipinos, comprising migrants and various community groups all throughout Hokkaido to Kagoshima prefectures. KMC supports Filipinos who want to work in Japan and guides you so that you can work properly in Japan under the prescribed laws, regulations, and guidelines.

Vice, ‘di nakapalag sa panlilibak sa TNT! 15/06/2026

KMC News Flash
《June 15, 2026》
☆BALITANG SHOWBIZ #2
VICE, DI NAKAPALAG SA PANLILIBANK SA TNT

Timeout muna ang Tawag ng Tanghalan (TnT) competition sa It’s Showtime ayon mismo kay Vice Ganda.
Umapaw ang pamimintas sa Huling Tapatan last Saturday kung saan itinanghal na kampeon si Yannie Paul Basical.

Na kesyo boring na at umay vibe na ang singing competition sa It’s Showtime.
Naglaho na raw ang dating excitement sa nasabing portion at sana raw ay mamahinga muna ito.

Mabilis itong sinagot ni Vice sa Twitter (X), na-appreciate raw nila ang constructive criticism ng viewers and fans ng kanilang programa.
Una niyang tweet: “The initial performances were underwhelming. But when the Top 3 started their medley numbers pakingsh*t it was a moment of gold!!!! Ang exciting na di mo masabi kung sinong mananalo dahil lahat naappreciate ung husay at puso ng performance nila. ,” aniya.

Sinundan niya ito ng: “I read ur comments during breaks and gets ko mga hanash nyo. Still thank you for always supporting Tawag ng Tanghalan. I appreciate the constructive criticisms. For now ipapahinga muna natin panandalian ang TnT para mas makapaghanda pa ang mga sasali,” mensahe niya na pinasalamatan naman ng kanyang followers.

Kinoronahan ngang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Season 10 si Yannie Basical ng Region 3 matapos makuha ang pinakamataas na score na 97.4% mula sa hurados sa grand finals na ginanap noong Sabado (June 13), at nagmarka ng kasaysayan bilang unang kampeon ng kumpetisyon na nasa autism spectrum.

SOURCE:

Vice, ‘di nakapalag sa panlilibak sa TNT! Timeout muna ang Tawag ng Tanghalan (TnT) competition sa It’s Showtime ayon mismo kay Vice Ganda.

Bea, mabilis daw maniwala!? 15/06/2026

KMC News Flash
《June 15, 2026》
☆BALITANG SHOWBIZ #1
BEA, MABILIS DAW MANIWALA

Active na ulit sa social media si Bea Alonzo.
Panay na ang paramdam niya. Base sa kanyang post kahapon, nasa Bangkok, Thailand ang actress. May iso-shoot daw itong endorsement.

Caption niya kalakip ang dump photos: “somewhere between call time and calling it a night.”
As if wala siyang pinagdaanan at naudlot ang kasal nila ni Vincent Co ng Puregold sa Spain.

Caption niya kalakip ang dump photos: “somewhere between call time and calling it a night.”
As if wala siyang pinagdaanan at naudlot ang kasal nila ni Vincent Co ng Puregold sa Spain.

Sa kanyang mga post ay back to normal na nga ang actress.
Balik-taping din daw ito pero next year pa diumano ipalalabas ang nasabing serye na kasama si Tom Rodriguez.
Ito ay kahit ang daming mga kuwento sa naudlot nilang kasalan ng bilyonaryo na pinanghihinayangan ng iba dahil andun na raw, pero naudlot pa dahil sa diumano’y pagiging mabait ng actress sa mga taong nasa paligid niya.
Sana raw ay magkaroon din ng sariling decision ang actress at ‘wag basta maniwala.

Awss. Walang nabanggit ang source kung sino ang tinutukoy niya sa kuwentong ‘yun.

SOURCE:

Bea, mabilis daw maniwala!? Active na ulit sa social media si Bea Alonzo.

AFP, PNP walang simpatiya sa 18 ‘Maleta Boys’ 15/06/2026

KMC News Flash
《June 15, 2026》
☆BALITANG PINAS
AFP, PNP WALANG SIMPATIYA SA 18 MALETA BOYS

Sinuman ang nasa likod ng posibleng tangkang destabilisasyon na kinasasangkutan ng 18 “Maleta Boys,” hindi nila kayang pahinain ang propesyonalismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi lippine National Police (PNP), ani Sen. Panfilo Lacson nitong Linggo.

Giit ni Lacson na malinaw nang itinakwil at inilayo ng mga uniformed service ang kanilang sarili sa 18 dating sundalo na nagsabing naghatid sila ng mga maletang puno ng pera sa ilang perso nalidad na iniuugnay sa iskandalo sa flood control.

“The AFP and uniformed services natin, wala silang simpatiya sa 18 Maleta Boys. Dini-disown ng Philippine Marines, dini-disown ng AFP. Labindalawa sa kanila ay dishonorably discharged. Ayaw nilang ma-associate sa 18. So kung nag-a-assume sila na magti-trigger ito ng something bigger, magkakagulo ang buong bansa, magde-destabilize, sa tingin ko lang, mukhang nagkakamali sila,” aniya sa panayam sa DZBB.

Ayon kay Lacson, maaaring naagapan na ang anumang posibleng banta na may kaugna yan sa 18 “Maleta Boys” matapos magpatupad si acting Senate President Sherwin Gatchalian ng mas mahigpit na seguridad sa Senado at payagan ang mga empleyado na magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang pagpasok ng 18 sa Senado noong Hunyo 8 na sa halip dumalo sa meeting ng Blue Ribbon noong araw na iyon, nagtungo sila sa tanggapan ni Sen. Ro binhood Padilla upang magsagawa ng press conference.
Aniya, sinubukan pa umano ng mga sumusuporta sa 18 na gipitin at harasin si Senate Sergeant-at-Arms (Ret.) P/Maj. Gen. Alfredo Corpuz upang makapasok lamang ang grupo sa Senado.

Sinabi ni Lacson na hindi malayong isipin na maaaring ginagamit ang 18 upang magsimula ng kaguluhan sa loob ng Senado at gawing isang “staging area” at rallying point para sa AFP at PNP.

SOURCE:

AFP, PNP walang simpatiya sa 18 ‘Maleta Boys’ Sinuman ang nasa likod ng posibleng tangkang destabilisasyon na kinasasangkutan ng 18 “Maleta Boys,” hindi nila kayang pahinain ang propesyonalismo ng Armed Forces of the Philippines at Phi­lippine National Police, ani Sen. Panfilo Lacson nitong Linggo.

Takaichi, Meloni hold summit talks, welcome US-Iran agreement | NHK WORLD-JAPAN News 15/06/2026

KMC News Flash
《June 15, 2026》
☆BALITANG JAPAN #2
SINA TAKAICHI, MELONI AY NAGSAGAWA NG MGA PAG-UUSAP SA SUMMIT, TINATANGGAP ANG KASUNDUAN NY US-IRAN

Ang Punong Ministro ng Hapon na si Takaichi Sanae ay nakipagpulong sa kanyang Italian counterpart na si Giorgia Meloni sa Roma. Ang dalawang lider ay nag-usap ng mahigit isang oras noong Lunes. Ang kanilang nakaraang in-person meeting ay naganap sa Tokyo noong Enero.

Sa panahon ng mga pag-uusap, tinanggap nina Takaichi at Meloni ang anunsyo ng isang kasunduan ng Estados Unidos at Iran sa isang memorandum of understanding na naglalayong wakasan ang labanan. Kinumpirma rin nila na sila ay magtutulungan nang malapit upang maisakatuparan ang kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng mabilis at tuluy-tuloy na pagpapatupad ng kasunduan.

Sumang-ayon sila na palalakasin ng kanilang mga bansa ang kooperasyon sa pag-iimbak ng mga kritikal na mineral, kabilang ang mga rare earth, at sa mga advanced na larangan ng teknolohiya tulad ng semiconductors. Nagpasya silang higit na makipagtulungan batay sa isang memorandum na ipinagpalit sa pagitan ng dalawang pamahalaan.

Naglabas sila ng magkasanib na pahayag sa larangan ng aerospace at sumang-ayon na higit pang bumuo ng satellite data cooperation at mga hakbang laban sa space debris. Sumang-ayon din sila na makipag-ugnayan sa pagpapabilis ng magkasanib na pag-unlad ng susunod na henerasyong fighter aircraft ng Japan, Italy at Britain.

Ang Italy ang pangalawang hinto sa European tour ni Takaichi. Sasali siya sa G7 summit sa Evian, silangang France. Plano niyang gumawa ng mga bagong panukala sa enerhiya at pag-iimbak ng mga kritikal na mineral, kasunod ng kanyang mga pag-uusap sa summit sa Britain at Italy.

SOURCE:

Takaichi, Meloni hold summit talks, welcome US-Iran agreement | NHK WORLD-JAPAN News Japanese Prime Minister Takaichi Sanae has met with her Italian counterpart Giorgia Meloni in Rome.

Japan's soccer World Cup opener against Netherlands ends in 2-2 draw | NHK WORLD-JAPAN News 15/06/2026

KMC News Flash
《June 15, 2026》
☆FOREX
Y10,000= P3,742
US$100= P5,988
Y10,000= US$62.00

☆BALITANG JAPAN #1
ANG PAGBUBUKAS NG SOCCER NG JAPAN SA WORLD CUP LABAN SA NETHERLANDS AY NATAPOS SA 2-2 DRAW

Umiskor ang Japan ng late equalizer para isalba ang 2-2 draw sa Netherlands sa kanilang group opener sa men's soccer World Cup. Ang squad ng Japan, ika-18 sa world ranking, ay humarap sa top-tier team noong Linggo sa Dallas Stadium sa southern US state ng Texas.

Ang Dutch, na nasa ika-walong ranggo, ay nagtapos ng runner-up ng tatlong beses sa nakalipas na mga paligsahan sa World Cup, habang ang iskwad ng Japan ay sinasabing pinakamalakas sa kasaysayan nito, at naglalayong makuha ang titulo. Ang Japan ay inilagay sa ilalim ng patuloy na presyon mula sa simula, na may banta si Donyell Malen na makaiskor.

Ngunit ang goalkeeper na si Suzuki Zion ay gumawa ng napakatalino na pag-save, at ang unang kalahati ay natapos sa walang goal na draw. Sa ika-51 minuto, nahuli ang Japan matapos na umiskor ang kapitan ng Netherlands na si Virgil van Dijk sa isang header.

Ngunit makalipas ang anim na minuto, naitabla ni Nakamura Keito ang laro sa pamamagitan ng right-footed strike mula sa labas ng penalty area. Pagkatapos ay pinahintulutan ng Japan ang Netherlands na manguna muli sa ika-64 na minuto, nang gumawa ng goal si forward Crysencio Summerville sa isang close-range shot. Ngunit nakatabla ang Japan sa ika-89 minuto.

Isang corner kick ang sinalubong ng substitute na si Ogawa Koki's header, na nagpalihis sa Kamada Daichi para makakuha ng 2-2 draw. Nabigo ang Japan na simulan ang tournament na may panalo para sa ikatlong sunod na World Cup. Pero ipinakita ng squad ang katatagan nito.

Ang koponan ay dumating mula sa likod ng dalawang beses laban sa Netherlands upang makakuha ng isang puntos sa draw. Makakalaban ng Japan ang Tunisia, ika-45 sa ranking, sa ikalawang group stage match sa Sabado.

SOURCE:

Japan's soccer World Cup opener against Netherlands ends in 2-2 draw | NHK WORLD-JAPAN News Japan scored a late equalizer to salvage a 2-2 draw with the Netherlands in their group opener at the men's soccer World Cup.

Klea, pinangalandakan ang paborito kay Janella 12/06/2026

KMC News Flash
《June 12, 2026》
☆BALITANG SHOWBIZ #2
KLEA, PINANGALANDAKAN ANG PABORITO KAY JANELLA

Nilalanggam ang katamisan ng message ni Klea Pineda kay Janella Salvador kahapon sa social media. Caption nito sa post kalakip ang photos ni Janella: “Maaaring iba ang nakikita nila, pero ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko. Sila? Bahala sila. Basta ako? Napapahanga mo ako.”
Awws, talagang wala na silang tinatago sa toto ong nararamdaman nila sa isa’t isa.

SOURCE:

Klea, pinangalandakan ang paborito kay Janella Nilalanggam ang katamisan ng message ni Klea Pineda kay Janella Salvador kahapon sa social media.

Matteo, nagparamdam kay Raymond! 12/06/2026

KMC News Flash
《June 12, 2026》
☆BALITANG SHOWBIZ #1
MATTEO, NAGPARAMDAM KAY RAYMOND

Pa-comment-comment na lang si Matteo Guidicelli sa post ni Raymond Gutierrez.
May reel video si Raymond ng kanyang ganap bago pumunta sa studio ng Agenda sa Bilyonaryo News Channel (BNC) kung saan nga anchor na rin si Raymond with Korina Sanchez, Pinky Webb and Willard Cheng.

Shared din ang nasabing post ni Raymond ng account ng BNC.
Ang daming nag-comment sa post na ‘yun ni Raymond at kabilang nga si Matteo: “Awesome bro! (with fire emoji)”

Biglang nawala si Matteo sa nasabing programa dahil diumano sa paggi-guest nito sa TV5 news program na walang heads-up sa BNC.
Si Raymond, ayon naman sa insider ng BNC, ay 2024 pa sana sasalang sa Agenda pero na-busy raw ito kaya ngayon lang natuloy.
Ang ganda ng exposure ni Raymond sa news program at tuwang-tuwa ang kanyang family and friends na napapanood na ulit siya sa TV.

SOURCE:

Matteo, nagparamdam kay Raymond! Pa-comment-comment na lang si Matteo Guidicelli sa post ni Raymond Gutierrez.

Meralco, may dagdag singil sa June bills 12/06/2026

KMC News Flash
《June 12, 2026》
☆BALITANG PINAS
MERALCO, MAY DAGDAG SINGIL SA JUNE BILLS

Ianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng P0.1488 kada kilowatt-hour (kWh) na dagdag sa kanilang household electricity rate ngayong Hunyo.
Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay bunsod ng mas mataas na generation charge, na dulot ng serye ng yellow at red alert sa Luzon grid noong Mayo.

Bunsod ng taas- singil, ang overall household rate ay aabot na sa P14.4833/ kWh ngayong Hunyo mula sa P14.3345/kWh lamang noong Mayo.
Anang Meralco, ang naturang upward adjustment ay katumbas ng P29.76 increase sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

SOURCE:

Meralco, may dagdag singil sa June bills Ianunsiyo ng Manila Electric Company na magpapatupad sila ng P0.1488 kada kilowatt-hour na dagdag sa kanilang household electricity rate ngayong Hunyo.

Major Japanese airlines to again raise international fuel surcharges in July | NHK WORLD-JAPAN News 12/06/2026

KMC News Flash
《June 12, 2026》
☆BALITANG JAPAN #2
ANG MGA PANGUNAHING AIRLINE NG JAPAN AY MULING MAGTATAS NG MGA INTERNATIONAL FUEL SURCHARGE SA HULYO

Ang dalawang pangunahing airline ng Japan, ang All Nippon Airways at Japan Airlines, ay nagsabi na muli nilang itataas ang mga dagdag na singil sa gasolina para sa mga internasyonal na tiket na inisyu mula Hulyo. Ang dalawang airline ay binanggit ang patuloy na mataas na presyo ng gasolina bilang isang dahilan para sa nakaplanong pagtaas.

Halimbawa, ang surcharge sa mga one-way na flight papuntang North America o Europe mula sa Japan ay tataas mula sa June rate ng 9,000 yen, o humigit-kumulang 56 dollars, hanggang 65,000 yen, o humigit-kumulang 406 dollars. Ang fuel levy para sa mga one-way na flight papuntang China ay tataas sa 15,400 yen para sa ANA at 16,900 yen para sa JAL.

Ang parehong airline ay magtataas ng surcharge para sa mga flight papuntang South Korea sa 7,400 yen. Ang mga bagong rate ay ilalapat sa mga tiket na ibinigay mula Hulyo 1 hanggang Agosto 31. Sinusuri ng ANA at JAL ang mga dagdag na singil sa gasolina bawat dalawang buwan upang ipakita ang mga pagbabago sa mga gastos sa gasolina at mga halaga ng palitan ng pera.
Ang bagong pagtaas ay kasunod ng nakaraang pagtaas noong Mayo dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo dulot ng sitwasyon ng Iran.

SOURCE:

Major Japanese airlines to again raise international fuel surcharges in July | NHK WORLD-JAPAN News Japan's two major airlines, All Nippon Airways and Japan Airlines, say they will again raise fuel surcharges for international tickets issued from July.

Japan's H3 rocket puts 6 satellites into orbit | NHK WORLD-JAPAN News 12/06/2026

KMC News Flash
《June 12, 2026》
☆FOREX
Y10,000= P3,753
US$100= P6,014
Y10,000= US$62.00

☆BALITANG JAPAN #1
ANG H3 ROCKET NG JAPAN AY NAGLALAGAY NG 6 NA SATELLITE SA ORBIT

Ang mainstay na H3 rocket ng Japan ay matagumpay na naglagay ng anim na satellite sa nakaplanong orbit. Ang H3 rocket ay lumipad mula sa Tanegashima Space Center bago mag-10 a.m. sa lokal na oras ng Biyernes.

Sinabi ng Japan Aerospace Exploration Agency, o JAXA, na ang rocket ay patuloy na umakyat at umabot sa nilalayong orbit nito sa taas na humigit-kumulang 580 kilometro sa paligid ng 15 minuto pagkatapos ng pag-angat.

Anim na maliliit na satellite ang inilagay sa orbit, na naging matagumpay sa misyon. Ang nakaraang H3 launch noong Disyembre ay natapos sa kabiguan. Inayos ng JAXA ang isang problema sa istraktura ng suporta sa payload at ipinagpatuloy ang operasyon ng paglulunsad pagkatapos ng humigit-kumulang anim na buwan.

Ang pinakabagong modelo ng H3 ay isang bagong "30 configuration" na pansubok na sasakyan na hindi gumagamit ng mga booster. Sa halip, nilagyan ito ng tatlong pangunahing makina. Ang mga nakaraang modelo ay may dalawa. Nakatuon ang atensyon sa kung maibabalik ng space agency ang flagship rocket program nito.

Sinabi ng Pangulo ng JAXA na si Yamakawa Hiroshi sa isang kumperensya ng balita na ang ahensya ay gumawa ng lubos na pagsisikap upang siyasatin ang dahilan ng pagkabigo noong nakaraang Disyembre at gumawa ng mga hakbang sa pagwawasto upang mabawi ang tiwala.
Idinagdag niya na ang ahensya ay gagana nang may panibagong desisyon upang gawing mas maaasahan at mapagkumpitensya ang mga rocket ng Japan.

SOURCE:

Japan's H3 rocket puts 6 satellites into orbit | NHK WORLD-JAPAN News Japan's mainstay H3 rocket has successfully placed six satellites into planned orbit.

あなたの事業をメディア会社のトップリストMinatoにしたいですか?
ここをクリックしてあなたのスポンサー付きリスティングを獲得。

電話番号

ウェブサイト

住所

南青山1-16-3 クレスト吉田 103
Minato, Tokyo
107-0062

営業時間

月曜日 11:00 - 18:30
火曜日 11:00 - 18:30
水曜日 11:00 - 18:30
木曜日 11:00 - 18:30
金曜日 11:00 - 18:30