Practically Grace

Practically Grace

Share

This page is all about practical lifestyle, health, and living of Grace Gorobao-Rabusa here in Canada Hi! Come and join me as we walk through life. Thank you.

I’m Grace, practical Filipino-Canadian mom, welcome to my channel. This channel is all about my practical motherhood and family's life journey. I am Filipino-born but acquired Canadian citizenship hence I am a Filipino-Canadian (FilCan). I created this vlog to record some of my memories to share with the world and at the same time as our remembrance since not all of them will be remembered. It is

06/16/2026

ILANG IGLAP LANG GANITO NA KATAAS ANG TANIM NAMIN! Nagbakod, nagpunla, nagdilig, at ito na ngayon, nkakatuwang panoorin! Satisfaction guarantee talaga pag tumubo na ang pinaghirapan mong itanim. Mini-gulayan namin dito sa Canada! Gardening season na naman kaya hito marami ng pananim. Iba’t ibang klase ng gulay at rekados: bawang at sibuyas, mais, patatas, kamatis, green beans, sweet pea at sitaw.

06/12/2026

HINDI LANG ITO NAKAKATULONG SA KALUSUGAN, NAKAKATULONG DIN SA BULSA! Yong ginagamit kong oregano herb pag may ubo, naibibenta ko na rin. Mabilis lang syang patubuin at palakihin. Sabi ng iba ginagamit dn daw nila ito sa pagluluto. Hindi ko pa nasubukan yon..anong putahi kaya ang pwedeng paglayan nito?

Photos from Practically Grace's post 05/23/2026

Kung kaya mo na ngaun..Gawin mo yong hindi mo nagawa noon. Para sayo, para sa kanila ☺️

05/15/2026

PLANTING SEASON NA NAMAN DITO SA CANADA! MAG-abuno muna ng organic fertilizer bago magtanim. FREE! Agapan na para hindi maubusan dahil ilang taon na kaming laging nauubusan ng libreng pataba.

04/10/2026

BAKIT INIIWASAN KO ANG SWIMMING POOL? NILALAGYAN KASI ITO NG MARAMING CHLORINE PARA MA-DISINFECT DAHIL SA TAE O F***L FORMATION AT IBA PANG GERMS. Hindi naman maganda sa kalusugan ang chlorine at lalo na ang lumangoy ka sa tae..kaya paminsan-minsan lang kung lumangoy dito, at least na-experience nilang mag swimming pool. Pros & con ng swimming pool.

04/09/2026

OO NGA NAMAN! May kanya-kanya tayong talino. Kaya wag mong tatawanan ang isda kung hindi sya makaakyat sa kahoy, ikaw nga hindi naman makahinga sa tubig. Huwag pabida, lahat tayo may kanya-kanyang kakayanan.

04/08/2026

KAILANGANG MAGPALAKAS KASI SUMMER NA,MAPAPALABAN NANAMAN SA GALAAN, OBLIGADO DAHIL MAY MGA ANAK. Simula na naman ng walang katapusang gala sa labas dahil nagsisimula ng uminit at matunaw ang mga yelo.

04/08/2026

NASA PUNTO KA NA RIN BA NG BUHAY NA AYAW MO NA NG MARAMING PALIWANAG? Yes ka na lang ng yes para matapos na at walang mahabang usapan? Kasi ako andon na..lol..sign na talaga: or ??

04/06/2026

PAMPALAKI NG PW*TAN. Ito ang magandang exercise para maging firm at well-developed ang inyong glutes. Sa mga gusto ng magandang hubog ng likuran, para hindi saggy at may hugis pa ang glutes, isa ito sa magandang gawing exercise!

03/23/2026

Malayo na pero malayo pa.
Finally, Alberta RN at 40!
Kahit anong hirap, don’t give up on your dreams.

Registered Nurse ako sa Pinas. Nagtrabaho as RN sa Saudi, tapos nakapuntang Canada as caregiver. Ginusto kong maging RN din dito sa Canada pagdating ko pa lang kaso hindi ganon kadali. Hanggang sa naging priority na ang pamilya at magkaron ng anak.

Pero kahit na may anak na, ginusto ko pa rin talagang makabalik sa pagiging nurse. Yun yong alam ko at gusto kong profession. Hindi ganon kadali na mag-aral habang nagna-nanay at nagtatrabaho pero kakayanin naman pala, with God’s grace..basta determinado ka.

Malayo na rin ang narating, pero kakasimula pa lang uli magbalik sa trabaho kaya malayo pa ang lalakbayin.

Want your business to be the top-listed Food & Beverage Service in Red Deer?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Red Deer
Red Deer, AB