Faith khyle vlog
I'm not attractive and i'm not photogenic, I'm just a simple human na may eyebugs at anemic.
18/12/2025
200,000.00 SAR ang naging bunga ng negosasyon sa kaso.
Si Ate J ay may dalawang anak na 8 at 5 taong gulang. Dahil inabandona ng kanyang live in partner, napilitan mag abroad si Ate J bilang kasambahay noong 2022.
Okay sana ang kanyang pagtatarabaho sa loob ng tatlong taon dito sa Jeddah. Pero sa isang iglap ay nagbago ang situasyon ni Ate. Ayon sa kanya, siya ay naabuso. Agad natin siyang nerespondehan nang humingi ng saklolo.
Nang makuha natin si Ate sa employer ay sinamahan natin sa ospital para ipa forensic examination. Hindi nag sinungaling ang forensic result, positive nga na inabuso si Ate. Subalit si Ate ay ayaw ihabla ang salarin at ang hiling lang niya ay mabigyan ng exit visa at ticket para makauwi agad. Ngunit ang MWO ay hindi siya pinayagan dahil may nakita na malakas na ebidensya para ipakulong ang salarin.
Sinamahan natin si kabayan sa Pulis at naghain tayo ng habla para kay Ate kahit medyo alanganin ito dahil gusto na nga niyang umuwi. Subalit ang salarin na ikinulong agad ng mga pulis ay gusto makipag areglo. Nagharap si Ate at ang salarin at hindi natibag si Ate kahit ito ay takot dahil pinasamahan natin sya sa abogado ng MWO. Ang salarin ay mayroon din abogado na humarap sa imbestigasyon.
Maghapon nagusap-usap kahapon ang mga abogado ng magkabilang panig para sa settlement ng kaso kahit si Ate ay ok lang sa kanya ang exit visa at ticket lamang.
Bandang hapon na ay nagkasundo ang mga abogado sa 200,000.00 SAR, exit visa at ticket, kapalit ng hindi pagpapatuloy ng kaso. Kaya ora-orada ay inihatid natin si kabayan sa airport sa utos ni DMW Undersecretary Bernard P. Olalia na nagkataon na pauwi din ng Pilipinas mula Jeddah. Isinabay na ng nabanggit na opisyal si Ate para makauwi ng matiwasay sa Pilipinas.
Mabuti at may abogado ang MWO na nag represent kay Ate at kahit papaano ay medyo naibsan ang kanyang hinagpis sa kanyang sinapit.
Tatlong milyong peso ang conversion ng naiuwi ni Ate na settlement. Sana ay magamit niya ito sa pag-ahon sa kahirapan.
Post📷 Tahanan ng OFWs-Jeddah
18/12/2025
FYI! Sa lahat ng mga KABAYAN sa Saudi pwede na kayo mag change ng Photo ninyo for Digital ID ng IQAMA sa Absher application!
Just log in to your absher application.
゚
15/12/2025
ANOTHER OFW DOWN!!
Si kabayan ay naka-uwi na sana sa Pilipinas, nakasama na sana ang pamilya sa loob nang dawalang taon at dalawang buwan.
Ngunit sa kasamaang palad , Siya ay may malubhang sakit na pala na nakuha niya sa pagtratrabaho sa ibang bansa.
At hindi pa binigay ang dalawang buwan na sahod nito.
Nakita nang mga doctor na over work ang main reason sa pagkawala ni kabayan, walang dapat na tulog at walang sapat na pagkain. Ang mas malala pa ayun sa mismong kapatid, limang bahay ang nililinisan niya.
Nagreklamo sa agency pero hindi pinakingaan ang sagot lamang nang agency "HINDI KA PUMUNTA DIYAN PARA NAGING PRINSESA"
Mga FISH TEA na klase sa agency.
PS:Kaya kayo mga kabayan kapag madamot amo ninyo sa pagkain, walang sapat na pahinga, at pinapalinis sa ibang bahay, kahit lagpas 3 months pa kayo wag na wag kayong matakot magpabalik sa agency, kapag hindi kayo pinapakinggan nang mga agent ninyo or RO direct contact kayo sa DMW o sa POLO para sila mismo ang rerescue.
Condolences to the bereaved family, you may rest in peace 🕊️ KABAYAN
Source: Rosalie Paparon Bejar
15/12/2025
When was the last time you saw Kingdom Tower like this, surrounded by clouds? 🌧 ☁️ ⛈️
12/12/2025
PUERTO PRINCESA NAKARAMDAM NG PAGYANIG NGAYONG UMAGA, MATAPOS MAKARINIG NG PAGSABOG MULA SA KALANGITAN
Nakaramdam ng pagyanig ang mga residente ng Puerto Princesa matapos makarinig ng pagsabog mula sa kalangitan bandang 7:10 ngayong umaga ng Biyernes, Dec 12
Hinihinalang ito ay nagmula sa mga rocket launch ng China ngayong araw mula sa Wenchang satellite launch center sa Hainan
Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag na kumukumpirma na ito nga ay galing sa China
Photo Courtesy: When in Palawan
Magkakaroon na ng 5-year validity ang mga IQAMAH ID sa Saudi Arabia bilang bagong policy.
Mawawala na ang yearly renewal. At ang magandang balita ay 500 Riyals lang ang babayaran sa loob ng 5 taon inshaallah.
09/12/2025
grabe 16 years ago, bakit kaya binalikan ng mga netizens ang dating video ni kate talens
゚
06/12/2025
Pagpapatupad ng OFW Travel Pass Basahin:
05/12/2025
sino po nawawalan ng pera diyan? may nakita po ako ngayon nakaplastic.... pm lang po.
para maibalik ko yung plastic😂😂😂
04/12/2025
Dati, laro lang iniintindi mo. Tatawagin ka lang pag oras ng pagkain—walang problema, walang stress.
Ngayon, bilang OFW, ang dami mong dala: pagod, responsibilidad, pangarap, at pamilya na umaasa sa’yo.
Pero tandaan mo ito:
Hindi ka naghirap para wala lang. May direksyon ang bawat sakripisyo mo.
May binubuo kang kinabukasan na mas maganda kaysa sa mundong iniwan mo noon.
Kaya kahit mahirap, keep going.
One day, babalikan mo ito at sasabihin mong…
“Kinaya ko. At mas malayo pa ang mararating ko.”
Click here to claim your Sponsored Listing.