DA 4K Program-SOCCSKSARGEN
Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program of the Department of Agriculture RFOXII
15/05/2026
Reposted from Agri Tayo Soccsksargen
๐๐๐๐๐๐๐ | Pormal nang nagbukas ang taunang selebrasyon ng DA Kalingawan na ngayon ay nasa Season 5, sa pamamagitan ng isang programa na ginanap kahapon sa DA-RFO XII Grounds. Tampok sa pagbubukas ang ibaโt ibang pagtatanghal sa kantahan at sayawan, gayundin ang masigabong suporta at hiyawan mula sa mga kawani at panauhin ng ahensya na lalong nagbigay-buhay sa okasyon.
Kabilang sa mga pinakainaabangang bahagi ng programa ang unveiling ng official logo at hymn ng Kalingawan, pagpapakilala sa mga kandidato ng Search for Mr. and Ms. DA-RFO XII 2026, at ang espesyal na talent showcase na pinangunahan ng DA Band.
โ Dann French
๐ธ Fred Dimaisip, RAFFIE BAUTISTA, Gallardo Zafico
13/05/2026
Reposted from Agri Tayo Soccsksargen
Mga ka-AGRI, tara na at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโs Month Celebration 2026! Inaanyayahan namin kayo sa Pista sa Nayon/Saint Isidore Feast Day sa DA-RFO 12, Prime Regional Government Center Grounds, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City ngayong Mayo 14, 2026.
Sariwang prutas, gulay, at iba pang produkto ang mabibili sa Kadiwa ng Pangulo diretso mula sa ating mga magsasaka sa abot-kayang halaga. Tampok din ang โBenteng Bigas Meron Na!โ na siguradong swak sa budget para sa miyembro ng 4Ps, senior citizens, Person with Disability (PWDs), at mga single parents. Magdala lamang ng valid IDs.
Huwag palampasin ang araw na puno ng saya, suporta sa lokal na produkto, at pagkakataong palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan. Ano tara?
Mga ka-AGRI, tara na at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโs Month Celebration 2026! Inaanyayahan namin kayo sa Pista sa Nayon/Saint Isidore Feast Day sa DA-RFO 12, Prime Regional Government Center Grounds, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City ngayong Mayo 14, 2026.
Sariwang prutas, gulay, at iba pang produkto ang mabibili sa Kadiwa ng Pangulo diretso mula sa ating mga magsasaka sa abot-kayang halaga. Tampok din ang โBenteng Bigas Meron Na!โ na siguradong swak sa budget para sa miyembro ng 4Ps, senior citizens, Person with Disability (PWDs), at mga single parents. Magdala lamang ng valid IDs.
Huwag palampasin ang araw na puno ng saya, suporta sa lokal na produkto, at pagkakataong palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan. Ano tara?
06/05/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | Pinagtibay ng Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA-RFO XII) sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang pakikipagtulungan nito sa Department of Labor and Employment (DOLE) XII para sa kapakanan ng mga katutubong magsasaka sa rehiyon.
Noong Mayo 5, 2026 isinagawa ang isang coordination meeting sa DOLE Provincial Office sa Tacurong City upang higit na mapalakas ang implementasyon ng nasabing ugnayan.
Layunin ng pagpupulong na mailapit ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa mga ancestral domain upang mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga katutubo sa panahon ng โlean periodโ o mga buwan sa pagitan ng pagtatanim at pag-aani.
Sa ilalim ng nasabing inisyatibo, inaasahang magsasagawa ang mga benepisyaryo ng ibaโt ibang gawaing pang-agrikultura tulad ng paghahanda ng lupa, reforestation, at pagtatatag ng communal gardens. Ang DA-4K ang magsisilbing tagapagbigay ng teknikal na gabay habang ang DOLE XII naman ang mangangasiwa sa payroll at insurance ng mga kalahok.
Ayon kay Mechelle O. Ignacio, Chief Administrative Officer at DOLE SKFO Head, โ๐๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐ ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐ข๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ด๐ฆ๐ฌ๐ต๐ฐ๐ณ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ. ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐-๐ฆ๐, ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐ด๐ฆ๐ณ๐ฃ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ฐ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ด๐ข ๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ.โ
Dagdag pa niya, โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ต๐ช๐ฃ๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ช๐ต๐ข, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฃ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ด๐ฆ๐ฌ๐ต๐ฐ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ฌ๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข.โ
Target ng inisyatibong ito na matulungan ang mga katutubong benepisyaryo sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Sa pamamagitan ng pinagtibay na ugnayan ng DA, DOLE, NCIP, at mga lokal na pamahalaan, layon ng pamahalaan na mapalakas ang seguridad sa pagkain at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Indigenous Cultural Communities sa rehiyon.
05/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Matagumpay na isinagawa ang isang validation activity kaugnay ng aplikasyon para sa Certificate Precondition ng Demamis Coffee Farmers Associaation sa Sitio Demamis, Laconon at Diversified IPs Farming Association sa Sitio Ulo Cabu, Maan, Tboli, South Cotabato nitong Abril 29-30, 2026.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program. Layunin nitong tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga proyekto sa loob ng kanilang ancestral domains, alinsunod sa umiiral na batas at karapatan ng mga katutubo.
Sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples XII โ South Cotabato Provincial Office (Tboli Community Service Center) at lokal na pamahalaan, patuloy na pinagtitibay ang inklusibong pag-unlad at pagpapalawak ng oportunidad para sa ating mga katutubong magsasaka.
๐ธ : Jerico M. Apan / Borhan G. Macasasa
05/05/2026
Reposted from DA - Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo Program
๐๐๐๐๐๐๐: Ang Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K Program) ay nagsagawa ng isang activity na โEnhancing Agribusiness Competitiveness Forumโ noong April 27โ30, 2026 sa Paraรฑaque City.
Layunin ng activity na ito na mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang ating mga Kababayang Katutubo na makita ang potential ng kanilang merkado para sa kanilang mga agricultural commodities. Naging pagkakataon din ito para makilala at makausap nila ang ibaโt ibang kumpanya at stakeholders, at magkaroon ng kaalaman kung ano ang mga requirements, standards, at proseso para makapasok sa mas malawak na merkado at makipag-partner sa kanila.
Nagkaroon din ng mga presentations mula sa ibaโt ibang kumpanya at stakeholders tungkol sa kanilang value chain development at kung paano mas mapapalakas ang partnership sa mga IPs. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga pangangailangan, quality standards, at ilang strategies na makakatulong hindi lamang sa paglago ng agribusiness kundi pati na rin sa pagpapalakas ng food security ng bansa.
Nagbigay din ng mensahe sina Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization at Rural Credit, at Jerome V. Oliveros, Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance (ODA) โ Foreign Aid/Grants. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng agribusiness sector sa pagpapatibay ng food security ng bansa at sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
Lubos na pasasalamat sa mga rehiyon na dumalo kasama ang kanilang mga kinatawan na mga Kababayang Katutubo. Pasasalamat din sa mga stakeholders na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman kabilang ang Potato Corner, Ueshima Coffee Co., Carmen's Best, Mama Sita Foundation, Hi-Las Marketing, SEE International, PhilFoodEx, Market Reach, at PhilMaize na nagpresenta at nagbahagi ng kanilang mga programa at oportunidad para sa ating mga benepisyaryo.
๐ท: RAFFIE BAUTISTA
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก | Dalawang Indigenous Peoples (IP) farmers, ibinahagi ang kanilang karanasan mula sa ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ง๐๐๐ช๐จ๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐พ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐๐ค๐ง๐ช๐ข na ginanap noong Abril 27โ30, 2026 sa Paraรฑaque, Metro Manila sa ilalim ng 4K Program.
Ano ang kanilang mga natutunan at paano ito magsisilbing susi sa pagpapalawak ng kanilang kabuhayan at pagpasok sa mas malawak na merkado?
Panoorin ang kanilang kwento.
01/05/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | Aktibong nakilahok ang Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA RFO XII) sa isinagawang apat (4) na araw na pambansang pagtitipon sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program na ginanap mula Abril 27โ30, 2026 sa Paraรฑaque City, Metro Manila.
Layunin ng โEnhancing Agribusiness Competitiveness Forumโ na palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo ng 4K Program at iba pang stakeholders sa larangan ng agribusiness sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa market integration, value chain development, at mga makabagong estratehiya upang makasabay sa pambansa at pandaigdigang kalakalan.
Dinaluhan ang nasabing forum ng ibaโt ibang kumpanya at kinatawan mula sa sektor ng negosyo na may kinalaman sa lokal at internasyonal na food importation. Naging daan ito upang mabuksan ang mas malawak na oportunidad para sa mga magsasaka, lalo na ang mga katutubong komunidad, na makapasok sa mas kompetitibong merkado.
Kabilang din sa mga naging panauhin at guest speaker ng nasabing forum si Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization and for Rural Credit, kung saan kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng agribusiness sector bilang susi sa inklusibong pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
Sa pakikilahok ng DA RFO XII, inaasahang mas mapagtitibay ang implementasyon ng 4K Program sa rehiyon, kabilang ang pagbibigay ng mas epektibong suporta sa produksyon, pagproseso, at pagmemerkado ng mga produktong agrikultural ng mga katutubong magsasaka.
Patuloy ang DA sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat sa kabuhayan ng mga magsasaka tungo sa mas matatag, makabago, at globally competitive na sektor ng agrikultura.
01/05/2026
Reposted from Agri Tayo Soccsksargen
| Sa bawat pawis, sipag, at sakripisyong iniaalay ng ating mga manggagawa, patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura at tumatatag ang ating bayan.
Ngayong Araw ng Manggagawa, taus-puso nating pinaparangalan ang ating mga magsasaka, mangingisda, at lahat ng agricultural workers na walang sawang nagsisilbi upang matiyak ang sapat at ligtas na pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Maraming salamat KA-AGRI!
| Sa bawat pawis, sipag, at sakripisyong iniaalay ng ating mga manggagawa, patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura at tumatatag ang ating bayan.
Ngayong Araw ng Manggagawa, taus-puso nating pinaparangalan ang ating mga magsasaka, mangingisda, at lahat ng agricultural workers na walang sawang nagsisilbi upang matiyak ang sapat at ligtas na pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Maraming salamat KA-AGRI!
24/04/2026
Reposted from Agri Tayo Soccsksargen
๐๐๐๐๐๐๐ | Isinagawa ng DA-RFO XII ang flag retreat ceremony bilang pagpapahayag ng pagiging makabayan at paalala sa bawat kawani na patuloy na maging huwarang lingkod-bayan at tapat sa paglilingkod sa sambayanan ngayong hapon, alinsunod na rin sa CSC Memorandum Circular No. 19, s. 2012.
โ๐ธ Alecx Baterbonia
24/04/2026
Reposted from DA RFO 12 Regional Soils Laboratory
The Regional Soils Laboratory (RSL) participated in the Training Workshop on Good Agricultural Practices (GAPs) for Corn IP Farmers conducted by MIADP RPCO XII on April 21โ23, 2026 at Ace Resto, Midsayap. The activity was organized to equip IP farmer-beneficiaries with agricultural skills geared toward enhanced productivity, improved organizational efficiency, and increased profitability, while upholding cultural and traditional protection and preservation.
As part of the activity, Elly Paul A. Tomas, RCh, Chemist IV, represented the RSL as resource speaker on Soil Sampling and Analysis for Corn, emphasizing the importance of proper soil sampling and laboratory analysis in guiding nutrient management and supporting better-informed farming decisions.
The three-day workshop covered key topics including corn production and the importance of soil analysis, pest and disease management, judicious use of pesticides, overview of PhilGAP certification, the Code of Good Agricultural Practice for Corn with emphasis on the four modules, guidelines and process flow, and a field practicum/farm visit on crop inspection. Through its participation, the RSL reaffirmed its support for field-based extension activities by sharing science-based knowledge that helps farmers improve productivity through proper soil management.
Contact the business
Telephone
Website
Opening Hours
| Monday | 08:00 - 17:00 |
| Tuesday | 08:00 - 17:00 |
| Wednesday | 08:00 - 17:00 |
| Thursday | 08:00 - 17:00 |
| Friday | 08:00 - 17:00 |