Mystories.ph

Mystories.ph

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mystories.ph, Writer, Manila.

31/03/2024

No matter how bad they treat you. Mas pipilin mo pa rin tumahimik na lang....
Respeto pa rin ❤️

Happy Easter! 🙏

23/11/2023

After a month naka pagpost ulit. narestrict po ako ni meta dahil sa sunod sunod na nag report sa page ko kaya now lang ako ulit nakapagpost. Hindi ko rin po naipost ang part 2 nung post ko dahil restricted daw.

29/10/2023

😂😁

23/10/2023

Part 1....

Bago ko simulan magkwento gusto ko magpasalamat sa mga mommies na kahit hindi man tyo magkakilala isinama nyo kami ng asawa ko sa prayers nyo.
He's getting better, hindi ko po masasabi na fully recovered, pero unti unti kinankaya nya na. Salamat po tlga...

Napakalaking tulong saakin ng page na to dahil kahit paano narerelase ko ang emotions ko. Mga kwento na hindi ko masabi sa family ko. Marami akong nakakusap dahil ung iba nkakarelate cla, thank you po sa pagyakap nyo saakin.

Medyo matagal din akong nawala. Nabusy kasi ako sa mga anak ko And nag ttherapy din ako dahil nagkaron nga ako ng anxiety disorder.
Pero nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko napakabigat na naman ng mga nangyari.

Papuntang manila ang asawa ko para asikasuhin sana ang ibang papers nya dahil gusto nya na rin ulit makabalik sa trabaho.
A day before sya umalis sabi ko bumili sya ng inihaw dahil nagrerequest ung bunso namin ng bbq, sabi ko rin sakanya na pumunta na sya sknila para magsabi sa nanay nya na may lalakarin sya sa agency nila.

5pm na nung nakauwi ang asawa ko. Pagdating nya hinanda ko na agad ung dala nyang pagkain.
Alam ko hindi nya ako gustong komprontahin,. Kwentuhan lang, ganyan kasi kami everyday, mahilig kami magkwentuhan. Gusto namin napag uusapan agad ang mga bagay bagay.

Paupo pa lang ako nun, sabay sabi ko, kumusta naman? Ano sabi ni mama na aalis ka?

Sagot nya,
Ok daw. Binigyan ako ng pang gastos. Ung asawa daw ni kuya bumili ng bagong motor. Sabi pang service sa anak. Medyo di agree c mama.
Pero sabi nya pa,
Pag nagkatrabaho na daw ako ulit magcontrol daw sa pag gastos. Wag muna daw natin ipatapos ang tindahan na pinapagawa natin dahil wala daw magbabantay.
Palagi ka daw pumupunta sa bayan. Lagi ka daw nakikita na umaalis kaya hindi ka nakakapag ipon. Kaya sabi ni mama bigyan ko sya ng 5k monthly para macontrol daw ang gastos mo. Ilang taon na mula nung huling may trabaho asawa ko. Ilang taon din lang mga anak nmin nun. After nya matengga sa work dhil sa naging problema nya dati 3 taon lang sya ulit nag work, tpos natigil na nmn sya dahil nagkasakit sya.

Nung narinig ko yun sa asawa ko, natigilan ako sa pagkain. Halos hindi ko na nanguya ung sinubo ko. Sobrang gulat ko. Hindi ko na agad maintindihan ung nararamdaman ko.

Sabi ko na lang sknya,
yan ba ang sabi nya sayo? Tara, puntahan ntin nanay mo at magharap harap tyo.
All this time lahat ng mga negatives na sinasabi nya saakin tinitiis ko, khit dami ko naririnig na kung anu ano sinasabi nya tungkol saakin sa mga kamag anak mo, pero kung pati sa usapang pera ganyan sasabihin nya, mag usap tyo ng harapan.

Pumayag nmn ang asawa ko, kasi gusto nya rin malinawan. Dahil alam nya tlga na kapag wala sya dto, lahat ng lakad ko sinasabi ko sknya. Madalas akong pumupunta sa bayan dahil sa obligasyon nya sa isa nyang anak. Ako naghuhulog monthly sa banko para sa sustento. Tuwing magsasabi ang ex nya ng gastusan kailngan maipadala agad, 3 days lang nakalagay sa agreement nila na dapat maipadala na ang share ng asawa ko.
Nag gagatas din lang mga anak namin at diaper.
Nagbabayad din ako sa helper nmin noon monthly.
Nagtutuition ang panganay ko dahil nursery na sya nun, monthly din ang bayad.
Naghuhulog kami monthly sa bahay ng kapatid nya na ibinenta saamin tpos sa huli binawi din lang.
Maliban pa ung insurance ng bahay.
Expenses sa food pang araw araw. Pagnakgkakasakit pa ang mga bata, pag nagpapacheck up, medicines.
Hindi naman buong salary ng asawa ko napupunta saakin. Wala pa kalahati ng sahod nya pinapadala nya pero napagkakasya ko un, at khit papaano nkapagtabi pa ako.
75k a month ang pinapadala nya dipende pa sa palitan ng riyal.
15k sustento
20k house hindi pa kasama ang insurance
5k maid
4k tuition monthly preschool
12k milk and diapers (pediasure and enfagrow)
4k bills water, kuryente, cable and net kailngan nmin ng net dahil nung time na yun naka online class ang panganay ko.
7k food for 1 month ksama na ang mga sabon panlaba, toiletries and mga snacks ng mga bata.
At ung ibang expenses na biglaan pa like biglaang hingi ng ex nya.
Pag nagkakasakit mga bata.

Ultimong mga damit nmin kung hindi pa ako abutan ng mama ko o ng papa ko ng pambili halos hindi kmi makabili ng bago. Nkakabili rin ako minsan sa ukay ukay dahil iniisp ko mura. Tuwing may okasyon ko lang nabibili ng damit ang mga bata Dahil lagi ko iniisip ba wat if may biglang gastusan. Atleast may madudukot ako.

Habang papunta kmi sa bahay ng inlaws ko, hindi ko mapigilan na umiyak. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Galit, inis, nasasaktan ako, pero napaka consciuos ng utak ko na kailngam ko icontrol ang emotions ko dahil baka makapagbitaw ako ng salita na hindi maganda. Dala dala ko rin sa isip ko ang bilin saakin ng mama ko, never akong sasagot sa inlwas ko kahit anong mangyari. (Hindi ako palaimik na tao kapag galit ako o nasasaktan. Takot akong mkasakit ng tao dahil lang sa galit ako, ksi iniisip ko kung ano man ung mabibitawan kong salita never ko na un mbabawi. Hindi ako palaimik pag galit pero kapag nagsalita ako sagad sa bone marrow. Kaya hanggat kaya ko pa tiisin manahimik tinitiis ko)

To be continued...... part 2

22/10/2023

Hi mommies. Im back.... and ito ako ulit magsshare ng mga nangyayari.....

03/09/2023

👍

27/08/2023

Good night ❤️

16/08/2023

Anonymous:

Mommy pashare pls.

Minsan yung mga relatives pa natin ang hihila saatin pababa.
Pag meron kang pera o maayos na trabaho o may pakinabang ka sakanila maganda ng pakikitungo sayo.
Pero pag dumating ang time na walang wala ka, wala kang pera, walang work. Wala ka nang pakinabang, Parang hindi ka na kilala. Yung tipong hindi ka papansinin at damang dama mo yung ang pang mamaliit nila sayo dahil walang wala ka. Parang ang liit ng tingin nila pati sa mga anak mo dahil wala ka. 😭😭

12/08/2023

💛

12/08/2023
12/08/2023

May gusto mamasukan kasambahay dito saamin, good for 1 month lang daw, para pambili daw ng school supplies nya at ng mga kapatid nya. Incoming grade 12 na sya. Gusto nya daw ksi talagang makapagtapos ng pag aaral. Grabe naaawa ako. Kakilala naman ng tita ko yung parents nya, medyo sa may bundok na ksi sila.

Kaso may phobia pala sya sa bata. Grade 6 pala lang daw sya nung nagsimula sya mag part time tuwing bakasyon para may maipambili sila ng gamit sa school. Kaso nitong mga huli atang naging amo nya, binugbog daw sya dahil aksidenteng nahulog sa ung batang inaalagaan nya. 1 taon daw. Sa sobrang likot daw nabitawan nya. Sinaktan daw sya nung mga amo nya at pinaalis at hindi ibinigay yung sahod nya.
Ngayong bakasyon nman, may napasukan nman daw sya, kaso nagugutom daw sya ksi ung tira tira na lang daw ng pagkain ung pinakakain sknya ng mga amo nya. Foreigner daw ung lalaki at pinay ung babae. Ung sinuweldo nya daw dun, napunta lang sa pagpapagamot ng kapatid nya dahil naospital daw.
Kaya ngayin kahit malapit na ang pasukan naghanap daw sya ng mapapasukan para mkaipon pa pambili ng gamit sa school. Nakiusap rin daw sya sa taecher nya na payagan sya na imbes sa aug. 29 pumasok, 1st week na nang september sya papasok dahil mamamasukan muna sya. 😓

11/08/2023

Diversional activities:
Maliban sa pag ppray, paano nyo dinadivert ang sarili nyo kapag feeling nyo sobrang stress nyo na?

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Telephone

Address


Manila