Bookbie
READING is LEARNING. To READ is to LEARN. FREE to READ, FREE to LEARN.
30/08/2024
Subject : FILIPINO
EUPEMISTIKONG PAHAYAG
EUPEMISMO ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasang makasakit ng damdamin.
Ginagamit din ang mga ekspresyong ito upang hindi tuwirang banggitin ang mga salitang hindi magandang pakinggan, nakabibigla, o maaaring magdulot ng kahihiyan.
HALIMBAWA:
1. Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maaaring sabihing:
a. Sumakabilang buhay na siya.
b. Kapiling na siya ng Panginoon.
c. Iniwan na niya tayo.
d. Tapos na ang kanyang paghihirap.
e. Maligaya na siya sa kabilang buhay.
2. Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin:
Sa halip na sabihing "Gutom na gutom na ako" gamitin ang mga sumusunod:
a. Hindi ba kayo, nagugutom?
b. Kumain ba kayo ng almusal?
c. Maganda siguro, kumain muna tayo.
Sa halip na sabihing bulag, duling, bingi, at pilay, maaaring sabihin ang ganito:
a. May kapansanan sa mata, sa tenga, sa paa, at iba pa.
b. Mahina ang pandinig, walang paningin, nahihirapang lumakad, at iba pa.
Sa halip na sabihing mataba, pandak, pangit, sinasabi ang ganito:
a. Medyo malusog ka ngayon.
b. May kaliitan siya ng konti.
c. Hindi siya gaanong maganda.
PANDEMIK
ni: Edward P. Catipay
Isang iglap lang parang kay bilis ng lahat,
mga pagbabagong kay daling lumaganap
buhay ay nagbago dahil sa Covid 19
di natin alam kung ano ang sasapitin.
Covid 19 ay mabagsik na kalaban
di namamalayan at nakikita sa kapaligiran
kung di ka nag-iingat at nagsawalang-bahala
anomang oras ay pwede kang mapinsala.
Ubo, sipon at lagnat akala mo lang karaniwan
di mo namamalayang ito'y may peligrong dulot na sa katawan
kayà huwag mag-atubiling sa manggagamot magpasuri
magpagamot, tumalima at nang ang buhay ay di masawi.
Simbilis ng bala ang tugon nating mga Pilipino
buháy at aktibo ang programang panggobyerno
nagbabalà na mag-social distancing, facemask ay suotin
upang kaanak at pamilya ay mapangalagaan natin.
Tumugon sa ordinansa at utos ng ating pamahalaan
walang-pasubali ito’y para rin sa ating kapakanan
ang sinomang magkasalà at sumuway
kaparusahan at kulungan ang iyong himlay
Ang saya ay napalitan ng lungkot
ang mahalaga ay ligtas tayo at namumuhay ng malugod
kayá natin ito! tanggaping masaya at maigi
new normal ay yakaping may pagtitimpi.
Ano ang PONEMANG SUPRASEGMENTAL?
PONEMA - tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng tunog na may kabuluhan.
Sinisimbolo ito ng mga titik natin sa ating alpabeto na mauuri sa dalawa,
ang patinig at katinig.
MORPEMA - tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng
salita. Ito ang pinakamaliit na yunit ng salita.
PAGPAPANTIG - ay ang paghahati ng bigkas ng isang salita.
Halimbawa,
ang salitang
KAIBIGAN ay may apat (4) na pantig sapagkat apat na bahagi ang
pagbigkas nito.
/KA-I-BI-GAN/= 4 na pantig
WHAT IS A TYPHOON?
Tropical cyclone also called typhoon or "bagyo" is an intense circular storm that originates over warm tropical oceans, is characterized by low atmospheric pressure, high winds, and heavy rain.
The term typhoon is used only in the northwestern part of the Pacific Ocean. In the northeastern part of the Pacific Ocean and in the northern part of Atlantic Ocean, the equivalent term is hurricane.
Ano ang Pang-uri?
Kahulugan ng Pang-uri
Ang pang-uri o (adjective) sa ingles ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay kahulugan o turing sa ngalan ng bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami pang iba.
Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Mga Uri ng Pang-uri
May tatlong uri ng pang-uri. Ito ay ang pang-uring panlarawan, pantangi at pamilang.
Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective)
Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, hugis, kulay ng tao, bagay, hayop at iba pang pangalan. Sa pang-uring ito, maaaring gamitin ang anyo, amoy, tunog, yari at lasa sa paglalarawan.
Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng katangian na napupuna gamit ang ating limang pandama (five senses). Maaari ring ilarawan nang pang-uri na ito ang mga katangian ng ugali, asal, or pakiramdam ng tao o hayop.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Panlarawan
Masipag
Maganda
Asul
Mahiyain
Masunurin
Kalbo
Mga Halimbawa ng Pangungusap na may Pang-uring Panlarawan
Makikita mo sa ibaba ang mga halimbawa ng mga pangungusap na ginagamit ang mga pang-uring panlarawan.
Pinagmasdan ni Mavy ang kanyang sarili sa salamin na bilog.
Binigyan ni Antonio ng munting regalo ang bata.
Si Tania ang babaeng nakasuot ng dilaw na bestida.
Kailangan ko nang umiwas sa mga pagkain na masyadong matamis.
Hinahabol ako ng isang nakakatakot na a*o sa aking panaginip.
Ipinagmamalaki ni aling Nene ang kanyang mabuting anak.
Malubha ang kalagayan ng kanyang ama.
Pang-uring Pantangi (Proper Adjective)
Ang pang-uring pangtangi ay binubuo ng isang pangngalang pambalana (common noun) at isang pangngalang pantangi (proper noun). Ang pangtangi ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Mga halimbawa ng pang-uring Pantangi
Ang pasalubong ni inay sa atin ay masarap na longganisang Manok.
Nagsaliksik kami tungkol sa mga katangian ng katutubong Ifugao.
Si Maria ay mahusay magsalita ng wikang Espanyol.
Mahilig si Sarah sa kimchi at iba pang pagkaing Koreano.
Paborito ni ate Steph ang pansit Malabon.
Pang-uring Pamilang (Numeral Adjective)
Ang pang-uring pamilang ay nagsasaad sa dami, bilang, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangalan. May Ilang uri ng mga pang-uring pamilang.
Mga Uri ng Pang-uring Pamilang
Ang pang-uring pamilang ay may iba’t ibang uri. Ito ay patakarang pamilang.
Patakaran o Patakarang Pamilang
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral. Basal – Mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap.
Mga Halimbawa ng Patakarang Pamilang:
Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto.
Sina Jam at Khyle ay may dalawang anak.
Bumili ako ng limang itlog sa tindahan.
Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation center.
Panunuran o Panunurang Pamilang
Ang panunurang pamilang ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Mga Halimbawa ng Panunuran Pamilang:
Ako ang ika-apat na mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan.
Nakamit ni John ay unang gantimpala sa paligsahan sa pagkanta.
Ito ang pang apat na pagkakataon na ibibigay sa iyo ng hukom.
Si Rodrigo Duterte ang ika-labing anim na pangulo ng Pilipinas.
Nasungkit ni Khyle ay unang gantimpala sa paligsahan sa paggawa ng robot.
Gawin mo ang pagsasanay sa ika-anim na pahina ng aklat.
Pamahagi o Pamahaging Pamilang
Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay pare-pareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan.
Ang mga sumusunod ay mga salita para sa mga bahagimbilang o hating-bilang:
kalahati (half, 1⁄2)
katlo (one-third, 1⁄3)
kapat (one-fourth, 1/4)
kalima (one-fifth, 1/5)
kanim (one-sixth, 1/6)
kapito (one-seventh, 1/7)
kawalo (one-eighth, 1/8)
kasiyam (one-ninth, 1/9)
kasampu (one-tenth, 1/10)
sangkapat (1/4)
sangkalima (1/5)
dalawang-katlo (2/3)
apat na kalima (4/5)
limang-kawalo (5/8)
pitong-kasiyam (7/9)
tatlo at kalahati (3 1/2)
lima at sangkapat (5 1/4)
Mga halimbawa ng pamahaging pamilang
Tiglilimang kendi ang ibibigay sa mga bata.
Ang mga mag-aaral ay kumuha ng sangkapat na papel.
Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni Christian.
Gumamit ako ng kalahating tasa ng mantika sa pagluto.
Lima at dalawang-katlong sako ng asukal ang natira sa bodega.
Upang maipasa ang panukala, kailangan ang boto ng dalawang-katlong konsehal.
Pahalaga o Pahalagang Pamilang
Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin.
Mga halimbawa ng pahalagang pamilang
Ibinigay ng batang pulubi ang pisong kendi sa kanyang pinsan.
Nabenta na ang limang milyong pisong bahay at lupa sa Cebu.
Nakatanggap ako ng sandaang pisong load kagabi.
Nakakita ako ng sampung tutubi sa kagubatan.
Bibilhin mo ba ang walong libong pisong hikaw?
Palansak o Palansak na Pamilang
Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama. Halimbawa, ang palansak na pamilang na dala-dalawa ay may kahulugan sa Ingles na “by twos”, “in pairs” o “in groups of two.”
Mga halimbawa ng palansak na pamilang
Sampu-sampu ang tao na nagsisidagsaan sa mga evacuation center.
Tatlo–tatlong pakete ng gatas ang ibinebenta sa tindahan.
Dalawahan ang mga upuan sa jeep na ito.
Animan ang mga estudyante sa bawat kuwarto ng paaralan.
Patakda o Patakdang Pamilang
Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.
Mga halimbawa ng patakdang pamilang
Iisa ang pangarap ni Aika at ito ay maging isang tanyag na mananayaw.
Dadalawang isda lamang ang nahuli ni Kuya Rey.
Sasampung miyembro pa lamang ang nagbabayad ng kanilang utang.
Lilimang mag-aaral lamang ang pinayagan na pumunta sa park.
Kaantasan ng Pang-uri
Sa bahagi na ito, sabay nating alamin kung ano ang kahulugan, mga tatlong kaantasan ng pang-uri at mga halimbawa nito. Ang kaantasan ng Pang-uri ay may tatlong (3) antas o kaantasan. Ito ang lantay, pahambing at pasukdol.
Lantay na Pang-uri
Ang lantay na pang-uri ay nagpapakita o nagsasaad ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Mga halimbawa ng Lantay na pang-uri
Maganda ang bungad sa akin ng umaga.
Mabait na kaibigan si Mary.
Masipag magluto ng pagkain si Mysie.
Malakas ang kidlat kagabi.
Maiksi na ang buhok ni Mysie.
Tamad gumawa ng Takdang aralin si Mary.
Matipid gumamit ng sabon si Berto.
Maingay ang manok ni Pedro.
Si Precious ay maaruga.
Kahit ano man ang sakuna, si Mysie ay maaasahan mo sa ano mang oras.
Matangkad si Kian.
Maliit ang baywang ni Jam.
Maasim ang manggang binili ni Arnel.
Pahambing na Pang-uri
Ang pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang – uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan.
Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor, isang uri ng panghahambing ng dalawang bagay na magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-uusapan. Tinatawag din itong pagwawangis sa Tagalog.
Mga halimbawa ng Pahambing na pang-uri
Si Mary ay mas maliit kaysa kay Mysie.
Mas malaki ang bilang ng mga lalaki sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kababaihan.
Mas maraming pagkain ang mabibili mo sa halagang isang libong piso sa Divisoria kaysa sa supermarket.
Dalawang Uri ng Paghahambing
Ang dalawang uri ng paghahambing ay paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.
Paghahambing na Magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng isang bagay o anuman. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig, kahawig, mistula, mukha/ kamukha.
ka – nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay kabilang sa pangkat ng Asia.
magka – nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.
Halimbawa:
Magkamukha ang kanyang kulay sa paa at baywang.
sing – (sin / sim) gaya rin ng ka-, nagagamit rin ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa:
Magkasingganda sina Mysie at Mary.
Tandaan:
Ang maramihang sing- ay nagpapakita sa pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
kasing – (kasin / kasim) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing- (sin / sim).
Halimbawa:
Kasimbilis ng cheetah ang pagtakbo ni Khyle sa paligsahan.
Kasingkinis ng balat ni Shaina ang nasa litrato.
magsing – (magkasing / magkasim) ang pinagtutad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang Japan at South Korea ay magkasinglakas.
Paghahambing na Di-Magkatulad
Itong uri na paghahambing ay nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutuyang pangungusap. Ito ay may dalawang uri: hambingang pasahol at hambingang palamang.
Hambingang Pasahol
May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganiton uri ng paghahambing.
Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, kaysa sa kung ngalang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Mas naging matulingin lalo si Alfred kaysa kay Jherico.
Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Di-gaano – ginagamit ito sa hambingang bagay lamang.
Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
Hambingang Palamang
May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipapakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakihan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Katuwang nito ang kaysa, kaysa sa at kay.
Halimbawa:
Lalong maunlad ang bansa natin kaysa sa isa.
Higit/ mas – Ito ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa:
Higit na malinis ang kwarto ko kaysa sa kanya.
Labis – tulad din ng higit o mas.
Halimbawa:
Labis ang pagmamahal ng president sa bayan.
Di-hamak – ginagamit ito karaniwan sa isinusunod ng pang-uri.
Halimbawa:
Di-hamak na mayayaman ang mga Amerikano sa mga Hapon.
Pasukdol na Pang-uri
Ang pasukdol na pang-uri ay nagsasaad ng katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ito ay maaaring negatibo o positibo.
Ang paglalarawan dito ay sadyang masidhi kaya ginagamit ang mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan at kung minsan ay inuulit ang pang-uri.
Halimbawa ng pasukdol na pang-uri:
Si Athena ang pinakamatalino sa buong klase.
Sobrang bibo kung maglaro si Alexis.
Ang laki–laki ng isdang binili ko.
Si Troy ang pinakamalakas kumain sa aming magbabarkada.
Ubod ng ganda ang dalagang si Maikha.
Pinakamabait sa magkakapatid si Christian.
Ang di ko makakalimutangpangyayari sa aking buhay ay yung pumanaw ang aking pinakamamahal na alaga.
Saksakan nang tamad si Clark.
Hindi ko inaasahan na napakalaki ang utang ko sa Bangko Central.
Dahil sa ininom na bitamina ni Romella kaya siya ay payat–payat na.
Kayarian ng Pang-uri
Ang panghuling bahagi ng araling ito ay tungkol sa Kayarian ng Pang-uri. Mayroong apat 4 na kayarian ng pang-uri: ang payak, maylapi, inuulit, at tambalan.
Payak
Ito ang pinakasimpleng anyo ng pang-uri. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
Mga Halimbawa ng Payak na Pang-uri sa Pangungusap:
Ang bunga ng mangga ay hinog na.
Kunin mo ang basang pamunas sa ibaba.
Ang taas ng paraalang ito.
Ganda ng damit niya.
Ang tigas ng ulo ni Kim.
Maylapi
Ang mga pang-uri ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Mga Halimbawa ng Maylapi na Pang-uri sa Pangungusap:
Ang Carlo ay mataba.
Si Julie ay masunurin.
Siya ay may malaking pamilya.
Masarap ang p**o na niluto ni Lola.
Ang damit ni Rita ay mabango.
Matigas ang ulo ni Rafols.
Makulit si Baste.
Inuulit
Binubuo ito sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Mga Halimbawa ng Inuulit na Pang-uri sa Pangungusap;
Ang liliit ng pusa na bigay ni Clark.
Malaking–malaki ang bahay na gusto ko.
Ang puti-puti ng ngipin ni Cheska.
Kaakit-akit ang lugar sa Cebu.
Araw-araw kami maligo sa dagat.
Tambalan
Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan.
Mga Halimbawa ng Tambalan na Pang-uri sa Pangungusap
Si Nida ay kapit-tuko sa kanyang nanay.
Lakad-pagong naman ‘yang si Sonya.
Si Nile ay boses-ipis.
Ang kapatid ko ay balat-sibuyas.
Si Dalisay ay parang utak-matsing.
BUOD NG ALAMAT NG BOHOL
Nasa ibabaw ng ulap ang isang kaharian noon sa isang bahagi ng Visayas. Masaya at mapayapa ang pamumuhay nilang lahat. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ang prinsesa.
Sumangguni sila sa mga manggagamot at ang sinabing lunas ay isang ugat ng halaman na nasa kailaliman ng lupa.
Bumaba ang prinsesa sa lupa at pinilit na hawakan ang ugat. Gayunman, aksidenteng nalaglag ang prinsesa sa ilalim ng lupa.
Tinulungan ang prinsesa ng isang pato at pagong. Ang malaking likod ng pagong naman ay tinubuan ng mga halaman at lupa at naging isla.
Nakakilala rin ang prinsesa sa ilalim ng lupa ng isang lalaki na si Lo. Nagkamabutihan sila at naging matamis ang pagsinta sa isa’t isa.
Hindi nagtagal at nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Nagkaroon sila ng kambal na anak na sina Bo at Hol.
Masipag ang buong pamilya. Pinaganda nila ang kanilang lugar. Si Bo ang gumawa ng napakaraming burol, gubat, at nangalaga sa napakaraming hayop.
Habang si Hol naman ay pinagyaman at iningatan nang husto ang mga yamang tubig at anyong tubig sa kanilang lugar.
Marami ang humanga sa pamilya lalo na sa kambal. Talaga namang gumanda ang lugar. Kaya naman di naglaon ay ipinangalan sa kanila ang lugar at tinawag na Bohol.
20 types of figures of speech
1. Alliteration
Alliteration is the repeating of consonant sounds right next to each other, which creates a memorable or melodic effect.
2. Antithesis
Antithesis is a literary technique that places opposite things or ideas next to one another in order to draw out their contrast.
3. Apostrophe
Apostrophe as a figure of speech is when a character addresses someone or something that isn’t present or cannot respond. The character might speak to someone deceased, an inanimate object, or a concept.
4. Circumlocution
Circumlocution is the use of a purposely wordy description. You can think of it as talking in circles.
5. Epigram
An epigram is a clever and memorable statement. You will find epigrams in speeches, poetry, and at the front of a book.
6. Euphemism
A euphemism is a way to say something in an understated manner, often to avoid difficult topics—like money, death, or s*x.
7. Hyperbole
Hyperbole is a deliberate exaggeration that adds emphasis, urgency, or excitement to a statement.
8. Irony
Irony is a situation that subverts a reader’s expectations.
9. Litotes
Litotes use a double negative to create a positive.
10. Metaphor
A metaphor is the direct comparison of dissimilar things to create more vivid imagery or understanding.
11. Metonymy
Metonymy is a literary device in which a word or object stands in for a closely related word or object. Metonymy gives a writer more variability with descriptions.
12. Onomatopoeia
Onomatopoeia is a word that sounds like what it means.
13. Oxymoron
An oxymoron is a phrase that uses two contradictory words to create a new meaning.
14. Paradox
A paradox is a statement that appears to contradict itself but contains some truth, theme, or humor.
15. Personification
Personification is assigning human attributes to nonhuman things.
16. Pleonasm
Pleonasm is the use of more words than necessary to convey meaning. A writer might use pleonasm for humor or emphasis, or they might not realize they’re using extra words at all.
17. Pun
A pun is a form of wordplay that purposely substitutes words that sound similar but have different meanings.
18. Simile
A simile compares two dissimilar things using “like” or “as.” The goal of simile is to give the reader a more vivid understanding of something.
19. Synecdoche
Synecdoche is when a smaller unit is used to signify a larger unit or vice versa.
20. Understatement
Understatement is the intentional downplaying of a situation. This can create a humorous or deadpan effect in writing.
THE FUNDAMENTAL UNIT OF LIFE
Introduction
The fundamental unit of life is cell.
Cell was first discovered by Robert Hooke in 1665 in a simple microscope.
In 1674, Leeuwenhoek, with the help of developed microscope, discovered the free living cells in pond water.
In 1831, Robert Brown had discovered the nucleus in the cell.
In 1839, Purkinje used the term ‘protoplasm’ for the fluid substance found in the cell.
The cell theory was proposed by Schleiden (1838) and Schwann (1839).
According to the cell theory, all the plants and animals are composed of cells and that the cell is the basic unit of life.
In 1855, Virchow further expanded the cell theory and suggested that all cells arise from pre-existing cells.
In 1940, the discovery of electron microscope made possible to observe and understand the complex structure of the cell.
Unicellular Organisms
The single cellular organisms, such as Amoeba, Chlamydomonas, Paramoecium, and bacteria, are known as unicellular organisms.
Multicellular Organisms
The organisms consisting of many cells are known as multicellular organisms. E.g. human being, animals, birds, etc.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |