AVR Water for Less
🙌
28/07/2026
Maging responsable po tayo, deliver, bayad mo. May kuryente, gasolina at tauhan pong binabayaran plus maintenance ng machine. Thankyou po sa pag unawa.
Mas malaki pa rin ang expenses sa kita. Kaya sana po maintindihan ninyo ang pagtaas namin ng price para sa aming operational maintenance. 🤑
28/07/2026
😪
Power Rate Advisory para sa buwan ng July 2026
Residential Rate : ₱13.5916
Low Voltage : ₱12.6368
High Voltage : ₱10.4896
Nagkaroon ng pagtaas sa power rate ngayong buwan kumpara noong nakaraang buwan ng P0.4889/kWh para sa mga residential consumers, pangunahing dahilan nito ay ang pagtaas ng Generation Charge bunsod ng pagtaas ng biniling kuryente sa merkado o Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil sa mga naranasang Manual Load Dropping o MLD.
Hinihikaya't pa rin po namin ang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na maging matalino sa paggamit ng kuryente sa anumang oras upang makaiwas sa paglaki ng konsumo makakatulong ito upang mapanatili ang kaayusan ng suplay at demand ng kuryente sa merkado.
Narito po ang ilang kuryente tipid tips mula sa QUEZELCO I.
https://www.facebook.com/share/1GKLFyX1GL/?mibextid=wwXIfr
20/07/2026
Heto na naman
Dagdag–presyo sa mga produktong petrolyo, asahan bukas, July 21, 2026, ayon sa Department of Energy. | via Jonathan Andal/GMA News
Bisitahin ang gmanetwork.com/news para sa iba pang balita.
20/07/2026
😪
May nakaambang taas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas!
Alamin kung magkano sa Balitanghali, 11 AM sa GTV.
02/07/2026
💧 Akala nila kapag may negosyo ka, mapera ka na agad.
Ang hindi nila nakikita...
✔️ Yearly Renewal Bussiness permit.
✔️ Quarterly and Annual Tax Payment.
✔️ Monthly Laboratory Water Test.
✔️ Raw Materials. (Filters, seals, Salt, Membrane,Galon etc.)
✔️ Bayad sa kuryente.
✔️ Gasolina.
✔️ Pasahod.
✔️ Maintenance ng Machine at delivery service.
✔️ At iba pang gastusin araw-araw.
Yung akala ng nil, lahat ng pumapasok na pera ay tubo.
Sa likod ng bawat negosyong nakikita ninyo, maraming pagod, puyat, at sakripisyo ang pinagdaanan para maka survive sa araw-araw.
Laban lang araw-araw. 😊
Celebrating my 5th year on Facebook. Thank you for your continuing support, We could never have made it without you. 🙏
Looking for: Willing magtrabaho sa water refilling station. Yung maalam mag maneho ng tricycle, masipag at mapagkakatiwalaan. DM/PM me.
13/05/2026
Salamat po sa pang unawa kung minsang nadedelay ang deliver ng aming team. Mula sa paglilinis, pag rerefill at pagdedeliver. Hindi biro ang paghahatid sa sobrang init, samahan pa ng maintenance para lang masigurado ang malinis na production ng purified water. Thank you for your patience. 😊💦
Magandang araw po, pakihintay lamang po ang inyong tubig naghuhugas at magsasalin na po sila. Ngayong araw lang naayos ang aming makina. Maraming salamat po.
Sa lahat po ng aming customer, pasensya na po delay po kami ngayon sa deliver. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon po ng shortage/sira ang aming kontador kanina lamang tanghali at patuloy pa po ang pagsasaayos nito. Inaasahan po na muling maibalik bukas ang aming serbisyo. Salamat po