Baranggay 105 Health Station
🏥 Barangay 105 Health Station
💚 Alaga • Serbisyo • Kalusugan
Naglilingkod para sa ligtas, malusog, at masiglang pamayanan ng Barangay 105.
01/09/2026
DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS
Detalye sa comment section.
01/09/2026
PABATID SA PUBLIKO
Ipinapaalam sa publiko na ang Labor Room/Delivery Room (LR/DR) ng G*t Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ay pansamantalang SARADO ngayong Setyembre 1, 2026 dahil sa pagkawala ng suplay ng kuryente (power outage).
Kasalukuyang nagsasagawa ng agarang pagkukumpuni ang City Electrician upang maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Sa oras na maibalik at maging ligtas at maayos ang suplay ng kuryente, agad na ipagpapatuloy ang operasyon ng LR/DR.
Maglalabas ng opisyal na abiso sa sandaling maibalik ang serbisyo.
Humihingi kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
29/08/2026
Halina! Pantas-Aral Labanan ang WILD!!!
29/08/2026
Daily W.I.L.D. Disease Update | August 29, 2026
Sa pinakahuling datos ng Manila Health Department , may 10 bagong kaso ng Influenza-Like Illness (ILI), 47 leptospirosis, 2 severe acute respiratory infection, 29 dengue at 2 typhoid fever ang naitala ngayong araw.
Kaya mga Batang Maynila, huwag nating hintayin na lumala ang sintomas. Kung may nararamdaman, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility.
29/08/2026
Mag Ingat Po Ang Lahat !
29/08/2026
BABALA at PAALALA PARA SA LAHAT!👇
SIGNS AND SYMPTOMS OF LEPTOSPIROSIS
Ikaw ay may suspected na may leptospirosis kung ikaw ay may history ng exposure sa tubig baha at meron kang isa o higit pa sa mga sumusunod:
🚨LAGNAT - mataas at biglaan na lagnat
🚨PANANAKIT NG KATAWAN - buong katawan pero common ang pagsakit ng ALAK-ALAKAN or BINTI
🚨PAMUMULA NG MATA - hallmark feature ito ng leptospirosis (30-60% ng pasyente ay meron nito)
🚨HEADACHE - non-specific na uri, pwedeng parang migraine
🚨PAGSAKIT NG TIYAN - minsan ay may kasamang pagsusuka din
————————————————————
KAPAG MERON NITONG MGA ITO, MAY SEVERE LEPTOSPIROSIS NA
🚨PANINILAW - dahil sa liver damage
🚨PAGKONTI NG IHI - dahil sa kidney damage
🚨UBO NA MAY DUGO ANG PLEMA - dahil sa pulmonary hemorrhage
📸 Hunter's Tropical Medicine and Emerging Infectious Diseases (Tenth Edition)
24/08/2026
W.I.L.D. DISEASES UPDATE | August 24, 2026
Patuloy po ang ating monitoring sa W.I.L.L.D. diseases sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa report ng Manila Health Department, may 16 bagong kaso ng leptospirosis, 5 bagong kaso ng dengue, 3 bagong kaso ng severe acute respiratory infection (SARI), at 5 bagong kaso ng influenza-like illness.
Doble ingat po tayo, mga Batang Maynila.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Tondo
1012