Apung Guada Religious Store
Make your altar a happy and healing place with your Chibi Saints.
23/02/2022
Necklace Cross now available!!!!
Order na po🥰🥰
Kasama natin si Jesus saan man tayo magpunta.
We ship Nationwide!
Best gifts for our loved ones
11/02/2022
Happy Feast Day!
Our Lady of Lourdes 💐
07/02/2022
New Chibi Saints 🙏
21/01/2022
Mayroon ka bang inaalagaang mga mahal sa buhay na mahihina o maysakit? Sa iyo ba nakasalalay ang buhay ng iyong magulang, asawa, anak o kaibigan? Hilingin mo sa Mahal na Birhen ng Guadalupe na gabayan ka at bigyan ng lakas upang patuloy mong mahalin ang mga taong ipinadadala sa iyo ng Panginoon.
Guadalupe Lucia
Ang paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay kaugnay ng paggunita kay San Juan Diego. Magkadugtong ang kasaysayan ng mga ito. Maaari nating sulyapang muli ang naisulat na tungkol kay San Juan Diego noong Disyembre 9.
Sa Europa ay may mga bantog na dambana ng Mahal na Birhen tulad sa Lourdes sa France at Fatima sa Portugal o kaya’y Our Lady of Knock sa Ireland at Nuestra Senora del Pilar sa Spain, kung saan pinaniniwalaang nagpakita ang Ina ng Diyos sa ilang mga taong napili upang magpamudmod ng mensahe ng Diyos sa Europa o “Old World”. Sa “New World” o sa mga bagong lugar na nadiskubre ng mga Europeo sa America, Asya at Africa, maipagmamalaki ang kasaysayan ng Guadalupe bilang isang mayamang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa kanyang bayan.
Ang pagpapakita ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego, isang katutubong Mexicano na naakit sa pananampalataya, ay tila isang hudyat ng kagalakan ng Diyos na yakapin ang lahat ng kanyang mga anak. Hindi lamang ang mga Europeo na may maputing kutis at matangos na ilong at may mataas na pinag-aralan o mataas na antas ng buhay ang siyang mga anak ng Diyos.
Saan mang bahagi ng mundo, maaaring ipadama ng Panginoon ang kanyang pagmamahal sa mga tao sa pamamagitan ng mga himala at hiwaga na magbubunga ng maraming biyaya.
Hanggang ngayon, ang Mahal na Birhen ng Guadalupe ay nasa puso ng milyon-milyong deboto sa buong daigdig lalo na sa buong South America at sa mga imigrante sa United States. Karamihan sa mga deboto ay mga dukha, mga manggagawa, magsasaka, mga katutubo, mga lalaki at babaeng tila walang puwang sa mataas na antas ng lipunan. Subalit sa puso nila, isang malaking kagalakan na ang Mahal na Birhen ay magpakita sa kanilang lupain sa anyong tulad nila – bilang isang katutubong Mexicana. Dahil dito, damang-dama nila ang presensya ng Diyos at ni Maria sa kanilang buhay.
Ang larawan ni Maria sa Guadalupe ay kakaiba din dahil sa larawang ito, si Maria ay nagdadalang-tao. Ito ang dahilan at Patron Saint ng Pro-Life movement ang Birhen ng Guadalupe. Ang pag-aaruga ni Maria sa kanyang Anak, ang kanyang pagtanggap sa buhay na kaloob ng Ama, ang kanyang pagtatanggol sa sanggol ng kanyang sinapupunan ay inspirasyon upang mahalin at alagaan ang bawat batang isisilang pa sa mundong ito. Ang aborsyon ay isang malaking kasalanan dahil ito ay pagpatay sa inosenteng buhay na Diyos lamang ang nagbibigay bilang regalo sa sangkatauhan.Mayroon ka bang inaalagaang mga mahal sa buhay na mahihina o maysakit? Sa iyo ba nakasalalay ang buhay ng iyong magulang, asawa, anak o kaibigan? Hilingin mo sa Mahal na Birhen ng Guadalupe na gabayan ka at bigyan ng lakas upang patuloy mong mahalin ang mga taong ipinadadala sa iyo ng Panginoon.
Guadalupe Lucia
Ang paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay kaugnay ng paggunita kay San Juan Diego. Magkadugtong ang kasaysayan ng mga ito. Maaari nating sulyapang muli ang naisulat na tungkol kay San Juan Diego noong Disyembre 9.
Sa Europa ay may mga bantog na dambana ng Mahal na Birhen tulad sa Lourdes sa France at Fatima sa Portugal o kaya’y Our Lady of Knock sa Ireland at Nuestra Senora del Pilar sa Spain, kung saan pinaniniwalaang nagpakita ang Ina ng Diyos sa ilang mga taong napili upang magpamudmod ng mensahe ng Diyos sa Europa o “Old World”. Sa “New World” o sa mga bagong lugar na nadiskubre ng mga Europeo sa America, Asya at Africa, maipagmamalaki ang kasaysayan ng Guadalupe bilang isang mayamang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa kanyang bayan.
Ang pagpapakita ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego, isang katutubong Mexicano na naakit sa pananampalataya, ay tila isang hudyat ng kagalakan ng Diyos na yakapin ang lahat ng kanyang mga anak. Hindi lamang ang mga Europeo na may maputing kutis at matangos na ilong at may mataas na pinag-aralan o mataas na antas ng buhay ang siyang mga anak ng Diyos.
Saan mang bahagi ng mundo, maaaring ipadama ng Panginoon ang kanyang pagmamahal sa mga tao sa pamamagitan ng mga himala at hiwaga na magbubunga ng maraming biyaya.
Hanggang ngayon, ang Mahal na Birhen ng Guadalupe ay nasa puso ng milyon-milyong deboto sa buong daigdig lalo na sa buong South America at sa mga imigrante sa United States. Karamihan sa mga deboto ay mga dukha, mga manggagawa, magsasaka, mga katutubo, mga lalaki at babaeng tila walang puwang sa mataas na antas ng lipunan. Subalit sa puso nila, isang malaking kagalakan na ang Mahal na Birhen ay magpakita sa kanilang lupain sa anyong tulad nila – bilang isang katutubong Mexicana. Dahil dito, damang-dama nila ang presensya ng Diyos at ni Maria sa kanilang buhay.
Ang larawan ni Maria sa Guadalupe ay kakaiba din dahil sa larawang ito, si Maria ay nagdadalang-tao. Ito ang dahilan at Patron Saint ng Pro-Life movement ang Birhen ng Guadalupe. Ang pag-aaruga ni Maria sa kanyang Anak, ang kanyang pagtanggap sa buhay na kaloob ng Ama, ang kanyang pagtatanggol sa sanggol ng kanyang sinapupunan ay inspirasyon upang mahalin at alagaan ang bawat batang isisilang pa sa mundong ito. Ang aborsyon ay isang malaking kasalanan dahil ito ay pagpatay sa inosenteng buhay na Diyos lamang ang nagbibigay bilang regalo sa sangkatauhan.
17/01/2022
🙏Asking their intercession will lead us closer to Jesus.
Have your own chibi saints at home.🌸🌻❤️
16/01/2022
Chibi Santo Nino 🥰
14/01/2022
The story of a famous miracle in Fatima, Portugal, began in May 1917, when three children (ages 7, 9, and 10) claimed to have encountered the Virgin Mary on their way home from tending a flock of sheep. The oldest girl, Lucia, was the only one to speak to her, and Mary told the children that she would reappear to them on the thirteenth day of the next six months which then became her final appearance.
12/01/2022
Five Chibi Saints were delivered today!! 🥰 Thank maa'm Jhen you for purchasing! 🥰😇
10/01/2022
Our Lady of Guadalupe
Santo Nino
Immaculate Conception new home😇
Thank you, maa'm Adelina Creo 🥰
10/01/2022
Best Gift 🥰
08/01/2022
PM lang sa may gusto 🥰