Ang Dimasalang

Ang Dimasalang

Share

Ang Opisyal na pahayagan ng mataas na paaralan ng Dr. Antonio A. Lizares Memorial High School

Photos from The Emblem's post 16/03/2026
Photos from Ang Dimasalang's post 12/03/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก || ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—”๐—”๐—Ÿ๐— ๐—›๐—ฆ

Naki-isa ang Dr. Antonio A. Lizares Memorial High School sa National Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa sa covered court ng paaralan bilang bahagi ng pambansang programa sa paghahanda laban sa sakuna ngayong ika-12 ng Marso.

Sa pangunguna ni Ma'am Dolores Suarnaba, School DRRM Coordinator, kasama ang mga g**o ng paaralan, isinagawa ang drill upang gabayan ang mga mag-aaral sa tamang hakbang na dapat gawin sakaling magkaroon ng lindol.

Sa unang senyas ng emergency alarm, agad na isinagawa ng mga mag-aaral ang โ€œDuck, Cover, and Holdโ€ bilang paunang hakbang sa pagprotekta sa sarili laban sa panganib na dulot ng pagyanig.

Matapos ang hudyat ng paglikas, maayos at disiplinadong lumabas ang mga estudyante mula sa kanilang mga silid-aralan at nagtungo sa itinakdang evacuation area ng paaralan.

Isinagawa ang naturang aktibidad bilang pakikilahok ng paaralan sa National Simultaneous Earthquake Drill, kung saan sabay-sabay na nagsasagawa ng earthquake preparedness activities ang ibaโ€™t ibang paaralan at institusyon sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, layunin ng paaralan na mapalakas ang kaalaman, kahandaan, at disiplina ng mga mag-aaral ng DAALMHS sa wastong pagresponde sa oras ng sakuna.

โœ๏ธ | Nhariella Marfil
๐Ÿ“ท | Cobe Miguel Decatoria
๐Ÿ’ป | Jhedel Baylon

Photos from Ang Dimasalang's post 10/03/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก || DAALMHS nag diwang ng National Women's Month 2026

Matagumpay na ipinagdiwang ng Dr. Antonio A. Lizares Memorial Highschool ang National Women's Month na dinaluhan ng mga g**o at mag-aaral, na may temang "We for Gender Equality, Inclusive Society," ngayong ika-10 ng Marso.

Sa pangunguna ng Punong G**o na si G. Raymund Grijaldo, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng kababaihan sa paaralan, tahanan, at lipunan.

Nabalot ng tawanan at kasiyahan ang entablado dahil sa palarong dagdag kaalaman para sa mga mag-aaral patungkol sa mga mahahalagang kababaihan na naging parte ng kasaysayan.

Nagpakitang gilas ang mga mananayaw ng MAPEHFLIX bilang pandagdag sa kaaliwan at kasiyahan sa mga g**o, kalauna'y pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa ika-7 baitang ang Unity Dance para maipakita ang kanilang pagpapahalaga sa mga g**o at kababaihan sa lipunan.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng panghuling mensahe si Bb. Shiena Ambino, kung saan kanyang pinasalamatan ang mga nakilahok sa mga aktibidad at programa.

โœ๐Ÿป Charice Faye Sayson
๐Ÿ“ธ John Mark Mangcao
๐Ÿ’ป Jhedel Baylon

Photos from The Emblem's post 05/03/2026

๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜† ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—น ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ฏ๐—ฒ๐˜๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

A courtesy call between Mr. Raymund Grijaldo, the new principal of Dr. Antonio A. Lizares Memorial High School, and Hon. Jenalyn P. Magbanua, Barangay Captain of Brgy. Dos Hermanas, was conducted today, March 5, 2026, at the Barangay Hall to formally welcome Mr. Grijaldo to his new position.

The meeting was attended by Ma'am Lilah C. Pajes, OIC School Head and outgoing school head, Ma'am Arlene Joy Rotelo, PTA President and Barangay Kagawad, and Ma'am Jane Cordero, Barangay Kagawad, demonstrating unified support from both school and community leaders.

Aside from formally welcoming Sir Grijaldo, the courtesy call aimed to strengthen cooperation between the school and the barangay while promoting student welfare, campus safety, and improved learning environments.

During the discussion, Barangay Captain Magbanua expressed her commitment to supporting the programs and projects of the school to ensure that learners receive quality education in a safe and nurturing environment.

In response, Sir Grijaldo conveyed his gratitude for the warm reception and emphasized his dedication to fostering collaborative partnerships with local officials and stakeholders for the benefit of the students.

The officials also explored possible joint initiatives such as community outreach activities, academic assistance programs, and youth development projects that would further enhance the relationship between the school and the barangay.

The courtesy call concluded on a positive note, reaffirming a shared vision of unity and cooperation in nurturing responsible, competent, and value-oriented learners within the community.

โœ๐Ÿป | Blessy Donasco
๐Ÿ“ท | Cobe Decatoria
๐Ÿ’ป | Ashley Jean Mostoles

05/03/2026

๐—ฆ๐—ผ๐—ป๐—ป๐˜† ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ก๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Nilinaw ni Sonny Angara na walang โ€œmass promotionโ€ sa Department of Education kung saan awtomatikong ipinapasa ang lahat ng mag-aaral.

Ayon sa kanya, ang passing grade ay 75, at dahil sa grade transmutation, maaaring maging 75 sa report card ang raw score na 60.

Dahil dito, nagkakaroon ng impresyon ang ilan na may mass promotion.

Ayon sa patakaran ng DepEd, ang may final grade na 75 pataas ay promoted; ang bumagsak sa isa o dalawang asignatura ay conditional at kailangang mag-remedial classes; at ang bumagsak sa tatlo o higit pa ay retained.

โœ๐Ÿป Precious Mhiel Cabalfin

01/03/2026

Maligayang Kaarawan sa aming masipag at mapagkalingang School Paper Adviser, Ms. Kezandra Demate Gentelizo!

Maraming salamat sa walang sawang paggabay, inspirasyon, at tiwala na ibinibigay ninyo sa amin. Dahil sa inyong dedikasyon, mas lalo naming napahuhusay ang aming panulat at napagtitibay ang aming samahan.

Nawaโ€™y patuloy pa kayong pagpalain ng kalusugan, kaligayahan, at tagumpay. Narito kami, patuloy na magsusulat at magsisikap, kasama kayo sa bawat pahina ng aming kwento.โœ๐Ÿป๐ŸŽŠ

Lubos na gumagalang,
Dimasalang pips๐Ÿฅณ

Photos from Ang Dimasalang's post 27/02/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก || DFOT 2026: Matagumpay na Ipinagdiriwang

Matagumpay na isinagawa ang Division Festival of Talents 2026 sa Inoncencio V. Ferrer Memorial School of Fisheries nitong ika-26 hanggang ika-27 ng Pebrero, 2026 kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento at kakayahan sa iba't ibang larangan, tulad ng sining, musika, sayaw, at agham at teknolohiya.

Ang Bayle sa Kalye ay isa sa inaabangang kaganapan, kung saan nasungkit ang ikatlong puwesto ng mga mag-aaral mula sa Dr. Antonio A. Lizares Memorial High School na sina Rjay Moya Valiente, Ashlie Jhaine Elalto Pagulong, Marce Robilon Jalandoni, Julian Robert Leonardo Capada, Mica De La Cruz Dolendo, Shamcey Villegas Adrias, John Jeric Dulaca Morados, Jay-ar Bombate Florogo, Jose Hita-as Java Jr., Carl Solid Sayo, Gwen Panawan Calacat, Ashley Faith Hechanova, Johan Kerby Voluntate Posadas, at Christal tinasas, na nagpakita ng kanilang kahusayan sa pagsasayaw at pagkakaisa sa pamamagitan ng isang masigla at makulay na pagtatanghal na nagbigay ng sigla sa mga manonood.

Nagwagi rin ang mga mag-aaral sa STEMAZING, kung saan nagwagi ng 3rd Place sina Steffany Angel D. Turno at Therese Marie D. Demetillo, na nagpakita ng kanilang kahusayan sa agham at teknolohiya.

Sa Advocacy Pitch, nagwagi ng 3rd Placer ang DAALMHS, na kinatawan nina Shadrick Lacanelaosantos at Mhelaika Britanico, na nagpakita ng kanilang kahusayan sa pagtutulungan at paglutas ng mga suliranin sa pamamagitan ng isang makatwirang at makabuluhang presentasyon na nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Sa DFOT POP QUIZ, nagwagi ng 3rd Place si Sebastian G. Gallego, na pinangasiwaan ni Coach Shiela V. Lacsi, na nagpakita ng kanyang kahusayan sa pagtugon sa mga tanong.

Ang Division Festival of Talents 2026 ay isang patunay na ang mga mag-aaral sa DAALMHS ay may mga talento at kakayahan na dapat ipagmalaki, at na ang paaralan ay nagbibigay ng mga oportunidad sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang mga talento at kakayahan sa iba't ibang larangan, na nagbigay ng isang makulay at masiglang pagdiriwang sa paaralan at sa komunidad.

โœ๐Ÿป Kimberly D. Dolendo
๐Ÿ“ธ Onden TV & Coaches

Photos from Ang Dimasalang's post 18/02/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก || Ash Wednesday Mass idinaos sa DAALMHS

Matagumpay na idinaos sa Dr. Antonio A. Lizares Memorial High School (DAALMHS) ang Ash Wednesday Mass na ginanap sa covered court ng paaralan, na dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani bilang pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma nitong ika-18 ng Pebrero, taong 2026.

Pinangunahan nina Rev. Arzham Jan Cabatac at Rev. Fr. Rommel Falc โ€œTheloiโ€ Palivino ang banal na misa at ang pagpapahid ng abo sa noo, na sumisimbolo sa pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.

Isinagawa ang aktibidad upang hikayatin ang komunidad ng paaralan sa pagninilay, pagpapakumbaba, at pagpapatibay ng pananampalataya.

Sa homiliya, binigyang-diin ang kahalagahan ng panalangin bilang koneksyon sa Diyos at ang paanyayang โ€œReturn to the Lord with all your heartโ€ bilang gabay sa espirituwal na paglalakbay.

Ipinaalala rin ang kahalagahan ng tatlong haligi ng Kuwaresma; panalangin, pag-aayuno, at paglilimos, bilang landas tungo sa espirituwal na pag-unlad.

Naging makabuluhan ang pagdiriwang sapagkat nagsilbi itong paalala sa mga mag-aaral at g**o na simulan ang Kuwaresma nang may taos-pusong pagsisisi at panibagong pangakong mapalapit sa Diyos.

โœ๐Ÿป Nhariella Marfil at Charice Faye Say son
๐Ÿ“ธ Cobe Decatoria, Franz Abad, at Jhedel Baylon
๐Ÿ’ป Alyana Abraham

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Talisay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Brgy. Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental
Talisay
6115