Talas Productions

Talas Productions

Share

The official page of Talas Productions ๐Ÿน
Grade 12 STEM Acuity | SY 2025โ€“2026

Photos from Talas Productions's post 16/03/2026

๐—›๐—ฒ๐˜†๐—ฎ! ๐—›๐—ฒ๐˜†๐—ฎ!

Sa bawat simoy ng hangin sa Lunsina ay nananatili ang mga bakas ng mga taong nagbigay-buhay sa aming kuwento. Sa bawat eksenang kinunan, at sa bawat sandaling hinubog sa harap at likod ng kamera, ay naroon ang mga pusong nagtiyaga, mga kamay na walang sawang kumilos, at mga pangarap na sama-samang pinagtagpi upang maisilang ang ๐’๐š ๐‹๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐จ. Ang Lunsina ay hindi lamang naging tagpuan ng aming salaysay; ito rin ay naging saksi sa pagod, puyat, tawanan, at mga alaalang sabay-sabay naming naranasan bilang isang pamilya sa likod ng pelikulang ito.

โ€œ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ โ€˜๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ปโ€™.โ€
Isang sipi mula sa aming pelikula na sumasalamin sa mga damdaming ipinunla kahit sa pusong hindi maaaring angkinin. Tulad ng bulaklak na piniling mamukadkad sa lupaing hindi nito pag-aari, ganoon din ang aming pelikula. Isang kuwentong itinanim sa paniniwala, pagtitiyaga, at dedikasyon ng mga taong naglaan ng kanilang oras, lakas, at talento upang mabuo ang mundong tinawag naming Lunsina.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa iilan. Ito ay para sa 12 Acuity, sa aming mga aktor na nagbigay-buhay sa bawat karakter, at sa aming production team na walang sawang kumilos sa likod ng bawat eksena. Sa bawat pagod, sa lamig ng gabi, sa mga maagang call time, at sa mga gabing halos ayaw nang matapos, ay unti-unting nabuo ang isang pelikulang hindi lamang ginawa, kundi buong pusong pinaniwalaan ng bawat isa sa atin. Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating sama-samang pagsisikap, at isang paalala na ang bawat sakripisyong ating dinaanan ay may patutunguhan.

Photos from Talas Productions's post 16/03/2026

Imahe ๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’Š๐’Ž ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’”๐’ ๐Ÿนโœจ [2]

Maraming salamat sa paglikha ng mga alaalang mananatili sa lilim ng bawat panaโ€™t palaso๐ŸคŽ

15/03/2026

Nakakakilabot ๐Ÿ˜จ๐Ÿ˜จ๐Ÿ˜จ๐Ÿ˜จ

Naalala niyo pa ba ang sandaling ipinakilala ang kakaibang mundo ng modernong panahon? Ang tagpong sabay na nagbigay ng gulat at aliw. Ngayon, narito na ang Opisyal na Soundtrack ng โ€œIsa, Dalawa, Tatlo.โ€ Isang awit na tiyak na magbabalik sa inyo sa tagpong iyon. ๐Ÿ‘ป

Vocals:
Chelsea Drece
Art Yusef Villaroya
Shanelle Lasala
Argie Tariga
Julia Samantha Lustestica

15/03/2026

Isang awit na inalay para sa tribo.๐Ÿ’ซ

Narito na ang Opisyal na Soundtrack ng โ€œTribong Kono-U.โ€
Isang himig na sumasalamin sa diwa, lakas, at pagkakaisa ng kanilang lahi. Awit na kayang magpaluha, at himig na kusang kumakapit sa isipan. Aminin man o hindi, nakaka-LSS, hindi ba? ๐Ÿ™

Vocals:
Julia Samantha Lustestica
Shanelle Lasala

15/03/2026

Narito ang Opisyal na Soundtrack ng โ€œAwit ng Pag-ibig.โ€๐Ÿ”ฅ

Naalala niyo pa ba ang sayaw ng tribo bago ang pag-iisang dibdib nina Mayara at Isagani? Ang sandaling punรด ng ritwal, pangako, at damdaming umaapaw. Kung kayoโ€™y nabitin sa himig na iyon, narito na ang buong awit upang muli ninyong maranasan ang tibok ng pag-ibig sa Lunsina.

Vocals:
Kurt Doloiras
Julia Samantha Lustestica
Shanelle Lasala
Kian Allen Lagadia

15/03/2026

Narito ang Opisyal na Soundtrack ng โ€œLunsina.โ€ ๐Ÿ‚

Ito ang himig na bumungad sa unang minuto ng aming pelikula.
Naramdaman niyo rin ba ang unang pintig ng kuwento? Ang awit na tila tumatawag upang buksan ang pintuan patungo sa mundo ng Lunsina. Kung itoโ€™y inyong na-miss, ngayon ay muli ninyo itong maririnig.

Vocals:
Kurt Doloiras
Chelsea Drece

Photos from Talas Productions's post 15/03/2026

Imahe ๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’Š๐’Ž ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’”๐’ ๐Ÿนโœจ [1]

Taos-puso ang aming pasasalamat sa huling dalawang araw ng inyong pagkilala at patuloy na pagtangkilik sa paglalakbay ng aming pelikula.

Mga larawang sulyap ang mga sandaling nabuoโ€”mga tagpong nagpapahiwatig ng suporta, kagalakan at palakpak mula sa bawat manonood na naging bahagi ng aming kwento.

Maraming salamat sa paglikha ng mga alaalang mananatili sa lilim ng bawat panaโ€™t palaso๐ŸคŽ

Photos from Talas Productions's post 14/03/2026

Anong kabaliwan ito?! ๐Ÿ˜œ๐Ÿ˜ก
-Babaylan 2026

Isang kabaliwang nagluwal ng napakaraming alaala sa Lunsina. Sa paglalakbay na ito ay hindi nawala ang mga hamon, mga suliranin, at mga sandaling tila sinusubok ang aming tiyaga. May mga pagkakataong napagod, nalito, at muntik nang panghinaan ng loob. Ngunit sa kabila ng lahat, napawi ang pagod sa saya, tawanan, at kasiyahang sabay-sabay naming naranasan. โœจ

Photos from Talas Productions's post 14/03/2026

Mga larawang hinubog mula sa konseptong bumabalot sa Sa Lilim ng mga Palaso.

Sa bawat imaheng ito ay nakapaloob ang mga ideya at simbolismong nagbibigay-buhay at lalim sa aming kuwento. Ibinabahagi namin ang mga konseptong larawang ito upang higit pang maipahayag at mapalalim ang diwa ng pelikula. ๐ŸคŽ

14/03/2026

๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’Œ๐’๐’… ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’”๐’š๐’‚, ๐‘ด๐’‚๐’š ๐‘จ๐’“๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘น๐’†๐’š๐’‚๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’…๐Ÿ–Œ๏ธ

Mula sa maingat na komposisyon ng mga kulay, sa paghabi ng mga maliliit na detalye at pagbuo ng kabuuang disenyo, ang bawat piraso ng sining ay hinubog at inangkop sa masusing konseptong sumasalamin sa hiwaga ng kwento.

Ito ang mga sulyap sa pagpupunyagi at malikhaing proseso sa paglikha ng bawat obra ๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’Š๐’Ž ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’”๐’ ๐Ÿนโœจ

๐ŸŽจBigyang-sining ni: Chelsea Drece

Want your school to be the top-listed School/college in Sorsogon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Almendras-Cogon, Magsaysay St.
Sorsogon
4700