Mak Wangdu

Mak Wangdu

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mak Wangdu, Real Estate, Santa Rosa.

10/04/2026

Mayabang ako sa mata ng lahat yeah I admit that mayabang naman talaga ako. Mayabang sa paraang naniniwala ako sa kakayanan ko, naniniwala ako na walang pwedeng magsabing mahina ako, at mas goods na yun, tangina sarili ko na nga lang meron ako hindi ko pa pagkakatiwalaan.

23/02/2026

Minsan hindi sila inggit sa material na bagay na meron ka. Minsan inggit sila sa tikas mo, sa aura mo, sa personality mo, and the way you handle things at iba pa.

Kadalasan dyan talaga nagmumula ang selos at minsan nauuwi pa sa paninira.

Kaya kung napapansin mo na may nagagalit sayo kahit wala ka naman ginagawa. Malamang, mas marami ka nagagawa na “amazing things” kesa sa kanila.

08/01/2026

Dati ang dami kong kaibigan, ngayon ang dami ko nalang kakilala. I am now enjoying conversations na may laman, pinipili lagi ang lugar kung saan may kapayapaan.

Introvert at times pero sobrang outgoing when you are with the right people you trust. Ang saya pala, kapag nagpakatotoo ka pala normal na liliit ang circle mo. At hindi iyon kabawasan, it makes you grow.

Ang daming nangyayari sa araw-araw pero pag alam mo kung paano hanapin ang kapayapaan mo, that's a heroic act that no one can ruin.

20/12/2025

Hindi na uso yung ikaw lahat, tapos sila wala.
Hindi na rin cute yung always available pero pag ikaw na, busy at maraming ginagawa.

Bigyan mo lang ng appreciation yung mga nagbibigay din. Effort goes to people who actually show up even in darkness days. Time is for those who extend their hands.

Hindi ito basehan ng pagiging madamot
it’s choosing peace, self-respect, at hindi na para maki belong sa energy na hindi naman na bibigyan ng halaga.

This generation is tired of overgiving.
Oo, kung sino ang tunay na click sa energy mo yun ang pakisamahan mo.

11/12/2025

Sa mundo ngayon, may mga taong naiinis kapag angat ka, at masaya naman kapag hirap ka. Kaya sobrang importante na choose your companion wisely huwag maging basta basta pagdating sa pakikisamahan.

Uso ngayon na mag-eextend ng hands, pero sa likod mo sila din ang dahilan ng pag-bagsak at ng kasiraan mo.

As time goes by, nare-realize ko na mas okay nang wala, para less gossip at payapa ang buhay.

23/11/2025

As I get older, trabaho ko na hindi maghabol, hindi mag effort at magpa impress. Mas lalong hindi ko na din problema kung ano ang sasabihin ng ibang tao.

Mahalaga ngayon na tahimik ko na kinikilusan ang magandang pangarap ko sa buhay.

Dahil ang goal ko ay hindi humingi ng validation sa iba, kundi maging ako at kalmado.

13/11/2025

Hindi ka broke, tamad ka lang.

Lahat ng mayaman ngayon dati rin na napagod, pero di sila nagreklamo. Kung puro “next time” mindset mo, wag mong sisihin ang sistema sisihin mo ang sarili mo.

Walang madali sa buhay, pero laging may resulta pagdating sa disiplina.

Masakit tanggapin, pero mas masakit yung paulit-ulit kang umaasa sa milagro na ikaw mismo tinatamad gawin.

14/10/2025

Masyado akong mapanuri; napapansin ko maging ang pinakamaliit na kilos, tono, at mga salitang hindi sinasabi.

Kaya hindi ako basta nakikisama, dahil ayokong sikmurain ang pekeng enerhiya.

22/06/2025

Ang alaala ay dapat nililikha at hindi hinihintay na dumating. 🍃

Want your business to be the top-listed Realtor/realty Service in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Telephone

Website

Address

Santa Rosa