2nd PMFC - Advisory Group
Republic Act (RA) No. 7640
07/04/2026
2ND PMFC - BULACAN
Company Advisory Group (CAG) Courtesy Call
April 7, 2026
Ang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company Advisory Group na pinamumunuan ni Mr. Wilfredo S. Velasco ay nagsagawa ng courtesy call kay PLTCOL ISMAEL C GAUNA, Force Commander, sa Company Headquarters na matatagpuan sa San Rafael Municipal Compound, Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.
Layunin ng pagbisita na magpatibay ng ugnayan, palakasin ang koordinasyon, at talakayin ang mga magkakatulad na isyu at adbokasiya bilang suporta sa mga programa ng yunit at mga inisyatibo para sa komunidad.
Ipinahayag ng Force Commander ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng CAG at binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan.
๐ธ F O X X
07/04/2026
20/03/2026
Company Advisory Group Meeting and Outreach Program in Celebration of Womenโs Month
Sa pangunguna ni Mr. Wilfredo S. Velasco, Chairman ng Company Advisory Group (CAG), at sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ MICHAEL M SANTOS, Acting Force Commander ng Bulacan 2nd PMFC, matagumpay na naisagawa ang buwanang pagpupulong at outreach program kaugnay ng pagdiriwang ng Womenโs Month.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa 3rd Platoon Base, Brgy. Bulualto, San Miguel, Bulacan, kung saan nagkaloob ng libreng gupit, pedicure, at manicure para sa mga kababaihan sa komunidad.
Layunin ng programang ito na mabisita at masuri ang kalagayan ng bawat base platoon ng 2nd PMFC, mapalakas ang ugnayan at tiwala ng komunidad sa kapulisan, at makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan at pangkagandahan bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan. Nais din nitong maipakita ang malasakit at suporta sa kababaihan, mahikayat ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa mga programa ng kapulisan, mapalaganap ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng Womenโs Month at karapatan ng kababaihan, at makapagbigay ng positibong epekto sa moral at kumpiyansa ng mga benepisyaryo.
Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng 2nd PMFC at ng Company Advisory Group (CAG) sa paglilingkod at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.
17/02/2026
Noong ika-14 hanggang ika-15 ng Pebrero 2026, isinagawa ang Team Building Activity ng Company Advisory Group (CAG) ng Bulacan 2nd PMFC sa Cabongaoan, Burgos, Pangasinan sa pangunguna ni Wilfredo S. Velasco, Chairman ng Company Advisory Group.
Ang nasabing gawain ay naglalayong patatagin ang samahan at pagkakaisa ng mga miyembro, palalimin ang tiwala at komunikasyon sa loob ng grupo, at paigtingin ang kooperasyon tungo sa mas epektibong pagtupad sa mga layunin ng organisasyon. Sa pamamagitan ng ibaโt ibang aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na higit na makilala ang kanilang mga kasamahan at mapaunlad ang kanilang teamwork at collaboration.
Kasabay nito, isinagawa rin ang buwanang pagpupulong ng grupo kung saan tinalakay ang mahahalagang ulat, kasalukuyang estado ng mga programa at proyekto, gayundin ang mga planong isasagawa sa mga susunod na buwan. Layunin ng pagpupulong na masuri ang progreso ng bawat komite, makapaglatag ng malinaw na direksyon, at matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga gawain ng CAG.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at matagumpay ang dalawang araw na aktibidad sapagkat hindi lamang nito pinagtibay ang ugnayan ng mga miyembro, kundi nagbigay rin ito ng mas malinaw na direksyon at panibagong sigla sa patuloy na pagsasakatuparan ng mga layunin ng Company Advisory Group.
22/01/2026
January 22, 2026, matagumpay na isinagawa ng Bulacan 2nd PMFC at 2nd PMFC Advisory Group ang isang Outreach Program na ginanap sa 1st Maneuver Platoon, Bayan ng San Jose del Monte, Bulacan.
Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng libreng eye check-up at libreng salamin sa mata, upang mas mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa paningin.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para maisakatuparan ang programang ito. Patuloy kaming maglilingkod nang may malasakit at puso para sa komunidad.
Serbisyong may malasakit, paninindigang totoo sa tungkulin.
22/01/2026
21/01/2026
LIBRENG EYE CHECK UP AT SALAMIN
Layunin nitong matulungan ang mga may problema sa paningin, bata man o matanda.
Malinaw na paningin, mas masayang buhay! ๐
๐ Lugar: 145 PNP Camp, Sampol Sapang Palay San Jose Del Monte Bulacan
๐
Petsa: January 22, 2026
โ๏ธ Libreng eye check up
โ๏ธ Libreng salamin (para sa kwalipikado)
โ๏ธ Para sa bata at matanda
Let our New Year's resolution be this: we will be there for one another as fellow members of humanity, in the finest sense of the word.
15/12/2025
Thanksgiving Party 2025
Pagpapatuloy ng iba pang litrato.
Makabuluhan at kasiyahan para sa lahat. Maraming salamat!
13/12/2025
Isinagawa ng Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company ang Thanksgiving Party ngayong Disyembre 12, 2025 ๐๐
Isang makabuluhang pagtitipon bilang pasasalamat sa mga biyaya, tagumpay, at patuloy na pagkakaisa. Sama-samang ipinagdiwang ang serbisyo at dedikasyon para sa bayan.
Maraming salamat sa lahat! ๐๐ค
Click here to claim your Sponsored Listing.