N.G.O CAAG
Strong brotherhood /Service to the People.
UNANG HAKBANG,
SA KINABUKASAN NG MGA KULOT(DUMAGAT).
Kabayan, muling maghahatid ng tulong pang edukasyon ang Caag Elite Warriors Inc. sa mga mag-aaral na Grade-1 hanggang grade-3 na katutubong Dumagat sa ilang Sitio sa Brgy, San Lorenzo Norzagaray Bulacan.
Isasagawa ito sa darating na Hunyo 6 2026,sa ating mga followers sa NGO na gustong mag-paabot, kanilang tulong maari ninyong ipadala sa Caag Elite Warriors Inc Headquarters sa Sitio Paltok Viola Highway Brgy, Caingin San Rafael Bulacan.
Ma-aari, kayong makipag-ugnayan kay President Geronimo "Ronnie" Madrid via FB or sa iba pang miyembro ng NGO.
101% makatitiyak kayo na makararating sa mga benepisyaryong mag-aaral ang inyong mga tulong maraming salamat po. # # #
11/05/2026
Kabayan, inilabas na ng BFP ang "Fire Safety Inspection Certificate" ng Caag Elite Warriors Inc
bilang patunay na legal at lehitimo ang operation ng NGO, sa lalawigan ng Bulacan.
18/04/2026
We Caag Elite Warriors, continued learnings like this for the needs of our community specially during the time of emergency.
18/04/2026
Happy 3rd Year Anniversary sa ating NGO, tuloy-tuloy lang sa paglilingkod sa mga kumunidad.
Mabuhay ang "Caag Elite Warriors"
02/04/2026
Tour of Duty,
ng Caag Elite Warriors/ PDRRMO.
Sa ikalawang araw ng tour of duty ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc. at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ngayong Abril 2 2026 naging maayos at payapa naman sa kabuoan.
Naka deploy ang Caag Elite Warriors sa balwarte ng Basilica Menor ng Malolos Cathedral Church.
Tiniyak ni PDRRMO Chief Ret.Col.Manuel M. Lukban Jr. na may sapat na kagamitan at kasanayan ang kanilang mga rescue responders kahit aberya ng sasakyan.
Kaya naman napasabak ang mga rescue responders ng Caag Elite at Pdrrmo sa pagpapalit nang flat na gulong na sasakyan ng isang deboto ng Basilica Menor.
Kasunod nito'y isang 25 anyos, na binata ang agad nilapatan ng lunas, ng pdrrm rescuer sa commandpost, matapos itong makaranas ng pamamantal ng balat dahil sa alergy sa matinding sikat ng araw.
Samantala muling nagpaalala ng OCD3 at PDRRMO na mag--ingat, ugaliin ang pag-inum ng tubig lalo na kung matindi ang init ng panahon ngayong panahon ng Semana Santa. # # #
01/04/2026
Oplan Semana Santa,
ng Caag Elite Warriors at PDRRMO.
Bagama't mainit ng panahon, naging maayos at payapa naman ang mga pangunahing lansangan ng Mc Arthur High way sa Malolos City sa unang araw ng duty ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc. kasama ang Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office(PDRRMO) ngayong Abril 01.
Pinangunahan ni PDRRMO Chief, Ret.Col. Manuel M. Lukban Jr. ngayong araw sa mga deployment area ng mga Rescue Responders sa bahagi ng Devine Mercy Church sa bayan ng Marilao at Barasoain Church sa Malolos City.
Habang si Sir NP Ronnie Madrid, naman ang team leader ng Caag Elite Warriors, at apat na iba pa sa ilalim ng Oplan Semana Santa 2026.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga nagbibisita eglesia, namamanata at mananampalataya sa mga kilalang simbahan sa probinsya ng Bulacan.
Ito'y base na rin sa tagubilin ng Office of the Civil Defense(OCD-3) na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng pagninilay o quaresma. # # #.
Proyektong Trash Bin, sa mga eskwelahan,sinimulan ng Caag Elite Warriors Inc. para sa malinis na kapaligiran.
Sinupin ang empty plastic bottles, para sa maayos na kapaligiran, save and cleaned envronment,pinanguhan nina Pres Ronnie, Vice Pres Robin at Auditor sir Rey ang pagbuo ng tapunan ng empty plastic bottles. # #
23/03/2026
Mahalin ang Kalikasan,
Iwasan ang pagkakalat ng empty bottles.
Umarangakada na ang unang proyekto ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc. na trash bin sa ikatlong distrito ng Bulacan.
Isa sa benepisyaryo nang lalagyan ng empty bottles, ang Lydia D.Villangca Trade School sa Brgy,Ulingao San Rafael Bulacan.
Nasa 1,326 na mag-aaral mula sa High School hanggang Grade 12 ang makikinabang sa tapunan ng empty bottles.
Pinangunahan ni Caag Elite Warriors President Ronnie Madrid at Vice President Robin Macabocsit at Auditor Rey Negrete, ang pagbuo ng Trash Bin.
Layon ng Caag Elite Warriors na maisinop ang mga nakakalat na empty bottles ,na kadalasay itinatapon lamang kung saan-saan.
Sa paraan na rin ito, upang maiiwasan ang pagbabara sa mga drainage canal, na karaniwang mga empty bottles ang nakaharang sa daluyan ng tubig at makakatulong rin sa cleaned and green environment.
Bukod dito maari rin na pagkakitaan ng school ang mga empty bottles,na pwedeng i recycle. # # #
Caag Elite Warriors official AVP.
02/02/2026
Kabayan,ito na ang bagong pamunuan ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc.(Caag Elite Warriors.)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
San Rafael
3000