Ang Moog
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Candawaga National High School, Rizal, Palawan
02/03/2026
๐๐๐๐๐: ๐๐๐ง๐๐๐ฐ๐๐ ๐ ๐๐๐, ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐
Dalawang mag-aaral at apat na mga g**o mula sa Candawaga National High School ang lumahok sa Division Festival of Talent na ginanap sa Brookeโs Point National High School noong Pebrero 24-27, 2026.
Ipinamalas ni Edel Jeff A. Roco ang talas ng pag-iisip at husay sa pagsasalita sa patimpalak na โSpeak Up!โ (Impromptu) habang nakipagtagisan naman ng talino sa PopDev Quiz Bee si Dorothy Grace Amar.
Naging tagapagsanay ng mga mag-aaral sina Maโam Lorena Cuadrante para sa Impromptu, at Sir Jeffry Operiano, Maโam Ronalyn Pedro, at Maโam Shenna Mae Alvaro para naman sa PopDev Quiz Bee.
Ang Festival of Talent ay isang taunang gawain na binubuo ng ibaโt ibang patimpalak para sa mga piling mag-aaral. Ngunit higit pa sa kompetisyon, ito ay nagsisilbi ring selebrasyon ng talento at husay ng mga mag-aaral sa ibaโt ibang larangan na may layong ipakita hindi lamang sa loob ng kanilang mga silid-aralan kundi maging sa dibisyon, rehiyonal, at nasyonal na entablado.
๐ท: Maโam Lorena Cuadrante
28/02/2026
Candawaga National High School
๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐
February 27, 2026
27/02/2026
Paghubog ng kasanayan at paglikha ng oportunidad para sa mga mag-aaral, tampok sa Candawaga NHS OSOP โ26 Trade Fair
Muling nabigyan ng pagkakataong maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa paglikha ng mga produkto at paghatid ng ibaโt ibang serbisyo na kanilang pinagkakitaan sa ginanap na โOne School, One Product/Servicesโ (OSOP) 2026 Trade Fair sa Candawaga National High School, Pebrero 27.
Kabilang sa mga lumahok sa programa ay ang mga mag-aaral ng Grade 10, Grade 12, at ALS.
Ang programa ay pinangunahan ng mga g**o sa TLE sa junior high school, at mga g**o naman ng TVL para sa senior high school.
Sa huli, ang mga mag-aaral mula sa Grade 12 GAS ang itinanghal na kampeon para sa OSOP 2026 Trade Fair.
๐ท: Maโam Richeal Mariano, Sir Jhun Sobrevega
24/02/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: Araling Panlipunan Department, nagsagawa ng symposium patungkol sa bullying
Nagsagawa ng symposium patungkol sa bullying ang Araling Panlipunan Department ng Candawaga National High School noong Pebrero 19, 2026.
Sa temang โBuilding a Safe and Respectful School Community: Choose Kindness, Reject Bullyingโ, ang naturang gawain ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa baitang 7.
Naging tagapanayam sa symposium si Gng. Annelyn T. Asis, RSW. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang paaralang ligtas at hindi nagbibigay-daan sa anumang klase ng bullying.
Layunin din ng gawain ang hikayatin ang mga mag-aaral na iwasang makasakit ng kapwa mag-aaral sa anumang paraan at laging piliing maging mabuti sa lahat ng pagkakataon.
โ๏ธ: Rexica Omar
๐ท: Zeah Key Matus, Athaliah Nixie Espaรฑola
20/02/2026
๐๐๐ง๐๐๐ฐ๐๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
20/02/2026
๐๐-๐๐๐๐, ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฐ๐๐ ๐ ๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang Computer-Based National Career Assessment Examination (CB-NCAE) sa Candawaga National High School na nagsilbing opisyal na testing center ng mga paaralan sa ikalawang distrito ng Rizal.
Kabilang sa mga paaralang kumuha ng CB-NCAE ay ang sumusunod: Panalingaan National High School, Taburi National High School, Candawaga National High School, at Campong-Ulay National High School- Candawaga NHS Extension.
Naunang sumailalim sa CB-NCAE ang mga mag-aaral ng Grade 10 mula sa Panalingaan NHS noong Enero 27 hanggang 28. Ito ay sinundan ng Taburi NHS, Candawaga NHS, at Campong-Ulay NHS- Candawaga NHS Annex.
Ang CB-NCAE ay isinagawa sa Computer Laboratory ng Candawaga NHS na pinamahalaan nina Gng. Richeal Mariano at Gng. Melnore Espaรฑola katuwang ang tagapayo ng mga mag-aaral.
Ang CB-NCAE ay isang pagsusulit na naglalayong masukat ang interes, kakayahan, at kasanayan ng mga mag-aaral upang magsilbing gabay sa pagpili ng kanilang kurso o karera sa hinaharap.
Samantala, mahigpit namang sinunod ang mga alituntunin ng Department of Education (DepEd) upang matiyak ang kaayusan at kredibilidad ng pagsusulit.
โ๏ธ: Mayorie Basilio
๐ท: Maโam Richeal Mariano
12/02/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐!
Nagwagi si Baby Almisa Amis bilang bagong pangulo ng Candawaga National High School Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa katatapos lamang na eleksiyon matapos makakuha ng 308 kabuuang boto, Pebrero 12.
Ang halalan ay pinangunahan ng mga kasalukuyang opisyal at tagapayo ng SSLG na sina Gng. Lorena Cuadrante at Cherry Fe Sarmiento.
Narito ang listahan ng mga bagong halal na opisyal ng SSLG:
President: Baby Almisa M. Amis
Vice President: Micca-Ella C. Borris
Secretary: Dally Ann Alipoon, Joanne Faith Paradiro
Treasurer: Rychelle Jane Tangeres
Auditor: Princess Sarah Cuysona
P.I.O: Romelyn Joy J. Gamusaran
Protocol Officer: Ritchelle B. Barrios
Grade 8 Representatives:
Vovetha S. Galicia
Kaiser F. Lacson
Grade 9 Representatives:
Cris Laurence S. Abayon
Reanlee T. Agustin
Grade 10 Representatives:
Arlve Jean-Mae Becidilla
Princess Loraine T. Arsenio
Grade 11 Representatives:
Chrizel B. Paguntalan
Jaya Radha Priya R. Rioja
Grade 12 representative:
Jesyl Ann T. Besite
Ferhana O. Omar
Samantala, dahil nakakuha ng parehong bilang ng boto ang mga kumandidatong mag-aaral bilang kalihim, bukas pa malalaman ang kikilalaning opisyal na kalihim sa pamamagitan ng coin toss ayon kay Gng. Cuadrante.
Inaasahan namang magiging mabuting lider at magtataguyod ng gawain at proyekto para sa kapakanan ng mga mag-aaral sa Candawaga National High School ang mga bagong halal na opisyal.
Pagbati sa lahat ng nagwagi.
โ๏ธ: Rojanna Chloe Gargola at Hanna Florian Escala
๐ท: Gng. Lorena Cuadrante
12/02/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
Matagumpay na naisagawa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Grand Rally sa Candawaga National High School gymnasium kaninang umaga, Pebrero 12.
Husay sa pagsasalita at makabuluhang mga plataporma ang inihain ng mga kumakandidato sa kanilang kapwa mag-aaral upang himuking sila ang karapat-dapat na magwagi sa halalan.
Samantala, agad namang sinimulan ang eleksiyon pagsapit ng ika-1 ng hapon kung saan ang bawat mag-aaral ay nabigyan ng kapangyarihang pumili ng lider na kanilang nais mamuno.
Manatiling nakaantabay para sa resulta ng
Para sa kaugnay na balita:
https://www.facebook.com/share/p/17mBgvzu9e/?mibextid=WC7FNe
๐ท: Athaliah Nixie Espaรฑola, Zeah Key Matus
12/02/2026
TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ang halalan ng Candawaga National High School SSLG para sa taong panuruan 2026-2027.
Nagsimula ang pagboto ng mga mag-aaral ganap na ika-1 ng hapon, sa CNHS gymnasium.
Samantala, kaninang umaga naman isinagawa ang Grand Rally kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makilala ang mga kumakandidato na posibleng mamuno sa kanila sa susunod na taong panuruan.
Para sa kaugnay na balita:
https://www.facebook.com/share/p/1KQpkH98xD/?mibextid=WC7FNe
๐ท: Shekainah Sarmiento, Rexica Omar
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rizal
5307