Facundo C. Lopez- Palangan Integrated School-elementary department

This page is exclusive for facundo elem.

teachers,parents and pupils.open po magpost para sa ikagagaling ng ating paaralan at mag-aaral.Hindi po pwede gamitin for business promotions and endorsements ng mga products.

25/09/2022

Stay Safe our dear students! 😇

Photos from Facundo C. Lopez- Palangan Integrated School-elementary department's post 11/08/2022

District SBM Validation

Photos from Provincial Information Office - Oriental Mindoro's post 26/05/2022
Photos from Department of Health (Philippines)'s post 09/01/2022
23/11/2021

Magandang Balita Mahal naming mga Magulang!

Serbisyong RDI... Aksyon at Solusyon Para sa Edukasyon

Uumpisahan bukas, Nobyembre 24, 2021 ang pagbibigay ng SCHOOL SUPPLIES. Inaanyayahan po ang mga MAGULANG ng mga mag-aaral mula sa Sabang Elementary School, Lucena Atienza Datinguinoo Memorial School at Facundo C. Lopez Palangan Integrated School.

Si Mayor Rocky D. Ilagan ay katuwang ng bawat magulang at mga mag-aaral sa pagharap sa bagong paraan ng pagkatuto sa kabila ng hamon ng pandemya.

Hintayin po natin ang susunod na anunsyo para sa schedule mula sa iba pang paaralan.

Maraming salamat po.

30/10/2021

PABATID PARA SA MGA G**O, MAGULANG, AT MAG-AARAL! 🗓

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1107, s. 2021, ang All Souls' Day, Christmas Eve, at New Year's Eve ngayong taon ay idineklara bilang special working days.

Samantala, ayon sa DepEd Order No. 29, s. 2021, holiday break naman para sa mga paaralan ang mga araw mula Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.

Para sa iba pang detalye kaugnay nito, basahin ang Proclamation No. 1107, s. 2021 sahttps://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2021/02feb/20210226-PROC-1107-RRD.pdf at DO 29, s. 2021 sa https://bit.ly/DO29S2021.

12/09/2021

Ready na ba ang mga gamit mo para sa Lunes? 😁👍

I-check na ang mga kinakailangan para sa inyong mga klase sa Lunes para tayo’y handang-handa na sa muling pagbubukas ng klase.

Narito rin ang iba't ibang tips para sa mga mag-aaral, pati na rin sa kanilang guardians, upang mas mapagbuti pa ang remote learning set-up!

16/08/2021
Photos from Municipality of Puerto Galera's post 10/07/2021
28/06/2021

TAAL VOLCANO ADVISORY
Ika-28 ng Hunyo, 2021
Alas-5:30 ng hapon

Ito ay paunawa ukol sa volcanic smog o vog sa Taal Caldera na resulta ng patuloy na paglabas ng volcanic SO2 gas mula sa Main Crater ng Taal Volcano.

Sa nagdaang dalawang araw, naobserbahan ang mataas na antas na pagbuga ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas at steam-rich plumes mula sa Taal Main Crater na umabot ng tatlong (3) kilometro ang taas. Ang pagbuga ng SO2 kahapon, ika-27 ng Hunyo 2021, ay nasa humigit-kumulang 4,771 tonelada kada araw. Umiral naman sa buong Taal Volcano Island ang temperatura ng hangin na nasa 30ºC, halumigmig (relative humidity) na nasa pitumpu’t-limang (75%) porsyento, at mabagal na pag-ihip ng hangin mula 1 metro/segundo hanggang sa halos pagtigil sa pag-ihip nito batay sa datos ng All-Weather Systems station.

Ang mga ganitong kondisyon, lalo na ang halos kawalan ng pag-ihip ng hangin, ay nagdulot sa pamumuo ng volcanic smog o vog na nagresulta naman sa kapansin-pansin na haze sa Taal Caldera region. Kung sakaling magpapatuloy ang mataas na pagbuga ng SO2 gas (average of ~4,330 tonnes/day sa nakaraang linggo), at mananatili ang mga kondisyon na angkop sa pagkakaroon ng vog, ang mga komunidad sa palibot ng Taal Lake ay pinapayuhan na gumawa ng kinakailangang pag-iingat.

Ang vog ay isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng mga bulkan. Binubuo ito ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic. Dahil dito, ito ay maaaring magdulot ng iritasyon ng mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap nito. Ang mga taong partikular na sensitibo sa masamang epekto ng vog ay ang mga may kondisyon sa kalusugan tulad ng hika, sakit sa baga at sakit sa puso, mga matatanda, mga buntis, at mga bata. Kung nagkaroon ng vog at hindi maiiwasan ang pagkakalantad dito, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

1. Limitahan ang pagkakalantad o exposure sa vog. Iwasan ang mga aktibidad sa labas o manatili na lamang sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pintuan upang maiwasang makapasok ang vog sa loob ng bahay.

2. Protektahan ang sarili. Gumamit ng nararapat na N95 face masks o gas mask. Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga. Kung kabilang sa mga sensitibong grupo, siguraduhing subaybayan ang inyong kalagayan at magpatingin agad sa doktor o sa barangay health unit kung kinakailangan. Kung makakaranas ng matitinding epekto, magpatingin agad sa doktor o sa barangay health unit.

Ang Alert Level 2 ay nanatiling nakataas sa Bulkang Taal kaya pinaaalalahanan ang mga mamamayan na ang banta ng biglaang steam-driven o gas-driven na pagputok at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng TVI. Ang pagpunta sa TVI ay dapat na mariin pang ipagbawal. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal, 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

DOST-PHIVOLCS



https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-advisory-menu/12310-taal-volcano-advisory-ika-28-ng-hunyo-2021-alas-5-30-ng-hapon

12/05/2021

BIDA+
VACC2School

FCL-PIS

Want your school to be the top-listed School/college in Puerto Galera?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Palangan
Puerto Galera
5203

Other Elementary Schools in Puerto Galera (show all)
DepEd Tayo Aninuan Elementary School DepEd Tayo Aninuan Elementary School
Puerto Galera, 5203

Public School

Ambang Mangyan School Ambang Mangyan School
Puerto Galera, 5203

Ambang Mangyan School is located at Villaflor, Puerto Galera, Oriental Mindoro, with 3 teaching staf