TAKA
This page is created to create my own fun, such as gaming, travel and etc. para sa pagod pero tuloy parin.
30/11/2025
BREAKING |
PAGHULI SA E-BIKES AT E-TRIKES, SUSPENDIDO!
Sinuspende ng LTO ang impounding ng e-bikes at e-trikes na mahuhuling dumadaan sa national roads sa December 1.
Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, ang mahigpit na pagpapatupad ay ililipat sa January 2, 2026.
27/11/2025
Nag-udyok ng matinding reaksyon online si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko’’ Barzaga Jr. matapos maglabas ng isang matapang na pahayag na inihalintulad niya sa mga sakripisyong ginawa ng makasaysayang personalidad sa politika ng Pilipinas.
Sa kanyang online post, inilarawan ni Barzaga na ang laban niya kontra umano sa korapsyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay parang personal niyang misyon, na ikinumpara niya sa mga bayani at lider na nag-alay ng buhay para sa pagbabago.
Ayon sa kanya:
“It was Jose Rizal’s destiny to lose his life for our country…
It was Ninoy Aquino’s destiny to lose his life in order to bring down President Marcos Senior…
And now it is my destiny to give my life to remove the corrupt Marcos Jr. that steals from our citizens and destroys our nation.”
24/11/2025
Sa selebrasyon ng ika-90 anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP) noong Nobyembre 14, napansin ng marami ang pagdalo ng ilang dating bise presidente at national leaders na matagal nang konektado sa iba’t ibang kontrobersya.
Present sa event sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo—mga personalidad na dati nang nasangkot sa mga isyu tulad ng jueteng scandal, NBN-ZTE deal, at Fertilizer Fund controversy. Dumalo rin ang anak ni Erap na si Sen. Jinggoy Estrada, na dati ring iniuugnay sa PDAF scam at ngayon ay iniimbestigahan umano kaugnay ng mga flood control projects.
Sa mismong programa na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte, kapansin-pansin na hindi lang dating posisyon ang nag-uugnay sa kanila, kundi pati ang mahabang listahan ng kontrobersiyang nakaangkla sa kanilang pangalan—na lalo pang umani ng reaksyon mula sa publiko.
22/11/2025
REST IN PEACE, MANONG JOHNNY
Hinatid na sa kanyang huling hantungan si former Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Sabado ng umaga, Nov. 22.
Nagbigay-pugay ang pamilya at mga malalapit na kaibigan sa huling pamamaalam nila sa dating senador.
Pumanaw si Enrile noong Nov. 13 sa edad na 101.
panoorin kung ano nangyare sa aking kapatid.