OreoMore
Happy Life
Samut saring mga balita, kaalaman at impormasyon
Multitasking ba talaga? Ang mahal pa naman ng kuryente ngayon 😢. Pwede naman kasi mamili kung ano talaga ang gagawin at magfocus muna doon 😡.
LABAG SA BATAS?
Maaaring magkaroon ng paglabag sa Revised Penal Code ang sinasabing banta ng pagp*tay ni Vice Pres. Sara Duterte laban kina Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Melvin Matibag, Direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
Bibigyan ng pansin ng NBI ang isyung ito sa kanilang pagdalo sa nalalapit na impeachment proceedings ng House Committee on Justice laban sa bise presidente sa Miyerkules, Abril 29.
Sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte na si Pres. Bongbong Marcos ang nasa likod ng mga pag-atake laban sa kanya.
'I-ROLLBACK, PRESYO NG LANGIS! '
Ito ang isinigaw ng grupong MANIBELA habang isinasagawa nila ang kanilang kilos-protesta sa Nagtahan, Maynila noong Lunes, Abril 13.
Dala ang kanilang mga placard, nanghingi ang grupo ng mabilis na solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, at mga hakbang mula sa pamahalaan upang makatulong sa pagaan ng pasaning dulot nito sa mga tao.
GULAY NA GINAWA NA LANG PATABA DAHIL SA OIL CRISIS
Makikita sa kuha ng drone ang mga gulay na pinabayaan na lang ng mga magsasaka na mabulok upang gamitin bilang pataba ng lupa sa Brgy. Paoay sa Atok, Benguet.
Ito ay dahil mas malaki ang lugi nila kung aanihin at ibebenta pa ang mga gulay na ito dahil sa mataas na presyo ng langis at gastos sa transportasyon.
KALAMIDAD SA BAGUIO
Nagpasya ang Baguio City na magdeklara ng STATE OF CALAMITY dulot ng epekto ng krisis sa langis. Dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, maraming mga tsuper ang huminto sa kanilang mga biyahe.
Tinanong ni Bise Presidente Sara Duterte kung may aksyon bang ginagawa si Pangulong Bongbong Marcos bilang sagot sa krisis sa langis.
Viral sa internet ang isang estudyanteng nasa ika-12 baitang na naglagay ng mga medalya sa kanyang ama na may kapansanan.
‘WALANG DAHILAN PARA MAGALALA, WALA RING DAHILAN PARA MAG-IMBAK’
Ayon kay Trade and Industry Sec. Cristina Roque, mayroong sapat na reserba ng mga pagkain at mahahalagang bilihin, kaya’t hindi kinakailangan ng mga mamimili na mag-panic buying.
‘ANG PANGULO AY KASAL NA, MAY SARILING PAMILYA, AT NANATILING TUNAY SA KANYANG ASAWA'
Pinalagan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang sinabi ni Sen. Imee Marcos matapos humingi ng tawad ang senadora sa kanyang yumaong ama na si dating pres. Ferdinand Marcos Sr. dahil sa hindi niya pag-monitor sa kanyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos.
Sabi ni Castro, dapat ay maging maingat si Sen. Imee sa pagtukoy kung sino ang talagang pasaway.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
1610