Borzo Riders PH

Borzo Riders PH

Share

Formerly MrSpeedy | Maging KaTropa Na! Mag-register 👉🏼 https://bit.ly/ByaheNaSaBorzo

26/01/2024

Nakapag-cash out na ba ang lahat? Kung hindi pa, LAST DAY NA TODAY MGA KATROPA!

Para makapag-request ng cash-out, sagutin ang Borzo Pull Out form na ito ngayon dito 👉 bit.ly/BORZOPullOutForm

Para sa mga katanungan o iba pang concerns, maaaring magchat sa ating Chat Support, mag-email sa [email protected], o mag-message sa ating Facebook Account para maasikaso ang inyong request.

Maraming salamat, mga KaTropa!

24/01/2024

Batid sa kaalaman ng Borzo Philippines ang kumakalat na impormasyon tungkol sa pag-alis ng kumpanya mula sa Philippine market at ang paglitaw ng GRIPX bilang kapalit nito. Mahalaga ang paglilinaw na ang Borzo Philippines AY HINDI konektado sa GRIPX o alinmang on-demand delivery service sa Pilipinas.

Nagpapasalamat kami sa suporta mula sa mga rider at kliyente sa aming kumpanya. Nauunawaan namin ang kahalagahan ng malinaw na komunikasyon at nais naming tiyakin na walang kalituhan hinggil sa anumang kaugnayan sa GRIPX o anumang iba pang serbisyo.

Para sa tamang at maagang impormasyon tungkol sa pagsasara ng Borzo Philippines at anumang pag-unlad sa hinaharap, inaanyayahan ang lahat ng mga rider at kliyente na manatili sa abiso para sa mga opisyal na anunsyo sa pamamagitan ng aming mga official channels.

Kami ay taos-pusong nagpasasalamat sa inyong pang-unawa at suporta. 💙

17/01/2024

KaTropa, last day na para makapag-enroll sa GCash!

Huling araw na ng GCash enrollment para sa cash-out, mga KaTropa kaya wag kalimutang sagutan ang form na ito: https://bit.ly/GcashxEnrollment

May katanungan? Maaaring magchat sa ating Chat Support, mag-email sa [email protected], o mag-message sa ating Facebook Account para maasikaso ang inyong request. Ang lahat ng request ay tatanggapin hanggang January 29, 2024 lamang.

Maraming Salamat sa inyong pag-unawa.

16/01/2024

Head's up, mga KaTropa!

Paalala mga KaTropa! Narito ang mga importanteng araw na dapat tandaan ukol sa kasunod na anunsyo ng aming pagsasara:

January 17, 2024
Huling araw sa GCASH Enrollment para sa Cash-out
Maaaring mag-enroll dito 👉🏼 https://bit.ly/GCashCashOutEnrollment

January 19, 2024
Huling araw para sa Claims Request

January 26, 2024
Huling araw para sa Request ng Cash-out
Maaaring mag-request dito 👉🏼 https://bit.ly/BorzoPullOut

Maaaring magchat sa ating Chat Support, mag-email sa [email protected], o mag-message sa ating Facebook Account para maasikaso ang inyong request.

Ang lahat ng request ay tatanggapin hanggang January 29, 2024 lamang. Ang opisina ay bukas lamang ng January 10, 17, at 24 para sa inyong mga katanungan. Paalala lamang na ang mga tatanggapin lamang na magpunta sa opisina ay kapag ikaw ay nakapag set ng appointment sa form na ito 👉🏼 https://bit.ly/BorzoOfficeVisitAppointment

Maraming Salamat sa inyong pag-unawa.

12/01/2024

📣 PULLOUT ANNOUNCEMENT 📣

Kung ang iyong account ay hindi aktibo simula noong September 2023, hindi maipro-proseso ang pullout sa ngayon. Gayunpaman, may dalawang kayong option:

1. Mag-bid ng on-demand orders hanggang January 15, 2024 at magpatuloy kumita sa pamamagitan ng
cash orders.

2. Kumuha ng 1 order bago mag January 15, 2024 at mag-request ng cashout/pullout bago mag January 26, 2024.

Makakapag-pullout request na gamit ang
Unionbank simula January 15:
https://bit.ly/BORZOPullOutForm

Pag wala pang Unionbank, maaari na lamang mag-request via Gcash. Siguradihin lamang nakapag enroll na: https://bit.ly/GcashxEnrollment

09/01/2024

Paalala mga KaTropa! Narito ang mga importanteng araw na dapat tandaan ukol sa kasunod na anunsyo ng aming pagsasara:

January 17, 2024
Huling araw sa GCASH Enrollment para sa Cash-out
Maaaring mag-enroll dito 👉🏼 https://bit.ly/GCashCashOutEnrollment

January 19, 2024
Huling araw para sa Claims Request

January 26, 2024
Huling araw para sa Request ng Cash-out
Maaaring mag-request dito 👉🏼 https://bit.ly/BorzoPullOut

Maaaring magchat sa ating Chat Support, mag-email sa [email protected], o mag-message sa ating Facebook Account para maasikaso ang inyong request.

Ang lahat ng request ay tatanggapin hanggang January 29, 2024 lamang. Ang opisina ay bukas lamang ng January 10, 17, at 24 para sa inyong mga katanungan. Paalala lamang na ang mga tatanggapin lamang na magpunta sa opisina ay kapag ikaw ay nakapag set ng appointment sa form na ito 👉🏼 https://bit.ly/BorzoOfficeVisitAppointment

Maraming Salamat sa inyong pag-unawa.

08/01/2024

Sa mahigit na limang taon ng paglilingkod bilang MrSpeedy at pagtatagumpay bilang Borzo Philippines, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta. Sa masusing pagninilay-nilay, ikinalulungkot naming magpaalam sa industriya ng logistikang pampadala sa Pilipinas.

Ang inyong dedikasyon at sipag ay haligi ng aming tagumpay sa larangan ng logistika. Hindi namin malilimutan ang inyong mahalagang ambag.

Sa pagtatapos ng aming operasyon, umaasa kami sa inyong pang-unawa at suporta. Kayo ay bahagi ng pamilya ng Borzo Philippines, at ang inyong sakripisyo ay laging mananatili sa aming alaala. Muli, maraming salamat sa inyong lahat, at nais namin ang tagumpay sa inyong mga hinaharap na pagsisikap. 💙

KaTropa, delivery is now completed! ✅

18/12/2023

Magandang araw, KaTropa! 🌞

Nais namin ipaaalam na hanggang 6 PM lamang kayo maaaring magchat sa ating Courier Chat Support simula December 19, 2023.

Lahat ng katanungan matapos ang nasabing oras ay masasagot sa susunod na araw mula 9 AM hanggang 6 PM lamang. Salamat at ride safe, KaTropa! 🛵😊

15/12/2023

Mas madaming orders, mas madaming deliveries, mas masaya ang pamilya ngayong Pasko! 💪🎄

Apply na dito sa Borzo para merry na merry ang Christmas niyo 👉 https://bit.ly/MagingBorzoKaTropa

13/12/2023

comment mo nga KaTropa ang wishlist mo ngayong pasko *baka* tuparin namin. Magulat ka nalang 😂

13/12/2023

Para sa aming mga bagong users,

Hello and Welcome to Borzo! BRRR ❄️ 🥶

Dahil new user ka namin, may maaga kaming pamasko sayo! Narito ang up to 10% DISCOUNT sa iyong unang delivery when you use the code "BRRZODELIVERY"!

Maagang regalo namin yan sayo, kaya book now! 👉 https://bit.ly/IBorzoNaYan

09/12/2023

looking for: pahinga yung hindi niyo kilala para efas

Want your business to be the top-listed Transport Service in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Pasig