MMDA
The official page of the Metropolitan Manila Development Authority.
REPUBLIC ACT NO. 7924 “AN ACT CREATING THE METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY, DEFINING ITS POWERS AND FUNCTIONS, PROVIDING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES.” (Excerpt)
[Admin 23] MMDA ALERT: Stalled mixer truck due to battery problem at Ortigas Ave. Connecticut WB as of 7:25 PM. One lane occupied. MMDA enforcers are on site managing traffic.
01/10/2026
TRAFFIC ADVISORY
Please be advised that Bonding Muna Sa Barangay Paglingkuran ang Bayan Caravan will be held on October 3, 2026, Saturday, around the vicinity of the Bangkal Barangay Hall.
In preparation for the caravan, road closures will be implemented from October 1 to October 3, 2026.
Motorists are advised to expect possible traffic congestion and delays in the area and to allow extra travel time.
Thank you for your patience and cooperation.
01/10/2026
Nakibahagi ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Coordination Meeting on the Harmonized Actions and Interventions for the 49th ASEAN Summit, kasama ang iba’t ibang kaukulang ahensya ng pamahalaan.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga concerned government agencies bilang bahagi ng paghahanda para sa maayos, ligtas, at matagumpay na pagdaraos ng mahalagang regional event.
Tinalakay ang harmonized actions, operational plans, at interventions ng mga katuwang na ahensya upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa traffic management, mobility, seguridad, crowd management, at iba pang logistical requirements sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad ng ASEAN Summit.
Binigyang-diin ang seamless coordination at mabilis na pagtugon sa bawat venue, kabilang ang traffic at transport measures, at assistance sa mga delegado.
Patuloy ang MMDA sa pakikipag-ugnayan sa mga concerned agencies upang matiyak ang ligtas, maayos, episyente, at koordinadong operasyon para sa 49th ASEAN Summit.
01/10/2026
Alinsunod sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, nagsagawa ng ocular inspection si FCSMO Director Michael Doce, kasama ang mga tauhan ng MMDA Flood Management Team, sa isinasagawang drainage improvement project sa Marcos Highway, Pasig–Marikina–Cainta Section kaninang umaga.
Layunin ng inspeksyon na masubaybayan ang aktuwal na progreso ng proyekto at matiyak na ang mga isinasagawang drainage improvement works ay naaayon sa itinakdang plano, specifications, at mga pamantayan.
Mahigpit na tinutukan ng MMDA ang mga flood management at drainage improvement projects upang matiyak ang kalidad, maayos na implementasyon, at pagiging epektibo ng mga proyekto sa pagtugon sa pagbaha.
01/10/2026
Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Inter-Agency Council for the Pasig River Ferry Urban Development (IAC-PRUD) para sa isang full council meeting ngayong araw, na pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., upang talakayin ang mga plano at programa para sa patuloy na rehabilitasyon at pagpapaunlad ng Ilog Pasig.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga update sa mga aktibidad at commercial operations ng PRUD, gayundin ang pagkumpleto sa Pasig River Esplanade Master Plan. Iniulat din ang status ng mga resolusyong nakatakdang lagdaan, accomplishment reports ng mga miyembrong ahensya, at ang panukalang trust fund para sa mga proyekto.
Kabilang din sa mga tinalakay ang pagpapatibay ng IAC-PRUD Resolutions No. 16 at 17, kabilang ang pagbibigay-awtorisasyon sa National Housing Authority (NHA) para sa Miscellaneous Lease Agreement na kaugnay ng Segment 2 ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project.
Kasama rin sa agenda ang mga panukalang development sa Pasig River Esplanade Segment 2, Plaza Magallanes, Liwasang Bonifacio, at iba pang lugar na saklaw ng programa.
Layunin ng pagpupulong na mapag-ugnay ang mga hakbang at programa ng mga katuwang na ahensya upang maisulong ang tuloy-tuloy na rehabilitasyon, pagpapaunlad, at pagpapaganda ng Ilog Pasig at mga kalapit na lugar.
𝐓𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐝𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧...
Dalawang designated landfill ang bahagi ng waste disposal journey ng mga basurang nakokolekta mula sa Metro Manila.
Para malaman kung ano-ano ito, panoorin bukas ang susunod na episode ng Kwentong Kalsada kasama si MMDA-SWMO Rizal Provincial Sanitary Landfill Head Ramir Julius Peronce.
Stay tuned! 👀
📅 October 2, 2026
🌞 Biyernes
⌚ 10am
01/10/2026
Ilang lansangan sa apat na siyudad ng Metro Manila ang sinuyod ng MMDA Special Operations Group-Task Force for Road Clearing (SOG-TFRC) laban sa mga reklamo ng illegal parking.
Sa kabuuan, umabot sa 43 ang nahuli at 20 sasakyan ang tinanggal at hinila dahil sa pagbara sa kalsada. Layunin ng operasyong ito na maibalik ang kaayusan at mapabilis ang daloy ng trapiko para sa mga motorista at pasahero.
Kabilang sa inoperate kahapon ang:
Pasay, Manila, at Quezon City: Buendia Ave, Roxas Blvd Service Road, Angel Linao, D. Santiago, West Vigan, at Maria Clara
Quezon City at Mandaluyong: Panay Ave, Broadway Ave, E. Rodriguez Ave, Araneta Ave, San Rafael, at Buenviaje.
Paalala sa lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan: Huwag iparada ang sasakyan sa mga ipinagbabawal na lugar upang maiwasan ang multa at paghila.
01/10/2026
Nagtungo ang mga kawani ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office-Plans, Program Development and Monitoring Division (HPSEPO-PPDMD) sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan sa Makati City, Quezon City, Manila City, Navotas City, Marikina City, Caloocan City, at Pateros upang magpaalala na ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo at v**e sa mga menor de edad.
Namigay ang mga kawani ng HPSEPO-PPDMD ng sticker signages at flyers na nagpapakita ng mga maaaring masamang naidudulot ng paninigarilyo at paggamit ng v**e sa kalusugan ng bawat mamamayan lalong lalo na sa mga kabataan.
Nagsagawa rin sila ng survey sa mga kabahayan sa Central Signal, Taguig City upang alamin ang bilang ng mga gumagamit ng sigarilyo at v**e sa pamayanan.
Isang orientation din ang kanilang isinagawa sa Libis Elementary School at Quirino Elementary School kung saan tinalakay nila ang hindi magandang dulot ng smoking, va**ng, alcohol dependency, at drug substance abuse.
Paalala ng MMDA: Ang paninigarilyo ay delikado hindi lamang sa katawan ng gumagamit kundi pati rin sa mga nakakalanghap nito kaya panatilihin ang sa Metro Manila.
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐚𝐦! 💡
Paano nga ba matutulungan ang mga komunidad na maging mas maalam sa wastong pamamahala ng basura?
Alamin kung paano isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 𝙄𝙣𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 campaign.
Abangan sa next episode ng Kwentong Kalsada kasama si Rizal Provincial Sanitary Landfill Head Ramir Julius Peronce.
📅 October 2, 2026
🌞 Biyernes
⌚ 10am
30/09/2026
Patuloy ang paglilinis ng mga catch basin ng MMDA Flood Management Team, katuwang ang mga TUPAD workers, sa Old Sta. Mesa Street, Sta. Mesa, Manila.
Sa isinagawang operasyon, 50 metro ang nalinis at 0.5 cubic meter ng naipong basura at debris ang naalis.
Bahagi ito ng regular na maintenance ng MMDA upang mapanatiling malinis at maayos ang mga daluyan ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.
Maging responsable sa pagtatapon ng basura. Iwas-bara, iwas-baha!
Opening Hours
| Monday | 08:00 - 17:00 |
| Tuesday | 08:00 - 17:00 |
| Wednesday | 08:00 - 17:00 |
| Thursday | 08:00 - 17:00 |
| Friday | 08:00 - 17:00 |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when MMDA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.