Brgy. Abbangkeruan

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Abbangkeruan, Public & Government Service, Pamplona, Cagayan Valley, Philippines, Pamplona.

05/06/2022

The Pamplona Volley Royals is inviting you to its First Ever Intertown Men's Volleyball League this coming June 18-19, 2022.

To those who wish to participate please feel free to message us through this platform or contact us at 09365772900.

Only 16 teams will be accommodated and a registation of 1500 paid upon registering for the confirmation of your slots.

You may pay via Gcash.
First come, first served basis.

Thank you and keep the ball, flying!

07/05/2022
Photos from Bayan ng Pamplona's post 07/05/2022

Photos from Bayan ng Pamplona's post

Photos from Digna Puzon Antonio's post 06/05/2022

Photos from Digna Puzon Antonio's post

03/05/2022

Thank you INC.

"I appeal to you, brothers and sisters, in the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree with one another in what you say and that there be no divisions among you, but that you be perfectly united in mind and thought." 1Corinthians 1:10

Walang hanggang pasasalamat ang nais iparating ng Naregta Flag Bearer na si Mayor Digna P. Antonio sa sekta ng Iglesia Ni Cristo sa pagendorso nito sa alkalde.

Sa Bayan ng Pamplona, wala kaming masambit kundi ang pasasalamat sa INC para sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal para sa punong alkalde.


Photos from Digna Puzon Antonio's post 22/04/2022

Photos from Digna Puzon Antonio's post

16/04/2022

Ipagdiwang natin ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo at Siya ay tanggapin at patuluyin sa ating mga puso at tahanan.

Ang Kanyang muling pagkabuhay ay siyang nagpapatotoo sa Kanyang pangakong walang hanggang kaligayahan sa piling Niya.

Atin Siyang ipagbunyi at bigyang pugay sa araw araw ng ating buhay. Ating pagningningin ang ilaw ng Kanyang kadakilaan upang magbigay lakas at tapang sa ating mga puso para ipalaganap ang Kanyang mga banal na salita.

Ngayong linggo ng pagkabuhay, aking ipinagdarasal na sumainyong lahat ang pag-asa, kaligayahan at kasaganahang nagmumula sa biyayang kaloob ng Panginoon.

Nawa ay maging inspirasyon sa atin ang sakripisyong ginawa ni Kristo. Alleluya! Papuri sa Panginoon magpakailanman!

Maligayang Linggo ng Pagkabuhay Bayan ng Pamplona.

Photos from Digna Puzon Antonio's post 11/04/2022

Mainit na suporta ng ating mga ka barrio sa Team Naregta rally kagabi

08/04/2022

DUGONG PAMPLONEÑO

Makailang beses kong naririnig na may kasamang pang uuyam na pagpukol sa akin at pilit binabahiran ang aking pagkatao, na kung ako daw ba ay tunay na Pamploneño at may dugong Pamploneño?

Hindi ko na sana bibigyang pansin ang naturang usapin sapagkat ito ay napakababaw lamang kung iuugnay ito sa pagbibigay ng serbisyo publiko para sa minamahal nating bayan ng Pamplona. Ngunit kung minsan ay kinakailangan mo ding iaklas ang mga nararamdaman upang sa ganon ay maiparating sa ating mga kababayang nahulma na ng mga paninirang paulit ulit na ibinabato sa akin.

Ano nga ba ang pamantayan upang masabing ikaw ay tunay na Pamploneño? Ano nga bang kulay ang nararapat upang masabing ikaw ay may dugong Pamploneño?

Ginugol ko man ang malaking bahagi ng aking buhay sa labas ng bayan ng Pamplona ay hindi nangangahulugan na wala akong 'literal' na dugong Pamploneño. Ang mga ninuno ko ay may ugat na matagal nang nakabaon sa lupain ng ating bayan. Naging mayabong at minsan ring nagsipagsilbi at inialay nila ang kanilang mga sarili para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Lahat ng mga nakatatanda sa Brgy. Curva, Pamplona ay mapapatunayan na minsan din ay may dugong Puzon na kasama nilang nakibaka upang hubugin ang pundasyon ng brgy. Curva.

Kung ang pagkakaroon ng dugong Pamploneño ay napuputol dahil lamang sa hindi ako lumaki sa ating bayan, maari ko din bang sabihin na ang pagkakaroon ng dugong Pamploneño ay muling mahihinang ng mas matatag sa muli kong pagbalik? Kung ang tamis ng pagkasabik ng ating mga kababayang nalayo sa ating bayan ng matagal na panahon ay nagiginhawaan sa kanilang pagbabalik, maari bang sa akin ay huwag ipagdamot na akin ding mahagkan ang diwa ng pagiging isang anak ng Pamplona? Dahil kung tutuusin, hindi lamang sa literal na dugong nananalaytay sa ating mga ugat masusukat ang pagiging tunay na Pamploneño.

Kung sa mga bibig manggagaling ng aking mga katunggali ngayong darating na halalan ang pamantayan ng pagiging tunay na Pamploneño, hanggang sa mababaw na literal na depinisyon lamang ba ng pagiging makabayan ang kanilang sukatan?

Kung sila ay tunay na makabayan, bakit sa napakatagal na panahon ay natulog ang ating bayan at nanatiling nakahalukipkip sa anino ng kanilang ipinagsisigawang pagka Pamploneño? Ilang taon silang nakaupo ngunit ipinagkait nila ang serbisyong nararapat para sa bawat Pamploneño? Ang Pamplona ba ay para lamang sa kanila at sa matagal na panahon ay sila at iilan lamang ang nakikinabang sa kung anong meron ang ating bayan? Tiketa ba ang ipinagyayabang nilang tunay at puro na dugong Pamploneño upang ipagpatuloy lamang ang musika ng kanilang mga kasinungalingan para hindi magising ang bayan sa matagal na pagkakahimbing?

Kung ang pagpapakasasa sa kaban ng bayan; ang pagsasalaula sa yaman ng bayan; ang patuloy na pagpapabaya sa kapakanan ng kababayan; at pagsunod sa kanilang layaw at kanilang pansariling interes lamang ang kanilang pamantayan at sukatan sa pagiging tunay na Pamploneño; kung ito ang pagiging Pamploneño para sa kanila --- ikinahihiya ko ang tawaging kababayan ko sila.

-dpa

Photos from Bayan ng Pamplona's post 01/04/2022

DPA Carea

Photos from Bayan ng Pamplona's post 24/03/2022

Photos from Bayan ng Pamplona's post

Photos from BRGY. CURVA 'Keep Moving Forward''s post 16/03/2022

Photos from BRGY. CURVA 'Keep Moving Forward''s post

Photos from Pamplona Volley Royals's post 15/03/2022

Photos from Pamplona Volley Royals's post

Photos from Bayan ng Pamplona's post 12/03/2022

The Digna Puzon Antonio takbo 2 progreso

07/03/2022

Due to insistent public demand, the Pamplona Volley Royals in partnership with LGU Pamplona through the leadership of Mayor Digna Puzon Antonio, we proudly bring you the Pamplona Volleyball League Women's Division.

Playing soon...



Photos from Pamplona Volley Royals's post 04/03/2022

Nagmahal.
Nasaktan.
Naglaro ng Volleyball.

Calling all Volleyball enthusiasts, you're cordially invited! 🏐

26/02/2022

We're brewing something exciting 🏐

Photos from BRGY. CURVA 'Keep Moving Forward''s post 13/01/2022

Photos from BRGY. CURVA 'Keep Moving Forward''s post

10/01/2022

Mga kapwa ko Pamploneño,

Taong 2019 noong tayo ay nabigyan ng pagkakataon na simulan ang PAGBABAGO sa Pamplona.

Sa loob ng halos tatlong taon , tayo ay nakatanggap na rin kung ano-anong panghuhusga. Inaamin ko , hindi ako perpektong lider. Hindi ko kayang ipangako sa inyo ang araw at ang buwan. Hindi ko pwedeng ipangako sa inyo ang mga bagay na imposible , at hindi ko kayang ipagmayabang sa inyo ang mga bagay na ipinangako at ipinapangako na sa inyo ng ibang mga pulitiko na hanggang ngayon ay hindi pa nila nagagawa.

Madami ang humusga sa atin. Dahil sa tangka natin na ayusin ang Bayan ng Pamplona. Ngunit parte yan ng PAGBABAGO na ating hinahangad at ni minsan hindi tayo nagpaapekto. Patuloy lang ating pagseserbisyo para sa kapakanan ng bawat isa sa atin.

Sa loob ng halos tatlong taon , madami din ang mga personalidad na nagpakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa atin. Lahat ng yan ay upang siraan lamang tayo sa mata ng publiko at upang i- "arangkada" lamang ang kanilang mga sariling political interest.

Sa kabila ng mga napagdaanan natin , heto parin ako ! lumalaban para inyo , bitbit ang tiwala na ibinigay ninyo sa akin.

Nandyan ang mga programa at mga proyekto na ating nagawa na tiyak makakatulong sa ating bayan at sa mga susunod pa na henerasyon. Nagamit at nasuri din ang mga pondo at ito ay nabigyan ng pagkilala mula sa DILG.

Kung hindi lang tayo nagkaroon ng problema sa pandemya? Mas madami pa sana tayong nagawa.

Naguumpisa palang tayo. Habang pinaghahandaan natin ang panalo kontra Covid-19 , aasahan ninyo ang aking tuloy tuloy na pagsesebisyo't pagmamahal sa inyong lahat.

Sa aking mga susunod na post, ibabahagi ko ang ilan sa mga nagawa natin sa loob ng halos tatlong taon. Lahat ng yan ay para sa inyo , mga minamahal kong kababayan. Lahat ng ating nagawa , ginagawa at gagawin ay para sa ating minamahal na bayan , ANG BAYAN NG PAMPLONA.

07/01/2022

Congrats Mayora Digna Puzon Antonio at salamat sa matinong pamumuno sa ating mahal na bayan.

Ako po ay nagagalak na ibahagi sa inyo ang isa na namang tagumpay ng Pamplona !

Tayo po ay napabilang at nakapasa sa GOOD FINANCIAL HOUSE KEEPING STANDARDS na siyang iginagawad ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad sa atin ito ng DILG dahil sa ating mahusay at malinaw na FINANCIAL HOUSEKEEPING - kung saan TRANSPARENT ang paggamit at pag-audit ng ating pondo.

Ito ay hindi ko lang tagumpay kundi tagumpay din ng buong Lokal na Pamahalaan. Tagumpay nating lahat, mga minamahal kong kababayan !

Ang tiwala na ating natatamo dulot ng isang malinis at malinaw na hangarin sa Pamplona , ay ang tiwala na aking iingatan at papahalagahan.

Ipagpapatuloy natin ito at kasabay ng ating PAGBANGON mula sa pandemya , ay ang PAG-ASA na maiaahon natin ang ating bayan at muli , tayo ay sabay sabay na tatayo upang harapin ang mas magandang kinabukasan.

Muli , ako ay nagpapasalamat sa inyo , mga kababayan. Dahil sa napakatibay na tiwala ninyo sa akin , nagagampanan ko ang aking tungkulin bilang Ina ng ating bayan.

❤️


31/12/2021

Happy New Year too our dear mayor. Maraming salamat sa tapat na serbisyo sa bayan natin.

Masaya akong magpapaalam sa 2021 dahil sa likod ng mga dagok at pagsubok na dala nito, nakaya nating maging progresibo at napagtagumpayan nating makamit ang maraming bagay para sa Pamplona. Sa 2022, naniniwala akong mas magiging matatag pa tayo tungo sa ating pangarap. Kasama kayo sa pagunlad dahil mahal ko kayo.

24/12/2021

Maligayang Pasko Pamplona! Ating ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus ng may galak at pagmamahal sa ating mga puso. Dalangin ko ang payapa at malusog na pamilya ng bawat isa sa atin at ang diwa ng pagkakaisa sa lilim ng pagmamahal ng ating Panginoon.

Muli, mula sa puso ng isang ina, ang aking malugod na pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

Photos from Bayan ng Pamplona's post 16/12/2021

Christmas party ng mga minamahal nating lola at lolo

15/12/2021

❗❗❗
Naimbag a rabii kadakayo amin nga taga Abbangkeruan. Maawis koma dagiti babbarito nga agipasa ti nagan dagiti players ti kada zone tuno bigat para ken daytoy sangkabassit nga paliga dagiti SK Members nga pangpangrunaan ni SK Chairman Jerome Molina nga isu ti nangidaulo ken daytoy a Inter-Purok Basketball League. Ti tawen lang nga mabalin nga agayayam apo ket 15-30 years old lang ken masapol nga fully vaccinated. Ti daytoy a paliga, kayat mi laeng nga paragsaken dagiti agtutubo dituy barangay ken daytoy umay a paskwa ken baro a tawen bayat ti immay a pandemya nga haan tay nakaselebrar ti napalabas a paskwa. Pagyamanan mi apo ta pinalubusan ni Barangay Captain Pablo Jadraque ken nangnangruna ken Mayor Digna Puzon Antonio ta isuna apo ti nagsponsor kadaytoy a paliga. Agyaman kami ti ado kadayako amin!


!

Photos from SBM Aris Y. Maquiraya's post 08/12/2021

Photos from SBM Aris Y. Maquiraya's post

Photos from Brgy. Abbangkeruan's post 06/12/2021

Halaga ng Tig Be-benteng Tuwa

Nakakatakot lapitan, nakakahiyang kausapin, 'baka ako ay isnabin', suplada, hindi maka masa, sosyal, mayaman, hindi sanay sa hirap, hindi dugong Pamploneño, hindi tunay...

Ilan lamang ito sa mga naririnig kong komento at kung minsan ay pilit na ibinabato o ipinupukol ng may malisya sa ina ng bayan ng Pamplona, kay Mayor Digna Puzon Antonio.

Sino nga ba siya? Ano nga ba dapat ang mukha na sumasalamin sa sinserong pagtulong? Ano ba ang pamantayan upang masabi nating tunay at nasa dugo ang tunay na serbisyo publiko?

Kagabi, sa kasagsagan ng LGU Ukay Ukay bilang isa sa mga maliliit at simpleng mamamayan, hindi ko maiwasang mapuno ng galak ang aking puso habang pinagmamasdan ko ang may pinakamataas na tungkulin sa ating bayan habang siya ay nasa kanyang pinaka komportableng pagkakataon. Sa kalikutan ng aking isip, hindi ko maiwasang presyohan kung magkano nga ba ang halaga ng ngiti at tuwa sa puso ng isang serbisyong bayan. Kung may presyo nga ba ang katibayan ng pagiging isang tunay na Pamploneño. Kung may timbang o kakaibang kulay ba upang masabing ikaw ay dugong Pamploneño.

Saktong dalawang taon ang nakalipas ng dinaluhong tayo ng napakalaking unos. Taong 2019 ng nalunod ang napakalaking bahagi ng ating kabuhayan. Nalugmok at nabaon sa putik ang katuparan ng ating mga pangarap. Bago at kakaupo pa lamang niya ng ang pinakamalaking pagsubok na ito sa ating bayan ay iniatang sa kanyang mga balikat. Tila ba pagbibinyag sa kung ano nga bang responsibilidad ang kalakip ng pagiging ina ng isang bayan. Sa mga panahong ito, personal na sinuong niya ang panganib at kabilang siyang kumupkop at nag aruga sa mga nawalan. Kung pisikalan at bigat lang din na gawain, sinong magsasabing hindi siya sanay sa hirap? Siya ang lumalapit at siya ang nasa laylayan dahil alam niya at ramdam niya ang hirap ng nasa ibaba. Dahil minsan, gumapang din siya upang maisalba ang pang araw araw na pangangailangan. Kung mayroon man akong masasabing 'sosyal' sa malungkot na mga araw na iyon, hindi siya, kundi ang pakiramdam na sa kabila ng kawalan, binusog niya ako at ng mga kapwa ko evacuees upang maparam ang kalam sa sikmura at mainitan ang nanlalamig naming mga katawan. Kung mayroon man akong nais bilhin sa kapirasong benteng papel sa bulsa, na siyang tanging naisalba ko sa baha, iyon ay maalayan siya ng isng mainit na yakap. Dahil ramdam ko ang pagmamahal at pagod niya. Dahil kung dugo ang sukatan ng pagiging isang tunay na Pamploneño, hindi ko alam kung anong sugat pa ang dapat niyang indahin.

Ngayon, sa kaparehong araw at mga oras, sa kaparehong lugar na kung saan ako ay kabilang sa mga inarugang evacuees, naririnig ko ang sigaw at tuwa niya sa tuwing siya ay nakakabenta ng kanyang mga panindang ukay ukay. Walang inhibisyon at nasa kanyang pinakakomportableng katauhan. Kaisa. Kabilang. Siya. Tunay.

Hindi ako nagsisisi na siya ang pinili ko at patuloy kong pipiliing aalalay at gagabay sa akin bilang isang Pamploneño. Ayon at handang patunayan ng kalansing ng mga bagong tig be-benteng barya na galing sa panukling tuwa at galak na sigaw ng alkalde ng Pamplona sa bawat 'budol' niyang benta sa LGU Ukay-ukay.

-Halaw mula sa isang pagtatampok ng isang Pamploneño

Photos from Bayan ng Pamplona's post 04/12/2021

Photos from Bayan ng Pamplona's post

Photos from Digna Puzon Antonio's post 29/11/2021

Photos from Digna Puzon Antonio's post

Photos from Bayan ng Pamplona's post 28/11/2021

Photos from Bayan ng Pamplona's post

Photos from Bayan ng Pamplona's post 23/10/2021

Salamat mayor.

Photos from Digna Puzon Antonio's post 09/10/2021

Photos from Digna Puzon Antonio's post

Photos from Bayan ng Pamplona's post 08/10/2021

Agyaman kami ti suporta yu ti brgy mi apo mayora. Namnamaem ti suporta mi kenka pati ta sibubukel nga grupom. Proud

01/10/2021

Telephone

Address


Pamplona, Cagayan Valley, Philippines
Pamplona
3522

Other Public & Government Services in Pamplona (show all)
Elyong Molas Rodriguez Elyong Molas Rodriguez
Pamplona

LGU - Pamplona / ABC President

Lulubangen City Lulubangen City
Balingit
Pamplona, 3500

Pamplona Public Health Nurses - DOH NDP Pamplona Public Health Nurses - DOH NDP
Pamplona, Camarines Sur
Pamplona, 4416

The Department of Health - Philippines' Partners in Public Health at Pamplona, Camarines Sur.

Pamplona NegOr Pamplona NegOr
Poblacion
Pamplona, 6205

Welcome to the official page of Pamplona, Negros Oriental.

Mayor Janice Vallega Degamo Mayor Janice Vallega Degamo
Poblacion
Pamplona, 6205

Be in the know of what's happening to your town, get your latest update of the what, where, when , why & how of your public officials and be an active participant to community building by visiting and interacting with this page