Provincial Legal Extension Services Program - PLESP
Offers legal support and essential amenities to the local governing units and people of Palawan
13/12/2025
PLESP at Brgy. Apurawan and Brgy. Culandanum—bringing services closer, serving the people better.
November 24-25, 2025
27/11/2025
14/07/2025
Happy Birthday Sir Joshua U. Bolusa!🎉🎂🎈Your inspiring leadership encourages us to dream larger, seek more knowledge, and accomplish greater things. Here's to a year filled with success, joy, and well-being.
Happiest Birthday Sir Jay!🥳
From your PLO & PLESP Family❤️✨
02/06/2025
PROVINCIAL LEGAL OFFICE, NAGSAGAWA NG FREE CONSULTATION AT SEMINAR SA BAYAN NG LINAPACAN
Matagumpay na naisakatuparan ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP) sa ilalim ng Provincial Legal Office (PLO) ng Pamahalaang Panlalawigan ang seminar at free legal consultation sa bayan ng Linapacan nitong nakalipas na Mayo 28-29, 2025.
Ito na ang ika-labinsiyam (19) na munisipyo na nabisita at napagkalooban ng nasabing aktibidad na nauna nang naisakatuparan sa ibat ibang bahagi o munisipyo ng Palawan.
Sa unang araw ng aktibidad ay isinagawa ang seminar/orientation para sa mga Punong Barangay, Bgy Kagawad at Opisyales kasama ang mga Lupong Tagapamayapa na dinaluhan ng 86 na mga indibidawl mula sa 10 barangay ng Linapacan.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang Katarungang Pambarangay (KP); Duties and responsibilities of Bgy Officials; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Safe Spaces Act, Anti-Trafficking in Person, at An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage o RA 11596 habang sa ikalawang araw naman ay 30 na kliyente ang nabigyan ng libreng konsultasyong ligal at 37 naman para sa dokumentong ligal.
Ang mga nabanggit na mga aktibidad ay pinangunahan ni PLESP Focal Person/Attorney V, Mary Joy Ordaneza-Cascara at ilan pang mga abogado ng PLO kabilang sina Atty. Christine N. Aribon, Atty. Azel Faith Fajarito at Atty. Precious Joy Pacionela, kasama sina MLGOO Il Eden Cayao ng DILG-Linapacan at Jayson Padin ng Department of Migrant Workers.
Layunin ng programa na personal na maiparating at maipaabot ang serbisyong ligal para sa mga mamamayan sa lahat ng munisipyo sa Palawan.
Samantala, nagbigay ng paunang mensahe sina Hon. Vice Mayor Ricky Rodriguez, at Hon. Dory Sedeste, SB member, at mensaheng pasasalamat at pangwakas naman na mula kay Hon. Nelida Garaez, SB Member ng Bgy San Miguel, Linapacan.
Taos-puso naman ang pasasalamat ng PLO-PLESP sa pamunuan ng munisipyo ng Linapacan, sa pangunguna ni Hon. Mayor Emil Neri sa mainit na pagtanggap, suporta at pakikiisa ng sampung barangay at ng kanilang barangay council.
02/05/2025
PLESP on Campus in WPU Quezon, Palawan
22/04/2025
❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Palawan
5300