CEAP NCR
Catholic Educational Association of the Philippines National Capital Region
07/05/2026
PARA SA EDUKASYONG MAKATAO AT NAGPAPAKATAO
PAHAYAG NG CEAP NCR HINGGIL SA MGA PANUKALANG PAGBABAGO SA GENERAL EDUCATION (GE) CURRICULUM
Mariing nananawagan ang CEAP NCR sa Commission on Higher Education (CHED) na muling pagnilayan at masusing suriin ang mga panukalang pagbabago sa General Education (GE) Curriculum.
Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang paghahanda para sa hanapbuhay, kundi ang paghubog sa kakayahan ng tao na maunawaan at mapabuti ang kalagayan ng kanyang kapwa. Higit itong mahalaga sa konteksto ng mga paaralang Katoliko kung saan hindi lamang mahusay na mag-aaral ang ating hinuhubog kundi mga Kristiyano at Pilipinong pinuno na katulad ni Kristo — sa isip, sa salita, at sa gawa.
Hinding-hindi makukulong ang edukasyong Katoliko sa paghahanda para sa paghahanapbuhay o sa tagumpay sa pamantayan ng mundo. Lagi’t laging nakatuon ito sa panghabangbuhay na paghahanap sa Katotohanan at sa paghahatid sa bawat mag-aaral sa kaganapan ng kanyang pagkatao.
Bilang mga paaralang Katoliko, naninindigan kami na ang mga mag-aaral ay hindi mga produkto sa pabrika na hinuhubog lamang upang maging kasangkapan ng merkado. Hindi sila estadistika lamang. Sila ay mga taong may likas na dignidad dahil nilikha sila sa wangis ng Diyos. Tinatawag sila sa isang buhay ng pagkilala, pagmamahal, at paglilingkod sa Diyos. Ang ugnayang ito sa Diyos ang siya ring nagbibigay sa kanila ng lakas upang kilalanin, mahalin, at paglingkuran ang kanilang kapwa.
Sa ganitong pananaw, mahalaga ang pilosopiya, kasaysayan, wika, panitikan, sining, sikolohiya, agham, matematika, at iba pang mga asignaturang bumubuo sa GE. Hindi lamang ito mga kursong pandagdag sa kurikulum kundi mga larangang humuhubog sa kritikal na pag-iisip, malalim na pag-unawa sa kalagayan ng lipunan, at matibay na pagpapahalagang moral.
Kinikilala rin namin ang pangangailangang iugnay ang reporma sa GE Curriculum sa kolehiyo sa pagpapatupad ng Strengthened Senior High School (SSHS) Curriculum. Mapapansin na marami sa mga asignaturang inalis bilang “core subjects” sa SSHS ay siya ring mga asignaturang ipinapanukalang alisin sa kolehiyo. Dahil dito, mahalagang matiyak ang malinaw na koordinasyon sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at CHED upang magkatugma ang mga reporma sa Senior High School at kolehiyo. Kung ang mahahalagang GE courses ay mawawala sa parehong antas, nanganganib tayong makalikha ng mga propesyonal na may kakayahan sa teknikal na aspekto ngunit kulang sa konsensya, malasakit sa kapwa, malalim na pag-unawa sa lipunan, at paggalang sa kalikasan.
Kasabay nito, hindi maaaring ipagwalang-bahala ang kapakanan ng mga g**o na maaaring mawalan ng hanapbuhay dahil sa mga pagbabagong ito. Ang anomang reporma sa edukasyon ay dapat maging makatarungan hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga g**ong matagal nang naglilingkod para sa ating kabataan na siyang kinabukasan ng bayan.
Sa panahong higit na pinahahalagahan ang kapangyarihan at pansariling kapakinabangan, higit na kinakailangan ang edukasyong nagpapahalaga sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat.
27/04/2026
21/04/2026
Join the Mt. Tabor Experience! The MaPSA Commission on Integral Evangelization (CIE), in partnership with the CEAP NCR Committee on Christian Formation (CCF), warmly invites you to a day of Spiritual Renewal & Christian Formation on May 28, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM at Pasig Catholic College. Experience prayer, reflection, and meaningful encounters inspired by the Transfiguration, as we deepen our faith and renew our mission in Catholic education.
Registration Fee: Php 300
🔗 Register: bit.ly/mtaborxrf
Join the Mt. Tabor Experience! The MaPSA Commission on Integral Evangelization (CIE), in partnership with the CEAP NCR Committee on Christian Formation (CCF), warmly invites you to a day of Spiritual Renewal & Christian Formation on May 28, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM at Pasig Catholic College. Experience prayer, reflection, and meaningful encounters inspired by the Transfiguration, as we deepen our faith and renew our mission in Catholic education.
Registration Fee: Php 300
🔗 Register: bit.ly/mtaborxrf
Full details in the comment section
21/04/2026
☀️ Summer Reminder for CEAP NCR peeps! 💧
As we journey through the summer season, may we all take time to care for our health and well-being.
Let us remember to:
• Stay hydrated – drink plenty of water throughout the day
• Avoid excessive heat exposure – especially during peak hours (10 AM–4 PM)
• Take care of our health – get enough rest and proper nutrition
• Be mindful of others – check on students, colleagues, and staff, especially the vulnerable
• Practice safety – be alert for heat-related illnesses and respond promptly
May this season also be a time for rest, renewal, and reflection as we continue our mission in service of our schools and communities.
Stay safe, cool, and healthy, CEAP NCR!
07/04/2026
📅 Mark Your Calendars for the CEAP NCR General Assembly 2026
Theme: Transforming Catholic Schools into New Maps of Hope
Dates: July 29–31, 2026
Venue: Buenaventura G. Paredes, OP Building, University of Santo Tomas, Manila
Join Catholic educators and leaders from across the NCR for faith, dialogue, and collaboration as we explore the future of Catholic education and deepen our shared mission.
Stay tuned for program details and registration information.
04/04/2026
The Lord is truly risen, alleluia.
To him be glory and power
for all the ages of eternity, alleluia, alleluia.
30/03/2026
... Restored in Christ’s love.
Contact the place of worship
Website
Address
Manila
1007