Konse Datu Prince Karon
Prince Salman Gayak Karon is a Municipal Councilor of Kadayangan, SGA-BARMM, dedicated to honest, fair, and inclusive public service.
He upholds the advocacy of βTapat at Patas na Serbisyo Para sa Lahat,β ensuring responsive and people-centered leadership
19/05/2026
ππππππ¬ππ‘πππ‘ π₯πππππ©ππ¦ πππ₯π-π¦π¨π£π£π’π₯π§ ππ‘π ππ€π¨ππ£π ππ‘π§ ππ₯π’π π π£ ππ‘π§ππ’
KADAYANGAN, SGA-BARMM β Matagumpay na isinagawa ang Turn-Over and Distribution Program ng tanggapan ni MP Mohammad Kelie U. Antao ng Bangsamoro Transition Authority Parliament nitong May 19, 2026 sa Covered Court ng Kadayangan. Kabilang sa mga ipinamahaging ayuda at kagamitan ay dumptruck, floating tiller o farm machinery, at fertilizer na malaking tulong para sa pagpapaunlad ng agrikultura at kabuhayan ng mamamayan.
Pinangunahan nina Mayor Hon. Duma Mascud at Vice Mayor Jeffrey Namil ang programa kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at iba pang lokal na opisyal. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Councilor Nasser Dilangalen, Chairperson ng Committee on Agriculture, kung saan kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng suporta sa sektor ng agrikultura para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.
Naghatid naman ng Opening Remarks at Support Message si Hon. Datu Prince Karon, Municipal Councilor ng Kadayangan. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga kagamitang ipinagkaloob ni MP Antao at tiniyak na ito ay magagamit nang maayos para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Kadayangan.
Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat si Hon. Karon kay MP Mohammad Kelie U. Antao, na tinaguriang βAma ng SGA,β dahil sa patuloy nitong suporta at malasakit sa bayan ng Kadayangan at sa buong Special Geographic Area ng BARMM.
βMalaki ang maitutulong ng mga proyektong ito lalo na sa ating mga magsasaka at mamamayan. Patunay ito na hindi nakakalimutan ng ating mga lider ang Kadayangan,β ani Hon. Karon.
Patuloy namang umaasa ang lokal na pamahalaan ng Kadayangan sa mas marami pang programang magdudulot ng kaunlaran at mas maayos na serbisyo para sa mamamayan.
Sangguniang Bayan of Kadayangan
Kadayangan Municipality
One Bangsamoro News
Suara North Cotabato SGA BARMM News
News Insight
DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official
Wata na Kadayangan Multi purpose Association inc
19/05/2026
ππ’π‘. πππ§π¨ π£π₯ππ‘ππ πππ₯π’π‘ ππ§ ππ’π‘. π π¨π¦πππ ππ‘ ππ‘π§ππ’, ππ¨π πππ’π π¦π πππ£ππππ§π¬ πππ©πππ’π£π ππ‘π§ π¦π π£ππππ ππ‘π π’π₯πππ₯ π£πππ‘π‘ππ‘π
COTABATO CITY β Aktibong nakiisa sina Hon. Datu Prince Karon at Hon. Muslimin Antao sa isinagawang βCapacity Development on the Formulation of Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan for the Municipalities in the Special Geographic Area β BARMMβ na ginanap noong Abril 27-28, 2026 sa Surya Hall, Robinsons Cotabato.
Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mas epektibong plano para sa kapayapaan, kaayusan, at pampublikong kaligtasan sa mga bayan ng Special Geographic Area (SGA) β BARMM.
Kasama rin sa delegasyon ang ibaβt ibang kinatawan mula sa security sector kabilang sina Captain Emerjohn SeΓ±a PA ng AFP 33rd Battalion, Police Officer Kabalu ng PNP-Kadayangan, at Fire Officer Mansor Abubakar ng BFP Kadayangan na nagbigay ng mahalagang pananaw ukol sa seguridad at public safety preparedness ng bayan.
Dumalo rin sa aktibidad sina Municipal Administrator Jan Paried G. Mascud PhD, MPDC Engr. Norman Salazar kasama ang kanyang dalawang staff, si MILGOO Jomar Abdulgafar, at mga kinatawan ni LNB President Hon. Toto Kunakon bilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at maayos na pamamahala sa lokal na antas.
Pinatunayan ng pagdalo nina Hon. Datu Prince Karon at Hon. Muslimin Antao ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad para sa mamamayan ng Kadayangan.
Sangguniang Bayan of Kadayangan
Kadayangan Municipality
One Bangsamoro News
Suara North Cotabato SGA BARMM News
News Insight
DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official
Wata na Kadayangan Multi purpose Association inc
Tatak Balita
Muslimin Antao
33rd Infantry Makabayan Battalion
19/05/2026
ππ’π‘. πππ§π¨ π£π₯ππ‘ππ πππ₯π’π‘ π£π¨π¦πππ¦ ππ’π₯ π§π₯ππ‘π¦π£ππ₯ππ‘ππ¬, ππππ’π¨π‘π§ππππππ§π¬, ππ‘π π£π₯π’-π£ππ’π£ππ πππππ¦πππ§ππ’π‘ ππ¨π₯ππ‘π ππ΄π§π π₯πππ¨πππ₯ π¦ππ¦π¦ππ’π‘
KADAYANGAN β Ginanap kahapon, May 18, 2026 / 01 Dhul Hijjah 1447 AH, ang 18th Regular Session ng 2nd Sangguniang Bayan ng Kadayangan kung saan muling ipinakita ni Hon. Datu Prince Karon, Municipal Councilor ng Kadayangan, ang kanyang aktibong pamumuno at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ni Hon. Karon ay ang kanyang iminungkahing amendments sa Internal Rules and Procedure (IRP) ng Sangguniang Bayan ng Kadayangan. Kabilang sa kanyang panukala ang pagsasagawa ng LIVE FEED o live broadcast ng bawat regular session sa ibaβt ibang social media platforms gaya ng Facebook upang higit na mapalakas ang transparency at accountability ng lokal na pamahalaan at makita ng mamamayan na aktibong nagtatrabaho ang SB Kadayangan para sa kapakanan ng bayan.
Binigyang-diin din ni Hon. Karon ang kahalagahan ng sinumpaang tungkulin ng bawat opisyal na maglingkod nang tapat, maayos, at may malasakit sa mamamayan ng Kadayangan.
Sa naturang session, tinalakay rin ang limang (5) proposed ordinances ni Hon. Karon na kasalukuyang nasa 2nd Reading. Masusing hinimay at pinag-aralan ang mga panukalang ito bago iharap sa public consultation upang matiyak na tunay itong makakatulong sa pag-unlad at kapakanan ng bayan ng Kadayangan.
Dagdag pa rito, nagsanib-puwersa sina Hon. Datu Prince Karon at Hon. Endaila sa pagsusulong ng panukala na mabigyan ng Financial Assistance o aid ang mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa pitong (7) barangay ng Kadayangan bilang suporta at pagkilala sa mahalagang ambag ng health sector sa komunidad.
Nagkaroon din ng Committee Reports mula sa ibaβt ibang committee chairpersons ukol sa mga kasalukuyang programa, proyekto, at mga usaping kinakailangang agarang tugunan ng lokal na pamahalaan.
Nagtapos ang 18th Regular Session sa mosyon ni Hon. Datu Prince Karon na i-adjourn ang sesyon, na sinuportahan at ini-second naman ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sangguniang Bayan of Kadayangan
Kadayangan Municipality
One Bangsamoro News
Suara North Cotabato SGA BARMM News
News Insight
DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official
Wata na Kadayangan Multi purpose Association inc
Vice Mayor Abdulmaula "Jeffrey" Namil
11/05/2026
βLeadership is not measured by words alone, but by genuine service, compassion, and commitment to the people.β
Patuloy ang malasakit at serbisyong may puso para sa mamamayan ng Kadayangan. Sa bawat pagkakataon, ang tunay na lider ay handang makinig, umalalay, at kumilos para sa kapakanan ng lahat.
Kasama ninyo sa tapat at makataong paglilingkod β
Hon. Datu Prince Karon
Municipal Councilor of Kadayangan
Sangguniang Bayan of Kadayangan
Kadayangan Municipality
One Bangsamoro News
Suara North Cotabato SGA BARMM News
Gold star daily News Cotabato
News Insight
DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official
Wata na Kadayangan Multi purpose Association inc
Tatak Balita
07/05/2026
Thank you Bangsamoro Times!
πππ. ππππππ ππππππ πππππ, πππ ππ πππ πππππππππ ππππππππ ππ ππππππππππ ππ πππ-πππππ
KADAYANGAN, SGA-BARMM β Patuloy na kinikilala si Hon. Prince Salman Karon, Municipal Councilor ng Kadayangan, bilang isa sa mga umuusbong at mahuhusay na batang lider sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM).
Kilala si Councilor Karon bilang aktibo at mahusay sa larangan ng lehislatura at sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan. Sa kanyang murang edad, ipinapakita niya ang dedikasyon at malasakit sa paglilingkod publiko, partikular sa pagpapatibay ng mabuting pamamahala, youth leadership, at community development.
Dahil sa kanyang pagiging mapagkumbaba, madaling lapitan, at palaging handang tumulong, mabilis niyang nakuha ang tiwala at pagmamahal ng masa. Marami sa kanyang mga nasasakupan ang humahanga sa kanyang pagiging masipag, maaasahan, at may tunay na malasakit sa bawat mamamayan.
Bilang bahagi ng isang angkan na kilala sa serbisyo publiko, patuloy niyang ipinagpapatuloy ang tradisyon ng tapat at makataong pamumuno. Sa pamamagitan ng ibaβt ibang programa at personal na pagtulong sa komunidad, marami na siyang natulungan sa Kadayangan at mga karatig lugar.
Sa patuloy niyang pagseserbisyo at dedikasyon sa tungkulin, si Hon. Prince Salman Karon ay itinuturing ngayon na isa sa mga batang lider na nagbibigay inspirasyon at pag-asa para sa mas maunlad na kinabukasan ng Bangsamoro.
06/05/2026
HON. DATU PRINCE SALMAN KARON, NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA NADWA ISLAMIYAH (SWC) SA KADAYANGAN
May 6, 2026 | 19 Dhu al-Qiβdah 1447 AH
π Kadayangan Municipal Covered Court
Mainit na tinanggap ni Hon. Datu Prince Salman Karon, Municipal Councilor ng Kadayangan, ang mga dumalo sa isinagawang pagtitipon ng Nadwa Islamiyah (SWC), kung saan ginanap ang kanilang General Assembly Meeting at Orientation.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Councilor Karon ang kahalagahan ng Nadwa Islamiyah bilang isang matibay na sandigan ng pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad. βAng Nadwa Islamiyah ay hindi lamang isang pagtitipon, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapatibay ng ating pananampalataya, pamumuno, at pagkakaisa bilang isang ummah,β ani Karon.
Ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta sa mga adhikain ng samahan, lalo na sa pagpapaigting ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa mga gawaing pangkomunidad at pangkaunlaran. βBilang inyong lingkod-bayan, ako ay patuloy na makikiisa at susuporta sa mga programang magtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa ating bayan ng Kadayangan,β dagdag pa niya.
Dumalo rin sa nasabing programa sina Municipal Administrator Jan Pared G. Mascud, Ph.D., JD, at Ustadz Dr. Kamarudin Dodo, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon upang higit pang mapalakas ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa komunidad.
Ang Nadwa Islamiyah (SWC) ay nagsisilbing plataporma para sa pagpapalalim ng pananampalataya at pagpapalakas ng ugnayan ng mamamayan tungo sa isang mapayapa at maunlad na Bangsamoro.
Sangguniang Bayan of Kadayangan
Kadayangan Municipality
One Bangsamoro News
Suara North Cotabato SGA BARMM News
Gold star daily News Cotabato
News Insight
DXDN 103.3 Max FM Midsayap Official
Wata na Kadayangan Multi purpose Association inc
06/05/2026
The Office of MP Baiali Karon formally announces that applications for PASE Masterβs Scholarship Program is now open.
πππ πππ πππππ?
- ο»Ώο»Ώο»ΏA Filipino citizen; and a permanent resident of BARMM;ο»Ώο»Ώο»Ώ
- Not more than 50 years old at the time of application;ο»Ώο»Ώο»Ώ
- In good health and of good moral character;ο»Ώο»Ώο»Ώ
- Pass the admission requirements for graduate studies at any State Colleges and Universities or NSC member-universities in the Philippines;ο»Ώο»Ώο»Ώ
- Have at least one year working experience or have graduated with academic honors or graduated as BASE/BASE-Merit grantee of the MOST;
If employed:
a. Allowed to study full-time for two or three years (Residential Mode) and part-time for six years at UPOU (Distance Education Mode); andο»Ώο»Ώο»Ώ
b. For employed applicants:
i. Certificate of Employment, Permit to Study (Signed Form 2B by the Head of the office);
ii. Must have at least Very Satisfactory performance rating for the last two (2) ratings.
- Not a recipient of other scholarship grants;
- Willing to accept the terms and conditions specified in the Scholarship grants Contract;
- Must comply all required documents.
πππ πππ ππ ππππππ πππππ?
βοΈ PhD graduate (grantee or non-grantee) who intends to pursue another MS degree program.
βοΈ MS graduate in a priority S& T program (grantee or non-grantee) who intends to pursue a second MS degree.
Interested applicants may scan the QR code to access the application form.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Midsayap
9410
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |