MOO Mercedes
The official page of DSWD Municipal Operations Office of Mercedes, Camarines Norte.
31/03/2026
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐๐ฌ!
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ข๐๐จ๐ฅ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง!
Buong pusong binabati ng Department of Social Welfare and Development Field Office V - Bicol Region ang lahat ng 4Ps monitored children na nagsipagtapos ngayong school year.
Ipinagmamalaki ng ahensya ang inyong natanggap na sertipiko at iba't-ibang pagkilala!
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at sakripisyo, hindi lamang ninyo, kundi pati ng inyong mga magulang na patuloy na nagsisikap para sa inyong kinabukasan.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang pag-aaral, abutin ang inyong mga pangarap, at maging pag-asa ng inyong pamilya at komunidad. Patuloy na sumusuporta ang DSWD Bicol sa inyong paglalakbay tungo sa mas maliwanag na bukas.
27/03/2026
๐๐จ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐
Ang Municipal Operations Office (MOO) ng Mercedes ay aktibong nakibahagi sa malawakang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, na nagpapakita ng matibay na komitment nito sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas ng kababaihan sa antas ng komunidad.
Nakilahok ang tanggapan sa ibaโt ibang aktibidad na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Mercedes, kabilang ang ๐๐๐ฏ๐จ๐๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ค at ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐๐จ๐ na ginanap noong ika-9 ng Marso 2026. Ito ay dinaluhan ng MOO Mercedes staffs at mga Parent Leaders. Layunin ng mga gawaing ito na mapataas ang kamalayan hinggil sa karapatan ng kababaihan, mapalakas ang pagkakaisa, at mahikayat ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagsusulong ng mga programang gender-responsive.
Dagdag pa rito, inimbitahan si Social Welfare Officer III ng MSWDO Mercedes na si ๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ฒ ๐๐๐งฬ๐๐๐, ๐๐๐ upang magbahagi ng karagdagang kaalaman sa Gender Sensitivity sa isinagawang FDS sa Barangay San Roque noong ika-16 ng Marso 2026. Ang kanyang paglahok ay nakatulong upang higit na mapalalim ang talakayan at pag-unawa ng mga kalahok hinggil sa usaping pangkasarian.
Bukod dito, ang MOO, sa pamamagitan ng mga Municipal Link, ay nagsagawa ng ๐
๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ (๐
๐๐) sa lahat ng 26 na barangay na nakatuon sa ๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ. Sa mga sesyong ito, nabigyan ang mga benepisyaryo ng mas malalim na pag-unawa sa papel ng kasarian, naitaguyod ang paggalang at pagkakapantay-pantay sa loob ng tahanan, at nahikayat ang aktibong pakikilahok ng kababaihan sa mga proseso ng pagdedesisyon.
07/03/2026
๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ-๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Inimbitahan ng Mercedes High School ang isa sa mga Municipal Link ng MOO Mercedes na si Raymark L. Llarena, RSW, bilang tagapagsalita sa pagdiriwang ng Womenโs Month na ginanap kahapon, ika-6 ng Marso 2026, sa Mercedes High School Covered Court mula ika-8:00 hanggang ika-11:00 ng umaga.
Sa kanyang talakayan, tinalakay ni G. Llarena ang mahahalagang paksa tulad ng gender equality, kahalagahan ng mga positibong huwaran, at ang pagbasag sa mga gender stereotypes. Dinaluhan ang nasabing gawain ng mga mag-aaral, mga magulang, at mga g**o at non-teaching staff ng Mercedes High School.
Isa sa mga tampok na mensahe ng talakayan ay ang pagbibigay-diin na nawawala ang potensyal ng isang tao lalo na ng mga kababaihan kapag hinahayaan na kontrolin ng mga stereotype ang mga oportunidad. Hinikayat din ang mga kalahok na hamunin ang mga ganitong paniniwala at itaguyod ang isang kapaligiran kung saan ang lahat ay may pantay na pagkakataong umunlad at magtagumpay.
04/03/2026
02/03/2026
๐๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ (๐๐๐) ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Ginanap ngayong araw ang Unang Quarter ng Municipal Advisory Council (MAC) Meeting na pinangunahan ni Mr. Jayson M. Lo, Municipal Administrator ng LGU-Mercedes.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang kaakibat na ahensya at mga katuwang na sektor ng Lokal na Pamahalaan ng Mercedes bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon at pagpapalakas ng mga programa para sa kapakanan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Pormal ding ipinakilala ang bagong Municipal Link na si ML Jeric B. Bermas at ang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng MOO-Mercedes na si ML Nica T. Nueva.
Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang mas mapahusay ang implementasyon ng mga programa at masig**ong natutugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo sa bayan ng Mercedes.
Sama-samang pagtupad para sa mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na komunidad!
25/02/2026
๐
๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก | ๐๐๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐-๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ญ ๐๐๐ -๐ข๐ข๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค
Sa isinagawang Family Development Session (FDS) ngayong buwan sa bayan ng Mercedes, mas pinalalim ang kaalaman ng ating mga 4Ps beneficiaries tungkol sa tamang pagba-budget at pag-iimpok.
Isa sa mga pangunahing gawain sa FDS ngayong buwan ay ang paggawa ng cash flow, kung saan natutunan ng mga kalahok kung paano ilista at suriin ang kanilang kita at gastusin. Sa pamamagitan nito, mas malinaw nilang nakita kung saan napupunta ang kanilang pera at paano makakapaglaan ng ipon para sa pangangailangan at emergency.
Bilang bahagi ng FDS, ilang piling kalahok ang nagbahagi ng kanilang mga natutunan sa ating โPulot of the Day.โ Ibinahagi nila ang kanilang realizations tungkol sa pag-prioritize ng needs kaysa wants, pag-iwas sa hindi kinakailangang gastos, at ang kahalagahan ng paglalaan ng kahit maliit na halaga para sa ipon.
Ang bawat kwento at insight ay patunay na ang tamang kaalaman at gabay ay nagbubunga ng mas responsableng pagdedesisyon para sa kapakanan ng pamilya.
23/02/2026
P**I BASA: Bahagi Po Ng Pagdiriwang ng Local Civil Registration month , ang LGU Mercedes sa pangunguna ng LCR office ay nag takda ng 1- Araw na libreng PABUKLAT Ng Birt certificate EXCLUSIVE sa mga TAGA Mercedes lamang Po.
Sa lahat ng nais maka - avail magdala po Ng valid ID preferably National ID.
Venue: Municipal Hall Bldg
Time : 8am onwards
Date: February 27, 2026
20/02/2026
๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ ๐๐๐: ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ & ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ
Matagumpay na naisagawa ang huling sesyon ng Youth Development Session Volume III na nakatuon sa mahalagang paksa na โThe Purpose of Family.โ
Sa sesyong ito, na tinalakay ni ML Christal Margarette E. Mapa, RSW, mas napalalim ang pag-unawa ng ating mga kabataan na ang pamilya ay hindi lamang binubuo ng mga taong magkakasama sa iisang tahanan, kundi ito ang unang pinagmumulan ng pagmamahal, suporta, gabay, at mga pagpapahalaga sa buhay. Sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagninilay, naipaalala sa kanila ang kanilang mga tungkulin bilang mga anak at bilang magiging magulang sa hinaharap na magtataguyod ng pamilyang may respeto, pananagutan, at malasakit.
Sinundan ito ng makabuluhang ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok, dedikasyon, at pag-unlad ng ating mga kabataan sa buong YDS III.
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐ซ๐๐๐ ๐-๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐๐จ๐ฎ๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ!
Nawaโy magsilbing gabay ang mga aral na inyong natutunan upang kayo ay maging responsableng indibidwal at mabuting miyembro ng pamilya at komunidad.
11/02/2026
05/02/2026
๐ท๐ธ๐๐ธ๐ฝ๐ถ! ๐ข
๐๐ข๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ข ๐ ๐๐ก๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ ๐๐ซ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ก๐ง, ๐๐ก๐.
Michaelangelo Manpower Exponent, Inc. will be conducting a Special Recruitment Activity on:
๐
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฑ & ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข ๐ ๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐
(Barangay 5, Eco Avenue, Mercedes, Camarines Norte)
๐๐ฒ๐ฝ๐น๐ผ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐:
Hongkong
Cyprus
Jordan
Qatar
For inquiries, please coordinate with ๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐ณ๐ค๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ณ ๐ท๐ช๐ด๐ช๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ณ๐ฆ๐ค๐ณ๐ถ๐ช๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ท๐ฆ๐ฏ๐ถ๐ฆ ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ด๐ค๐ฉ๐ฆ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฆ๐ฅ ๐ฅ๐ข๐ต๐ฆ๐ด.
Donโt miss this opportunity to work abroad and build a better future!
See you there! โบ๏ธ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4601
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |