Ivan Ricafrente
Filipino. Public servant.
02/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Dumalo po ang inyong lingkod sa lingguhang Joint Committee Meeting ng Sangguniang Bayan na pinamunuan ni Konsehal Dan Banal. Naging panauhin ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Public Attorney's Office (PAO) upang pag-usapan ang ukol sa mga isyu sa ating bayan.
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Ipagmalaki natin at idambana ang sagisag ng ating kasarinlan at ng ating bansa, ang Pambansang Watawat ng Pilipinas!
Nakikiisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng "National Flag Days."
01/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
One step closer na sa pagiging ganap na ordinansa ang kautusang nag-aatas na magtatag ng bagong Barangay Health Station (BHS) sa Sitio Tacloban, Barangay Lucanin, matapos itong maluwalhating makasulit sa Ikatlong Pagbasa sa Sangguniang Bayan ng Mariveles.
Layunin nitong mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Mahigit tatlong libong populasyon ang paglilingkuran nito maliban sa Sitio Tacloban, kasama na dyan ang Sitio Upper Hardin, Sitio Lower Hardin, Sitio Paliparan at Empressa Subdivision.
Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Ordinance ng Mariveles, pinapondohan na po ni Mayor AJ Concepcion at Sangguniang Bayan ang pagtatayo ng bagong BHS sa Sitio Tacloban, Barangay Lucanin.
Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jesse I. Concepcion para sa kanilang buong suporta sa ating panukala.
Ito po ngayon ay dadaan sa Tanggapan ng ating Punong Bayan para sa kanyang konsiderasyon.
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ (๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Taos-puso po nating binabati ang mga sumusunod na barangay sa Mariveles sa kanilang pagkakamit ng prestihiyosong 1Bataan Seal of Healthy Barangay para sa unang dalawang buwan ng 2026:
๐
๐ผ๐๐๐ผ๐๐
๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐ผ๐ก๐๐ค๐ฃ
๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐๐ฃ ๐พ๐๐ง๐ก๐ค๐จ
๐๐๐ฝ๐๐๐ผ๐๐
๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ช๐๐๐ฃ๐๐ฃ
๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐
๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐๐ฃ ๐พ๐๐ง๐ก๐ค๐จ
๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ: ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐๐ฅ ๐๐ง๐ง ๐. ๐๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ง
๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฅ๐ข๐จ๐ง: ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ข๐๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐. ๐๐๐ฅ๐๐ง
๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐: ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฅ๐๐ซ๐๐๐จ ๐. ๐๐ฎ๐ ๐๐๐ง๐
๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐๐๐ง๐ข๐ง: ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ข๐ญ๐จ ๐. ๐๐ง๐๐จ
Kinikilala po natin ang collective efforts ng ating mga barangay lalo na ang mga kasapi ng Barangay Health Board buhat sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng mga ito para lamang mapanatili at lalo pang maisulong ang kalusugan ng ating mga kababayan.
Inaasahan natin, at tayo po ay nananalangin, na mas maraming barangay pa ang makakapagkamit nito sa mga susunod na buwan.
Muli po, CONGRATULATIONS sa ating mga huwarang barangay!
31/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Pinagtibay na po ng Sangguniang Bayan ng Mariveles sa Ikatlong Pagbasa ang ating akdang ordinansang, "Barangay Boundary Disputes Settlement Ordinance of Mariveles" matapos pagbotahan ito sa plenaryo noong ika-46 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan.
Ang ordinansa ang nagtatakda ng mga panuntunan, standard of proof, at quantum of evidence na kinakailangan para maisaayos ang mga pagtatalo ukol sa mga hangganan ng mga barangay sa ating bayan para sa isang mas maayos na serbisyo mula sa ating mga barangay.
Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jesse I. Concepcion para sa kanilang buong suporta sa ating panukala.
Ito po ngayon ay dadaan sa Tanggapan ng ating Punong Bayan para sa kanyang konsiderasyon.
31/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Sa botong 10-0, maluwalhati na pong nakasulit sa Ikatlong Pagbasa ang akda nating ordinansang "Healthy Workplace Settings Ordinance of Mariveles" kung saan nilalayon nitong mas maging malusog ang mga opisina ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng healthy lifestyle.
Batid nating kapag mas malusog ang ating mga kawani ay mas makakapaglingkod silang mabuti sa ating mga kababayan.
Buong-pusong pasasalamat sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jesse I. Concepcion para sa kanilang buong suporta sa ating panukala.
Ito po ngayon ay dadaan sa Tanggapan ng ating Punong Bayan para sa kanyang konsiderasyon.
30/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Pinamunuan po ni Mayor AJ Concepcion ang Local Health Board Meeting upang patuloy pang pagbutihin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mariveleรฑo.
29/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Sa pagnanais ng ating pamahalaang bayan na matukoy at magamot ang may sakit na Tuberculosis, nagsagawa ang Municipal Health Office ng active case finding sa mga residente ng mga barangay sa Upper Mariveles, bilang paggunita sa World TB Day.
Libre po ang gamutan ng mga may sakit na TB at ito po ay ibinibigay ng ating mga rural health units sa pamamagitan ng Tutok Gamutan Program.
29/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mental health cases sa ating bayan at lalawigan, minarapat po ng inyong lingkod na magpatawag ng isang pagdinig ukol sa kasalukuyang estado ng Mental Health Program ng Bayan ng Mariveles upang masigurong mayroong epektibo at maasahang programa ang ating mga kababayan ukol sa kalusugang pangkaisipan.
Noong 2023, kauna-unahan ang Bayan ng Mariveles sa buong Bataan na nakapagpasa ng Mental Health Ordinance na iniakda ng inyong lingkod.
Nakasama natin sa pagdinig ang mga kinatawan buhat sa Municipal Health Office, Local Youth Development Office, at Population Office.
Magpapatawag pa ng dalang pagdinig bago inaasahang maglalabas ng ulat ang komite ukol sa paksa.
28/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Bumisita si Dr. Eing Ming Wu ng Kaohsiung City, Taiwan sa Bayan ng Mariveles para sa isang courtesy visit at pakikipagpulong sa inyong mga lingkod, sa pamumuno nina Mayor AJ Concepcion at Vice Mayor Jesse Concepcion, para ibahagi ang mga best practices ng Kaohsiung City sa Taiwan sa iba't-ibang bahagi ng pamamahala tulad ng smart city, transportation, good governance, solid waste management, edukasyon at kalusugan.
Si Dr. Wu ay Executive Director ng Edu-Connect Southeast Asian Association; Chair Professor at Shu-Te University; Visiting Professor sa UP-NCPAG.
Kasama niya rin si Ma. Caren Claire Avenido ng Bayanihan Lab Network Philippines at iba pang mentees ni Dr. Wu.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Candido Zalavarria Street
Mariveles
2105