Mariveles Rural Health Unit I
Sa Mariveles, Una Ang Kalusugan
#MarivelesMunaMarivelesUna
18/11/2025
Ngayong araw ng Martes, ika-18 ng Nobyembre 2025, nagkaroon po tayo ng libreng bakuna ng Pneumonia Vaccine para sa ating mga senior citizen na ginanap sa sa Brgy. Maligaya covered court.
Sa pangunguna ng ating Rural Health Physician, Dr. Danny Velasco, naging matagumpay ang pagbabakunang ito.
Ang programang ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan, Mayor Concepcion, at nagagalak siyang makita ang ating mga senior citizen ay mabibigyan ng proteksyong pangkalusugan laban sa pneumonia.
Patuloy po naming hinihikayat na magpabakuna ang mga senior citizens na samantalahin ang libreng pagkakataong ito para maprotektahan ang kalusugan para sa mas malakas at mas malusog na pangangatawan.
04/11/2025
RURAL HEALTH UNIT 1 -
DOH LTO - PRIMARY CARE FACILITY
17/10/2025
Health Services Rendered (Updated Pricelist as of January 20, 2025)
03/10/2025
๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฌ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐จ๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐
Kung kayo po ay nangangailangan ng agarang pag-rescue, mangyaring i-comment ang inyong ๐ธ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ฐ๐ ๐ป๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ upang agad naming maipadala ang aming team.
โ Kumpletong detalye po ang inyong ibigay para mas mabilis po kaming makatugon.
โ Maaari ring i-share ang post na ito para mas marami tayong maabot.
Mag-iingat po ang lahat.
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Command Center: 0968-852-5602
MDRRMO: 0998-956-7276 / 0917-634-4474
PNP Mariveles: 0998-598-5362
Maritime Police: 0945-248-3587
AFAB Public Security: 0917-850-9759 / 0917-580-1896
PSO: 0956-440-9125
BFP Mariveles: 0998-482-6065 / 0967-265-6657
Mariveles Rescue Medics: 0918-421-2937 / 0995-117-2855
29/09/2025
Health Services Offered and Laboratory Pricelist ( as of January 2025)
29/09/2025
YAKAP ( Yaman Kalusugan Program) Konsulta Package
25/09/2025
๐ฃ๐๏ธ๐ค Alam niyo ba na ang HFMD (Hand, Foot and Mouth Disease) ay mabilis kumalat lalo na sa mga bata?
Maaaring magsimula lang ito sa lagnat at singaw, pero maaari ring magdulot ng pantal at abala sa buong pamilya.
๐ Basahin ang post na ito para malaman ang sintomas, paraan ng pagkalat, at kung paano makakaiwas.
Mahalaga ang may alam, huwag balewalain ang HFMD โผ๏ธ
25/09/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ข๐ฃ๐ข๐ก๐
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, inaasahang daraan sa ating bayan ang Tropical Storm Opong. Kayaโt kami po ay muling nananawagan sa lahat ng Mariveleรฑo na mag-ingat, maging handa, at manatiling mapagmatyag para sa ating kaligtasan.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ:
1. Malinis na inuming tubig
2. Flashlight at ekstrang baterya
3. Fully-charged na cellphone at powerbanks
4. Extrang damit at kumot
5. Pito o whistle para sa senyales ng saklolo
6. First Aid Kit at mga kinakailangang gamot
7. Pagkaing hindi madaling mapanis gaya ng delata at biskwit
8. Mahalagang dokumento sa waterproof na lalagyan (valid IDs, titulo, birth certificates, atbp.)
9. Alkohol, face mask, at iba pang pangkalinisan
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ:
1. Siguraduhing nakasave ang mga emergency hotlines ng Pamahalaang Bayan at ng inyong Barangay.
2. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at maging handa kung kinakailangang lumikas. (https://www.facebook.com/kuyaajconcepcionofficial/posts/757445290168319)
3. Huwag basta lumabas ng bahay lalo na sa kasagsagan ng bagyo.
4. Makinig lamang sa mga opisyal na abiso mula DOST-PAGASA, Provincial Disaster Risk Reduction Office, Municipal Government of Mariveles at MDRRMO Mariveles upang makaiwas sa maling impormasyon.
Sama-sama tayong magbantay, maghanda, at magtulungan upang mapanatiling ligtas ang ating pamilya at buong bayan ng Mariveles.
Mag-iingat po ang lahat.
25/09/2025
๐ข Maging Alerto at Handa para sa Papalapit na Typhoon โOpong.โ
Siguraduhin ang kaligtasan ng inyong pamilya at ihanda ang mga pangunahing pangangailangan. Narito ang ilang mahahalagang paalala para sa kahandaan sa banta ng bagyo, alamin at gawinโผ๏ธ
Para sa mga ilang pang impormasyon makipagugnayan sa inyong mga Barangay Disaster Risk Reduction Management for Health Committee at Barangay Health Station.
25/09/2025
Narito ang opisyal na Mariveles 24/7 Emergency Hotlines para sa inyong mga emergency concerns. Mangyaring i-save po natin ang mga numerong ito para sa ating kahandaan at kaligtasan. Maraming salamat po at patuloy po tayong mag ingat.
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Command Center: 0968-852-5602
MDRRMO: 0998-956-7276 / 0917-634-4474
PNP Mariveles: 0998-598-5362
Maritime Police: 0945-248-3587
AFAB Public Security: 0917-850-9759 / 0917-580-1896
PSO: 0956-440-9125
BFP Mariveles: 0998-482-6065 / 0967-265-6657
Mariveles Rescue Medics: 0918-421-2937 / 0995-117-2855
15/09/2025
Flu at Pneumococcal Vaccination para sa mga Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles
September 12, 2025
Bilang bahagi ng pagpapaigting ng kalusugan at kaligtasan ng mga lingkod-bayan, isinagawa ang Flu at Pneumococcal Vaccination para sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mariveles. Layunin ng programang ito na maprotektahan ang mga kawani laban sa mga sakit na maaaring makaapekto hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi maging sa kanilang mahalagang tungkulin sa paglilingkod sa komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad ng Mariveles Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian, katuwang ang mga health workers na masigasig na nagbigay serbisyo upang matiyak ang maayos na pagbabakuna.
Ipinapakita rin ng programang ito ang matatag na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor Atty. Ace Jello Concepcion, kasama ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Hon. Jesse Concepcion, na patuloy na naglalayong magpatupad ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan ng mga kawani at mamamayan.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, higit na napagtitibay ang adhikain ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng isang malusog, ligtas, at produktibong pamayanan - isang pamayanang may kakayahang harapin ang anumang hamon ng kalusugan.
15/09/2025
Initial Assessment ng Animal Bite Treatment Center sa RHU V, Mariveles
September 11, 2025
Matagumpay na isinagawa ang Initial Assessment ng Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa Rural Health Unit V, Mariveles. Pinangunahan ang pagsusuri nina Dr. Maria Belina Ibasco mula sa Provincial DOH Office โ Bataan at Gng. Bernadeth Manahan, Provincial Coordinator ng Rabies Prevention and Control Program mula sa PHO โ Bataan.
Nakapasa ang ABTC sa nasabing pagsusuri matapos makakuha ng 54 puntos mula sa kabuuang 62, lagpas sa itinakdang passing score na 50. Patunay ito ng kahandaan ng pasilidad para sa accreditation. Ang positibong resulta ay bunga ng dedikasyon at pagtutulungan ng mga health staff na pinangungunahan nina Dr. Sherwin Pontanilla at Dr. Joanne Panangui-Lumabi, katuwang ang ating mga ABTC Nurses sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga pasyente.
Malaki rin ang naging ambag ng Mariveles Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian, na nagsilbing gabay at katuwang sa pagpapatupad ng mga serbisyo at programa para sa rabies prevention sa bayan.
Kinikilala rin ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor Atty. Ace Jello Concepcion, na patuloy na naglalaan ng tulong at suporta upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.
Ang pagkakapasa ng ABTCโRHU V sa initial assessment ay hindi lamang isang hakbang papunta sa accreditation, kundi isang patunay ng seryosong pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga health workers, at komunidad tungo sa isang mas ligtas at mas malusog na Mariveles. Ang ABTCโRHU V din ang magiging ikalawang rehistrado at kwalipikadong pasilidad para mapanatiling ligtas sa banta ng rabies ang bayan ng Mariveles.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Municipal Compound National Road Brgy. Poblacion
Mariveles
2105
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |