DANAS PINAS
sari-saring kwento, iisang bayan
NOVEMBER BOOK GIVEAWAY WINNERS!!!! CHECK THIS VIDEO TO KNOW KUNG NANALO BA KAYO. HIHI. Sa lahat ng sumali, maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong mga kwento. Umantabay sa mga susunod pa naming book giveaway sa susunod na buwan.
To those who won please send your shipping details to Jb De Chavez Macayan 🥳
08/11/2025
Breaking news! ICC naglabas na ng arrest laban kay Sen. Bato Dela Rosa
04/11/2025
GANAP TODAY!
Matagumpay na isinagawa ng Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) ang Ika-8 Valenzuela Writers’ Workshop (VWW8) noong Oktubre 25–26, 2025 sa Valenzuela City Library (ValACE) bilang pagpapatuloy ng adbokasiyang paunlarin ang mga lokal na manunulat at patatagin ang komunidad ng mga malikhaing Valenzuelano.
Pinangunahan nina Workshop Director Ian Jay Formacion at VALS Chairperson Malaya Nicolas ang dalawang-araw na palihan na dinaluhan ng mga fellow na sina Daniel de Guzman, Jhunpoll Prieto, Marjay Manalastas, Mark Jarlos Jardeliza, Andrea Jean Santos, Aliah Mae Mantilla, Christian Mark Bilolo, at Amiel Jasper Aguilar.
Kabilang sa mga panelist at tagapagsalita sina Dr. Ernesto V. Carandang II, Dr. Maricristh T. Magaling, Mr. Jerry Gracio, Ms. Maria Ella Betos, Dr. Joselito Delos Reyes, Mr. John Aldrich Cancino, Mr. Jonathan Balsamo, Ms. Mary Deane Camua, Mr. Marren Adan, at Ms. Malaya Nicolas. Lumahok din ang mga reactor na sina Aldei Rodriguez, Anabel Pelorina, Ansley Christopher Diong Cariño, Hannah Dlorah Hughes, Jekris Ferdinez, Kevin Harold Lagare Sa-an, Mark Jimboy Daroy, at Mark Vincent Dela Cruz.
Pinangunahan ng Ad Hoc Committee nina Sheridan Delfino, Ken Ivan, Anthony Gabumpa, Yam Abejuro, Frishelle Gonzales, Kel Almazan, Jessa Mae Arcilla, Dana Carranceja, Noli Bandong, Clariene Caburnay, Kevin Harold Lagare Sa-an, Alden Pilongo, Nikki Mae Recto, IK Divina, Angelo Bollosa, Mark Jhonsen Moises Bognot, Christian Raynera, Wycliff Concepcion, at Aldei Rodriguez ang kabuuang operasyon ng palihan.
Ayon sa VALS, nananatiling layunin ng VWW ang maglinang ng mga tinig na magsusulong ng katotohanan, kultura, at pagkakaisa sa panitikan ng Valenzuela.
30/10/2025
‎BOOK GIVEAWAY! Parehong kwento ng karahasan at krimen. Isang crime fiction at isang antolohiya tungkol sa korapsyon. May mas nakakatakot pa ba roon?
‎
‎Paano sasali sa aming giveaway raffle?
‎
‎1. I-like at Ipa-like ang DANAS PINAS.
‎2. Ilagay sa comment section ng post na ito ang screenshot ng patunay kasama ang sagot sa tanong na: Anong pinakanakakatakot na karanasan ang hindi mo malilimutan?
‎
‎Pipili kami ng mananalo sa pamamagitan ng roleta.
‎
‎Bukas ang post na ito sa sinuman hanggang sa November 7. I-aanunsyo namin ang mananalo sa November 9.
‎
‎Brand new pareho ang mga aklat na ito. Signed copy ang Walang Kukurap.
16/10/2025
TINGNAN: Labing pitong senior citizens ang na-rescue ng Department of Social Welfare and Developmemt mula sa isang care facility sa Bukidnon.
Makikita sa mga larawang ibinahagi ng DSWD Northern Mindanao sa kanilang page kung gaano kadumi at mistulang "kulungan" ang naturang care facility para sa mga matatanda.
Ayon sa pahayag ng DSWD, naganap ang rescue operation noong Sabado, Oktubre 11.
Napag-alaman ng DSWD na ang nasabing care facility ay walang sapat na requirements para sa registration bilang social welfare and development agency.
Bukod pa rito ay kulang din sa proper case management system, occupational safety standards, at dokumentasyon ng client-residents ang nasabing pasilidad. Dagdag pa roon ang kakulangan sa kwalipikadong caregivers.
Isinulat ni Jobelle Macayan
Mga larawan mula sa DSWD Northern Mindanao Facebook
16/10/2025
Mahalaga na laging may nakahandang GO BAG ang pamilya bilang paghahanda sa panahon ng sakuna. Ano ba ang mga dapat na laman ng isang GO BAG lalo na kung may baby kayo o alagang hayop. Tingnan dito ang aming checklist at ihanda na ang inyo.
15/10/2025
Sa ginanap na Harm Reduction & Ni****ne Summit sa Mandaluyong, nanawagan ang mga eksperto at consumer advocates sa pamahalaan na isama ang harm reduction bilang pangunahing bahagi ng pampublikong polisiya sa kalusugan.
Ayon kay Anton Israel ng Ni****ne Consumers Union of the Philippines (NCUP), dapat igalang ang karapatan ng mga mamimili na pumili. Aniya, “Kung hindi nila kayang tumigil, tulungan natin silang humanap ng mas ligtas na alternatibo.”
Dagdag pa niya, kailangang bumuo ng mga patakarang na matutulungan ang mga smoker na tuluyan na tigilan ito.
Ipinaliwanag ni Dr. Rogelio Varela Jr., ang harm reduction bilang isang makabagong paraan upang tugunan ang paggamit ng nikotina. Binigyang-diin niya na ang paninigarilyo ay may kaugnayan sa erectile dysfunction, mababang s***m quality, at prostate cancer sa mga kakalakihan.
Samantala, may epekto rin ito sa fertility sa kababaihan—mga kondisyong maiiwasan kung pipili ng mga alternatibong produkto gaya ng v**e o heated to***co.
Ibinahagi naman ni Dr. Rohan ang karanasan ng India, kung saan mas laganap ang paninigarilyo sa mga mahihirap at kulang sa edukasyon. Aniya, malaking salik ang stress sa pagnanasa ng tao na manigarilyo kaya’t dapat ding pagtuunan ng pansin kung paano ito mababawasan sa lipunan.
Iminungkahi rin ng mga eksperto ang mas mababang buwis sa v**e, dahil marami na ang lumilipat at nagdedesisyong tuluyang huminto sa tradisyonal na paninigarilyo.
xx
Ulat mula kay Marhiel Garrote
****ne
Click here to claim your Sponsored Listing.