Papi Chris TV

Papi Chris TV

Share

Always Thank everything to God

12/06/2026

PANGULONG MARCOS TINAWAG NA SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE SI GATCHALIAN SA ARAW NG KALAYAAN

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore matapos niya itong tawaging “Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian” sa kanyang talumpati sa ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan noong Hunyo 12.

Naging mahalaga ang pagbanggit ng Pangulo dahil nangyari ito sa gitna ng sigalot sa liderato ng Senado kasunod ng reorganisasyon noong Hunyo 3 kung saan nahalal si Gatchalian sa naturang posisyon.

Patuloy namang kinukuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng reorganisasyon dahil umano sa kawalan ng balidong quorum, habang itinanggi ng Palasyo ang alegasyon na nakikialam ito sa mga usapin ng Senado.

12/06/2026

"ANG BISE PRESIDENTE KAPAG WALANG SCRIPT NA BINABASA, WALANG MODO"
– USEC. CLAIRE CASTRO

Bumuwelta si Palace Press Officer Usec. Claire Castro kay Vice President Sara Duterte matapos nitong tawaging "walanghiya" si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isang talumpati sa Davao City.

Sinabi ni Castro na lumalabas umano ang tunay na ugali ng Bise Presidente kapag hindi ito nagbabasa ng inihandang pahayag.

"Ang Bise Presidente kapag walang script na binabasa, walang modo. Lumalabas ang totoong anyo."

Nauna rito, sinabi ni Duterte na wala siyang balak manguna sa anumang extra-constitutional movement laban sa administrasyon, ngunit idinagdag niyang nais niyang makita ng publiko hanggang saan umano ang pagiging "walanghiya" ng Pangulo.

Bilang tugon, sinabi ni Castro na mas naaangkop umano ang naturang salita sa mga taong sangkot sa krimen, pananakot, at pagpapakalat ng maling impormasyon.

12/06/2026

Supporter ng administrasyon, hindi alam ang kanyang panawagan?

Tila walang maisagot ng tanungin ang isang supporter ng Administrasyong Marcos kung para saan ang panawagan nito.

12/06/2026

PANAWAGAN NI BBM

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na huwag mapagod na mahalin, piliin, at ipaglaban ang bansa sa kanyang talumpati sa ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas at Parada ng Kalayaan 2026 ngayong Biyernes, Hunyo 12.

Dagdag pa niya, “Gamitin natin sa tama ang ating kakayahan, hindi sa masama. Lumaban nang patas sa araw-araw. Huwag pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba.”

12/06/2026

Tinuldukan na ang tanong kung sino ang lehitimong lider ng Senado matapos banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-128 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan bilang Senate President Pro Tempore si Senador Sherwin Gatchalian.

12/06/2026

Sitwasyon sa kahabaan ng Kalaw sa Maynila

11/06/2026

‘MAHAL KO ANG ASAWA AT MGA ANAK KO’ — TULFO

Mariing itinanggi ni Sen. Erwin Tulfo ang mga paratang na may iba umano siyang babae at iba pang alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi ng senador na hindi niya magagawang lokohin ang kanyang pamilya at taliwas ito sa kanyang mga paniniwala.

"No, I love my wife and my children. So I cannot do that. And then I am a prayerful person… No, wala po akong babae."

Ayon kay Tulfo, hindi makatarungan para sa kanyang asawa at mga anak ang mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Hinamon din niya ang mga nag-aakusa na magpakita ng malinaw at konkretong ebidensya upang patunayan ang kanilang mga pahayag.

"Kaya nga I would like to challenge him sa Monday dahil invited siya… kung maituro niya then I give up… kung maituro may bitbit siyang babae, ituro niya ako."

Bukod sa alegasyon tungkol sa kanyang personal na buhay, itinanggi rin ni Tulfo ang mga paratang na may kaugnayan sa korapsyon.

Giit niya, wala siyang kinalaman sa anumang iregularidad at ang kanyang mga ari-arian ay naipundar na bago pa siya pumasok sa pulitika.

11/06/2026

BREAKING: Inaresto ng mga awtoridad si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ngayong Huwebes ng hapon, Hunyo 11, 2026, dahil sa kasong cyberlibel.

11/06/2026

SEN. GATCHALIAN, IGINIIT NA SIYA ANG SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE AT ACTING SENATE PRESIDENT

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na iisa lamang ang Senate President Pro Tempore at Acting Senate President ng Senado at siya 'yon.

Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na hindi umano maari ang ginagawa ni Senador Alan Peter Cayetano na lumagda ng mga dokumento na naglalaman ng mga kautusan sa Senado.

"There’s only one Senate President Pro Tempore, there’s only one designated acting Senate President. Therefore… gagampanan natin ’yung ating trabaho," ani Gatchalian.

"Sisiguraduhin natin na hindi mapuputol ang operations ng Senado at coordination with the House of Representatives and other agency," dagdag pa niya.

Matatandaan na nagkakaroon ng kalituhan ngayon sa Senado dahil sa parehas si Gatchalian at Cayetano na naglalabas ng memo sa mga empleyado ng Senado.

11/06/2026

MINUMULTO?

Naging palaisipan ang dahilan ng biglaang pag-andar ng isang sasakyan sa loob ng isang pagawaan ng kabaong sa Santo Tomas, Pampanga.

Sa CCTV footage, makikitang nag-iinuman ang ilang manggagawa sa garahe nang biglang umusad ang isang nakaparadang sasakyan kahit wala itong sakay at walang driver.

Napigilan naman ng mga ito ang sasakyan.

📹: Juan Paulo / Facebook

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Manila