Educators For Change
Mga kag**o na naglalayon na magkaroon ng Politika Ng Pagbabago
14/01/2025
๐๐๐ช๐ฎ๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฑ๐๐ฆ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ง
Here is our letter to the DepEd Central Office requesting an exemption for teachers from the election ban on hiring for government agencies.
We request the following :
1. Exempt the hiring of teachers from the election ban, recognizing the urgent need to address the teacher shortage and uphold the right to education of every Filipino child.
2. Expedite the hiring process or teaching positions, ensuring that qualified applicants are deployed to schools in need without unnecessary delays.
3. Coordinate with the Commission on Elections (COMELEC) to secure the necessary exemptions and ensure that the hiring process remains transparent, merit-based, and free from political interference.
13/01/2025
Tell it to SunStar: Rightsizing program threatens education workers By Ruby BernardoUnion President, Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region The Alliance of Concerned Teachers (ACT)-National Capital Region (NCR) U
25/12/2024
Saan tayo makakahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis at kaguluhan na hinaharap ng taumbayan sa araw-araw?
... Sa ating magkakaugnay na buhay na nakikipaglaban para sa hustisyang panlipunan
.. Sa ating magkakaugnay na paniniwala na kumilos para sa ating mga karapatan
โฆ Sa ating pinagsamang mga pangarap at hangarin para sa magandang bukas.
Makabuluhang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon!
Mula sa Bagong Alyansang Makabayan
20/12/2024
Pahayag ng TAMA NA kaugnay ng PhilHealth at 2025 National Budget:
Subsidyo sa PhilHealth, ibalik! Paggastos ng PhilHealth, suriin! Publikong sistemang pangkalusugan, direktang pondohan!
Nakikiisa ang TAMA na sa panawagan na agad ibalik ang 74.431 bilyong pisong subsidyo ng gobyerno sa PhilHealth na inalis ng bicameral conference ng Senado at Kongreso. Ang kawalan ng subsidyo para sa PhilHealth ay pagtakas ng gobyerno sa responsibilidad nito sa serbisyong pangkalusugan ng mga senior citizen, PWDs, at mahihirap na Pilipino.
Hindi maitatago ng pagtataas ng case rate (gastos sa bawat sakit o medical procedure na sinasagot ng PhilHealth) at ilang dagdag-serbisyo ang masamang epekto ng pagkawala ng subsidyo ng gobyerno sa PhilHealth. Maaaring mabilis na maubos ang reserbang pondo ng PhilHealth mula sa kontribusyon ng mga manggagawa kung hindi ibabalik ang subsidyo. Hindi rin dapat ipagyabang ng administrasyon ang pagtaas ng administrative expenses ng PhilHealth na pinondohan ng 12.5 bilyong piso para sa 2025 dahil ang gastusing ito ay napupunta lamang sa sangkatutak na papeles, pagpapapila sa pasyente, at sa burukrasya, sa halip na direktang ilaan sana sa publikong sistemang pangkalusugan.
Dapat bantayan at suriin ang paggastos ng PhilHealth dahil sa kabila ng sinasabing malaking reserbang pondo nito ay nagkaroon ito ng 50 bilyong pisong unsettled claims para sa serbisyo ng mga pribadong ospital at doktor noong 2023 na 2024 na nabayaran. Ayon sa rekord ng Commission on Audit, may 7.58 bilyong pisong unsettled disallowances (perang dapat ibalik sa kaban ng bayan) ang PhilHealth noong 2023. Kamakailan ay nalantad din ang planong maluhong selebrasyon ng anibersaryo ng PhilHealth. Notoryus din ang mga opisyal ng PhilHealth sa malalaking sweldo, benepisyo, at bonus. Dapat limitahan ang kompensansyon nila gaya ng iba pang empleyado ng gobyerno. Nakakagalit na halos nakahiga na sila sa pera ng bayan habang maraming kababayan ang hindi makapagpagamot o namumulubi para lang makapagpagamot.
Sa isang pagdinig sa Kongreso ay nalantad din na may 504 bilyong pisong investment fund din ang PhilHealth (pondong ipinupuhunan sa government securities at mga korporasyon). Kailangang isapubliko ng PhilHealth ang detalye ng mga pamumuhunan/investment nito para matiyak na hindi nalulugi ang taumbayan, hindi nalalagay sa peligro ang pera ng bayan, at hindi nagagamit ang pera ng bayan para sa mga pribadong korporasyong kanetwork ng mga burukrata at opisyal sa gobyerno.
Dapat bigyang-diin na hindi lubos na naseserbisyuhan ng PhilHealth ang mga mamamayan dahil batay sa opisyal na datos mismo noong 2023, 44.4% o 550.19 bilyong piso ang household out-of-pocket payments (gastusing sa pagpapagamot na hinuhugot sa sariling bulsa ng mga mamamayan dahil hindi covered ng PhilHealth at maging ng pribadong insurance/HMO).
Panahon na mas suriin ang paggastos ng PhilHealth sa kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino para mas makapagsilbi ito sa publiko sa halip na sa kapritso ng mga burukrata at mga pribadong korporasyon na nakikinabang sa investment fund nito. Dapat ding pag-usapan at seryosohin na ang pagdebelop ng alternatibong sistema kung saan direkta nang popondohan, palalawakin, at pararamihin ang mga publikong klinika, laboratoryo, at ospital at wala nang pila, papeles, at burukrasya. Sa ilalim ng sistema ngayon na nakasentro sa PhilHealth (publikong insurance) at mga HMO (pribadong insurance), kapansin-pansin na 21.5% ng ating kabuuang paggastos sa kalusuhan ang napunta sa โgovernance, and health system, and financing administrationโ (pila, papeles, at burukrasya). Malinaw na hindi sustenible ang ganyang sistema lalo pa at may sapat na dahilan para sabihing hindi naging episyente sa paggamit ng pondo ng bayan ang ahensyang pinagkatiwalaan sa serbisyong pangkalusugan.
20/12/2024
Lakas maka-Unspent ng Bilyon!
Lakas naman din makakuha ng TAX!
MAY Pondo Sa CONFIDENTIAL AT INTELLIGENCE FUND!
WALA naman Dagdag NAKAKABUHAY NA Sahod!
19/12/2024
Pinakamataas na Pagpupugay sa ating Pangulo ng NHSFPA! Isang Taas-kamaong pagkilala bilang MODEL TEACHER AND EMPLOYEE 2024!
Isa si Titser Jen Adraneda sa ginawaran ng Model Teacher sa SDO Pasig City sa ginanap na Pasig General Assembly na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Pasig.
Ang karangalang ito ay pinagpupugayan ng ating asosasyon- ang NHSFPA. Pagpapakita ito na hinuhubog ang mga g**o ng Nagpayong High School sa patuloy na pagsisilbi sa kapakanan ng mag-aaral, g**o at mamamayan.
Pinatutunayan din nito na may puwang sa parangal na ito ang mga tagapag-bandila ng prinsipyong Makabayan, Progresibo at Militante bilang g**ong unyonista.
Bukod sa pagiging karaniwang dalubg**o, siya ay isa sa mga Lider G**o bilang EVP ng ACT NCR UNION Pasig Chapter, VP ng Pasig City Public School Teachers Association, Regional Council Member ng ACT NCR Union
At Board of Director ng Philippine Public School Teachers Association-NCR (PPSTA-NCR).
Nawa'y maging halimbawa sa bawat g**o ng Nagpayong High School - Pasig at ng iba pang kaguruan ang mga katangiang ipinamalas ni Titser Jen na ating Pangulo sa pagpapatuloy ng mga pagsusulong ng kagalingan, interes at batayang karapatan ng g**o, kabataan at mamamayan.
Congratulations ๐
Serve the People!
16/12/2024
ACT-NCR Union: P12B DepEd budget cut shows government's empty promises on addressing learning crisis.
"Sa gitna ng matinding classroom shortage at facilities crisis, paano natin maisusulong ang quality education kung binabawasan pa ang pondo? Our teachers are already struggling with oversized classes, dilapidated facilities, and lack of learning materials. This budget reduction will only worsen these problems."
"We challenge President Marcos Jr. and DepEd Secretary Sonny Angarato stand up for education stakeholders and fight for a higher budget. Kung talagang priority ang edukasyon, dapat ipaglaban ang mas malaking pondo, hindi pumayag sa pagbawas," Bernardo concluded
https://www.facebook.com/share/p/1F77mYTKbu/?mibextid=WC7FNe
14/12/2024
13/12/2024
๐ฃSRI Ibigay nang buo! ๐ฃ
"First time in history makukuha po ng ating mga g**o sa DepEd nang buo ang kanilang SRI"
๐ธUsapang Budget Natin
Click here to claim your Sponsored Listing.