Sermon Notes
It is a personal compilation of sermons from different preachers usually heard every Sunday Worship Service or from a Church Anniversary or Bible Study.
RADICAL OBEDIENCE
📖Mga Gawa 21:7 Mula sa Tiro, nagpatuloy kami ng paglalakbay at nakarating kami sa Tolemaida. Kinumusta namin ang mga kapatid at tumigil kami doon nang isang araw. 8 Kinabukasan, tumuloy kami sa Cesarea sa bahay ng ebanghelistang si Felipe, isa sa pitong lalaking hinirang noong una sa Jerusalem. 9 Siya'y may apat na anak na dalaga na pawang mga propeta. 10 Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala'y Agabo. 11 Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil.’”
12 Pagkarinig nito, kami naman at ang mga tagaroon ay nakiusap kay Pablo na huwag na siyang pumunta sa Jerusalem. 13 Ngunit sumagot siya, “Ano ang ginagawa ninyo? Sa pag-iyak ninyong iyan ay dinudurog ninyo ang aking puso. Handa ako, hindi lamang magpagapos, kundi kahit mamatay doon sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
Intro: 1 Samuel "to obey is better than sacrifice "
Q. Gaano tayo kahandang sumunod sa Diyos?
Obedience means doing what God says, how he says do it. You cannot eliminate anyone of those. What He says, how He says, and when He says. Anything short of that is disobedience.
Paggawa ng temple: hindi pwedeng lumagpas o kumulang sa sukat. Lahat ng sukat sinunod ng mga gunawa nito.
I. GOD'S WILL IS NOT ALWAYS EASY TO ACCEPT (V11)
_Agabo- legit prophet
_Bago pa sabhin ni Agabo kay Pablo meron ng encounter sa Holy Spirit
📜Acts 20:22-24 *bilang pagsunod sa Espiritu Santo...
24 Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.
_Ang pagsunod sa Diyos hindi ito madali.
_Motivation ni Paul: to preach the gospel
II. EMOTIONS SHOULD NOT OVERRIDE OBEDIENCE TO GOD (V12-13)
_Nakiusap ang mga mananampalataya na may mangyaring masama kay Pablo dahil masasaktan sila.
📜Mateo 16:21-23
21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.”
22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.”
23 Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.”
📜Juan 11:
7 Pagkatapos nito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Magbalik tayo sa Judea.”
8 Sumagot ang mga alagad, “Rabi, hindi po ba't kamakailan lamang ay pinagtangkaan kayong batuhin ng mga tao? Bakit pupunta na naman kayo doon?”
9 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't may labindalawang oras sa maghapon? Hindi matitisod ang lumalakad kung umaga sapagkat nakikita niya ang nagbibigay-liwanag sa daigdig na ito. 10 Subalit natitisod ang lumalakad kung gabi sapagkat wala na siyang liwanag.” 11 Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”
III. CHRISTIANS ARE CALLED TO SUPPORT EACH OTHER
Mga Gawa 21:14 Tumigil na kami nang hindi namin siya mapigilan. Nasabi na lamang namin, “Masunod ang kalooban ng Panginoon.”
_The believers loved Paul and wanted to protect him...
📜2 Timothy 4:7
📜Galatians 6:2
📜1 Thessalonians 5:11
📜Romans 15:1 tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mga mhihina at huwag pansariling kasiyahan ang ating isipin
03/05/2026
HANDS UP 🙌 DON'T GIVE UP! [Sis. D]
📜EXODUS 17:8-13
8 Nang ang mga Israelita'y nasa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita. 9 Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang tauhan natin at pangunahan mo sa pakikipaglaban sa mga Amalekita. Hahawakan ko naman ang tungkod na ibinigay sa akin ng Diyos at tatayo ako sa ibabaw ng burol.” 10 Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at hinarap niya ang mga Amalekita. Si Moises naman, kasama sina Aaron at Hur ay nagpunta sa burol. 11 Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalekita. 12 Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw. 13 Dahil dito'y natalo ni Josue ang mga Amalekita.
Q. Sino dito ang napapagod
HANDS UP- Trust, Surrender, total dependence on God
I. The UNEXPECTED WAR
Hindi sila ready.
Buhay natin minsan okay ka, bigla may darating na problema..
Stress sa mga students, suicidal attempt
Financial pressure
Emotional 💔 breakdown
📜1 Peter 4:12 Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan.
📜Santiago 1:2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.
Kapag tiningnan natin ang mga trials as a blessing, merong peace diyan🕊️
II. LIFT HANDS IN PR🙏YER
Hindi dahil sa espada ni Josue kya sila ngtagumpay kundi dahil sa panalangin ni Moises
📜2 Chronicles 20:1-6 - Jehosafat natakot siya pero nagtiwala siya sa Diyos
📜V6 Nanalangin siya:
“O Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno at ng buong kalangitan, kayo po ang namamahala sa lahat ng bansa at ikaw ang may lubos na kapangyarihan. Kaya walang maaaring lumaban sa inyo.
III. TIREDNESS DURING BATTLE (Exo.17:12)
Walang taong hindi napapagod
Normal ang mapagod
Ang problema ay hindi ang pagkapagod
Ang problema ay ang pagsuko
Hindi natin kaya, kailangan natin ng kasama
Napakahalaga ng may sumusuporta
Sa ministry kailangan natin ng katuwang/kaagapay
Kailangan ng Isang *Aaron at Hur at Ikaw Yun!
Kaya ba natin maging Aaron at Hur
UNITY+PRAYER = VICTORY
🇮🇱 Israel was winning
💒Church is also winning
Battles are won!
22/03/2026
by sis D

Marcos 14:3-6
3 Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na may ketong. Habang siya'y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango mula sa katas ng purong nardo. Binasag niya ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. 4 Nagalit ang ilang naroroon at sila'y nag-usap-usap, “Bakit niya inaksaya ang pabango? 5 Maaaring ipagbili iyon nang mahigit sa tatlong daang salaping pilak at maibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!” At pinagalitan nila ang babae.
6 Ngunit sinabi naman ni Jesus, “Bakit ninyo siya ginugulo? Pabayaan ninyo siya! Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin.
Intro: Ano po ba ang pinakamahal na pabango ngayon?
*Binasag
I. Ang Alabastro
=Buhay na sarado/ selyado
Hindi binubuksan kelangan basagin kase kailangan ubusin, walang matitira kahit konti
_sobtang mahal, para sa iba sayang, pwedeng ibenta
II. Ang Pabango
Mahalaga
Ito na ang natitira sa buhay nya na napakahalaga
Walang reservation!
Ang importante maibigay sa Panginoon
Ano ang Pabango ng buhay natin? Yung Oras, pangarap, relasyon, etc.. natin sa Panginoon.
Hindi natin maipabasag sa Panginoon
Maraming kristyano nagbibigay ng natitirang Oras na lang, natitirang commitment, ..
Ihandog ang katawan bilang handog na buhay
III. Kritisismo
Sayang pde ibenta! Hindi praktikal ang babaeng ito!
Ang tao tumitingin sa halaga ng Pera, si Jesus tumitingin sa halaga ng PUSO.
Lahat hindi nasasayang.
Ano ang kelangan mabasag sayo ngaun?
22/02/2026
PAGIBIG NA MALAWAK AT MALALIM
_Gusto ng Panginoon na tingnan natin ang Pagibig na kasinglawak ng langit at singlalim ng karagatan
_God is limitless
I. MALALIM ang Pagibig ng Diyos
-Awit 103:11
-Kahit gano pa kalalim ang paghihirap mo mahal ka ng Diyos
-Ang hospital/ church ay ginawa para sa maysakit
-kung ang kasalanan mo kasinglaki ng barko ang ang pagmamahal ng Diyos kasinglalim ng dagat
-lumapit ka sa Diyos kahit hindi ka na okey..
II. MALAWAK ang Pagibig ng Diyos
-Juan 3:16
-Kahit nasan ka ang Pagibig ng Diyos natatanaw ka pa din
-hinugasan ni Jesus ang paa ng Kanyang mga alagad including Judas na alam Niyang magtataksil sa Kanya.
-palawakin natin ang PUSO natin tulad ng langit
-yung Judas na naiisip mo dapat mo padin paglingkuran
*We love because He first loved us
-Peter Tan Chi story towards her daughter's ra**st: "the Lord says vengeance is Mine"
-wag solohin kelangan ishare, hindi natatapos dito lang, dapat lumalabas din
III. Ang Pagibig ng Diyos ay PUMUPUNO
-Ephesians 3:19
-Ang Pagibig ng Diyos ay nagbibigay ng lakas kahit sa mga paghihirap mo
-always give time sa Salita ng Panginoon
-find time and make time
-spelling of LOVE = T.I.M.E
Ang seas at skies..
📷 Photos CTTO GKFC CAMTeam
21/02/2026
THE HEART OF GOD [Hosea 11:8-9]

8 “PABABAYAAN BA KITA, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel?Maitutulad ba kita sa Adma? Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? HINDI ITO KAYANG GAWIN NG PUSO KO; KAHABAGAN KO'Y NANANAIG.9 Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking p**t; Hindi ko na muling sisirain ang Efraim.Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao, ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.
I.
_Ang Israel imbes na sa Panginoon magtiwala, sa idols sila nagtitiwala
_konteksto: propeta Hosea nakapangasawa ng isang pr******te.. si Gomer paulit ulit bumabalik sa kasalanan.. deserve nya ang judgment..
*Pababayaan ba kita, Efraim? -Tanong hindi dahil hindi Nya alam ang gagawin
_ang tigas ng ulo ng anak pero nananaig pa din sa Diyos ang pagiging isang magulang
*How can I give you up (your name)?
_Ang puso ng Diyos ay hindi madaling bumitaw para sa atin

1. UNCONDITIONAL
2. SACRIFICIAL
🎶🎶The darling of Heaven crucified🎶🎶
3. ACTIVE
Romans 8:38-39- walang makpaghihiwlay
John 15:13- handang ibigay ang buhay para sa kaibigan
_Kung pakiramdam mo malayo ka na sa Diyos, hindi Sya madaling sumuko..
_The Cry of the Divine Love
II. STRUGGLES WITHIN THE HEART ❤️ OF GOD
_Ayaw ng Diyos na ibigay
*Hindi ito kayang gawin ng puso Ko.
_Justice: Punishment base sa kasalanan
_sa Diyos, yung love agad umiiral = FORGIVENESS
_Kung anumang lakas ng apoy, mas matindi pa ang nararamdaman Pagibig ng Diyos
Hosea 11:1-4 “Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal,
at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
2 Ngunit habang siya'y tinatawag ko,
lalo naman siyang lumalayo.
Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal,
at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.
3 Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad,
inakay ko siya sa kanyang paghakbang;
ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga ko sa kanya.
4 Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakit
at nang buong pagmamahal.
Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila'y mapakain.
*Yumuko ang Diyos
Chapter 1 Children of Hosea to Gomer:
1. Jezreel= God sought
2. Loruhama = no mercy
3. Lo Ammi = pinabayaan
Jonas 4:2b "Alam kong kayo ay Diyos na mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Alam kong lagi kayong handang magpatawad."
_Kung bakit tayo kinokorek tayo ng Diyos yun ay mahal Nya tayo
_tayo lang ang lumalayo sa Diyos
_Naging tapat ang Diyos sa lahat ng oras
III. FOR "I AM GOD" AND NOT A MAN
_Hindi Sya kinokontrol ng Kanyang emotion
_parang singsing💍 ng ikinasal paikot- walang hanggang Pagibig ng Diyos
Isaiah 46:9

Isaiah 45:5

Mananatili ang Diyos para sayo kahapon, ngayon at bukas.
IV. THE HOLY ONE IN YOUR MIDST
Marcos 1:24- *Ikaw ang Banal na mula sa Diyos.
_Kilala ng masamang espiritu kung sino ang nasa Diyos
_Ito ang panahon ang Panginoon nirereveal Nya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Holy Spirit
_wala tayo dapat katakutan lalo na sa mga demonyo na nagkalat diyan
_kapag tayo ay namumuhay ng walang kabanalan, duon ka titirahin ng ating kaaway
_Armour of God = shield of faith
_hindi distance ang Diyos, hindi Sya absent lagi Syang present
Mateo 18:20
_Pakiramdam natin iniwan na tayo ng Diyos pero ang tutuo laging nariyan Sya
Conclusion:
Hindi Sya bumibitaw para sa atin...
Kung ang Diyos tao lang baka tayo ay tapos na...
Mas kinakailangan magtiwala sa Diyos na iyong pinaglilingkuran..
INTIMATE RELATIONSHIP WITH THE HOLY SPIRIT (Galatians 5:22-23)
Intimate =*Communion
The FRUIT not FRUITS
Ini-Scan ng Holy Spirit ang ating ♥️
The FRUIT is
I. LOVE (Ephesians 3:18-19)
Hindi ninyo maiintindihan ang lawak ng Pagibig ng Diyos without the power of the Holy Spirit!
Romans 5:5 - "ang Pagibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga ♥️ sa *pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin."
Hindi mo deserve mahalin... Hindi ka kaibig-ibig
Hindi natin maintindihan kung bkit tayo inibig pa ng Diyos sa dami ng ating mga kasalanan.
Sa magkarelasyon, kapag nagniig yan nagbubunga yan!
Kung Wala ang Holy Spirit hindi natin kayang magpatawad..
Witchcraft=Manipulation/ controlling -Hindi dapat umiiral sa church
Mahalin ang miyembro, mahalin ang kapatiran.
Ang tunay na Pagibig hindi nang-ma-manipulate.
Ang nagku-cover sa mga member hindi si pastor kundi ang Holy Spirit.
Hindi lang nakaattend andami na natin sinasabi...
Maraming case kapag nagalisan ang mga miyembro si pastor nagagalit! (Wag ganun)
Eg. Si Judas minahal padin ni Cristo
Kung may pagtatanim ng sama ng luob sa isa't Isa kapag Ini-Scan ng Holy Spirit bagsak yan!
Mahalin natin ang ating lungsod..
A. JOY (James 1:2)
Bakit sila nagagalak sa kabila ng pagsubok? Dahil sa Pagibig na ibinuhos ng Espiritu Santo
May Holy Spirit na nagkucomfort sa bawat Isa
Filipos 4:4- *Magalak kayong lagi sa Panginoon inuulit ko Magalak kayo
Awit 118:24 *tayo ay Magalak ating ipagdiwang
B. PEACE (2 Tesalonica 3:16)
*Pinagmumulan ng kapayapaan ang magkakaluob ng kapayapaan
Juan 14:7- hindi katulad ng kapayapaan ibinibigay ng Mundo
1 Peter 5:7- *Siya ay nagmamalasakit sa inyo
C. PATIENCE (James 5:7)
Sa mga taong ginagawan tayo ng masama
Roma 12:12-
Galacia 6:9
D. KINDNESS (Ephesians 4:32)
"Maging mabait kayo at maunawain
Galacia 6:10- gumawa ng mabuti sa lahat ng tao
-Yung ginawa nating paglilingkod ay hindi nasayang
-Yung pakikipag intimate mo depende sayo yan!
Show Me, Not Tell Me (1 Corinthians 13:4-7)
4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6 Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
I. Love Is Shown Through SACRIFICE
John 3:16- nagstop na ba duon sa world? Meron Syang binigay!
Abraham story -sinakripisyo ang Kaisa Isang anak
"You can measure love by what a person is willing to give up."
Ano bang bagay ang willing ka igive up para sa Panginoon?
Lahat ng bagay na kaya mo ibigay sa Panginoon..
Huwag sayangin ang Araw at Oras na hindi makapagbigay kaluguran sa Panginoon.
II. Love Is Seen In FORGIVENESS
Pinili ng Panginoon magpatawad kaysa gumanti
III. Love Is Proven By CONSISTENCY
Araw Araw mamahalin hindi bukas magkagalit na kayo
Mahirap gawin pero kakayanin para sa Panginoon!
Kapag sinaktan tayo ng iba pero niyakap tayo ng Panginoon
IV. Jesus Is The Perfect Example Of "SHOW ME" Love
Romans 5:8- Inibig tayo ng Panginoon nung tayo'y makasalanan pa
"The CROSS is LOVE MADE VISIBLE."
Wag lang natin sabihin mahal mo ang Diyos/pamilya/ Kapatid etc ...
Spell LOVE = TIME
CONCLUSION:
Ang Mundo ay sawa na sa salitang walang gawa, ang kailangan nila ay maramdaman, nakikita at nararanasan. Don't just say Love, SHOW LOVE!
18/01/2026

FREEDOM FROM WORRY
Mateo 6:25,31,34 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Ito ang panahon Angdaming pwedeng alalahanin..
Kapag tayo ay nagaalala tayo ay malulungkot ..
Ngayong taon Meron na tayong kalayaan base sa Salita ng Diyos
*That's why I'm telling you to not worrying!
I. THE COMMAND: "Do Not Worry"
Ang klngn natin sa Oras na ito ay pagtitiwala sa Panginoon.
Matthew 14:22
Kapag Kasama mo ang Panginoon hindi ka na dapat magalala.
Jesus does not say "try not to worry" but "DO NOT WORRY."
WORRY- means to be pulled apart, divided (Greek word "merimnao")
-fractures Faith and drains spiritual strength
Philippians 4:6 - *huwag kayong mabalisa ..sa halip hingin ninyo sa Diyos...
Huwag natin sisihin ang Diyos, tayo ang sisihin natin.
Ang lahat ng bagay galing sa Diyos...
Check mo sarili mo, patingin natin sa Panginoon i-xray Nya yan thru the Holy Spirit.
1 Peter 5:7- *Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat Siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Kapag dumarating ang worry sa inyo ay may Holy Spirit na tutulong sayo!
Nagmamalasakit ang Diyos sa mga bagay na Hindi natin kaya.
II. THE AREAS OF WORRY: Life, Food, Body, Clothing etc
LIFE - survival, health, future
If God gave Life He can provide sustenance
(Kung ang Diyos ang nagbibigay ng buhay, maari Siya magbigay ng ikabubuhay)
FOOD - Provision, finances
Philippians 4:19- *My God shall supply all my needs according to His riches and glory by Christ Jesus.
BODY - appearance, aging, sickness
If God form the body He can supply clothing
CLOTHING - Security, status, acceptance
The Creator will not abandon His creation
"Ako ang gumawa sayo, at bumili din sayo, kahit kailan hindi na tayo maghihiwalay."
III. THE GREATER PERSPECTIVE: Life Is More Than Things (v25c)
We often reduce life to material survival
Jesus lifts our eyes to eternal life
Luke 12:15- *ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kayamanan."

Gawa 3:6- *Wala akong pilak o ginto...kung ano ang meron ako (sa pangalan ni Jesus)
Mas higit sa hinihingi mo ibibigay ng Panginoon
Mateo 6:33
May nakalaan na tahanan sa langit
IV. THE FOUNDATION OF TRUST: "Therefore"
Mateo 6:19-24
21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”
Conclusion:
THE INVITATION:
Choosing FAITH Over Fear
You cannot add one hour to your life by worrying, but you can lose peace
09/05/2025
What would you do? What do you have to know? Who you will be accountable for?
Election and know His will about them:
23/03/2025
KNOW YOUR IDENTITY
by bro RR
1 Pedro 2:9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Intro:
*IF YOU ARE KNOWN FOR YOUR IDENTITY:
A. YOU HAVE BEEN RECOGNIZED
B. YOU HAVE AN ACCESS
C. YOU MAY HAVE A REWARD
OUR IDENTITY AS A CHRISTIAN
I. CHOSEN =blessed/promised / heirs/ victorious
Peter- sa pagiging Isang christian, makkta ang "ups and downs" nya...
Sa mga ginawa ng Diyos s knya nagawa nya ideny ang Lord
Kpg chosen tau ngiging blessed tau (Matthew 22:14- many are called but few are chosen)
S pagiging chosen mighty ggmitin ng Lord
Lakaran natin ang identity natin as "chosen"
John 1:12- *children of God
Romans 8:17- *heirs with Christ
1 Corinthians 2:9 - *no ears have seen
Victorious- from the very day you were born
1 Samuel 16:7- *the Lord looks at the heart
Kht ano katayuan mo once tawagin ka ng Lord..
II. (ROYAL)PRIESTHOOD =access in His presence/ we are worshippers/ worker in the church (present)
Tagapamagitan ng mga Israelites pra s knilang mga kasalanan
Hindi lahat nkkpasok s holy of holies sila lang


Hebrews 10:19 *having boldness to enter the holiest
Hindi na hight priest, tau na may access sa holies of holiest
Christ as our High priest
Gampanan ang pagiging priesthood mo, anuman ang katungkulan mo sa church (templo) tagapaglinis ka, worship leader, giver gampanan ng buong puso...
Katungkulan natin mghayag ng Salita ng Diyos.
Hindi hihinto ang pagwoworship natin
III. HOLY NATION =Righteous in the eyes of God/ son of God/
It refers "US" hindi yung Bansa natin
Bago maging Isang Bansa may kalipunan ng mga tao
1 Peter 1:15-16 *be holy for I am holy
Romans 8:14
Nagbubunga =fruit of the Holy Spirit
Siya ang nagcoconvict sa atin
Romans 5:5- *the love of God has been poured out in our hearts by the Holy Spirit
IV. PECULIAR =Big difference/
-dapat maiba tayo!
Ephesians 6:1-3 =golden rule
May transformation
May respeto sa tao
Ephesians 6:4- to fathers...
Ipakita natin ang kaibahan natin sa ibang tao para mkita nag identity natin
Tayo ay maging "reading bible"
2 Corinthians 5:17 *Bagong nilalang
BOTTOM LINE:" that you may proclaim the praise of Him who called you out of darkness into His marvelous light."
Identity natin Ipakita para sa Kanyang kapurihan.
Gulatin mo sila,
Magpakilala ka!
Maging chosen tau, maging holy tau, maging peculiar tayo....
Additional Insights from head Ptr:
Pinili ka hindi dahil sa magaling ka, maganda ka, mahusay ka kundi dahil Ikaw ay kapili pili dahil sa habag ng Panginoon...
Lahat tayo pantay pantay sa Diyos!
Tatayo ka dahil kilala ka ng Diyos.
21/10/2024
Satan's Secret Weapon
2 Corinto 2:10-11
I. BITTERNESS
Atake ng kaaway na-a-anticipate ntin sa pmmgtan ng Holy Spirit
Hebreo 12:15
Efeso 4:30-32
Ii. ANGER dominates rages
Genesis 4:4-5
Mateo 18:21-25
Santa Cena/ Lord's supper simbolo ng forgiveness (tinapay) and holiness (wine)
III. WRATH
Genesis 4:8
1 Juan 4:7-8
Pahayag 20:15- *pangalan=Pagibig ng Diyos
Maging handa tayo sa gawa ng kaaway
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the place of worship
Telephone
Website
Address
Manila
1013