Maldits

Maldits

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Maldits, ครีเอเตอร์ดิจิทัล, ถนนเจริญนคร เขตคลองสาน, Manila.

07/06/2025

Hello, Maldits! 💋
𝐈𝐭'𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐰𝐞𝐞𝐤𝐞𝐧𝐝! 🕺🙈
𝑾𝒊𝒕𝒉 𝑫𝒐𝒓𝒂𝒆𝒎𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅𝒔. 💙🧸🔔

Daig ko pa ang multo na bigla na lang susulpot pagkatapos mawala ng matagal. Sorry na! 😁 Busy eh. Amishuuu oil! 💋

🫶

18/02/2025

Ano ang work morning routine mo? 🎬💪
How's your day? Had much time today recording the things that I do as soon as I get to work in the morning. Always have a SMILE ON YOUR FACE para palaging panalo ang everyday! 👌
Bless you, Maldits! 🙏 Thank God at nagka-time magbidyow! Amwah! 💋
Missssyoooo owl! 🫦

06/02/2025

Iba yung gaan sa pakiramdam when we choose wisdom over foolishness. When we choose life, we are allowing love and peace sa buhay natin in a world so rapidly choosing hate. Nakakabulag ang makinig sa mga maling opinyon at pagpapatiwakal ang sumabay dun. In a world full of hate, be love and everyday, you will shine bright! ✨

I am happy to see you all again, Maldits! 💋

21/12/2024

Maligayang Pasko po sa inyong lahat! 🏵️🎄⭐✨🪩🎉🥳

Kumukutikutitap ang pasko sa Pinas dahil patuloy na nagliliwanag ang pag-ibig at biyaya sa atin ng Panginoon. Patuloy pong magliwanag ang inyong buhay. Palaging magpasalamat sa gitna man ng dagok o tagumpay. Mabuhay ka at magdiwang sa kapanganakan ni Hesus. 🔔💗🥳🏵️

15/11/2024

It's great to watch the prelims of Miss U together with our Thai colleagues in the office. Bakbakan ang dalawang koponan. 😅 Hinihintay namin tawagin both Philippines and Thailand. Chelsea is on 🔥. Laban Filipinas.🇵🇭

Photos from Maldits's post 06/11/2024

📜 May mga panahon na nakakatakot talaga na sumugal, sumubok at magpatuloy. Natatakot tayo kasi baka magkamali tayo or things won't go as planned. Pero yung takot din na yun ang dahilan kung bakit tayo nahuhuli, nalulungkot o nasisira. Kelan pa tayo magiging matapang kung nilagpasan na tayo ng mga bagay na binalewala lang natin? Sa mundong ito, hindi multo ang nakakatakot kundi ang ikulong natin ang ating mga sarili sa mga panghihinayang at pagsisisi na sana ginawa natin pala.
Sana... 🦇

25/10/2024

Congratulations to Miss Grand Philippines.
1st Runner-Up Miss Grand International 2024! MABUHAY KA! 👑💐

🇵🇭

23/10/2024

Praying for Bicol at sa buong Pilipinas. Ingatan Mo po kami Panginoon. 🙏

20/10/2024

YUNG MAGING PAYAPA! 🌬️

Minsan, magsisimula lang talaga yung buhay natin kapag natutunan nating maging tahimik sa mga bagay o tao na hindi naman talaga mahalaga at ituon natin ng mataimtim yung puso natin sa mga bagay na mas masaya pala. Yung mas mahalin mo ang sarili mo sa kabila ng mga sakit na pinagdaanan mo. Yung mas yakapin mo yung mga sandali at maunawaan na hindi mo pala dapat iyon sayangin kakaiyak habang inisip mo na talo ka na. Yung mas lumayo ka sa mga maling boses na wala ng ginawa kundi sirain ka at pahirapan. Yung mas ituon mo ang puso mo sa panalangin at paniniwala na kaya talaga ng Diyos na baguhin yung mga pangyayari sa mga buhay natin at takbo ng damdamin mo, maging ng mga desisyon mo. Kapag winaksi mo at natutunan mong bitawan lahat ng mga bigat sa buhay mo, at malaman mong mahalaga ka sa kabila ng lahat, mabubuhay ka na. Makakahinga ng buo. Mas malalaman mo ang halaga ng iyong sarili. Mahalaga ka kaya mahalin mo ang sarili mo higit sa anupaman! 💗

19/10/2024

Sad ka na naman?? 😱‼️
I-sine mo yan. Igiling mo. Ikain mo. Tapos igiling mo uli. 🕺🎬 Nakakatulong lumabas kasama ng mga taong pwede kang maging ikaw kahit pa gaano kabigat yung dala-dala mo. Mga taong just higher motivation and positive energy lang ang dala sa buhay mo. Mga taong pag makita mo, mapapalitan ng kakulitan yung pag-iyak mo at hindi yung madadagdagan. Iba ang pakiramdam kapag nakahanap tayo ng mga taong kaya mong ilabas ang ikaw. Kaya wag mong aksayahin ang oras mo kakasuyo sa mga taong sariling interest lang din nila ang iniisip at kung paano ka maiisahan. Isa yan sa dahilan kung bakit ka malulungkot at mas lalong mamomroblema. Ngiti na. Alam mo na ang gagawin, Maldits! 💋

**o

12/10/2024

🎭 So happy to be part of a production and be back in theatre and performing arts. One of the things na nagiging abala ako nowadays dahil malapit-lapit na rin ang aming show. 🎬 Mula pa college, isa na sa naging source ko 'di lang financially kundi emotionally and physically eh yung mag-coach sa entablado. Happy to passed this audition, to learn new things, and to perform together with all these diverse artists from various backgrounds and culture. SINING. MUSIKA. PAGTATANGHAL. Papanaog muli sa Teatro! 🎩📽️

07/10/2024

All gathered like that again. 🫕🍲
Iba kapag busog ka na at sumakit pa ang tiyan sa kakatawa kasama ang mga kaibigan mong concern sayo at hindi sa tsika about sa buhay ng iba. Maeenjoy mo talaga yung food and get together kapag sa food nakafocus at pagkamiss sa isa't-isa. Precious moments. Wag ubusin sa chismis at tsika na walang kabuluhan. 🍤🍣🧆
Alabyaahhh 💗 oiiil! 🥳🍡🍢🍜

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Culinary Team

Attire

Website

Address

ถนนเจริญนคร เขตคลองสาน
Manila