JsslAwra Writes

JsslAwra Writes

แชร์

ข้อมูลการติดต่อ, แผนที่และเส้นทาง,แบบฟอร์มการติดต่อ,เวลาเปิดและปิด, การบริการ,การให้คะแนนความพอใจในการบริการ,รูปภาพทั้งหมด,วิดีโอทั้งหมดและข่าวสารจาก JsslAwra Writes, Writer, Bangkok.

21/02/2026

💐

Sari-Sari Stories: Book of Pride is a collection of Filipino LGBTQIA+ experiences that illuminate love, identity, and inner strength. It is through these stories that we celebrate the families we choose and the courage it takes to step into the light and truly be seen.

Grab your own copy now at bookshelf.com.ph!

14/12/2025

📚 Her Last Cigarette Yesterday ni Allene Allanigue

“Hindi lang ako nakabasa—nakalanghap ako ng mga alaala, at sa pagitan ng bawat bubog ng mga karakter, doon ko rin unti-unting nakita ang sarili ko at ang paghilom.” — JsslAwra

𝘙𝘦𝘢𝘥 𝘓𝘰𝘤𝘢𝘭, 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘦𝘸 𝘓𝘰𝘤𝘢𝘭 #88 | 𝘉𝘰𝘰𝘬 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘦𝘸 #277 | 𝘙𝘦𝘣𝘺𝘶 𝘯𝘪 𝘑𝘴𝘴𝘭𝘈𝘸𝘳𝘢

𝐇𝐞𝐫 𝐋𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐢𝐠𝐚𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐘𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫𝐝𝐚𝐲
𝐛𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐠𝐮𝐞

📚📚📚

Aaminin ko, kagaya ng amoy ng usok ng sigarilyo na nilalayuan ko, noong una pa lang nang dumating ang librong ito sa bahay namin at binasa ko ang book description sa likod ng cover ay nawalan na ako ng ganang basahin. Hindi ko siya type dahil hindi ako mahilig sa English novels, lalo na ‘yung may halong siyensya at mga salitang parang kailangan mo pang i-Google bago maintindihan. Hindi rin ako fan ng psychological drama dahil mas gusto ko ‘yung mga kuwentong diretso, malinaw, at hindi kailangang pag-isipan nang sobra. Kaya nang simulan ko ang Her Last Cigarette Yesterday, inihanda ko na ang sarili ko sa posibleng sakit ng ulo.

Pero nagkamali ako. Totoo.

Dahil habang binabasa ko ang mga naunang kabanata, nagustuhan ko agad kung paanong detalyadong ipinakilala ng may-akda ang bawat karakter. Hindi lang basta pangalan o papel sa istorya dahil naramdaman ko na para kang sinasabayan ng kamera na dahan-dahang lumalapit sa kanila. Ramdam mo ‘yung bawat kilos, ‘yung paraan ng pagyuko o pagtitig, pati na rin ‘yung bigat o gaan ng mga salita nila. Parang ako mismo ‘yung nasa loob ng libro dahil nakikita ko ang ayos ng buhok, suot, tangkad, at bawat galaw nilang may ibig sabihin kahit walang dayalogo. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Ms. Allene, pero bawat karakter ay may sariling amoy ng sigarilyo na may naiibang usok, may naiibang alaala.

Hanggang sa hindi ko na namalayan, tuluy-tuloy na pala ang basa ko. At nang dumating ako sa linya ni Prof. Cari na, “I have to pick up Ane from school,” doon ako tuluyang natigilan. Ang sakit sa puso, parang sumapi sa akin si Achi habang binabasa ang bawat salita. Bigla na lang akong napaiyak. Sakto pa na ngayong October, Mental Health Awareness Month, ko ito nabasa. Mas tumama tuloy ‘yung mga tahimik na sakit, ‘yung mga eksenang tungkol sa pagbitaw, at ‘yung mga karakter na pilit pa ring lumalaban kahit pagod na gaya nina Poppy, Ylona, at Mica, bawat isa ay may nakabaong bubog.

Hindi ko inaasahang matatangay ako ng librong ito. Hindi lang siya basta drama, isa siyang paglanghap ng nakaraan, at pagbuga ng mga alaala na matagal mo nang tinatabunan.
At marahil, doon ko rin nakita ang sarili ko.
Na minsan, kailangan mo lang magpahinga, huminga, at hayaang maramdaman ang lahat ng pait, pagod, at pag-asa.

Naalala ko tuloy sa bawat karakter ang bubog na sinasabi ni Mr. Ricky Lee, ‘yung mga sugat na nasa loob natin na kailanman ay ‘di na naghilom, na kahit lumipas man ang panahon ay ipaparamdam uli nito ang sakit.
At dito, ang mga bubog ng bawat karakter ang siyang tumulong upang maghilom ang mga sugat ng iba. Sa bawat luha, bawat pilit na lumimot, at bawat paghinga, naroon ang mensahe ng istorya na may mga sakit na kailangang maramdaman upang tunay na gumaling.

At sa dami ng librong dumaan sa akin ngayong taon, masasabi kong isa ito sa mga paborito kong nabasa ngayong 2025 — isang paalala sa akin na sa pagitan ng bawat bubog, nandoon ang unti-unting paghilom.

---

23/11/2025

🌈✊🏻✨

𝗭𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗽𝗼𝘁𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁

𝘈𝘉𝘈𝘒𝘈-𝘋𝘈𝘞Á𝘕𝘐
by JsslAwra

Dalawampung (20) Pangunahing Hakbang sa Pagbasa ng mga Kuwentong LGBTQIA+

Lumaki akong dala ang lumang ABAKADA.
Pero habang lumalawak ang mundo ko, napansin kong may mga salitang hindi tinuro ro’n.
Walang “pag-ibig” sa pagitan ng magkaparehong kasarian.
Walang “tinig” para sa mga pusong takot ipagtanggol ang sarili.
Walang “ako” na katulad ng ako.

Doon ko naisip na marahil, panahon na para gumawa ng bagong ABAKADA.
Isa na hindi lang nagtataglay ng mga titik—kundi mga tinig.
Hindi lang mga salitang binabasa—kundi mga kuwentong nararamdaman.

Kaya isinilang ang ABAKA-DAWÁNI.
Ang Dawáni ay nakuha ko sa salitang Bikol na nangangahulugang bahaghari, dahil ang bahaghari ang paalala na may ganda sa pagkakaiba.
Na matapos ang unos, may liwanag.
Na matapos kang itago, may pagkakataong lumantad.

Kung ang unang ABAKADA ang nagturo sa atin kung paano bumasa,
nawa’y itong ABAKA-DAWÁNI naman ang magturo sa inyo kung paano makinig.
Makinig sa mga pusong matagal nang pinatatahimik,
sa mga kwentong ayaw ipalimbag,
sa mga pangalan na kailangang isulat muli—ng buong buo, ng walang takot.

Para ito sa mga batang natutong magbasa gamit ang luha,
sa mga palad na minsang namula sa patpat ng pagtuturo,
at sa mga pusong natutong magmahal kahit walang pahintulot.

Sapagkat sa bawat titik ay may tinig,
sa bawat tinig ay may laban,
at sa bawat laban—may bahagharing patuloy na bumubuo ng bagong wika ng pag-ibig.

Photos from JsslAwra Writes's post 23/11/2025

🌈𝐒𝐀 𝐃𝐔𝐋𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐇𝐀𝐑𝐈 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓✨

​Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa ating mga 𝑮𝒐𝒍𝒅𝒆𝒏 𝑮𝒂𝒚𝒔/𝑩𝒆𝒌𝒊𝒔!

​Tingnan ang ating kasalukuyang 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀 𝙎𝘼 𝙈𝙊𝙉𝙀𝙏𝘼𝙍𝙔 𝘿𝙊𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 AS OF NOVEMBER 23, 2025 (3:00 PM):

​₱𝟓𝟖𝟐.𝟎𝟎

​Patunay ito na sa bawat maliit na tulong, nagiging mas handa ang Pilipinas na yakapin ang bawat kulay, bawat kwento, at bawat pusong minsang sinubok ng panahon.

​📖 ​Maaari pa ring makatulong sa pamamagitan ng pag-order ng "𝐄𝐬𝐤𝐚𝐩𝐚𝐫𝐚𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐠𝐫𝐚𝐝𝐨" na isinulat ni 𝐉𝐬𝐬𝐥𝐀𝐰𝐫𝐚.

​100% ng malilikom dito ay mapupunta sa livelihood at training program para sa ating mga Golden Gays/Bekis ng Kalakhang Maynila. Layunin nating bigyan sila ng kabuhayan, kasanayan, at pagkalinga, at ibahagi ang kanilang mga kuwento upang hindi sila malimutan ng henerasyon ngayon.

​💌 Muli, maraming salamat sa pagsama sa amin sa paglikha ng isang Pilipinas na mas inklusibo at mapagkalinga.

Photos from JsslAwra Writes's post 25/10/2025

TRECE 13 by JsslAwra — Pre-Order Form (Limited Slots!) ₱364.65
MabuHEY! I'm JsslAwra!

Secure your copy of TRECE 13 at 45% OFF!

PRE-ORDER PRICE: ₱364.65

Discount amount: 0.45 × 663 = ₱298.35

Regular price after pre-order: ₱663 (exclusive of shipping fee)

IMPORTANT DATES:

Pre-order Period: October 25-31

Deadline of payments for those who chose to pay the reservation fee, kindly settle your balance on or before November 10, 2025.

Book Inclusions:
📖 1 button pin
📮 1 pdf file of my "AbakaDawani: Pangunahing Pagbasa sa mga Kuwentong LGBTQIA+

Reservation Fee: ₱100 (non-refundable, deductible sa total)
OR full payment upon ordering.

Mode of Payment: GCash only

Once paid, check your Order Confirmation & Payment Details Email for instructions.

NOTE: Shipping fee is shouldered by the buyer. We are not liable for any delays, loss, or damage during shipping.

https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A

https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A

https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A

Photos from JsslAwra Writes's post 16/09/2025

📰 𝗢𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗵𝗲𝗹𝘃𝗲𝘀 | Thank you for the feature, ABS-CBN Lifestyle! ❤️

Read the full article here:

https://www.abs-cbn.com/lifestyle/2025/9/12/bookshelf-ph-brings-indie-stories-to-mibf-2025-0900?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR4vAa9lhzBKFRjqvpRlJivUQ9kQNg6bGb2atjHXm6brWbGp1CXKkUFVxW3R3Q_aem_bNdnzrEmgU8BdE-xSQbo5A

Photos from JsslAwra Writes's post 15/09/2025

🏳️‍🌈🌟𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈.

📚 𝗠𝗜𝗕𝗙 𝟐𝟎𝟐𝟓✍ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠: 𝐒𝐚𝐫𝐢-𝐬𝐚𝐫𝐢 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬: 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞🌈

Mga kaibigan, kapwa manunulat, at lahat ng mga naging bahagi ng araw na iyon—isang taos-pusong pasasalamat.

Noong Setyembre 13, nagtipon tayo hindi lamang upang magbenta ng libro, kundi upang ipagdiwang ang lakas ng panulat at ang sari-saring tinig na bumubuo sa ating komunidad dahil hindi lang tuwing Hunyo may Pride Celebration. Ang bawat pirma sa isang aklat, ang bawat ngiti, at bawat pagbati ay hindi lamang alaala—kundi 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐞𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧.

Una sa lahat, aking pinasasalamatan ang 𝑩𝒐𝒐𝒌𝒔𝒉𝒆𝒍𝒇 𝑷𝑯, na naging tahanan ng aming mga akda at tumayong gabay upang maisilang ang isang proyektong nagtataguyod ng pag-ibig, katapangan, at pagkakapantay-pantay. Sa lahat ng nasa likod nito—mula sa mga editor, contributors, at tagapaglathala—ang inyong sipag, tiwala, at paniniwala ang dahilan kung bakit narito ngayon ang aklat na ito sa ating mga kamay.

Ikalawa, isang malaking pasasalamat sa aking mga kapwa may-akda—𝗟𝘂𝗰𝗸𝘆 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗡. 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗭𝗲𝗿𝗼𝗱𝗲𝗴𝗿𝗲𝗲𝘀𝗰𝗲𝗹𝘀𝗶𝘂𝘀, 𝗘𝘃𝗮𝗻 𝗢𝗿𝗶𝗮𝘀, 𝗦𝗵𝗮𝗻𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗕. 𝗥𝗲𝗰𝗵𝗲𝘁𝗮, 𝗞𝗮𝗲 𝗘𝘀𝗽𝗲𝗷𝗼, 𝗗𝗵𝗮𝗻 𝗗𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴𝗼, at 𝗝𝗮𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗲 𝗬𝗮𝗽. Karangalan ang makasama kayong lahat sa iisang aklat, at higit pa, sa iisang layunin na magsulat ng totoo at magsalita para sa mga tinig na matagal nang nananahimik.

At higit sa lahat, salamat sa inyo—sa mga 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗹𝗼, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝗺𝗮, 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀 at 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮. Ang bawat paglapit ninyo, ang bawat aklat na inyong binuksan, ay hindi lamang simpleng pagbasa; ito’y pakikiisa, pakikipagtagpo, at pagbibigay-buhay sa mga salitang aming isinulat.

Sa pagtatapos ng lahat, iisa lamang ang nais kong iwan,
𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗶𝘁𝗼’𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁—
dahil 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁. 🌈✨

𝐱𝐨𝐱𝐨,
𝓙𝓼𝓼𝓵𝓐𝔀𝓻𝓪

Photos from JsslAwra Writes's post 14/09/2025

𝐍𝐞𝐚𝐫 𝐅𝐚𝐦𝐨𝐮𝐬 | Sa 𝐌𝐈𝐁𝐅 kahapon, dala ko hindi lang ang libro ko para sa book signing, kundi ang puso ng batang minsang nahulog sa mga pahina ni Tatang 𝙍𝙞𝙘𝙠𝙮 𝙇𝙚𝙚.

Sa pagitan ng pila at abala, nagkaroon ako ng pagkakataong makalapit sa kanya—siya na naging inspirasyon ng 𝑩𝑨-𝑲-𝑳𝑨: 𝑩𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝑲𝒂 𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕. Mahina kong naikuwento ang buod ng akda, nanginginig pa ang tinig ko. Pero ngumiti siya—napakalaking ngiti, at sa mismong cover ng istorya ko, isinulat niya ang mga salitang,

“𝗕𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁.”

Bilang kapwa manunulat na naroon din para pumirma ng sariling akda, hindi ko mapigilan ang luhang pumatak. Sapagkat kahapon, nagtagpo ang 𝒎𝒂𝒎𝒃𝒂𝒃𝒂𝒔𝒂, ang 𝒎𝒂𝒏𝒖𝒏𝒖𝒍𝒂𝒕, at ang 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏—at naging buo ang salitang iyon. 🌈✨📚

14/09/2025

💋𝐗𝐎𝐗𝐎, 𝐉𝐬𝐬𝐥𝐀𝐰𝐫𝐚 @ 𝐌𝐈𝐁𝐅 𝟐𝟎𝟐𝟓 | Thank you so much to everyone who came by yesterday! 🌈✨

Happening Now at MIBF: Sari-sari Stories: Book of Pride Signing. ❤️

Drop by Booth 2-156 and get your copies signed!

07/09/2025

💋𝐗𝐎𝐗𝐎, 𝐉𝐬𝐬𝐥𝐀𝐰𝐫𝐚 @ 𝐌𝐈𝐁𝐅 𝟐𝟎𝟐𝟓 | Proud to be one of the authors of Sari-sari Stories: Book of Pride 🏳️‍🌈📖

Join us for a special book signing at the Manila International Book Fair! ❤
📅 September 13, 2025
🕡 6:30 PM
📍 Booth 2-156

Exciting news, book lovers! We're celebrating Sari-sari Stories: Book of Pride with a special book signing at the Manila International Book Fair. ❤

Come say hello to the authors, get your copy signed, and share in the pride! Find us at Booth 2-156.

Photos from JsslAwra Writes's post 31/08/2025

✨ Mabuhey, Mabuhey, MabuHEY!!✨

Category is: Book Signing Eleganza!👠

Mga accla!! Kabilang akiz sa mga authors na 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗼-𝗯𝗼𝗼𝗸 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 ng 𝗦𝗮𝗿𝗶-𝘀𝗮𝗿𝗶 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀: 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲🌈 sa darating na 𝗠𝗜𝗕𝗙! Gora lang kayo sa 𝗕𝗼𝗼𝗫 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗟𝗲𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗯𝗼𝗼𝘁𝗵 (𝟐-𝟏𝟓𝟔) sa 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟏𝟑 (𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼), 𝟔 𝗣𝗠.

Bring or buyla na ng booK with a K ✨ na may kasamang 𝗖.𝗨.𝗡.𝗧.—𝗰𝗵𝗮𝗿𝗶𝘀𝗺𝗮, 𝘂𝗻𝗶𝗾𝘂𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀, 𝗻𝗲𝗿𝘃𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁—at magkita-kits tayo for a reading is what??? 𝗙𝗨𝗡𝗗𝗔𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟!!! 📚💙

29/08/2025

👁️ Not every secret should be unearthed.
Not every love should be trusted.
Not every fear lets you escape.

🩸 𝗧𝗥𝗘𝗖𝗘 𝟏𝟑 by 𝐉𝐬𝐬𝐥𝐀𝐰𝐫𝐚
A haunting mix of psychological, romance, horror, and the paranormal—wrapped in mystery and thriller.

🪄✨ Here’s the 𝗰𝗼𝘃𝗲𝗿 𝘀𝗽𝗿𝗲𝗮𝗱 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹.

Preorder details will follow after MIBF.

Thank you in advance to those who are already intrigued…

𝙏𝙝𝙚 𝙝𝙖𝙪𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙚𝙜𝙞𝙣𝙨.

ต้องการให้ธุรกิจของคุณ บุคคลสาธารณะ ขึ้นเป็นอันดับหนึ่ง บุคคลสาธารณะ ใน Bangkok?
คลิกที่นี่เพื่อเป็นสมาชิก?

ประเภท

ทีมทำอาหาร

เสื้อผ้า

เบอร์โทรศัพท์

ที่อยู่

Bangkok