Ang Bigat ng Mga Salitang Hindi Sinabi
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Bigat ng Mga Salitang Hindi Sinabi, Writer, Manila, Manila.
02.16.2026
I disappear a lot of times. Not because it's a defense mechanism I developed over time, it's just who I am. It's what I am. I don’t have avoidance issues or anything. It just feels like everything becomes normal once I’m used to it, and once my interest or curiosity wears off, that’s where my comfort lies.
I don’t really settle on one thing. It can even be connected to ADHD, but I don’t have that. The closest thing I have might be hyperfixation. Then there’s the laziness in my bones that doesn’t really let me do things. I know it’s on me. Being a better version of myself should start with myself, improving and being motivated.
The thing is, I don’t think that really applies to me that much. A day or two, I’m fixated, focused, motivated. Then another day comes and I disappear again. I don’t really get in touch a lot. I’m a very energetic person, yes, but messages? Getting in touch or staying? That’s not really me. But that doesn’t mean I don’t like the people around me. I’m happy I got the chance to even talk to them. But then that’s just me, disappearing, and only appearing whenever I want.
I don’t hope for myself to change. I just want other people to understand that not all people are like them. Because that’s just me. That’s who I am.
02/15/2026
All people have their own story that is yet to be told.
Let’s look at it this way: when we are in our own point of view, we are the main character. The whole viewpoint of the world revolves around us, and other people become the side characters needed for our story to progress.
The thing is, the same goes for those people we consider side characters. They need us for their story to progress too. But here’s the catch —like authors whose ideas flow but who can’t really control the remarks of those who read their piece, we’re just like that.
It’s in the hands of our actions, beliefs, and flow what kind of genre, ending, and tags our story will have.
Kinakabahan
01.25.26
Kakaba-kaba,
hindi matukoy
kung saang emosyon dadalhin.
Hihinga-hinga.
Kabog ng puso’y
kay lakas ng pintig.
Emosyong hindi matukoy.
Pintig sa pulso,
malakas ang kabog.
Sa hindi mawaring dahilan,
ang mga emosyong ito’y
dinala na naman ako
sa nakagawian:
pulutin ang lapis,
at magsimulang bumuo
ng pampakalma
sa magulong sistema.
Aanhin ang binhi
ng apoy ng paghangad
kung ang sansinukob na mismo
ang haharang?
Sa labis na pagbagabag ng isip,
litong nagsusulat—
upang kumawala rito.
Journal ( #) by Azethyl
Sa dinami-rami ng puwedeng maramdaman habang naghihintay ako ng mga grado—kung pasado ba o sasablay—wala akong maramdaman. Blangko. Tahimik. Parang kahit anong resulta, pareho lang ang dulo.
Hindi ko alam. Pero isa lang naman ang pupuntahan.
Hindi ko na ata itutuloy ang kursong ito.
Pumasa man o bumagsak, parang sasablay pa rin ako.
Hindi na kaya ng utak. At mas lalong hindi na kaya ng bulsa.
Ang hirap ipilit ‘yung bagay na natutunan mo nang mahalin.
‘Yung kursong unti-unti mong niyakap, tinanggap, at ginustong tapusin—
na kahit sobrang hirap, pinipilit mo pa rin, kasi may hangarin kang dala.
May dahilan. May alab.
Pero ngayon… hindi ko na alam.
Pumasa man ako, baka hindi ko na rin kayanin ipagpatuloy.
Bumagsak man ako, mas lalo na.
Balik na naman ba ako sa simula?
Maghahanap na naman ng panibagong daan?
O ipagpapatuloy kahit hilaw at laging nangangapa?
Ang hirap.
Ang hirap naman talaga…
maging mahirap.
Hindi talaga siguro nawawala sa buhay ang mga pagsubok. Laging may parte ng kwento natin na parang lubak-lubak ang daan; minsan maputik, minsan madulas, minsan parang wala nang patutunguhan.
Lumaki akong hindi ko ramdam ang bigat ng salitang “kahirapan.” Hindi dahil wala kami noon, kundi dahil hinding-hindi ito ipinadama nina mama at papa. Pero habang lumalaki ako, mas nakikita ko, unti-unti, dahan-dahan; ang mga sakripisyong palihim lang nilang pinapasan.
Naalala ko pa tuwing uuwi si papa, may dala siyang pagkain. Yung tipong isa lang ang piraso, pero imbes na kainin niya, itatabi niya muna para sa amin ni kuya. Wala siyang sinasabi, pero alam kong gutom din siya noon.
Si mama naman, hindi na mabilang kung ilang beses siyang kumain ng tira namin. Akala ko dati hindi lang talaga siya gutom, o hindi niya gusto 'yung ulam. Pero ngayong nasa tamang edad na ako, alam ko na, mas pinili niyang busugin kami kaysa sa sarili niya. Hindi ko pa noon naiintindihan ang halaga ng salitang “sayang,” pero siya, bawat butil ng kanin ay mahalaga.
Minsan, naririnig ko sila, mahihinang pakiusap sa kabilang tindahan, “pwede po bang bukas na lang bayad?” Kasi nawalan ng trabaho si papa. Kasi walang dumating na raket. Kasi kailangang makatawid sa isang linggo, kahit wala pang katiyakan ang susunod.
Pero kahit kailan, hindi nila ipinakitang hindi nila kaya. Ni minsan, hindi nila kami pinabayaan. Kahit ang totoo, sila ang halos malugmok sa hirap.
Ngayon, kolehiyala na ako. Sa wakas, naabot ko rin ang bahaging 'to ng buhay; kung saan ako na ang humahawak sa direksyon ng kinabukasan ko. Pinili ko ang kursong alam kong makakatulong sa kapwa. Hindi lang dahil gusto ko, kundi dahil ramdam ko sa puso ko na ito ang layunin ko. Parang ganito talaga ako hinubog nina mama at papa, para maging makatao, mapaglingkod, at may malasakit.
Pero gaya ng dati, heto na naman ang problema. Parang bumibigat na ulit ang takbo ng buhay. Hindi ko alam kung kaya pa ba. Pinipilit kong mag-isip ng alternatibo, ng paraan kung paano ako makakatulong, kahit kaunti, sa sitwasyon namin.
Napilitan si mama na magtrabaho sa malayo. Malayo sa amin. Malayo sa bahay. Sa lungsod, para lang kumita kahit kaunti. Si papa, halos araw-araw nasa labas, naghahanap ng pagkakakitaan. Para lang may maipadala, may maipantustos.
At ako? Pagod na rin. Pero anong karapatan kong mapagod kung mas pagod sila?
Minsan naiisip ko, wala akong ambag. Na ako lang ang dahilan kaya sila patuloy na humihinga sa hirap. Na ako ang dahilan kaya hindi sila makapagpahinga.
Siguro ito 'yung bigat na gusto kong ilabas. Siguro ito 'yung guilt na palagi kong kinikimkim, na kahit nahihirapan na ako, parang walang saysay ang pagod ko kumpara sa pagod nila. Na hindi ko puwedeng sabihing nahihirapan ako, kasi sila, halos mawala na ang sarili para lang maitaguyod ako.
Kaya ako sumusulat. Kasi ito lang ang paraan ko para marinig kahit papaano ang tinig na matagal nang kinikimkim.
At sana balang araw, ako naman ang magpapahinga sa kanila. Sana balang araw, matupad ko 'yung pangakong hindi man nila hinihingi, pero araw-araw nilang ipinaglalaban, ang magandang buhay para sa amin.
At kung sakaling hindi ko man agad maabot ang tuktok,
ipapaalala ko sa sarili kong minsan,
may batang naniwalang kaya niyang lumipad.
Sana, kapag naglakas-loob muli akong abutin ka,
kapag muli kong piniling sundin ang tibok ng puso,
ay may panahon pa.
Dahil kahit gaano ka katagal nawala,
hindi kita nakalimutan.
At sa bawat gabing ako'y tahimik,
naroroon ka — tinig na hindi tumigil sa pagtawag.
Muntik nang mabaon sa limot ang batang may matayog na pangarap, bago pa man siya kainin ng sistemang walang puwang sa pagdududa, bago pa man tabunan ng makakapal na pader ang liwanag na minsan ay nasa kanyang mga mata.
Hindi ko na maalala
kung kailan huling dumampi ang tinta ng pluma sa papel
na hindi para sa grado, kundi para sa kaluluwa.
Kailan nga ba ako huling nagsulat hindi dahil kailangan,
kundi dahil gusto kong huminga?
Ang Tagal na Rin Pala by Azethyl
Ang tagal na rin pala simula nung inalala kita.
Kung paanong gaano kaganda ang ngiti ko sa tuwing magtatagpo ang landas nating dalawa.
At hindi ito tungkol sa isang tao,
kundi sa mga limot na pangarap at kakayahang ibinaon na sa nakaraan
dahil sa mabilis na usad ng mundo.
Hindi ko na maalala ang huling hawak ko ng pluma,
hindi para magsulat ng leksyon sa kolehiyo,
kundi para ilabas ang mga ideyang umusbong mula sa tahimik na pagmuni-muni.
Hindi ko lubos mawari kung paanong muntikan nang mabaon sa limot
ang mga pangarap—
bago pa man pumasok sa mataas na paaralan,
bago pa man maharangan ng naglalakihang pader
ang kinang ng mga matang punô ng pag-asa at pagnanais.
Sana, kapag nakapagdesisyon ulit na hawakan
at sundan ang tibok ng puso,
ay may panahon pa.
Dahil habang buhay ko itong dadalhin.
Dear Diary, Hello Again
by Azethyl
Nasa bahay ako ngayon. Umuwi ako after ng NSTP kasi balak ko talagang this week sa bahay mag-spend ng weekend. Miss ko na rin sila mama at papa—lalo na 'yung luto ni mama. Alam naman, kapag nagdodorm ka, bihira nalang makakain ng masasabi mong “real” na ulam. Eme lang HAHAHA.
Pagdating ko sa bahay, bagong ayos ni mama 'yung kwarto ko. Ang ganda ng arrangement ng mga gamit ko, tapos ayun, biglang naglitawan ‘yung mga luma kong notebooks na halos nakalimutan ko na sa cabinet. Memories unlocked talaga.
Tapos ayun, may nakita akong notebook na gamit ko pa noong Grade 7 or 8 ata. Expression notebook siya—halo-halo: lectures, random thoughts, emotions, kung anu-ano. Medyo sabog ‘yung laman pero gets, it felt very me noon.
Nabasa ko ‘yung mga “Dear Diary” entries ko. Tawa ako ng tawa, minsan napapailing, minsan napapaisip din. May part pa na ina-admire ko daw ‘yung isang tao tapos narealize ko rin na hindi naman pala ganun ka-deep. Parang like lang, not love. Tapos sinabi ko rin dun na I actually enjoy being on my own. Na gusto ko lang ‘yung kilig, pero hindi ko talaga gusto pumasok sa relationship.
Na-amaze ako. Ang aga ko pala nagkaroon ng ganung realization. Siguro dahil sa stress at adulting ngayon, nakalimutan ko na rin ‘yung part na ‘yun ng sarili ko.
Sigh. I wanna go back to that version of me—super raw, super in the moment, walang pressure. Just writing for fun, no second thoughts, no edits. Just me.
Kaya ko sinusulat ‘to now, kasi writing has always been my safe space. It’s my outlet. Wala naman akong super makwentuhan about these thoughts eh. Well, meron naman, but iba pa rin when I write. Parang mas nape-peace-of-mind ako.
So yeah…
Dear diary, hello again.
Missed this version of me. 🤍
I will say it. We are not accepting nor going back again and again into history. We are challenging the odds of it. We are slowly changing it. It may be a silent fight, but it is a fight shared by many; The fight of every awakened Filipino.
I know, in time, we're gonna make it.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
Manila
1000