Ageing Redefined

Ageing Redefined

Share

This health and wellness page aims to help seniors and young seniors live stronger, sharper, and more vibrant lives.

We empower you to embrace ageing with purpose and positivity. Because growing old is not about slowing down, it's about thriving.

17/06/2026

Minsan ba nakakaramdam ka ng kalungkutan? It's normal and marami tayong solusyon para diyan. Let's find joy and fulfillment by staying engaged, maintaining a sense of purpose, and nurturing relationships—both old and new. Sometimes, a simple conversation, a shared meal, or joining a community activity can be the first step toward feeling connected again.
"Friendship, purpose, and connection are not limited by age. Some of life's most meaningful relationships begin in our later years."

15/06/2026

Kumusta ang blood sugar mo? Borderline ka na ba o DIABETIC ka na talaga? Remember, diabetes can be managed successfully. Maliit na hakbang araw-araw can make a big difference—eat healthy, stay active, monitor your blood sugar, and follow your doctor's advice. Remember, managing diabetes is not about being perfect; it's about making better choices one day at a time.
Alagaan ang sarili, stay positive, and celebrate every healthy step forward. Your health is your greatest wealth!

12/06/2026

🇵🇭HAPPY INDEPENDENCE DAY! 🇵🇭
Para sa ating mga nakatatanda, ang "Araw ng Kalayaan" ay hindi lamang paggunita sa kalayaan ng bansa, ito ay pagdiriwang din ng kanilang mga ambag, sakripisyo, at mga aral na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kalayaan, ang pamana ng karunungan, at ang mahalagang papel ng ating mga senior citizens sa paghubog ng ating bayan. Saludo sa ating mga magulang, lolo at lola sa araw na ito. ❤️❤️❤️

10/06/2026

Ang tahanan ay dapat maging ligtas at komportable para sa ating lahat. Sa pamamagitan ng simpleng pag-aayos at pag-iingat, maiiwasan ang aksidente at mapapanatili ang kalayaan at kalidad ng buhay. 👵👴

08/06/2026

May balitang LINDOL na naman sa mga kababayan natin sa Mindanao ngayong araw. :(
Tandaan ang tatlong simpleng hakbang.
⬇️ DROP – Yumuko at lumuhod.
🪑 COVER – Sumilong sa matibay na mesa o desk.
✋ HOLD ON – Kumapit hanggang tumigil ang pagyanig.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng emergency kit at family emergency plan. Ang tamang kaalaman at kahandaan ay makakatulong upang mailigtas ang buhay.

07/06/2026

HAPPY SUNDAY! Remember that the beauty of ageing gracefully lies in wearing your years with pride and your experiences with gratitude. Every year adds not just age, but strength, wisdom, and a deeper appreciation for life's blessings. :)

05/06/2026

Making new friends later in life? Why not! Ang pagkakaibigan ay walang age limit. Habang tumatanda tayo, mas nagiging mahalaga ang mga taong nagbibigay saya, suporta, at bagong kwento sa ating buhay. Hindi pa huli ang lahat para makahanap ng mga bagong kaibigan na makakasama sa mga simpleng lakad, kwentuhan, tawanan, at mga bagong karanasan. New friends, new memories, new reasons to smile.

03/06/2026

Totoo Ba? Delikado raw ang exercise para sa mga seniors? Of course, not! Lalo na kapag tama ang paraan ng pag-ehersisyo. Kaya, galaw-galaw tayo. Move more, live more...so, keep moving! :)

01/06/2026

Bagong Linggo, Bagong Pagkakataon! Start your week right. Simulan ang linggong ito na positibo, may ngiti at pag-asa...tara!

29/05/2026

Andaming discount at perks kapag "senior" na. But do you know that being a Senior Citizen in itself is already a privilege? Kaya-i-enjoy mo kung ano ang deserve mo. Dahil hindi lahat ng tao ay nakaabot sa edad na tulad sa yo. Ang saya maging Senior no? :)

Want your practice to be the top-listed Clinic in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Makati City
Makati
1200