NU Clark COMEX
The Official page of ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ธ'๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐๐
๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ. We are ๐ก๐จ๐:
๐ก๐จrturing ๐ommunities through geNUine service.
26/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐ง๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น, ๐ญ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Halos nobenta porsyento na ng target funds ang nabuo ng NU Clark COMEX sa pangunguna ng Professional and General Education Department, katuwang ang HR Office, Admissions Office, at ITSO.
Nagkakahalagang Php 90,334, ang funds na nalikom ay gagamitin upang makabili ng 70 na kaban ng bigas na hahatiin para sa 350 na Jeepney Drivers ng Dau Transport Coop.
Maraming maraming salamat sa pakikiisa sa inisyatiba na ito!
25/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐ง๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐ฐ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Nabuo na ang higit 85% ng kinakailangang pinansyal na donasyon upang makalikom muli ng 36 na kaban ng bigas.
Ito ay matapos makapamili na ng 34 na kaban kamakailan lamang.
Mananatiling bukas ang donation drive hanggang April 30.
Maraming salamat, kabaleNU!
24/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐ง๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฐ ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐๐น๐ฎ๐-๐๐ผ๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ถ
Umabot na sa 75 porsyento ng target na donasyon ang nalikom ng Professional and General Education para sa proyektong PARA PO SA INYO, isang kampanya para sa Dau Transport Coop Jeepney Drivers.
Aming pinapasalamatan ang buong NU Clark Community at higit sa lahat ay ang mga pribadong indibidwal na nakibahagi sa proyektong ito.
Nakapamili na rin ng 34 na kaban ng bigas sa naturang porsyento ng donasyon at 25% o Php 25,000 na lamang ang kulang na halaga para makabili pa ng 36 na kaban ng bigas.
24/04/2026
[Repost from NU Clark SEAT]
Aklat ng Pag-asa at Paghilom ๐โจ
The Architecture Department of National University Clark has taken the first step in a meaningful project in collaboration with Alaya Womenโs Center ๐ค. This initiative aims to develop a library that will serve as a safe space for learning, reflection, and healing ๐.
As part of the initial phase, the team conducted site measurements to support the planning and potential as-built improvements of the facility. This effort marks the beginning of creating a thoughtfully designed environment that will uplift and empower the community ๐ฑ.
At NU Clark, we connect with the community by extending our expertise to help build a better future ๐โจ.
22/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฒ๐ฑ% ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ, ๐ก๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ก๐จ ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐
Patuloy na nagpapakita ng malasakit at pagkakaisa ang komunidad ng NU Clark matapos maabot ang 65% ng target na pondo para sa isinagawang donation drive na naglalayong makatulong sa mga drayber ng jeepney ng Dau Transport Cooperative.
Nagkakahalagang Php 65,746, ang nasabing tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ibaโt ibang tanggapan ng unibersidad, kabilang ang Admissions Office, ITSO, HR Office, at Professional and General Education (PGE) Department, na nanguna sa pangangalap ng pinansyal na donasyon mula sa mga mag-aaral, g**o, kawani, at iba pang katuwang ng institusyon.
Bilang bahagi ng implementasyon ng proyekto, nakatakda ngayong araw ang pagbili ng 35 kaban ng bigas, na katumbas ng kalahati ng kabuuang target na 70 kaban.
Ang inisyatibang ito ay tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo na lubhang nakaaapekto sa kabuhayan ng mga drayber. Sa pamamagitan ng proyektong ito, layunin ng NU Clark na makapagbigay ng agarang tulong sa pamamagitan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas at iba pang pagkain.
Patuloy ang panawagan ng unibersidad sa publiko na makiisa sa donation drive upang tuluyang maabot ang natitirang bahagi ng target na pondo. Sa sama-samang pagkilos, inaasahang mas marami pang drayber ang matutulungan sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng transportasyon.
21/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ก๐ฆ๐ง๐ฃ, ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐
Bilang bahagi ng proyektong Para Po Sa Inyo, matagumpay na sinimulan ng mga mag-aaral ng National Service Training Program (NSTP) ng NU Clark ang repacking ng mga in-kind na donasyon ngayong ika-21 ng Abril.
Pinangunahan ng ACT 101 NSTP students ang gawain sa Community Extension Office, kung saan masusing inihanda ang bawat donation bag na kasalukuyang naglalaman ng:
1 pakete (6 piraso) ng instant noodles
5 sachets ng instant na kape
3 piraso ng de-latang pagkain
Patuloy pa ang pagdaragdag ng iba pang food items upang makumpleto ang bawat bag.
Samantala, opisyal ding isinagawa ng mga mag-aaral mula sa ITE 107, MKG 103, at ITE 102 ang turnover ng kanilang mga donasyon bilang suporta sa inisyatiba.
Ang proyektong ito ay para sa kapakinabangan ng mga drayber ng jeepney ng Dau Transport Cooperative, at inaasahang maisasagawa ang pamamahagi ng mga in-kind na donasyon sa darating na Mayo 4โ8.
Aming pinapasalamatan ang NSTP students at instructors na nakiisa sa proyekto na ito.
Patuloy ang ating panawagan sa lahat na makiisa: ang bawat ambag ay may katumbas na ginhawa para sa ating mga drayber. Sama-sama, isinasabuhay natin ang diwa ng bayanihan.
20/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฌ, ๐ฒ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Halos 50% na ng ating target funds ang ating nalikom sa loob lamang apat na araw. Nagkakahalaga na sa Php 48,078 ang ating pinansyal na donasyon na siyang magsisilbing pambili ng 70 kaban ng bigas para sa 350 jeepney draybers ng Dau Transport Coop.
Nais naming magpasalamat sa buong komunidad ng NU Clark lalo na sa sangka-estudyantehan dahil sa pagmamalasakit na ipinamamalas ninyo para sa ating mga tsuper ng jeepney!
ito! Mananatiling bukas ang ating donation channels hanggang ika-30 ng Abril. Para sa mga nais magdonate ng in-kind goods, mangyari lamang magmensahe sa chat box ng page na ito.
15/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐ง๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ญ๐ฑ, ๐ฑ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Nakabuo na ng suma-tutal na Php 26,794.75 ang Professional and General Education Department sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga estudyante at pribadong indibidwal.
Kami ay nagpapasalamat dahil ito ay higit 25% na ng target funds na nais nating mabuo upang makapambili ng 70 na kaban ng bigas para sa 350 Jeepney Drivers ng Dau Transport Cooperative.
Maraming salamat sa pakikiisa sa inisyatiba na ito. Muli naming inaaanyayahan ang lahat na magshare ng post ng NU Clark COMEX upang mas maraming maabot na indibidwal na maaaring nagnanais makiisa sa proyekto na ito PARA PO sa ating Jeepney Drivers!
14/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฆ๐๐บ๐ฎ-๐ง๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ญ๐ฐ, ๐ฑ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐
Sa unang araw pa lamang ng ating donation drive, nakapaglikom na tayo ng kabuuang โฑ11,830โisang patunay ng malasakit at pagkakaisa ng komunidad ng mga estudyante, pribadong indibidwal, at kaguruan.
Layunin nating makalikom ng โฑ101,500 upang makabili ng 70 kaban ng bigas na ilalaan sa 350 drayber ng jeepney ng Dau Transport Cooperative bilang bahagi ng ating donation bags.
Ang tagumpay na ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Professional and General Education Department, na nanguna sa pagsisimula ng ating monetary donation drive ngayong araw.
Inaanyayahan namin ang lahatโmga mag-aaral, g**o, kawani, at ang publikoโna patuloy na makiisa at magbahagi ng tulong. Sa inyong munting ambag, makakatulong tayong maibsan ang hamon na kinakaharap ng ating mga drayber sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Sama-sama nating abutin ang layunin ng ating proyekto. Para po sa kanilaโPARA PO SA INYO.
14/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ธ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฎ๐น๐น ๐๐๐ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป ๐ฃ๐น๐ฎ๐-๐ณ๐ผ๐ฟ-๐ฎ-๐๐ฎ๐๐๐ฒ
Ang Crosscourt Club ay nag-organisa ng isang Open Play for a Cause, kung saan ang lahat ng malilikom mula sa nasabing gawain ay direktang ipagkakaloob sa ating mga drayber ng jeepney na kasalukuyang humaharap sa matinding hamon dulot ng krisis sa langis. Ang inisyatibang ito ay bilang suporta sa proyekto ng NU Clark na PARA PO sa Inyo.
Sa mga nagnanais maging bahagi ng palaro na ito, narito ang mga detalye, o โdi kaya naman ay icopy at paste ang link sa inyong web browser para makapagrehistro.
โโ
SERVE IT FORWARD! CCC Open Play for a Cause.
โฐ Fri, May 1 6:00 PM
๐ Courtside Pickleball
RSVP: https://reclub.co/m/VFMYJL
โโ
Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa Crosscourt Club (CCC) sa kanilang suporta sa inisyatiba para sa ating mga drayber ng jeepney.
[Photos lifted from Crosscourt Clubโs Instagram Account]
14/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป-๐๐ถ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐
[๐ฉ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ ๐บ๐จ ๐ท๐ผ๐ฉ๐ณ๐ฐ๐ฒ๐ถ]
Ang NU Clark ay magsasagawa ng pangangalap ng mga in-kind na donasyon para sa ating mga drayber ng jeepney sa terminal ng SM City Clark Complex.
Mananatiling bukas ang tanggapan ng NU Clark upang tanggapin ang inyong mga donasyon. Layunin ng proyektong ito na makabuo ng ๐ฏ๐ฑ๐ฌ na donation bags, kung saan ang bawat bag ay maglalaman ng mga sumusunod:
โข 5 kilo ng bigas
โข 3 piraso ng de-latang pagkain
โข 1 pakete (6 piraso) ng instant noodles
โข 3 piraso ng mga rekado (toyo, patis, at s**a)
โข 1 pakete (6 piraso) ng instant na kape
Ang donation drive din na ito ay bukas sa publiko. Kung ikaw ay naghahanap ng paraan upang makapag-abot ng tulong sa ating mga Jeepney Drivers sa munti mong paraan, maaari tayong makiisa sa NU Clark simula Abril 14 hanggang Abril 30.
At kung naglalayon ang inyong pamilya o organisasyon na makisalamuha bilang isang partner para sa proyektong ito, mangyari lamang ipagbigay alam sa NU Clark COMEX sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa chatbox sa Page na ito.
Maraming salamat sa pakikiisa PARA PO sa ating mga magigiting na Jeepney Drivers ng Mabalacat!
13/04/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐๐ป-๐๐ถ๐ป๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ข ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, lalong nahihirapan ang ating mga drayber ng jeepney na maitaguyod ang kanilang kabuhayan.
Bilang tugon, ang NU Clark ay magmomobilisa muli ng Project Puso sa Bawat Piso, isang kampanya sa pangangalap ng tulong upang makapagbigay ng agarang tulong at ginhawa sa mga jeepney drivers ng Mabalacat, Pampanga para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Inaanyayahan ang publiko, mga g**o, at ang buong mag-aaral na komunidad na makiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal at in-kind na donasyon.
Bukas ang pintuan ng NU Clark upang tanggapin ang inyong mga donasyon tulad ng de lata, bigas, at instant noodles at iba pang maaaring makatulong para sa ating mga tsuper.
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ฃ-๐๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐ค๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ:
Mangyari lamang ihatid ang inyong mga donasyon sa NU Clark Lobby Entrance, at ipagbigay alam sa ating guwardiyang-on-duty na ang inyong donasyon ay tatanggapin ng NU Clark COMEX upang ito ay maayos na maipag-ugnay at mapangasiwaan.
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฟ๐ค๐ฃ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ:
Mangyaring gamitin ang mga QR Code na matatagpuan sa litrato na kasama ng post na ito. Anumang halaga ay malaki nang tulong dahil ang bawat puso ninyo ay siyang ramdam na sa bawat halaga ng pisong malilikom.
Sa sama-samang pagkilos, maipapakita natin na ang lakas ng komunidad ay susi upang mapagtagumpayan ang anumang mga hamon sa lansangan.
sa inyo ito!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Mabalacat
2010