Rudeus Ignite
Rudeus
25/05/2023
π ππ π£π¨πππ¦ π πππ¦ππ¦ππ‘ππ¬ π¦π π£ππ-πππ πππ¦π§πππ
Apatnaput siyam (49) na mga pulis at isang Non-uniformed Personnel (NUP) mula sa ibaβt ibang himpilan ng Quezon PPO ay sasailalim sa tatlumpoβt limang araw na Criminal Investigation Course (CIC).
Sa opening program na ginanap sa Quezon PPO Conference Room sa Camp BGen Guillermo P Nakar Lucena City noong ika- 22 ng Mayo taong kasalukuyan ay pormal nang sinimulan na sanayin ang mga kalahok ng nasabing Investigation Course.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL LEDON D MONTE bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PCOL MONTE ang kahalahagahan ng pag-iimbestiga sa pagpapatupad ng batas. Kanya ring hinimok ang mga kalahok na maging aktibo sa nasabing pagsasanay sapagkat inaasahan na sila ay magiging katulungan upang mas mapaunlad pa ang crime solution efficiency sa lalawigan.
βNararapat lamang na malaman ng bawat isa ang halaga ng tamang pag- iimbestiga at pagresolba ng isang kasoβ¦ [Kaya naman] ang Quezon Police Provincial Office ay patuloy na nasusulong ng mga programa at pagsasanay kagaya ng Criminal Investigation Course (CIC) upang mas malinang ng ating mga imbestigador ang kanilang mga kakayahan,β ayon kay PCOL Monte.
25/05/2023
π₯ππ¦π£π’π‘π¦π π§ππ π π‘π π€π¨πππ’π‘ π£π‘π£, π‘πππ¦ π£ππππππ¦ππ‘ π‘π π£ππ’π π π’π‘π§π
Sa isang command conference na ginanap sa Camp Guillermo P Nakar, Lucena City ngayong araw (Mayo 24, 2023) ay pinaalalahanan ni PCOL LEDON D MONTE ang mga hepe ng ibaβt ibang himpilan ng kapulisan sa Quezon na mas lalo pang pagbutihin ang kanilang response time.
βAng nais natin ay mapabilis ang response time o pagresponde sa mga tawag ng paghingi ng tulong ng ating mga kababayan,β ani PCOL Monte.
Dagdag pa ng hepe ng Quezon PNP ay mas malaki ang pagkakataon na mahuli ang mga suspect kung mabilis na makakarating ang mga pulis sa mga lugar ng insidente.
Sa kabila nito, nagpaalala naman si PCOL Monte na bagamat ninanais nβya na mas bumilis ang oras ng pagresponde ay dapat maging maingat ang mga kapulisan at bigyan prayoridad ang kanilang kaligtasan.
βSafety first, ayaw ko naman na kayo ay madidisgrasya dahil sa kagustuhan nyo na makacomply sa aking directive. I-consider rin natin yung mga terrain, distance at tsaka iba pang factors habang tayo ay rumeresponde," paliwanag ni PCOL Monte
25/05/2023
π¦π¨π¦π£ππ π¦π π¦ππ’π’π§ππ‘π ππ‘πππππ‘π§, π¦ππ‘ππ π£ππππ‘ π‘π π₯πππππ π’ π‘π π€π¨πππ’π‘ π£π‘π£
Sinampahan ng kasong murder ang suspek sa shooting incident na naganap sa Brgy. Mayao Castillo noong Mayo 9, 2023.
Ayon sa ulat mula sa Lucena CPS, ang suspek na kinilalang si Mark Anthony Alzona ay pormal ng pinilahan ng kaso ng mga tauhan ng Lucena CPS sa City Prosecutor Office ng Lucena ngayong araw ng Martes, (Mayo 23, 2023)
Matatandaan na noong Mayo 9, 2023, isang shooting incident ang naganap sa Brgy. Mayao Castillo na nagresulta sa pagkakasawi ni Michael Gadia Garcia, 43, at ng kanyang dose-aΓ±os na dalagitang anak.
Samantala, pinuri naman ni Quezon PPO Provincial Director na si PCOL LEDON D MONTE ang hanay ng Lucena CPS dahil sa kanilang maagap at mabilis na pag-aksyon na nagresulta sa pagkakakilala ng suspek.
βNagpapasalamat tayo sa mga tauhan ng Lucena PNP, talagang nagpagod sila at tinutukan nila ang kasong ito upang maibigay nila ang nararapat na hustisya para sa mga biktima,β ayon kay PCOL Monte.
Sa isang panayam, binanggit rin PCOL Monte na mayroon na rin sinusundang mga lead ang Quezon PPO sa iba pang mga shooting incidents na naganap sa Lungsod ng Lucena.
βSa susunod na mga araw meron na ulit tayong masasampahan ng reklamo dahil sa mga lead na sinusundan natinβ¦ Ang inyong Quezon PNP ay hindi titigil hanggat hindi natin naibibigay ang hustisya para sa pamilya ng mga biktima ng mga shooting incident na ito,β dagdag pa ni PCOL Monte.
25/05/2023
ππππ’π‘π πππ£π π‘π ππ¨πππ‘π ππ§ πππ‘πππππ₯ππ π£π‘π£, π¨π π¨π£π’ π‘π!
Noong ika-23 ng Mayo 2023 ay personal na pinangasiwaan ni PCOL LEDON D MONTE ang pagpapalit ng liderato ng Candelaria Municipal Police Station at Lucena City Police Station.
Sa magkahiwalay na programa na ginawa sa nasabing mga himpilan ay pinangunahan ni PCOL Monte ang Turnover ng Unit Symbol, Property and Equipment Inventory Book at pagbibigay ng mga sertipiko sa mga outgoing na mga Chief of Police.
Si PLTCOL ERICKSON B RORANES na nagsilbing hepe ng Lucena CPS sa loob ng halos anim na buwan ay pinalitan ni PLTCOL RUBEN A BALLERA, JR.
Samantala, si PLTCOL DENNIS DE LEON na nagsilbing hepe ng Candelaria MPS ng mahigit sa walong buwan ay pinalitan ni PLTCOL BRYIAN D MERINO.
Ayon kay PCOL Monte, ang nasabing pagpapalit ng mga pinuno ng mga nasabing himpilan ay nagpapakita lamang kung gaano kaseryoso ang Quezon PNP na mas lalo pangpaunlarin ang peace and order situation sa ating lalawigan.
Sa kanyang mensahe ay pinaabot ni PCOL Monte ang kanyang pasasalamat sa mga outgoing Chief of Police dahil sa kanilang maayos na pagsisilbi sa mga lugar na kanilang nasasakupan. Binigyan hamon din ng Provincial Director ang mga bagong upong hepe na maspagbutihin pa nila ang kanilang pagsisilbi upang mas lalo pa nilang pangasiwaan at ipatupad ang batas ayon sa 5-Focussed Agenda ni Chief PNP PGEN BENJAMIN C ACORDA JR gayon din sa mandato ni Regional Director, PBGEN CARLITO M GACES sa patuloy na kampanya ng Quezon Police Provincial Office kontra kriminalidad, iligal na droga at insurhensya.
Click here to claim your Sponsored Listing.