BNHS - An Layag
Opisyal na pahayagan sa Filipino ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Banquerohan. Tahanan ng mga naglalayag at nagtataguyod ng katotohanan.
"๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐" โต๐
30/03/2026
Isang karangalan na makilala ang publikasyong ๐๐ง ๐๐๐ฒ๐๐ bilang isa sa mga ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ngayong taong panuruan 2025 - 2026!๐ Hindi lang basta pahayagan, kundi isang samahang napatunayan ang galing at paninindigan.
Sa likod ng parangal na ito, ay ang hindi matatawarang dedikasyon at sakripisyo ng bawat miyembrong mamamahayag. Saksi ang bawat artikulong nabuo at mithiing naging boses ng bawat mag-aaral sa paghubog ng tinta at papel ng karunungan sa labas at loob ng paaralan. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang basta parangal, kundi isang patunay na ang pagkakaisa at determinasyon ng bawat isa ang naging matibay na sagwan sa paglalayag tungo sa tagumpay.
Nais ding ipaabot ng organisasyon ang taos-pusong pasasalamat sa mga Banqueros, sa mga g**o, sa puno ng departamento ng Filipino, sa punong-g**o, at sa iba pang kawani ng paaralan sa suporta at pagtitiwala sa kakayahan at paglalathala ng publikasyon.
Babaunin ng lahat ng miyembrong nagsipagtapos ang dangal at mga aral na natutuhan. Ang pluma ng bawat isa ay para sa paaralan, at ang puso ay para sa katotohanan. ๐งก๐
แดแดษขสแดสแดสแดษข, แดแดษขแดแดแดแดสแดสแดษข!โต
โ๐ผ: Clarisse Rivero, Pangalawang Patnugot
๐๏ธ: Mary Nathalie Arcilla, Tagapangasiwang Patnugot
29/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐| Isinagawa noong Marso 27, 2026, ang 9th Graduation Ceremony ng Banquerohan National High School (BNHS) sa Bicol University College of Engineering (BUCENG) Gymnasium na may temang "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao."
Isang makabuluhang pagdiriwang ang naganap bilang pagkilala sa pagpupunyagi, tiyaga, at tagumpay ng mga nagsipagtapos. Naging daan ang seremonya upang parangalan ang kanilang mga sakripisyo at ipagdiwang ang panibagong yugto na kanilang tatahakin sa hinaharap.
๐๐ข๐ฑ๐ด๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Mark Dave Asiado, Punong Patnugot
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Kristel Basilla, Tagakuha ng Larawan
Althea Ellaine Botalon, Tagakuha ng Larawan
๐๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช:
Janelle Araรฑa, Taga-anyo ng Pahina
Carmella Lorraine Laguilles, Taga-anyo ng Pahina
28/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐| Isinagawa noong Marso 27, 2026, ang 11th Completion Rites ng Banquerohan National High School (BNHS) sa Bicol University College of Engineering (BUCENG) Gymnasium na may temang "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao."
Isang makabuluhang pagdiriwang ang naganap bilang pagkilala sa pagpupunyagi, tiyaga, at tagumpay ng mga nagsipagtapos. Naging daan ang seremonya upang parangalan ang kanilang mga sakripisyo at ipagdiwang ang panibagong yugto na kanilang tatahakin sa hinaharap.
๐๐ข๐ฑ๐ด๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Mark Dave Asiado, Punong Patnugot
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Edcel Botin, Tagakuha ng Larawan
Althea Ellaine Botalon, Tagakuha ng Larawan
๐๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช:
Janelle Araรฑa, Taga-anyo ng Pahina
Carmella Lorraine Laguilles, Taga-anyo ng Pahina
27/03/2026
๐ฒ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Sa pagtatapos ng taong panuruan, hindi lamang kayo ๐๐ฎ๐ฆ๐๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ, binitbit niโyo rin ang patunay na ang inyong mga ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ang nagsilbing ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฌ sa gitna ng bawat ๐ค๐๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ก๐ข๐ง๐ ng inyong karanasan. ๐
Kaya naman, ang pahinang iyon ay ๐ฌ๐๐ฅ๐ฒ๐๐๐จ ng hindi matatawarang pagsisikap. At sa paghakbang ninyo sa panibagong yugto, nawaโy baunin ninyo ang ๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ at ang ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ sa mas malawak na paglalayag. Dahil hindi rito nagtatapos ang inyong paglalathala; simula pa lamang ito ng inyong mas matapang na ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐ฐ๐๐ง sa karunungan at kaalaman.
Saan man kayo dalhin ng agos, manatili kayong tapat sa inyong ๐ฆ๐ข๐ญ๐ก๐ข๐ข๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง sa buhay! ๐ซก
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐๐ด๐ผ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ, ๐๐ป ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ โ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ! ๐
Tangan ang ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ at ang inyong mga ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ. ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐โ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ด๐ ๐ฟ๐๐ฆ๐๐! ๐งก๐
โ๐ผ: Clarisse Rivero, Pangalawang Patnugot
๐๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช:
Mary Nathalie Arcilla, Tagapangasiwang Patnugot
Janelle Araรฑa, Taga-anyo ng Pahina
Carmella Lorraine Laguilles, Taga-anyo ng pahina
26/03/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Pagkilala sa Galing ng Isang Banquero
Isang makabuluhang araw ng tagumpay at pagkilala ang nasaksihan sa ika-36 na Recognition Rites sa Banquerohan National High School, kung saan pinarangalan ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga mag-aaral.
Sa kabila ng mga hamon na kanilang hinarap, ipinakita ng bawat isa na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa panalo, kundi sa kakayahang bumangon at magpatuloy. Tulad ng makabuluhang mensahe ni Sir Marlon A. Maravilla โSuccess is not about winning, itโs about rising.โ
Patunay ang araw na ito na ang bawat pagsisikap ay may bunga, at ang bawat pagkadapa ay may kaakibat na pagbangon.
๐๐ข๐ฑ๐ด๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Fiona Mae Perdigon
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Mary Nathalie Arcilla
Cassandra Balines
Kristel Basilla
Rahel Ariza Araรฑa
Edcel Botin
Althea Ellaine Botalon
๐๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช:
Janelle Araรฑa
Carmella Lorraine Laguilles
17/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐| Isinagawa ngayong araw, Marso 17, 2026 ang Career Guidance and Orientation sa Banquerohan National High School (BNHS) kung saan ipinakilala ng tagapanayam na si Raul B. Bendian, tagamasid ng programang pang-edukasyon, ang pagpapatupad ng Strengthened SHS Curriculum na naglalaman ng dalawang trackโAcademic at Technical-Professional (Tech-Pro)โupang gabayan ang mga mag-aaral ng ika-10 baitang sa mas malayang pagpili ng asignatura at landas para sa kanilang kinabukasan.
Sa pamamagitan ng oryentasyon at personality test, tinulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang kursong babagay sa kanilang interes at kakayahan, habang binigyang-diin din ni Jolan B. Torres, punong-g**o ng paaralan ang layunin ng programa na ihanda ang mga estudyante at g**o sa bagong sistema ng SHS na ipatutupad sa susunod na taong panuruan.
๐๐ข๐ฑ๐ด๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Mark Dave Asiado
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช:
Mary Nathalie Arcilla
๐๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช:
Carmella Lorraine Laguilles
11/03/2026
๐๐๐ง๐ช๐ฎ๐๐ซ๐จ๐ฌ ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐๐ง๐ -๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ญ๐ก๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐ | Krystine V. Bellen
Nagkamit ng ibaโt ibang parangal ang mga mag-aaral ng Banquerohan National High School (BNHS) sa mga patimpalak na isinagawa sa nasabing paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day of Mathematics 2026 na may temang โMathematics and Hopeโ nitong ika-11 ng Marso sa silid ng Baitang 10โFortuna.
Sa E-Modulo Arts, itinanghal na kampeon si Enghinne George L. Reodique ng Baitang 10 habang pumangalawa si Nesie Gail E. Paracuelles ng Baitang 8 at pumangatlo naman si Quecy Monique Asiado ng Baitang 7.
Nanguna naman sa Infographics si Mary Joy Luzano ng 11-STEM na sinundan ni Viana Pearl Lita ng Baitang 9 at si James Zaque Loreto naman ng Baitang 10 ang nagkamit ng ikatlong pwesto.
Samantala, sa Poster Making Contest, nagkamit ng unang pwesto si Justin M. Alejo ng Baitang 10, pumangalawa si Ronaliz A. Aringo ng Baitang 8 at pumangatlo si Novienne Keats C. Lita ng Baitang 7.
Nasungkit naman ang panalo sa Quiz Bee ng Pangkat 3 na binubuo nina Nicole Balde ng Baitang 7, Elton John Balmedina ng Baitang 8, Ken Armario ng Baitang 9, Gabriel Angelo Arias ng Baitang 10 at Angela Bausa ng Baitang 11, habang pumangalawa ang Pangkat 2 at pumangatlo naman ang Pangkat 4 na kapwa binubuo rin ng piling mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 11.
Nagbigay ng pambungad na bati si G. Daryl B. Macinas, puno ng departamento ng Matematika at makabuluhang mensahe naman ang ipinaabot ni G. Jolan B. Torres, punong-g**o ng paaralan.
Ayon kay John Edmon Ribaya, isa sa mga tagapangasiwa ng programa, naging mas bukas ang pagdiriwang ng Pi-Day ngayong taon para sa mas maraming mag-aaral.
โMas naging inclusive ang pagdiriwang ng Pi-Day ngayon dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na hindi karaniwang lumalahok sa kompetisyon ngunit sila ang sumubok at nagtagumpay, at sana ay mas na-appreciate nila ang ganda at kahalagahan ng matematika,โ ani Ribaya.
Dagdag pa niya na naging matagumpay pa rin ang programa sa kabila ng ilang hamon sa araw ng pagdiriwang.
โKahit na maraming challenges ang kinaharap tulad ng kawalan ng malaking venue at brownout maghapon, naging successful pa rin ang event dahil naging masaya ang mga bata sa ibaโt ibang activities,โ dagdag niya.
Sa pagtatapos ng programa at paggawad ng mga parangal, hinikayat ni Torres ang mga mag-aaral na patuloy na magsikap sa pag-aaral.
โLet the winners be an inspiration to the other students,โ pahayag niya.
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ:
Gemmiah Dhaine Trilles
Cassandra Balines
Rahel Ariza Araรฑa
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ:
Carmella Lorraine Laguilles
04/03/2026
Ang patnugutan ng An Layag ay buong pusong bumabati ng isang ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง sa ating kagalang-galang na punong-g**o, G. ๐๐ผ๐น๐ฎ๐ป ๐. ๐ง๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐! ๐
Ang inyong gabay at dedikasyon ay nagdudulot ng tagumpay na nakatuon sa bawat Banqueros. Saludo kami sa inyong malasakit at liwanag para sa ikabubuti ng paaralan.
Nawaโy maging puno ng pagpapala at kagalakan ang inyong espesyal na araw! โค๏ธ
02/03/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | [2/2] Mga delegasyon mula sa iba't ibang lungsod at probinsya ng rehiyon Bicol sa isinagawang opening parade at "saludo" bilang bahagi ng pagsisimula ng Palarong Bicol 2026.
Sa bawat kumpas ng mga kamay, galaw at ngiti ng mga manlalaro, tagasanay, opisyal, at mga g**o ay pagpapamalas din ng kanilang kahandaan, husay, determinasyon, at pusong Bicolano.
โ๐ผ: Sandy R. Lerin
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ:
Cassandra Balines
Rahel Ariza Araรฑa
Graciel Anne Laguilles
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ:
Carmella Lorraine Laguilles
Janelle Araรฑa
02/03/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | [1/2] Mga delegasyon mula sa iba't ibang lungsod at probinsya ng rehiyon Bicol sa isinagawang opening parade at "saludo" bilang bahagi ng pagsisimula ng Palarong Bicol 2026.
Sa bawat kumpas ng mga kamay, galaw at ngiti ng mga manlalaro, tagasanay, opisyal, at mga g**o ay pagpapamalas din ng kanilang kahandaan, husay, determinasyon, at pusong Bicolano.
โ๐ผ: Sandy R. Lerin
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ:
Cassandra Balines
Rahel Ariza Araรฑa
Graciel Anne Laguilles
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ:
Carmella Lorraine Laguilles
Janelle Araรฑa
02/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Sa pagbubukas ng Palarong Bicol 2026 kahapon, muling nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula sa Banquerohan National High School (BNHS) na buong pusong ibinandera sa opening salvo ang kanilang talento, disiplina, at pagkakaisa.
Ang bawat indak at pagwagayway ng makukulay na tela ay nagbigay kulay at sigla sa programa, na lalong nagpasaya at nagpasidhi sa diwa ng selebrasyon.
Ang matagumpay na pagtatanghal ng mahigit 200 mag-aaral mula sa nasabing paaralan ay pinangunahan ni Arnel Miranda, tagasanay, Jolan B. Torres, punong-g**o, mga tagapayo ng Baitang 10, at iba pang mga g**o.
โ๐ผ: Sandy R. Lerin
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ:
Graciel Anne Laguilles
Noel Del Valle Jr.
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ:
Carmella Lorraine Laguilles
Janelle Araรฑa
28/02/2026
๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐๐ฅ๐๐๐จ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง [2/2]
๐ฉ๐๐๐๐๐ | Cristine A. Mirabel
Naging sentro ng pagdiriwang ng National Arts Month 2026 sa Banquerohan National High School (BNHS) kanina ang ibaโt ibang malikhaing pagtatanghal ng mga mag-aaral sa programang may temang โAni ng Sining: Katotohanan at Giting,โ na ginanap sa covered court ng nasabing paaralan.
Ibaโt ibang seksyon mula sa junior at senior high school ang lumahok sa programa, kabilang ang Baitang 11 - HUMSS B, Baitang 8 - Architect, Consultant at Firefighter, pati na rin ang Baitang 10 - Aeros, Galatea at Hermes, na naghandog ng mga sayaw at malikhaing presentasyon na sumasalamin sa kahalagahan ng sining at kultura.
Sa pambungad na mensahe, hinikayat ni Angelina M. Alcantara, g**o sa MAPEH, ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at malikhaing adhikain.
โContinue to dream, may the inspiration of your dreams guide you to draw not only in your hearts but also in the whole community,โ pahayag niya.
Isinagawa naman sa hapon ang โTheater Frameโ kung saan itinanghal ng mga mag-aaral mula Baitang 9-Finland, Egypt, Denmark, Germany, Colombia, Brazil at Australia ang mahahalagang pangyayari sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Josรฉ Rizal, mula Kabanata 1 hanggang 64.
Ibinahagi ni Ricky Aringo Jr. ng Grade 9 na bagamaโt nakakaramdam siya ng kaba ay nanaig pa rin ang saya matapos ang kanilang pagtatanghal.
โKinakabahan pero masaya dahil ilang linggo naming pinaghandaan at may mga sumuporta at naka-appreciate ng performance namin,โ ani Aringo.
Ayon naman kay Devine Francesca Montevirgen ng Baitang 10, naging hamon ang pamumuno at paghahanda ng kanilang grupo, lalo naโt ito ang kanilang unang karanasan sa ganitong klase ng pagtatanghal, ngunit nalampasan nila ito sa tulong ng pagtutulungan at pananampalataya.
Samantala, ibinahagi nina Rhea Mae Villena at Jannah Mae Botin ng Baitang 10 na halo ng kaba at saya ang kanilang naramdaman habang nasa entablado, subalit nanaig ang kasiyahan matapos maisakatuparan ang kanilang sayaw at makapagbigay-aliw sa mga manonood.
Ipinahayag din ni Akhira L. Palma ng Grade 9 na naging mahalagang karanasan ang Theater Frame dahil hindi lamang nila naipakita ang kuwento at mensahe ng Noli Me Tangere kundi napaunlad din ang kumpiyansa ng bawat mag-aaral na lumahok.
Nagsilbing patunay ang pagdiriwang ng National Arts Month 2026 sa BNHS sa husay, dedikasyon, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagbibigay-buhay sa sining at panitikan sa pamamagitan ng iba't ibang pagtatanghal at pagsasadula.
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ:
Kristel Basilla
Edcel Botin
Athena Miel Arcilla
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ:
Janelle Araรฑa
Carmella Lorraine Laguilles
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Legazpi
4500