Project SPLIT DAR Laguna
Support to Parcelization of Lands for Individual Titling
๐ฅ https://bit.ly/3qyJny1
Ang Project SPLIT Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) Primer ay ginawa upang maipakilala ang Proyekto sa ating mga ARBs sa madetalyadong pamamaraan.
๐ฅ Maaari din i-download ang PDF format ng primer na ito sa pamamagitan ng pag pindot sa sumusunod na link :
๐ฅ https://bit.ly/3qyJny1
24/03/2026
16/03/2026
๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฒ๐น๐ฑ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐ง ๐ง๐ฎ๐๐ธ ๐๐ผ๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ปc๐ฒ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ฒ๐. ๐ฎ๐น. ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐น, ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ
Matagumpay na isinagawa ng DAR Laguna Project SPLIT Team ang Field Validation sa Princesita Bacanto et. al. Landholding sa Brgy. Galalan, Pangil, Laguna noong ika-10 hanggang ika-13 ng Marso, 2026 na may kabuuang 180.0015 na ektaryang lupain.
Sa unang araw ng validation, personal na nakiisa sa inspeksyon ng mga lupain sina PARPO II Rommel Q. Bote, CAO Myra A. Cagungun, at Parcelization Coordinator Divina P. Torres.
Kasama ang Laguna SPLIT Task Force, sinuri ang aktwal na kalagayan ng mga pananim at ang okupasyon ng mga magsasaka sa nasabing area. Nakasama rin sa gawain na ito sina BARC Chairman Meet Machino at PARCCOM Danilo Saligumba.
Nakasabay rin sa nasabing validation ang Department of Agriculture Region IV-A na nagsagawa ng livestock ocular sa lugar. Kasama sa mga nakiisa mula sa DA at mga katuwang na ahensya sina Alfredo Advento (APCO Laguna SRA), ang Livestock Banner Regional Base, LGU MAO Antonio Valin, Maria Lady Len Andal (Agriculturist 1), at Lea C. Laucin (Provincial Vet).
Sa loob ng apat na araw, kabuuang 306 na indibidwal ang sumailalim sa panayam kabilang ang 29 na ARBs. Layunin ng validation na ito na matiyak ang wastong datos bilang paghahanda sa pagpoproseso ng mga indibidwal na titulo sa ilalim ng Project SPLIT.
Lubos ang pasasalamat ng DAR Laguna sa mainit na pagtanggap at suporta ng pamunuan ng Brgy. Galalan, sa mga Purok Lider, at sa buong komunidad na naging katuwang upang maging maayos at mapayapa ang nasabing validation.
08/03/2026
๐ธ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ป'๐ ๐๐ฎ๐ | ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฌ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ธ๐
โ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐-๐๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผโ
Ang International Womenโs Day, na ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Marso, ay nagbibigay-pugay sa lakas, tagumpay, at mahahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan. Paalala rin ito ng kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at ng patuloy na pagpapatibay sa kanilang papel bilang inspirasyon at tagapaghatid ng pagbabago.
Mainit at taos-pusong pagbati ang aming ipinapaabot sa ating mga kababaihang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at sa mga kawani ng DARPO Laguna na patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng agraryo at ng ating mga komunidad. Kasabay ng pagdiriwang, muli nating isinusulong ang pangarap ng isang patas at inklusibong lipunan
04/03/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐น๐ถ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ผ-๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ฒ๐. ๐ฎ๐น. ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด | ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฏ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa pangalawang araw ng aktibidad ng Project SPLIT, ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni PARPO II Rommel Q. Bote at sinundan ng pagsusog ni OPL Wilson Garcia sa mga kaganapang nagtapos kahapon sa screening. Inilahad ang mga sinalang na datos upang muling beripikahin, alinsunod sa mas malinaw na pagsumite ng Masterlist.
Kasabay nito, ipinamahagi ang mga karangalan sa masisipag na Purok Leaders ng Sitio Guisguis Brgy. Galalan Pangil, Laguna, kasama si Punong Barangay Josephine C. Taniegra at BARC Meet Matchino. Pormal namang isinara ni Chief Legal Atty. Perseus Antigua ang aktibidad sa pamamagitan ng pasasalamat at paghikayat sa patuloy na pagsuporta ng ating mga Purok Leaders gayundin ng mga opisyales ng Brgy. Galalan. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang photo opt kasama ang mga kawani ng DAR Laguna at mga lumahok sa nasabing aktibidad.
Ang matagumpay na presentasyon ng datos ay resulta ng sama-samang pagkilos para sa mas malinaw at maayos na Masterlist.
02/03/2026
UPDATE | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐น๐ถ๐๐ ๐ป๐ด ๐๐ฅ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ผ-๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ฒ๐. ๐ฎ๐น ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด | ๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Isinasagawa ngayong araw, ika-2 hanggang bukas ika-3 ng Marso ang screening ng mga ARB at ang Finalization ng Masterlist para sa Gavino-Jamilar et. al landholding sa pamumuno ni PARPO II Rommel Q. Bote at ng SPLIT Project Team na silang namamahala sa pagkakaloob ng mga indibidwal na titulo sa mga magsasakang ARB. Kasama rin sa aktibidad ang mga Purok leader na silang nakakakilala sa mga taong nakapanayam ng mga kawani ng DAR at ilang opisyales ng Barangay Galalan na sina Kapitana Josefine C. Taniega, BARC Chairman Meet Matchino, at PARCOM Danilo Saligumba.
Pinangunahan ni CAO Myra Cagungun ang aktibidad sa pagbibigay ng pambungad na pananalita na sinundan naman ng maikling pagpapakila ni BARC Matchino sa mga Purok Leader, at sinegundahan ng mga miyembro ng Laguna SPLIT Project Team. Bilang pagpapatuloy, ipinaliwanag ni Parcelization Coordinator Divina Torres ang rasyonal ng pagbuo ng masterlist alisunod sa mga ordinansa at proklamasyon ukol sa kwalipikasyon ng mga potensyal na mapagkalooban ng indibidwal na titulo. Ito ay sinundan ng isang Workshop at pormal na screening ng mga aktwal na mga okupante na nakapanayam noong Field Validation.
Layunin nito na masusing masuri at makumpleto ang listahan ng mga ARB at mga aktwal na umuokupa sa nasabing lupa, at mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga participants sa mga kwalipikasyon sa pagkilatis para sa mga susunod pang proseso pagkatapos ng redokumentasyon.
โInaasahang magpapatuloy bukas ang nasabing workshop at presentasyon sa nasabing screening.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Laguna
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |