Ang Kilat

Ang Kilat

Share

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Matlang National High School.

Photos from Ang Kilat's post 21/09/2026

BAON ANG SAYA'T LUHA NG TATLONG G**O SA MNHS

Pormal nang nagpaalam sa Matlang National High School (MNHS) ang mga g**ong sina Gng. Christine Cartoneros, Gng. Crisanta Fuentes, at Gng. Anna Mae Loreto sa isinagawang Send-Off Party ngayong araw, ika-21 ng Septyembre, 2026.

Nagtipon ang mga g**o at mag-aaral upang magbigay ng mga mensahe para sa tatlong g**ong lilipat na sa ibang paaralan na mas malapit sa kani-kanilang mga tahanan.

Isa-isang nagbahagi ng mensahe ang kanilang mga kapwa g**o, na nagbalik-tanaw sa mga karanasan, kontribusyon, at samahang nabuo sa kanilang pananatili sa MNHS.

Naging emosyonal ang programa habang ibinabahagi ng mga g**o at mag-aaral ang kanilang saloobin at pabaong mensahe sa tatlo. Binigyang-diin din ang mga masasayang karanasang kanilang pinagsamahan bilang bahagi ng komunidad ng paaralan.

Sa kanilang mga mensahe, taos-pusong nagpasalamat sina Gng. Cartoneros, Gng. Fuentes, at Gng. Loreto sa Matlang National High School (MNHS), gayundin sa kanilang mga kapwa g**o at mag-aaral na naging mahalagang bahagi ng kanilang pananatili at paglilingkod sa paaralan.

Ayon kay Jade Niño Roa isang mag-aaral ng MNHS na nakapanayam, kapwa niya naramdaman ang lungkot at saya sa pag-alis ng tatlong g**o.

“Malungkot na may halong saya rin para sa kanila. Malungkot kasi alam kong pupunta na sila sa ibang paaralan at doon na sila magtuturo. Mami-miss talaga namin sila lalo na at napamahal na rin kami sa kanila,” pahayag ni Roa.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe ang punong-g**o ng paaralan, na nagpahayag ng kanyang pagpapahalaga sa tatlong g**o at nagbigay ng mga hiling para sa kanilang mabuting kalusugan, kasaganahan, kaligayahan, at tagumpay sa panibagong yugto.

Sa pagtatapos ng programa, baon ng tatlong g**o ang mga alaala at ugnayang nabuo nila sa MNHS habang tinatahak ang kanilang panibagong tungkulin sa ibang paaralan.

✒️ Isinulat nina: Zuzette Abalos at Princess Jean Cañete
📷 Kuha nina: Keith Dumagsa at Crystal Jay Calumpag

19/09/2026

MNHS, NILAMPASAN ANG SFNHS SA 80–69 PANALO

Naitala ng Matlang National High School (MNHS) ang 80–69 panalo kontra San Francisco National High School (SFNHS) sa Inter-High School Men’s Basketball ngayong Sabado, ika-19 ng Setyembre, sa Galicano N. Ruiz Center (GNRC), bilang bahagi ng Sidlak ISABELympics 2026.

Magpapatuloy ang kampanya ng MNHS sa pagharap nito sa Isabel National High School (INHS) ngayong Biyernes, ika-25 ng Setyembre, sa parehong lugar.

✒️ Isinulat ni: Icel Joy Gerbabuena
💻 Likha ni: Mark Laurence Nim

18/09/2026

MNHS, DINAGDAGAN ANG PANALO MATAPOS PATAUBIN ANG DBS

Pinaulanan ng puntos ng Matlang National High School (MNHS) ang Doane Baptist School (DBS) matapos makuha ang 123–28 panalo sa Inter-High School Men’s Basketball ngayong Biyernes, ika-18 ng Setyembre, sa Galicano N. Ruiz Center (GNRC), bilang bahagi ng Sidlak ISABELympics 2026.

Mula sa unang quarter, agad na nakakuha ng malaking kalamangan ang MNHS at hindi na ito binitiwan hanggang sa dulo, dahilan upang makamit ang panalo laban sa DBS.

Sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya, makakaharap ng MNHS ang San Francisco National High School (SFNHS) bukas, ika-19 ng Setyembre, sa parehong lugar.

✒️ Isinulat ni: Icel Joy Gerbabuena
💻 Likha ni: Mark Laurence Nim

17/09/2026

𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻?! 𝟲:𝟯𝟬 𝗮𝗺 𝗻𝗮, 𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗺𝗮𝗲𝗺! 😭💔

Byaheng Second Term na tayo, Kilatons! Bagong termino, bagong aralin, bagong deadlines—pero 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙗𝙖𝙧𝙮𝙤? Tuloy pa rin. 🥀

Na para bang ang masasabi lang natin ay,
“𝙏𝙀𝙆𝘼 𝙇𝘼𝙉𝙂, 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙋𝘼 𝘼𝙆𝙊 𝙃𝘼𝙉𝘿𝘼! 😞💔”
Mapahanda man o hindi, walang atrasan, Kilatons! Panibagong term, panibagong laban!

Kung 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮 natin ang First Term, 𝗺𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗻 din natin ang Second Term! 🤞🏻✨

✒️ Isinulat ni: Mitzie Rose Villanueva
🖼️ Likha ni: Chriz Angel Roche

12/09/2026

MNHS, BINULSA ANG 110–59 PANALO KONTRA LLCI

Binulsa ng Matlang National High School (MNHS) ang 110–59 panalo kontra LIDE Learning Center Inc. (LLCI) sa Inter-High School Men’s Basketball na ginanap sa Galicano N. Ruiz Center (GNRC) nitong Sabado, ika-12 ng Setyembre, bilang bahagi ng Sidlak ISABELympics 2026.

Dahil sa matibay na laro ng koponan, nakamit ng MNHS ang unang panalo nito sa torneo at naglatag ng magandang simula sa kanilang kampanya.

Muling sasabak ang MNHS laban sa Doane Baptist School (DBS) ngayong Biyernes, ika-18 ng Setyembre, sa parehong lugar.

✒️ Isinulat ni: Icel Joy Gerbabuena
💻 Likha ni: Mark Laurence Nim

Photos from Ang Kilat's post 10/09/2026

MNHS, NAGBALIK SA Y2K SA ACQUAINTANCE PARTY '26

Muling binuhay ng Matlang National High School (MNHS) ang makulay na kultura ng unang bahagi ng dekada 2000 sa pamamagitan ng Y2K Acquaintance Party 2026 na isinagawa noong ika-9 ng Setyembre 2026 sa covered court ng paaralan.

Pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), katuwang ang pamunuan ng paaralan, ang pagtitipon na naglalayong pag-ugnayin ang mga mag-aaral, mapalawak ang pagkakaibigan, at mapatatag ang samahan ng buong pamayanang pampaaralan.

Sa pambungad na mensahe, binigyang-halaga ni Christine Vitualla, tagapayo ng SSLG, ang pagkakataon para sa mga mag-aaral na makabuo ng mga bagong pagkakaibigan at karanasan sa labas ng kanilang mga gawaing pang-akademiko. Aniya, ang paaralan ay hindi lamang lugar ng pagkatuto kundi isang pamayanan kung saan nabubuo ang pagkakaibigan, naibabahagi ang mga karanasan, at nalilikha ang mga alaala.

Binigyang-buhay naman ng mga g**ong nagsasanay sa asignaturang MAPEH ang programa sa pamamagitan ng isang pagtatanghal bilang pambungad na aliw para sa mga kalahok.

Sinundan ito ng “MNHS Got Talent: Y2K Edition,” kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa pag-awit at pagtatanghal, kasabay ng larong “Hulaan ang Awit” na nagdagdag ng interaktibong bahagi sa programa.

Nangibabaw si Miggy Maghacut matapos niyang awitin ang “Araw Gabi” ni Regine Velasquez, na nagkamit ng kampeonato sa kompetisyon.

Samantala, pumangalawa si Felixa De Leon, sinundan ni Cyrus Yare sa ikatlong puwesto at ni Ronie Panlobasan sa ikaapat na puwesto.

Itinampok din sa programa ang Y2K Fashion Showcase, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasuotang hango sa mga uso at estilong popular noong unang bahagi ng dekada 2000.

Kinilala bilang Pinakamahusay na Kasuotan sa Y2K sa kategoryang babae si Mitzhume Nicole B. Mesias, habang si Jiaxuan Jiaye A. Melendres naman ang itinanghal na Pinakamahusay na Kasuotan sa Y2K sa kategoryang lalaki.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magsaya, makipagkaibigan, at makalikha ng mga bagong alaala habang muling binubuhay ang musika, pananamit, at kultura ng Y2K.

✒️ Isinulat ni: Nicole Ian Doguiles
📷 Kuha nina: Keith Dumagsa at Shantal Sequito

09/09/2026

ISABEL, NASUNGKIT ANG TANSO SA MEN’S SECONDARY TEAM CHESS SA KAMMIPAA '26

Nasungkit ng Isabel ang tansong medalya sa Men’s Secondary Team Chess sa ginanap na Kananga, Albuera, Matag-ob, Merida, Isabel, Palompon Athletic Association (KAMMIPAA) Meet 2026 sa Tabgas Convention Center, Albuera, Leyte, noong Setyembre 8, 2026.

Sina Arkhin Jay Culminas ng Matlang National High School (MNHS), Kenneth Enghug, at John Angelo Olivar ng Isabel National Comprehensive School (INCS) ang kumatawan sa Isabel sa nasabing kaganapan.

Pinagsama ang mga puntos na nakamit ng bawat miyembro ng koponan upang matukoy ang kabuuang puntos ng bawat pangkat. Nakapagtala ang Isabel ng 8.5 puntos at nakamit ang ikatlong puwesto, habang nanguna ang Palompon at pumangalawa ang Albuera na kapwa nagtala ng siyam na puntos.

“Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil huling laro ko na ito, at hindi na ako nakasama sa Provincial Meet. Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakuha namin ang tansong medalya bilang isang pangkat,” pahayag ni Culminas sa isang panayam.

Hindi nakapasok ang Isabel sa nalalapit na Provincial Meet, ngunit nakatulong ang tansong medalya sa pag-angat ng kanilang pangkalahatang talaan ng medalya sa nasabing kaganapan.

✒️ Isinulat ni: Sophia Matuguina
💻 Likha ni: Alleah Dela Cruz

09/09/2026

ISABEL, NATAMO ANG TANSO SA WOMEN’S CHESS TRIO SA KAMMIPAA '26

Nakamit ng Isabel ang pangatlong puwesto matapos magtala ng pinal na iskor na walong puntos sa paligsahan ng Women’s Team Chess sa ginanap na Kananga, Albuera, Matag-ob, Merida, Isabel, Palompon Athletic Association (KAMMIPAA) Meet 2026 sa Tabgas Convention Center, Albuera, Leyte, noong Setyembre 8, 2026.

Binubuo ang Women’s Team Chess ng tatlong manlalaro—sina Lean Faith Baring ng Isabel National Comprehensive School (INCS), Charmaine Casas ng Bilwang National High School (BNHS), at Shella Mae Estrera ng Matlang National High School (MNHS).

Nasungkit ng Palompon ang gintong medalya matapos magtala ng siyam na puntos, habang pumangalawa ang Kananga na kapwa nagtala ng walong puntos.

Ipinamalas ng Isabel trio ang kanilang kagalingan sa pamamagitan ng mahusay na kontrol, pokus, at estratehiya, na naging daan upang makamit ang tansong medalya.

Ginamit ang resulta ng bawat miyembro ng koponan bilang tiebreaker sa pagitan ng Isabel at Kananga matapos kapwa magtala ng walong puntos, upang matukoy kung sino ang makatatanggap ng pilak at tansong medalya.

“Nanghihinayang ako na hindi namin nakuha ang gintong medalya, sapagkat huling pagkakataon na namin ito. Ngunit, masaya pa rin ako na isa ako sa napiling kumatawan sa Isabel at makasali sa paligsahan bilang isang mag-aaral na malapit nang magtapos,” ani Estrera sa isang panayam.

✒️ Isinulat ni: Sophia Matuguina
💻 Likha ni: Alleah Dela Cruz

09/09/2026

ISABEL, NASUNGKIT ANG PILAK SA MEN’S 9-BALL BILLIARDS SA KAMMIPAA '26

Nakamit ni Reggie Taripe ng Matlang National High School (MNHS), na kumakatawan sa Isabel, ang pilak na medalya matapos mabigong talunin si Soner ng Albuera sa iskor na 4–5 sa ginanap na Kananga, Albuera, Matag-ob, Merida, Isabel, Palompon Athletic Association (KAMMIPAA) Area Sports Meet sa Asai Billiards Hall, San Pedro St., Poblacion, Albuera, Leyte, noong Setyembre 8, 2026.

Samantala, nasungkit naman ni Agustin ng Merida ang tansong medalya.

Ipinamalas ni Taripe ang kanyang husay, pokus, at determinasyon sa bawat laro. Sa kabila ng matinding sagupaan, nanatili siyang kalmado at nakatuon hanggang sa huling laban, na nagbunga sa kanyang pagkamit ng ikalawang puwesto.

“Masaya at proud pa rin ako dahil naipakita ko ang aking makakaya sa buong laban. Kahit hindi ko nakuha ang unang puwesto, nagpapasalamat ako dahil naging magandang karanasan ito para sa akin at marami akong natutunan. Malaki rin ang pasasalamat ko sa aking coach sa kanyang gabay at suporta, pati na rin sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta sa akin,” pahayag ni Taripe sa isang panayam.

Sa pagkamit ng pilak na medalya, nakatakdang kumatawan si Taripe sa Area IV sa nalalapit na Provincial Meet.

✒️ Isinulat ni: Martha Cerro
💻 Likha ni: Alleah Dela Cruz

09/09/2026

ISABEL, NASUNGKIT ANG GINTO SA MEN’S 8-BALL BILLIARDS SA KAMMIPAA '26

Nasungkit ni Jomar Fabroa ng Matlang National High School (MNHS), na kumakatawan sa Isabel, ang gintong medalya sa Men’s 8-Ball Billiards matapos talunin si Marquez ng Palompon sa iskor na 5–2 sa ginanap na Kananga, Albuera, Matag-ob, Merida, Isabel, Palompon Athletic Association (KAMMIPAA) Area Sports Meet sa Asai Billiards Hall, San Pedro St., Poblacion, Albuera, Leyte, noong Setyembre 8, 2026.

Samantala, nasungkit naman ng Kananga ang tansong medalya.

Ipinakita ni Fabroa ang kanyang kahusayan, pokus, at mahusay na pagkontrol sa bawat tira. Sa kabila ng matinding kompetisyon, nanatili siyang determinado at nakatuon hanggang sa huling laro, na nagbigay-daan sa kanyang pagkamit ng kampeonato.

“Masayang-masaya ako dahil matagumpay kong nasungkit ang ginto. Nagpapasalamat din po ako sa aking coach na si Gng. Stella Mariz Daffon sa kanyang walang-sawang paggabay, suporta, at pagtuturo sa akin. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng sumuporta at naniwala sa akin hanggang sa huli. Malaking bahagi sila ng tagumpay na ito,” pahayag ni Fabroa sa isang panayam.

Sa pagkapanalo ni Fabroa, nakatakdang kumatawan ang Isabel sa Area IV sa nalalapit na Provincial Meet.

✒️ Isinulat ni: Martha Cerro
💻 Likha ni: Alleah Dela Cruz

Want your business to be the top-listed Media Company in Isabel?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Matlang, Leyte
Isabel

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Kilat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Isabel.