Prof. Jay's Vlog

Prof. Jay's Vlog

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Prof. Jay's Vlog, Education, Purok Libis II, Infanta.

03/11/2024

Para ito sa lahat ng gustong matuto sa research/thesis/dissertation/practical research/action research.

03/11/2024

Please follow my page para sa LIBRENG RESEARCH CONSULTATION.
Please join din sa aking group (RESEARCH IS LOVE!) para updated kayo sa ating mga activities tungkol sa research.

Prof. Jay's Vlog 03/11/2024

RESEARCH IS LOVE!

Welcome po sa lahat ng mga students sa Senior High School, College, Master's Degree, at Doctoral Degree.
Kada Sabado po ay pipili tayo ng dalawang tao na bibigyan natin ng libreng consultation sa research.
Priority po natin ang educational research at ang social science research.

Kaya follow ninyo po ang Page na ito (Prof. Jay's Vlog) at mag-join po kayo sa group na ito (RESEARCH IS LOVE) para mabawasan ang stress ninyo sa research. Maraming salamat po.

Please subscribe po sa YouTube Channel ko para mapanood ninyo ang ating mga lectures/free consultation. https://www.youtube.com/.jaysvlogs9515

Let's spread love. Research is fun.

Prof. Jay's Vlog Attention: SHS, College, and Graduate School Students, ang channel na ito ang tutulong sa inyo sa inyong RESEARCH/THESIS/DISSERTATION/ACTION RESEARCH. Subscribe to this channel and like and share my videos for more informative content. You can also request kung anong gusto ninyong content na pwede k...

24/02/2024

Need ng Consultant sa Thesis/Dissertation/Research Proposal/Data Analysis sa College, Master's o Doctorate Degree?
Available ako kapag Saturday or Sunday. Pm lang po para ma-isked agad at para hindi kayo mahirapan.

23/02/2024

PLAGIARISM???

Para po ito sa lahat ng mga students o graduate students na nalilito kung papaano ba aayusin ang papers na tsinek gamit ang Turnitin, CrossCheck, etc.

Ang percentage po na na gegenerate ng mga tools na nabanggit ay gabay lang natin upang mas madaling makita kung alin sa mga entries sa ating practical research/thesis/dissertation ang may mataas na LEVEL OF SIMILARITY. Ang mataas na level of similarity ay d nangangahulugang nagnanakaw ka na ng idea. Bagkus, ito ay nagpapakita na parehong-pareho ang mga nakalagay sa research mo sa mga research o mga intellectual properties na nakasulat na o naka-publish na.

Ang nga ba ang dapat nating gawin? Dapat nating suriing mabuti ang mga entries sa ating research na may similarity sa ibang studies. Maaaring nalimutan nating i-cite o kilalanin ang authors na pinagkunan natin kaya dapat natin silang balikan at i-cite. Mas mabuti rin na iparaphrase natin ang mga entries na matataas ang level of similarity at wag kakalimutang i-cite pa rin ang source na pinagkunan natin gamit ang citation at referencing style na ipinapagamit ng ating g**o, instructor, o professor.

Maling isipin na kapag 15%, o 10%, o kaya naman ay 5% na lang ang level of similarity ay d na natin aayusin ang entries ng ating research. Depende ito sa situation. Halimbawa, kahit 10% na lang ang natitirang level of similarity sa research natin at ang 8% naman dito ay kinuha mo sa mga sources na d mo nagawang i-cite, hindi pa rin kaaya-aya o mali pa rin na hindi natin i-cite ang source.

Gusto ko lang pong ipabatid na ang paggamit ng plagiarism checkers ay hindi lang dahil gusto nating mapababa ang level of similarity, kundi upang tulungan tayo na masiguradong hindi natin nalalabag ang Intellectual Property Code ng Pilipinas. Isa pa, isa sa mga pamantayan ng mga research journals sa buong mundo (COPE) na ang ating mga research ay dapat kumikilala sa kontribusyon ng mga authors para sa mga sources na ating ginamit sa ating sariling research article.

Maraming salamat po.

26/11/2023

WARNING!!! Pakibasa po.
Effective nga ba ang INTERVENTION na aking ginamit sa EXPERIMENTAL RESEARCH/ACTION RESEARCH?
Pwede na bang masabing EFFECTIVE ang aking INTERVENTION kapag nareject ko ang null hypothesis (H0) na “At 5% level of significance, there is no significant difference between the performance of the control and experimental group after the implementation of my INTERVENTION?

Tara pag-usapan natin.

Nakakatuwa na umuusad na ang larangan ng research at marami na ang utay-utay na nakaka-appreciate rito. Pasubali, kailangan nating maging maingat sa ating pagsusulat ng mga research results at conclusions sapagkat ang mga ito ay paniniwalaan ng mga tao bilang batayan ng kanilang desisyon sa mga bagay-bagay na kanilang gagawin.

Marami ngayong mga pag-aaral ang nakikita kong napakaganda ng hangarin ngunit hindi masyadong naaanalisa ang paraan ng pagkakasulat. Halimbawa, may mga pag-aaral na naisagawa na ang nagsasabing effective ang INTERVENTION na naisagawa ng mananaliksik pasubaling wala tayong makitang malinaw na ebidensya.

Marami sa mga researchers na gumagamit ng experimental na pamamaraan ay hindi masyadong oriented sa paggamit at limitation ng p value. Sa rule ng p value approach, kapag mas maliit ang p value (halimbawa 0.01) kumpara sa nakaset na level of significance (halimbawa 0.05) ay sinasabi nating may malaking pagkakaiba sa performance ng dalawang grupo (halimbawa control at experimental groups).
Ating nais ipaalala na hindi porket nagkaroon ng mas mababang p value ang comparison ng dalawang grupo (control at experimental) pagkatapos gamitin ang treatment sa experimental group ay epektibo na ang treatment na ginamit ng isang researcher.

Magbigay tayo ng halimbawa. Kunwari may isang pag-aaral kung epektibo ba ang paggamit ng isang bagong strategy o hindi sa mga mag-aaral. Sa sitwasyong ito ang highest possible score sa ginawang test ay 50 at nakakuha ang control group ng central tendency na 14 samantalang ang experimental group ay nakakuha ng central tendency na 21. Dito ay magkakaroon ng difference na 7. Gamit ang pinakatamang inferential test (test of significance difference), maaaring makitang may mababang p-value ang ginawang computation. Kunwari, ang p-value na nakuha ay 0.01. So ibig sabihin, may sapat tayong ebidensya para sabihing may significant difference ang performance ng control at experimental group.
ANG TANONG, PWEDE BA NATING MASABI NA EPEKTIBO ANG ATING GINAWANG INTERVENTION PARA SA MGA MAG-AARAL?

Ang sagot ay HINDI PO. Hindi nangangahulugang may significant difference ang dalawang grupo ay epektibo na ang ating intervention. Ano ang kailangan nating gawin para masabing epektibo ang ating INTERVENTION? Una, alamin muna natin ang ibig sabihin ng epektibo. Ang sabi ng Oxford Dictionary, EFFECTIVE means “SUCCESSFUL IN PRODUCING A DESIRED OR INTENDED RESULT”. Ano ba ang ang DISIRED OR INTENDED RESULT natin para sa mga bata? HINDI BA’T ANG PUMASA SILA. Pasado na ba kapag 21/50?
Kapag hindi pa, HINDI NATIN PWEDENG SABIHING EFFECTIVE ANG ATING INTERVENTION.

Ay ano lang ang pwede nating sabihin? ANG PWEDE LANG NATING SABIHIN AY “THE PERFORMANCE OF THE STUDENTS ARE HIGHER WHEN THE INTERVENTION IS IN PLACE KUMPARA KUNG WALA, GAYA NG SA CONTROL GROUP”.

Tandaan po palagi natin na ang p value ay hindi pwedeng maging sole source para masabi kung effective ang isang intervention o hindi. Marami na ang mga pag-aaral sa field ng medicine ang nagwa-warn sa atin sa maling paggamit ng p value. Maari nyu pong basahin ang article na “Using Effect Size-or Why the P Value Is Not Enough” na nakapublish sa National Library of Medicine ng US para sa paglilinaw na ito. Sabi nga sa isa pang pag-aaral na nakapublish pa rin sa National Library of Medicine ng US, bukod sa p value ay mas maganda na ipakita rin natin at suriing mabuti ang effect size, ang results ng descriptive part ng study, ang confidence interval, at ang iba pang mga bagay na dapat I consider kagaya ng “ano ba ang passing percentage” para masigurado natin na ang pagsusulat ng results o conclusion ng ating ginawang pag-aaral ay mas malinaw. Tandaan, ang bawat research approach ay may sinusunod na philosophy. Hindi sapat ang computation lang kapag gumagawa ng research.

Maging maingat po sana tayo sa pagsusulat sapagkat napakahalaga nito para sa pag-unlad ng bayan.

19/09/2023

Thank you sa feedback nyu, Sir.
Sa mga magpapa consult ng thesis/dissertation/practical research, pm lang po kayo.

17/09/2023

Thanks a lot sa comment, Ma'am.
Sa mga magpapa consult ng thesis/dissertation/practical research, pm lang po kayo.

11/09/2023

Maraming salamat po sa feedback ng aking client sa research noong linggo. Super appreciated po ito, Sir.

Pm lang po sa magpapa-guide sa practical research/thesis/dissertation.

03/09/2023

Thanks sa iyong positive feedback, Sir! Sa mga MAG CONSULT ng thesis/practical research/dissertation, pm nyu lang po ako. Available po ako tuwing Saturday and Sunday.
Pm for more details.

30/08/2023

Abangan ninyo po yong discussion natin tungkol sa Background of the Study.

Good night.

Want your school to be the top-listed School/college in Infanta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Address

Purok Libis II
Infanta
4336