HennCrafted.ph

HennCrafted.ph

Share

Keepsakes • Journals • Crafted with heart
"Some memories fade. Yung iba... deserve ma-frame, ma-journal, o maging keychain. 😉"

08/09/2026
06/08/2026

Akala ng iba simpleng sticker lang ito.
Pero para sa akin, paalala ito sa tatanggap na may mensaheng naghihintay sa loob.
Hindi ko alam kung kailan nila ito bubuksan.
Hindi ko alam kung babasahin nila agad.
Pero naniniwala ako na ang Salita ng Diyos ay may kakayahang abutin ang puso ng tao sa tamang oras.
Minsan ang role natin ay hindi para mangumbinsi.
Minsan ang role natin ay mag-anyaya.

05/08/2026

Marami ang nagtatanong kung paano ko ito ginagawa, kaya eto na ang simple process.
I’m also giving the PDF files for FREE para mas marami pang makapag-share ng Gospel sa practical at maayos na paraan.
Kasama ang:
- Gospel color card insert
- Gospel tract
- “Read the Good News” sticker file

Comment “GOOD NEWS” at isi-send ko ang free PDF files. 🤍

04/08/2026

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni God sa puso ng bawat tumatanggap nito.
May ilan na agad nagbubukas ng package.
May ilan na inilalagay muna sa bulsa.
May ilan na nakangiting nagsasabing “Salamat po.”

Hindi ko hawak ang bunga.
Pero naniniwala ako na walang nasasayang na kabutihang may kasamang Mabuting Balita.

Kung may isang tao kang gustong ma-encourage na mag-share ng Gospel sa simpleng paraan, i-share mo itong post sa kanya.

03/08/2026

Ito ang laman ng maliit na card insert na kasama ng bracelet.
Simple lang siya, pero malinaw.
Minsan hindi natin kailangan ng mahahabang salita para maipakita ang kabuuan ng Gospel:
God — Sin — Jesus — Forgiveness — Growth — New Life

Comment “COLORS” kung gusto mong i-send ko ang printable PDF nito.

02/08/2026

Hindi ko sinasabing mali ang pagbibigay ng tract.
Actually, mahalaga pa rin iyon.

Pero sa personal experience ko, mas nagiging intentional ang tao kapag may kasama itong maliit na keepsake na ginawa nang may pag-ibig.

Minsan ang bracelet ang dahilan para hindi nila agad itapon ang package.
At baka ang ilang minutong pagbasa nila ng Gospel tract ang maging simula ng pakikipag-usap ng Diyos sa puso nila.

Save this post kung gusto mong subukan ang ganitong paraan ng pag-share ng Gospel.

01/08/2026

Minsan gusto nating mag-share ng Gospel of Salvation pero nauunahan tayo ng hiya, kaba, o takot na baka mali ang masabi natin.

Kaya ito ang simpleng paraan na ginagawa ko.

Kapag bumabyahe kami papuntang church, nagbibigay ako ng Gospel bracelet kasama ang card insert na nagpapaliwanag ng Gospel colors at isang simpleng tract tungkol sa kaligtasan kay Jesus.

Hindi ito tungkol sa bracelet.

Ang mahalaga ay mabuksan nila ang packet at mabasa ang Mabuting Balita.
Napansin ko rin na kapag may kasamang maayos at magandang keepsake, mas malaki ang chance na hindi nila ito agad itapon. At minsan, sapat na ang isang maliit na “thank you” para magbukas ang puso ng isang tao.

Hindi natin kontrolado ang magiging resulta.
Pero puwede tayong maging tagapagtanim ng binhi. 🌱

Comment “GOOD NEWS” kung gusto mong i-share ko ang FREE PDF ng Gospel color card insert + Gospel tract para magamit mo rin sa pag-share ng Good News.

26/07/2026

Sometimes we think we're starting over...
But maybe we're simply returning to something we've loved all along.
When I found the little purple keychain from my inaanak's dedication, I thought that was the memory.

Then I found these old photos.
The invitation.
The keepsakes.
The little details I had forgotten.
And suddenly I remembered...
I made all of these back in 2012.
Long before there was a name called HennCrafted, I already loved creating things that helped people remember meaningful moments.

Looking back, I don't see perfect designs.
I see the beginning of something that quietly stayed with me for years.
Maybe that's what passions are.
They wait patiently until we're finally ready to pursue them.

💜 Have you ever looked back and realized you've been carrying your passion much longer than you thought?

25/07/2026

I thought I was organizing my craft supplies.

Instead, I uncovered a memory from 2012.

This tiny keychain was given to me by my inaanak after her dedication day. Looking at it again reminded me that keepsakes aren't valuable because they're expensive—they're valuable because they carry a piece of someone's story.

That's probably why I love making keepsakes so much.

They're little memory holders.

💜 If you had your own "Memory Hall of Fame," what would be the first item you'd put inside?

24/07/2026

When you have too many beads and you don't know where to put them 🤨

Want your restaurant to be the top-listed Restaurant in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Medicion 2E
Imus
4103

Opening Hours

Monday 1pm - 6pm
Tuesday 1pm - 6pm
Wednesday 3pm - 6pm
Thursday 3pm - 6pm
Friday 1pm - 6pm
Saturday 1pm - 6pm